Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1: First Encounter

Sunod-sunod ang ginawang paghugot at pagbuga ng hininga ni Dax. Pilit niyang pinapalis ang natitira pang gahinliliit na kaba sa kanyang dibdib habang umaangat ang sinasakyan nilang eroplano sa ere. Maingay sa tenga niya ang tunog ng makina ng sasakyang panghimpapawid, subalit mas lalo siyang nabibingi dahil sa walang humpay na pagre-replay ng babala ng kanyang ama na si Dr. Andrew Lavigne bago siya lumabas sa bahay nila kahapon upang tumulak sa new recruits training ng The Organization, ang grupo ng mga elite protectors na nakatakdang maging security detail ng iba't-ibang mayayaman at mahahalang tao sa buong mundo.

He is a third generation protector from the Lavignes. Ang Lolo niya ang nauna, sumunod ang kanyang ama, na matapos ang limang taong pagseserbisyo sa ultimate client nito ay agad na ipinagpatuloy ang pag-aaral ng medisina. His father is now a well-known family doctor in San Gabriel. But his heart had always been with The Organization. Importante sa kanyang ama ang susunod sa yapak nito. His father was actually rooting for his elder brother Matthew to be the next protector Lavigne. But Matthew had always loathed the idea. His father can't talk his brother to it. Matthew had always wanted to become a doctor. No more, no less.

So without a choice, Andrew Lavigne turned to him, the younger son, always the disappointment and always the second best.

He was always the struggling sibling, always the one left behind, always the trouble maker, always the carefree with no direction.

So at a young age, he made a decision that will change his life forever. He wanted to become a protector, like his father. He wanted to be that third generation Protector Lavigne. He wanted to continue the legacy of their family in The Organization.

Because maybe, just maybe, when he does that, his father will finally be proud of him.

"You carry our name well. This is a once in a lifetime opportunity. You mess this one, you mess everything. Do you understand?" sabi ng Daddy niya bago siya umalis ng bahay nila kahapon

"Yes, Dad,"mabilis niyang sagot.

"Be a protector or never come back," habol na babala Daddy niya bago siya tuluyang lumulan sa sasakyan na maghahatid sa kanya sa airport.

He had carried that warning in his head from the moment he left San Gabriel until now. Matapos ang halos kalahating araw na paglalakbay nila sa himpapawid, muli siyang bumaba sa isang maliit na private hangar somewhere in Maryland, USA . From there,  pinasuot sila ng jumping gears na may tatak ng logo ng The Organization, bago sila muling sumakay ng Shorts SC-7 – Skyvan, isang uri ng eroplano na madalas gamitin ng mga parachuters. Doon pa lang ay alam na niyang isang parachuting exercise ang unang gagawin nila na sa tanang buhay niya ay hindi pa niya nagagawa kahit minsan.

Muli siyang bumuntong hininga at mabilis na inilabas ang nakatagong picture ng kanyang namayapang ina na si Melissa de Torres. His mother is a native of San Gabriel, a progressive town in Central Luzon. Limang taon na ang nakararaan nang mamayapa ito dahil sa isang malagim na aksidente na ikinamatay ng driver nila at dalawa pang katulong.

His mother was his strength. She had always believed in his uniqueness. Hindi man siya kasing talino ng kuya niya, but his mother had always been proud of him-- like all mothers are to their children.

But when his mother died, he was left with his father, the perfectionist Dr. Andrew Lavigne.

Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kapirasong larawan na iyon ng kanyang ina at mabilis na humiling na sana, kung nasaan man ang Mommy niya, tulungan siya nito sa mga pagsubok na kakaharapin niya sa pagpasok niya sa The Organization.

He quickly slip the old picture on the pocket near his chest and tried to compose himself. This isn't the right time for him to get emotional. He needs to concentrate.

"Eyes on me Aspiring Protectors (APs)," anang lalaking nasa harapan nila. Nagpakilala ito kanina na si Sir Maxwell. Gaya nila ay nakasuot din ito ng itim na jumpsuit na may simbolo ng The Organization sa bandang dibdib. Muli itong nagsalita sa comms. "This is a HALO (High Altitude Low Opening) exercise. The drop off point is 15,000 feet above the landing target. Deploy your chutes between 2,000-6,000 feet. Anything above that will be detected by the radar. Remember, we are aiming for invisibility. This is your first mission. And whoever fails, will never enter The Organization's training grounds. Clear?"

"Yes, Sir!" sabay-sabay nilang sagot lahat na APs.

Napalunok siya at napamura ng lihim. Umalon ang kaba mula sa sikmura patungo sa dibdib niya.

Dammit! He needs to pass this first mission come hell or high-water. Hindi siya puwedeng umuwi sa San Gabriel nang hindi pa siya protector. Hell! Hindi na nga siya 'ata puwedeng umuwi sa kanila kapag hindi siya naging protector. Kaya kailangan maipasa niya ang unang misyon na ito sa kahit na anumang paraan.

Dahan-dahang bumukas ang para-door ng eroplano. Nagsimula nang luminya ang mga kasama niyang APs— lahat puno ng kumpiyansa puwera sa kanya.

Muling tinambol ng kaba ang dibdib.

This should be easy, peasy, he convinced himself. If he had survived his agility training with the SAF in Mindanao while only on sweet potato and water diet, then this mission should be easy peasr. Kung sabagay, he had tried bungee jumping many times noong teenagers pa lamang sila ni Carlo, ang matalik niyang kaibigan at nauna nang pumasok sa kanya sa The Organization dalawang taon na ang nakararaan.

Right, bungee jumping. Gano'n na rin siguro iyon wala nga lang siyang elastic harness at hindi niya mapipili ang babagsakan niya in case his chute malfunctions.

Shit! Muli siyang lumunok at alanganing pumuwesto sa hulihan ng pila. Sinipat niya ang mga kasama niya. All were seemed ready to take the plunge of death just to gain their ticket to The Organization.

Maya-maya pa, sunod-sunod nang tumalon palabas ng eroplano ang mga kasama niya. At kahit pigilin niya, patindi na rin nang patindi ang pagtambol ng kaba sa dibdib niya. Hanggang sa sila na lang dalawa ng nasa unahan niya ang natira. Bago tumalon ang nasa unahan niya, nilingon pa siya nito at tinitigan.

Kakulay ng kape ang mapupungay na mata nito, matalim din kung tumitig. Naglapat ang mga labi ng kasamahan niya bago siya tinanguan. Maya-maya pa, tumalon na ito. Pinanood pa niya ang sandaling pagbulusok nito pababa bago siya humakbang sa edge ng paradoor at hinintay ang go signal ni Sir Maxwell.

He filled his lungs with air once again and shook his hands. Trying to gain the adrenaline he'll be needing for the plunge.

He turned to Sir Maxwell and heard him count to three before he jumped out of the plane.

Agad niyang naramdaman ang pagtama ng malakas na puwersa ng hangin sa kanyang katawan na dumuyan sa kanya na parang dahon sa alapaap. The experience was exhilarating! He couldn't compare it to anything.

Kung kanina, kinakabahan siya, ngayon hindi na. Hindi niya tuloy napigilan ang mapasigaw at sadyang idipa ang kanyang mga kamay na parang ibong lumilipad. He had a couple of thousand feet of free fall so he might as well enjoy it.

He had the sudden feeling of liberty. A feeling he had never felt for a long time. A feeling he had suppressed for the sake of appeasing his father who believes he just but trouble spelled in all caps.

Well, he is just but a thousand of feet away from making his father proud, so he better make everything right.

His monitor read the 2000 feet mark. He readied himself and reached for the ripcord of his chute and pulled it with all his might. He expected that he will slow down, but he continued to fall. He reached out for his secondary chute, but just like the first one, it won't deploy.

"Sir, both of my main and reserve won't work," he reported on the comms.

"Not my fault that you picked the defective chute bag," kaswal na sagot ni Maxwell.

Nag-init bigla ang tenga niya. Pakiramdam niya nabingi siya sa sinabi ni Sir Maxwell. Gusto niyang magmura pero nagpigil siya. Maririnig kasi iyon ng lahat ng mga kasama niyang APs. Ayaw niyang malaman ng mga ito na nagpa-panic siya.

Mabilis siyang nag-isip. Lumipad ang tingin niya sa kasama na ilang daang metro lamang ang layo sa ibaba niya. Tinuwid niya ang sarili at inilagay ang mga kamay sa magkabilang gilid upang bumilis ang pagbulusok niya pababa at marating ang pinakamalapit niyang kasamahan.

"Help! Chute malfunction!" Deklara niya sa comms na nagpalingon sa pinupuntirya niyang kasama.

The AP extended his hand, pulled him closer, before deploying his chute. He clung both of his leg around the waist of his fellow AP but the man grunted. Napatingin siya rito. It was the same coffee brown eyes he saw before the jump.

Shit! How awkward this is!

His thoughts were robbed from his ego-seeking brain when gravity and air pressure started to work on him. The downward pull was so great that he can't decide where or how to steady himself and get a grip on the man who had just saved him.

In his desperation, his hands clutched the man's chest area which inexplicably have... a mound?

Agad siyang nagtaka. Sa kalituhan niya, walang habas niya iyong pinisil-pisil.

"Fuck!" asik ng tagapagligtas niya. His coffee colored eyes were throwing daggers at him. "Remove your hand or I'll make sure of your death!" he said... or was that a she?

Lalo siyang naguluhan.

Dammit! He can't think straight!

His fellow AP wriggled, trying to shake off his hand from the anatomically weird chest area. But as the AP moved, coupled with air pressure and gravity, unti-unting humuhulas ang mga kamay niya sa pagkakakapit sa kasamahan niya. Panic filled his chest as he frantically tried to hold on to his fellow AP's wriggling body.

At dahil sa bilis ng mga pangyayari, nagtuloy-tuloy ang pagdulas niya pababa hanggang sa tumapat na ang kanyang mukha sa mismong binti ng kasamahan. Alam niya, kaunting baba pa, tuluyan na siya talagang malalaglag. Without second thought, he held on to dear life on his fellow AP's thighs. Kahit na panay ang pagpiglas nito, lalo niyang hinigpitan ang pagkapit sa hita nito.

Dahil bukod sa hindi mamatay, isa lang ang misyon niya sa araw na iyon-- ang makapasok sa The Organization nang buhay.

Ilang sandali pa, tumigil din sa pagpiglas ang kasamahan niya. Noon siya sumilip sa ibaba. Malapit na ang landing target nila. Ilang segundo na lang nasa lupa na sila. Lalo niyang pinagbutihan ang pagkapit sa binti ng kasama.

Konting tiis na lang. Konting-konti na lang, aniya sa sarili.

Nang muli siyang sumilip sa ibaba, sobrang lapit na ng lupa. Hindi naglipat sandali, tuluyan nang sumayad sa lupa ang kanyang mga paa. Agad naman siyang bumitiw sa kasama na napahiga pa sa damuhan habang siya naman ay napaluhod sa 'di-kalayuan dito.

Sunod-sunod ang ginawa niyang paghugot ng hininga. Sinong mag-aakalang muntikan na siyang mamatay sa unang misyon niya bilang AP sa The Organization?

Pero, mukhang totoo nga ang sabi ng tatay niya, ang masamang damo mahirap mama-

Tadyak mula sa tagiliran at binti ang nagpahinto sa kanyang pag-iisip. Agad siyang nag-angat ng tingin. Lalong nagsalubong ang mata niya nang makitang ang kasama niyang AP na tumulong sa kanya ang nananakit sa kanya!

Muli siya nitong tinadyakan sa binti. "Hey! Stop it man!" reklamo niya bago mabilis na tumayo at lumayo rito.

Tinanggal niya ang helmet at mabilis na hinawakan ang nasaktang tagiliran. Noon niya ipinagala ang mga mata sa malawak na solar na kinalalagyan niya. Nakita niya ang ilang mga kapawa niya AP na ligtas na nakababa sa lupa. Maya-maya pa, may biglang humagip sa kamay niya, twisting it to his back. Nang tignan niya, ang kasama na naman niyang nagligtas sa kanya.

"What the fuck man!" reklamo niya.

"Tang*na mong gago ka! Manyakis ka!" hiyaw ng boses babae sa likuran niya.

Lalo na namang nagsabaw ang utak niya. Kanina parang may bundok ang dibdib nito, ngayon naman talagang boses babae? Ano ito transgender? Sa pagkakaalam niya hindi tumatanggap ng mga babaeng APs ang The Organization. O hindi nga ba? Hindi niya alam. Hindi niya natanong sa tatay niya e.

"I'll chop off your dick, you asshole! Dapat sa mga tulad mong manyak, sinisilaban ng buhay!" gigil na sigaw nito bago muling hinigpitan ang pagkakapilipit ng kamay niya. 

Pilipino. Pilipino ang kasamahan niya.

Sumulak na rin ang inis niya. "Tang'na naman pare o! Kung sino ka man, puwedeng tama na.!. P-pasensya na kung ano man ang nagawa ko,"

"Gago ka! Pilipino ka pa palang hayop ka! Pasensiya? Sa bakery lang may tinda no'n at lalong wala akong balak magbenta! Pumisil-pisil ka pang hayop ka! Hindi karne sa palengke ang mga bundok ko!" muling sigaw nito sa mismong tainga niya. Agad siyang napangiwi nang makarinig ng matinis na tunog sa tainga niya.

Shit! Mukhang hindi lang siya balak balian ng kamay ng kasamahan niya, balak din 'ata siya nitong gawing bingi.

Sunod-sunod ang ginawa niyang pagmumura sa lahat na ata ng lenggwaheng alam niya at nakaagaw iyon ng pansin sa mga kasama nilang APs.

"Andie anong problema?" tanong ng lalaking may purong Pinoy na features na lumapit sa kanila.

"Bro, patulong naman," pakisuap niya sa bagong dating, nakangiwi.

"Manyakis to Kev, hinawakan niya 'yong a-ano ko," anang pumipilipit sa kamay niya.

"Baka hindi naman sinadya. May malfunction daw kanina sa isa sa mga chutes e. Narinig ko kanina, pagbaba na pagbaba namin. Siya ba 'yon?"

"Oo, itong mismong gagong 'to! Siya na nga tinulungan, nangmamanyak pa!" sagot ulit ng may hawak sa kamay niya.

"Just let him go, Ands. Baka makarating pa to kay Chief. Sige na," pakiusap ng lalaki sa tinawang nitong Ands.

Isang marahas muna na buntong hininga ang narinig niya kay Ands bago siya nito binitiwan patulak.

Mabilis siyang humarap dito habang hawak-hawak ang nasaktan niyang kamay. Hawak na sa braso ni Kev si Ands. Halatang gusto nang ilayo ng una sa kanya ang huli.

Pinag-aralan niya ng husto ang itsura ni Ands kung babae o transgender ba ito. Kaso hindi niya rin talaga makilatis nang husto dahil naka-full paragear pa rin ito at may helmet pa. Pero base sa pinakitang lakas nito, malamang transgender nga ito.

Babae man sa iyong paningin, pagdating sa loob, may lawit pa rin, he recalled a comedian once said. Lihim siyang napailing.

"Sorry, hindi na mauulit," mabilis niyang sabi bago hinilot ang kamay niya. 

Irap lang ang sagot ni Ands sa kanya bago humalukipkip. Binalingan naman niya si Kevin na sa tantiya niya, ay hindi nalalayo ang taas sa height niyang 6 flat.

"Salamat din bro sa pagtulong mo. Hindi ko alam na may mga makakasama pala akong Pilipino sa training" sabi niya kay Kevin. Tumango lang ito. "I'm Damien Xander Lavigne, just call me Dax,"pakilala niya at inilahad pa ang kamay sa kaharap. Si Kevin lang ang nakipagkamay sa kanya. Si Ands, sadyang iniiwas ang  tingin. 

"I'm Kevin Sarmiento and this is Andie Cortez," ganting pakilala naman ni Kevin.

"Nice to meet you, kabayans," nakangiting sabi niya kay Kevin bago bumaling kay Andie. "You've got strong hands, dude," umpisa niya. Tumingin lang si Andie sa kanya, matalim. "Pero kung ang aim mo talaga mas lalo kang magmukhang babae, padagdagan mo 'yang mga bundok para halatang nandiyan sila. Magiging edge mo 'yan sa ibang transgenders," walang malisyang suhestiyon niya.

Call him crazy but he really saw Andie's eyes tuned into a blazing orb of fire the moment he finished talking. Mabilis nitong kinalas ang head gear nito at gigil iyong tinapon sa lupa. Pumaling-paling pa ito kaya agad na lumaylay ang mahaba, itim at tuwid na tuwid na buhok sa likuran nito.

Shit! Babae. Babae nga ang nagligtas sa kanya.

Napangiwi na siya. Tiyak niya, pagtatawanan siya ng Kuya Matt niya kapag nalaman nito kung paano niya ginugol ang unang araw niya sa The Org.

Inilang hakbang lang siya ni Andie. Agad siya nitong piningot bago sininghalan ng, "Babae ako! Gago!" Hindi pa ito nakuntento, sinikmuraan siya nito at muling tinadyakan.

Agad siyang napaluhod habang pinangangapusan ng hininga. Pag-angat niya ng tingin, likod na lang ng mga kasama ang nakita niya.###

2643words/8:19pm/07272021

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro