Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10: Confusion 2

Patamad na nilalaro ni Andie ang agahan niyang nakasilbi sa kanyang harapan. Maingay ang mess hall kung saan siya naroon subalit wala roon ang atensiyon niya. Nasa lintek pa rin na pahalik ni Dax.

Buong magdamag, iyon na ang inisip niya. Tapos ngayong kumakain siya, 'yon pa rin?

Napangiwi siya. Naiinis na siyang talaga. Paano, hindi naman talaga matalas ang memorya niya sa ibang bagay kaso tandang-tanda niya ang bawat segundo ng halik na 'yon. How soft Dax's lips were. How her heart went to overdrive the very moment Dax's lips touched hers. And how all her senses were held captive by that very brief moment.

Kumurap siya. 'Yon. Pa'no ba makalimutan 'yon?

It's your dam first kiss. You won't forget it, ever! anang isang parte ng isip niya.

Agad siyang napalabi, kunsumidong humigop ng kape.

Lalo siyang na-stress sa naisip niya. Kung stressed siya ngayon na wala pa si Dax, e 'di lalo na mamaya. Pagkatapos siya nitong halikan, pa'no pa niya ito titignan nang walang malisya?

"Shit!" bulong niya bago muling hinalo ang scrambled eggs na nasa plato.

"Andrea, are you alright, señora?" tanong ni Alessandro sa kanya in a heavy Italian accent. Katapat niya ito sa mesa. Agad nag-zero-in ang mga mata ng kasama niya sa hapag sa kanya.

Napatuwid siya tuloy ng likod. "I'm... I'm okay-ish." Sinubukan niyang ngumiti subalit nauwi iyon sa ngiwi. Mukha kasing hindi kuntento ang mga kasama niya sa mesa sa sagot niya. Lalo na si Kevin na halos salubong na ang mga kilay na nakatingin sa kanya. "Really, I'm fine. I'm just... hungry," aniya bago nagmamadaling tumungo sa plato niya at sumubo ng scrambled egg.

Mukhang naniwala naman ang mga kasama sa paliwanag niya dahil muling tumuloy sa pagchi-chikahan ang mga ito.

Maya-maya pa, narinig niya ulit ang malakas na tawanan ng grupo ni Dmitri. Agad siyang napatingin sa direksiyon ng mga ito. They were just a few tables away. And just like yesterday, Dmitri was talking to his friends while arrogantly looking at her.

Agad na bumangon ang matinding inis sa didib niya. Now that she's thinking about it, the arrogant badmouthed royal-wanna-be must've intentionally depleted the oxygen supply of her scuba to get back at her.

Ngumisi si Dmitri bago inilawit ang dila at nagkunwang sinasakal ang sarili bago tatawa-tawang nakipag-apir sa mga lintek na tropa nito.

Naikuyom na niya ang kanyang mga kamay.

The asshole just won't learn!

Mabilis siyang tumayo. Papasugod na sana siya upang bigyan ng leksiyon ang mayabang na si Dmitri kaya lang agad siyang hinarang ni Kevin.

Kevin towered over her and gave a warning look. Hiwakan siya nito sa braso at marahang umiling.

Mabilis siyang sumulyap sa puwesto ni Dmitri. Tumaas baba ang dibdib niya sa paghahabol ng hininga. She was seething in anger. At ang alam niyang ang makakapagpawala lang ng galit niya ay kung mapapadugo niya ang ilong ng mayabang na si Dmitri kahit isang beses lang.

"Andie," tawag ni Kevin sa kanya. Agad niya itong binalingan. Umiling lang ulit ito.

She let out an exasperated sigh. Quickly dismissing the anger in her head.

"Gusto mong mag-practice shooting? We are free till the assessment this afternoon," kaswal na sabi ni Kevin.

Right, this is not the time to get angry. There are more important things to spend her energy with.

Agad siyang tumango. Pagbalik nila sa mesa, inubos lang niya ang pagkain niya, lumarga na agad sila ni Kevin papunta sa shooting range.

Pagdating doon, marami na silang kasamang nagpa-practice ng shooting. Halos puno ang hilera ng rifle bay. Kaya sa pistol bay sila dumiretso ni Kevin. Nang makuha niya ang baril niya sa locker, agad nitong inilahad ang kamay nito sa kanya.

"Bakit?" natatakang tanong niya habang naglalakad sila patungo sa isa sa mga line.

"Ayusin natin baril mo," kaswal na sagot nito.

Lihim siyang napangiti. Oo nga pala. Noon, tuwing nagpa-practice shooting sila, ito ang taga-ayos ng baril niya. Saka na lang siya humahawak ng baril when it's her turn to shoot. She dreads a gun a before. She's getting used to it now.

"Okay na 'to. Kaya ko, Kev. Tinuruan na 'ko ni Dax," sabi niya bago huminto sa isang bakanteng line. Nilapag niya sa makeshift table na naroon ang gun bag niya at sinimulang i-assemble ang baril niya.

"Kumusta na siya? May balita ka na?" ani Kevin maya-maya habang pinapanood siyang iload ang mga bala sa baril niya.

"Okay naman siya. Buhay at saka nangha--" Agad siyang natigilan, alanganing sumulyap kay Kevin.

Shit! Lintek na bibig. Muntik na.

Mabilis niyang ipinilig ang ulo at tumikhim. "Ang ibig kong sabihin, naghahanap siya ng kasama kagabi. Kaya lang hindi naman ako puwedeng matulog do'n. Uuwi rin daw siya ngayon," aniya, bago ibinaba sa mesa ang assmebled pistol niya.

Inayos niya ang floating target bago pinindot ang machine that deployed the target 25 meters away.

Sabay silang nagsuot ng earmuffs at eye protector ni Kevin. Pumuwesto ito sa likod niya bago niya kinuha ang baril niya.

"O, relax ka lang, ha?" paalala pa sa kanya ni Kevin.

Ngumiti siya. "Balloons and bubbles,"mahinang usal niya.

"Ha?"

"Wala. Just watch me. Tinuruan na 'ko ni Dax," sabi niya, nagmamayabang.

Kevin nodded and gave her a faint smile. Siya naman ay nag-concenrtrate sa pag-asinta sa target. She kept repeating balloons and bubbles in her head until she became fully aware of the steady beats of her heart. Isinabay niya sa pagpitik niyon ang kalabit niya sa gatilyo. Nagpakawala siya ng tatlong magkakasunod na putok.

Agad niyang inilapag ang baril. Si Kevin na ang pumindot sa automatic retrieve button ng floating target. She hit two bullets on the red zone and one on the blue zone.

Ngumiti si Kevin. "Mukhang magaling nga na mentor si Dax," anito, bago pinalitan ang floating target. "Isa pa. Baka naka-tsamba ka lang e," pang-aasar nito.

She made face and rolled her eyes. Kahit kailan talaga itong si Kevin, dakilang pang-asar ng buhay niya. Pero sige, pagbibigyan niya ito. Matapos nitong i-deploy ang floating target, tumitig si Kevin sa kanya. She turned to him after loading her gun.

"Bakit?" tanong niya.

Hindi agad sumagot si Kevin. Nanatili lang nakatitig sa kanya, magaang ngumiti pagkatapos. "Wala. Galingan mo, Andeng," anito bago siya tinapik sa balikat.

Ngumisi siya. "Hayaan mo, pabibilibin na kita," nagyayabang na sagot niya.

Humugong lang ito, nangigiting umiling. Maya-maya pa, hinarap na niya ang target at nagsimulang bumaril.

They stayed at the shooting range until lunchtime.

-----

Alas tres ng hapon

Nakakapaso ang init sa outdoor shooting range na pinagdalhan sa kanila ni Sir Maxwell subalit nanlalamig ang mga palad ni Andie sa nerbiyos.

She was waiting for her turn to enter the shooting range. Nagbuga siya ng hininga at pinalibot ang tingin sa kinaroroonan niya. Masinsinang nag-uusap ang mga kasama niya at ang mga kani-kanilang partners.

E siya?

Ni wala siyang kasamang mapaghingahan ng nerbiyos niya. Wala pa kasi si Dax. Hindi niya alam kung bakit. Basta ang ang sabi ni Sir Maxwell, pinasundo na raw niya ito.

Tumayo na siya mula sa bench na kinauupuan niya at ipinunas ang namamawis na palad sa kanyang pantalon.

Balloons and bubbles. Balloons and bubbles.

Maya-maya pa, bumukas ang pinto papasok sa shooting range. "Next ten," ani Sir Maxwell. Agad na nagsipila ang mga kasama niyang natira sa waiting area. Pumuwesto siya sa hulihan ng pila.

"Glad I made it on time," anang pamilyar na tinig sa kanyang likuran.

Napakurap siya at unti-unting lumingon. Agad niyang nahigit ang kanyang hininga nang makita sa mismong likuran niya si Dax-- nakaeye protector, bitbit sa isang kamay nito ang ear muffs at gun bag nito. Walang ni anumang bakas ng aksidente kahapon. Nang tumitig ito sa kanya, his mouth broke into a smile.

Agad na kumabog ang dibdib niya. Nanginig din ang mga tuhod niya.

"P-pa'no--" Kumurap siya. Lumunok. Bigla kasing lumipad ang isip niya. She may sound stupid but she didn't know how to finish sentences now. It's obvious, ginugulo ni Dax ang lohika niya!

Ngumiti ulit ito. Inayos ang pagkakalagay ng eye protector niya bago magaang pinindot ang dulo ng ilong niya.

"Remember, balloons and--"

"Bubbles," wala sa sarili niyang putol dito, nagmamadali.

Natawa na ito, pinabukol ang dila sa pinsgi. Marahan nitong tinapik ang balikat niya. "You're good to go, partner," sabi pa nito bago inginuso ang nasa likuran niya.

Nakalayo na pala ang sinusundan niya. She quickly stepped forward and entered the shooting range. She took a deep breath and tried to compose herself.

Mamaya na niya iisipin si Dax at kung bakit kagaya kagabi, nanghihina na naman siya dahil sa presensiya nito.

She needs to pass this test. She won't let her focus falter now just because Dax is back and making her deliciously weak.

Pagpasok niya sa mismong shooting range, nakita niya ang mga kasamahan niyang nauna nang natapos sa test na nakaupo sa ilang mga bleachers na naroon. Ivan and Kevin waved at her when they saw her. Both silently cheered for her. Maliit din siyang kumaway sa mga ito.

Agad siyang namili ng line. She chose the line at the end of the bay. Si Dax pumuwesto dalawang line ang layo sa kanya. Mabilis niyang hinanda ang baril niya. Sandali pa siyang natigilan sa ginagawa nang maramdaman niyang may nakatingin sa kanya. Napaangat siya tuloy ng tingin nang 'di oras. That's when she saw Dax looking at her.

He gave her another heart-stopping smile before mouthing goodluck. Kumurap lang siya. Naging aktibo kasi ulit ang paglalaro ng kung anong damdamin sa dibdib niya. Para siyang nalulunod... pero masaya. Hindi pa ito nakuntento, kumindat pa ito bago nito muling niyuko ang baril nito at itinuloy ang paghahanda.

Agad din siyang tumungo at palihim na kinagat ang pang-ibabang labi. Nangingiti kasi siya kahit na sana ayaw niya.

Shit! Ginagayuma ba siya ni Dax? May kasama bang gayuma ang halik nito kagabi at hindi na niya kontrolado ang sarili niya?

Gaga, hindi mo kailangan ng gayuma kasi gusto mo rin siya, pangangaral ng isip niya.

Oo nga pala, lihim niyang sang-ayon sa isip niya. So kung hindi siya ginayuma ni Dax kagabi, talagang siya lang 'yon?

Kumurap siya. Ngumuwi. Pakiramdam niya kasi ang landi-landi niya.

"Cortez, what are you smiling at? And why are you not loading your gun?" narinig niyang sigaw ni Sir Maxwell.

Agad siyang napatuwid ng tayo. Gigil niyang pinulot ang magazine at isinalpak iyon sa baril niya. Naririnig niya ang mga bulong-bulongan ng mga kasama niya. Ang lintik na si Dmitri na naman ang may pinakamalakas na boses.

She felt her cheeks burning. Nahihiya siya na napansin ni Sir Maxwell ang pagkatulala niya dahil sa pakindat ni Dax.

Shit!

Hindi na talaga muna siya titingin kay Dax. Hindi niya kasi maiwasang matulala at maging masaya nang hindi sinasadya kapag nakatingin siya rito.

"My gun is ready, Sir," deklara niya, nakatungo, namumula pa rin ang pisngi. Mula talaga ngayon, hindi na siya titingin kay Dax. Delikado.

"Good," si Sir Maxwell, seryoso.

Maya-maya pa, nagbigay na si Sir Maxwell ng instructions. Few minutes more, she picked up her gun and aimed at the target. Reminding herself of the sole purpose why she's there-- to become a full-pledged protector.

-----

Dinama ni Andie ang maligamgam na tubig na nagmumula sa shower head. Gaya ng nagdaang mga training, pagod din siya ng araw na iyon. Subalit imbes na pisikal, mas dama niya ang pagod ng isip niya ngayon.

Who would ever thought that she, a woman who had always been scared of guns, would pass her shooting test today? And not just any shooting test, the Aspriring Protector's Shooting Test!

Napangiti siya. Though it took her an ocean of will and courage to overcome her fear, masaya siya na kahit paano ngayon, kaya na niya asintahin ang target nang hindi nanginginig ang mga kamay niya. Ilang practice pa siguro, puwede na rin siyang maging crackshot na gaya ni Ivan.

Maingat niyang pinatay ang shower at nag-umpisang patuyuin ang sarili niya gamit ang tuwalya. Nang makabihis siya ng pantulog, muling bumangon ang kaba sa dibdib niya. Naisip niya kasi ulit si Dax.

Kanina,pagkatapos ng shooting test, pasimple nitong hinawakan ang kamay niya at muling pinisil iyon. Mabilis din nitong binitiwan iyon para hindi makita ng mga kasama nila.

It reminded her of the way he held her hand in the hospital and the kiss that made her sleepless last night. At kahit na gusto niyang balewalain, hindi niya magawa. Kusang nagsisiksikan sa isip niya ang kung anu-anong interpretasyon tungkol sa mga kinikilos nito tuwing magkasama sila. Dax was acting like he likes her, really likes her. That what they feel is mutual.

At naguguluhan siya. Naguguluhan siya kasi, noon ang gusto lang naman talaga niya maging Protector kaya nga siya nandoon. Pero bakit ngayon, kusang sumasama sa mga gusto niya sa buhay si Dax?

Hindi niya tuloy maintindihan, did he just really grew on her or she's already falling for him?

Natigilan siya. Napatulala sa salamin.

What did she say? She's falling for Dax?

Noong isang araw crush lang niya ito a. Bakit ngayon iba na ang ihip ng hangin?

There's a very thin line between love and hate. And you were falling for him in the little ways you didn't notice, bulong ng isang parte ng isip niya.

Agad na kumabog ang dibdib niya. Umiingay sa tenga niya ang paulit-ulit na sinasabi ni Chief sa kanya habang lumalaki siya.

"Don't fall in love so easily, Andrea. You are meant to do great things. And love would just ruin it all."

Napasinghap na siya. Wala sa sariling napahawak sa dibdib niya.

Bigla siyang nataranta.

She's forgetting her place, her purpose just because of some silly feeling.

Hindi. Hindi puwede 'yon.

Baka nagkakamali lang siya ng interpretasyon. She's not good with feelings. Heck! She's never had a boyfriend before! Tapos ganito, feeling niya nahuhulog na siya kay Dax.

She shook her head. Mali siya. Nagkakamali siya.

Mabilis siyang lumabas ng banyo. Nagpasalamat siya na wala pa si Dax. Marahil naliligo pa ito sa common bath.

Nagmamadali niyang inilapag sa kama ang tuwalya at maruming uniporme niya bago hinila ang kama niya palayo sa kama ni Dax.

Hindi siya puwedeng ma-in love kay Dax. Bawal 'yon. Ayaw niya.

She knew the rule too well. Protectors cannot have relationships not until they have served the ultimate client.

At kung ang paglapit-lapit ni Dax sa kanya ang magiging dahilan para tuluyan siyang mahulog dito at magulo nang tuluyan ang peace of mind niya, gagawan niya ng paraan.

She was still moving her bed towards her locker when Dax came back. Muli siyang napatanga rito. Sandali muna itong tumitig sa kanya bago nangunot-noo.

"What are you doing?" anito, bago tuluyang sinara ang pinto.

Kumurap siya, tumikhim bago mabilis na tumayo. Namaywang siya. "G-gusto ko ng space," deklara niya, determinado.

"Ha?"

"Space, a-away from you," sabi niya, alanganin na.

Tumitig ulit si Dax sa kanya, nanantiya. Siya naman, unti-unting nailang. Nanghina.

"Why do you need space away from me?" tanong ni Dax maya-maya.

Lumunok siya. Masyadong maraming sagot sa tanong nito. At dahil masyadong maraming sagot, hindi niya alam kung ano ang uunahing isagot. Nang humakbang ito palapit, lalo siyang nataranta. Mabilis niyang kinuha ang combat boots niya at hinagis iyon dito.

Mabilis ang reflex ng lintek. Nakaiwas ito.

Shit!

Tinangka niya ulit ibato rito ang kaparis ng combat boots niya. Kaya lang, mabilis itong nakalapit sa kanya at mabilis siyang isinandal sa locker niya. Agad niyang nabitiwan ang hawak niya.

Nag-umpisa ulit ang pagkabog ng dibdib niya. Dax was too close again. She's becoming aware of every inch of him. Lalo na nang mag-angat siya ng tingin at sinalubong niya ang mga mata nito. She's slowly losing her strength again, her will.

"You're trembling, Andrea. What are you afraid of?" he said just above whisper. His mouth stretching into an almost grin.

The way he spoke her name reverberated in her ears, sending a delicious tingle down her spine rendering her speechless.

"I... I just... want space," she finally said after a few moments.

Dax chuckled. His hot minty breath fanned her face. Making her weaker. "Why do you want space away from me?"

Kumurap siya, hinanap ang nalulunod na tinig sa mga emosyon. "B-because..." She held her breath when Dax lowered his head.

"Because?"

Nataranta na siya. "P-please don't kiss me," she pleaded.

He grinned again. "I won't if you don't want to. But I cannot promise you the same in the future, Andrea."

Napakapit na siya sa balikat ni Dax. Pakiramdam niya kasi kapag hindi niya ginawa 'yon tuluyan na siyang dadausdos sa sahig. Dax then held her by the waist.

"K-kung ano man 'to, ayoko, Dax. You... me... w-we can't be," paliwanag niya sa nahihirapang tinig.

Dax held her tighter, closed his eyes and rested his forehead on hers. He stayed like that, silent. Nanatili lang sila sa ganoong ayos hanggang sa masuyo nitong kinintalan ng halik ang kanyang noo.

He slowly opened his eyes. "Goodnight, Andie," he whispered before walking out of the room.

Tuluyan na siyang napaupo sa sahig. Kinailangan niya ng ilang minuto upang makabawi sa tagpong iyon. Tinuloy niya ang paglalagay ng mas malaking espasyo sa pagitan ng mga kama nila ni Dax.

She anxiously laid down to her bed after and waited for Dax's return. Nag-lights off na subalit hindi pa bumabalik si Dax.

She forced herself to sleep again. Wishing that when she wakes up, the silly feeling she has for Dax would be gone. ###

2954words/5:19pm/08192021





































Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro