Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

"Pizza, pasta, chicken . . . Ano pa? May iba ka pa bang gustong kainin?" tanong ni Dwight habang tinitingnan 'yong menu na hawak niya. Sinabi ko naman sa kanya na pwede namang sa bahay na lang kami kumain pero hindi siya pumayag. Kumakalam na raw 'yong sikmura ko kaya hindi na raw pwedeng patagalin pa.

"Uhh, pwede bang magdagdag pa ako ng mojos?"

"G, kasama na 'yon sa chicken, 'di ba?"

"I meant more mojos. Kulang sa akin yung mojos na kasama sa chicken."

Hindi na napigilan pa ng waitress yung pagtawa niya dahil sa sinabi ko. To be honest, kanina pa rin talaga ang nagtitimpi sa kanya dahil sa pagpapa-cute niya kay Dwight. She would often look at his way tapos kukurap kurap siya rito. The nerve of her to do that! Akala niya ba ikinaganda niya 'yon? Para kaya siyang hinipan siya ng masamang hangin! And she even had the nerve to tuck her hair behind ear with matching pa-sway sway pa na para bang nagpapa-tweetums siya sa harap ni Dwight na ewan. E mukha lang naman siyang uod na binudburan ng asin! Finally having enough of this charade, napagdesisyunan ko nang tarayan siya.

"Excuse me pero may nakatatawa ba, ha?"

Tumigil na sa wakas yung waitress sa pagtawa niya at nag-aalangan siyang tumingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at dahil naghahalo pa rin ang inis at gutom ko, ipinagpatuloy ko ang pagtataray sa kanya.

"Bakit ba kung umasta ka, akala mo kasali ka sa usapan namin, ha? Close ba tayo?"

"G . . ." Dwight tried to stop me but of course, I didn't listen to him.

"No, Dwight. I've had enough from her already. Kanina pa siya, e!" sabi ko kay Dwight tapos hinarap ko na yung waitress.

"At ikaw, kanina ka pa pa-cute nang pa-cute sa harapan ng asawa ko. In case you missed it, one, cute is next to ugly. And two, hindi ka naman cute kaya matuto kang lumugar." Isinara ko nang malakas 'yong hawak kong menu at ibinalibag ko 'yon sa lamesa. After which, dinampot ko na 'yong bag ko at tumayo na ako sa kinauupan ko.

"G, saan ka pupunta?"

"Aalis na. Nawalan na ako ng ganang kumain," sagot ko at nagsimula na akong maglakad papuntang exit ng restaurant. Narinig kong humingi ng tawad si Dwight sa pangit na waitress na 'yon kaya mas lalo lang akong nainis. Binilisan ko na lang ang paglalakad kahit na sumasakit na ang mga paa ko.

Hindi pa man ako nakalalayo sa pinanggalingan kong restaurant nang marinig kong kumalam na naman ang sikmura ko. Para lang makapagtago ako kay Dwight, pumasok na ako sa pinakamalapit na kainang nakita ko. Pinili kong umupo sa pinakamalayo sa entrance at sa mga bintana para hindi niya ako makita agad.

I hate him! Bakit ba kailangan niya pang mag-sorry doon sa babaeng 'yon, ha? Sila nga dapat 'tong humingi ng sorry sa akin, e! Pwes, ngayon, magdusa siya sa paghahanap sa akin.

Busy na ako sa pagkain ng chicken cordon bleu na may steamed vegetables at sinamahan ko pa ng green mango shake nang maramdaman kong nagba-vibrate 'yong phone ko. Dahil alam kong si Dwight lang naman 'yong tumatawag, hindi na ako nag-abala pang sagutin 'yon. Ipinagpatuloy ko lang ang pagkain ko. No'ng hindi pa rin tumitigil ang pag-vibrate ng phone ko, saka ko tiningnan 'yong phone ko. Apparently, si Mommy na pala 'yong tumatawag.

"Hello, Mommy?"

"G, nasaan ka ba? Tinawagan ako ni Dwight. Sobrang nag-aalala na sa 'yo ang asawa mo!"

"Ayaw ko po muna siyang makausap. Naiinis pa rin po ako sa kanya," sagot ko at sumubo ulit ako ng isa pang slice ng cordon bleu.

"I heard what happened. I'm not going to defend Dwight but I won't be agreeing to what you did as well. Georgina, I know you're very emotional right now because of your pregnancy but the two of you should talk this out. Ayaw kong umabot kayo sa point na wala na kayong ibang pagpipilian kung hindi maghiwalay. Huwag n'yo akong tularan. Let your child grow up in a complete and happy family."

Hindi ko na napansing umiiyak na pala ako. Nang mabilaukan ako sa isinubo kong broccoli, doon ako bumalik sa katinuan.

"Georgina, are you okay?"

Agad kong tinungga 'yong tubig na nasa harapan ko. Nang mahimasmasan ako, kinuasap ko na ulit si Mommy.

"Uhh, yes po. Nabilaukan lang po ako sa broccoli."

"Be more careful, Georgina. Anyway, I'll keep this short. Tapusin mo na 'yang kinakain mo pero please, tawagan mo si Dwight. He loves you more than anything in the world. Please remember that." Mommy then ended the call.

After that, everything made sense. Pakiramdam ko, para akong binuhan ng malamig na tubig para makapag-isip ako nang maayos. Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa pagitan namin ni Dwight, ngayon ko pa talaga naisipang mag-walk out sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba ngayon pa ako nag-selos at nagduda sa kanya?

Dahil sa realization na 'to, naiyak na naman ako. Nang akala kong hindi ko na mapipigilan pa at hahagulgol na ako, naramdaman kong niyakap ako ni Dwight. Hindi ko na kailangan pang i-check kung siya nga ba 'yon. Maliban kasi sa pamilyar niyang amoy, kabisadong-kabisado ko na ang presensya niya. It was strong but endearing at the same time.

"I'm sorry," bulong ni Dwight and I felt myself choking up because of that.

Ako na nga 'tong naging immature kanina tapos siya pa 'yong unang nag-sorry.

"Sshh. I'm here. Stop crying, okay?" sabi niya habang tinatapik ang likod ko.

Gusto ko nang tumigil sa pag-iyak dahil parang gumagawa na kami ng eksena rito pero ewan ko ba. Hindi ko talaga mapigilan ang pag-iyak ko.

"G, bakit ba iyak ka nang iyak? Makasasama na 'yan para sa baby natin."

"Kasalanan mo 'to, e!" sagot ko habang hinahampas siya sa dibdib niya.

Humiwalay siya sa pagkakayakap niya sa akin at umupo na siya nang maayos sa tabi ko. Hinawakan din niya ang kamay ko at tiningnan ako sa mata.

"Ako? Paano ko naging kasalanan? Dahil ba sa nangyari kanina?" tanong niya. H

indi ako sigurado kung masyado lang ba akong emotional pero hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko sa pagdaldal. Parang isa akong sasakyan na nawalan ng preno kaya kung ano-ano na lang ang pinagsasasabi ko.

"Oo! Bakit ba kasi kailangan mong maging ganyan?"

Tumaas ang kaliwang kilay ni Dwight dahil doon.

"Masyado kang gwapo. Masyado kong mabait. Tapos matalino at mayaman ka pa. Bakit ba masyado kang perfect? Ang hirap-hirap tumabi sa 'yo! Feeling ko tuloy, threat lahat ng babaeng nasa paligid natin," dere-deretsong sabi ko.

Nang biglang mag-sink in ang mga sinabi ko, para bang gusto ko nang tumakbo palabas ng restaurant. Gusto ko nang sampalin ang sarili ko dahil sa sobrang daldal ko.

Shit, shit, shit! Sa lahat ng panahon na pwede akong maging madaldal, bakit ngayon pa? Damn it. Lalo lang akong lolokohin ni Dwight nito! Lolobo na naman 'yong ego ng mokong na 'to. Ugh. Ang tanga-tanga ko!

Nang lumingon ako kay Dwight, sobrang laki ng ngiti niya, as expected. Sobrang kapal talaga ng mukha nito at parang aabot pa sa outer space ang level ng self-confidence niya.

"Tigilan mo nga 'yan," naiinis kong sabi ko.

"Alin?"

"Ayan! 'Yang mukha mo! I hate it!" I covered my face with my hands. Hiyang-hiya na talaga ako at naiinis na rin ako sa sarili ko. On top of that, kailangan ko ring pigilang ang sarili ko dahil nahahawa na ako sa ngiti niya. Damn it. Hindi ako pwedeng magpaapekto ngayon.

"Okay naman ang mukha ko, ah? I mean, 'di ba nga sabi mo kanina, ang gwa—"

Hindi ko na pinatapos pa si Dwight sa sinasabi niya. Tinakpan ko na ang bibig niya gamit ang kamay ko at nang sinusubukan niyang tanggalin iyon, hinalikan ko na lang siya para matahimik siya.

Just like what I expected, natameme si Dwight. I took that as my cue to pack my things, grab my bag, and hold his hand so that we could finally leave. Tahimik lang siyang sumunod sa akin. Pagdating namin sa parking lot, niyakap ulit ako ni Dwight.

"I'm really sorry, G. If na-disappoint man kita in any way, sorry," bulong niya. Humarap naman ako sa kanya at saka ako naglakas loob na sabihin sa kanya 'yong gusto kong sabihin at itanong.

"Sorry rin. Sorry kasi ang war freak ko. Sorry kasi ang insensitive ko. Mommy called me earlier no'ng mag-isa lang ako. Also, Dwight, can I ask you a question?" tanong ko sa kanya nang makapasok na kami sa sasakyan. Humarap siya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko.

"Ano 'yon?"

"How's your mom for a mom?"

Dwight looked at me with a puzzled face.

Imbis na ipaliwanag pa ang gusto kong iparating, sinabi ko na lang na, "You know what I mean."

"Bakit bigla mong tinatanong 'yan?"

"Wala lang. Curious lang ako," agad kong sagot sa kanya pero knowing Dwight, alam kong hindi naman niya paniniwalaan agad 'yong sinabi ko.

"G . . ." panimula niya and I instantly raised my hands in surrender. Alam na alam niya talaga kapag nagsasabi ako ng totoo at kapag nagsisinungaling ako.

"Okay, fine. Nitong mga nakaraang linggo kasi, hindi ko mapigilang maisip kung paano ka niya pinalaki. I mean, obvious na obvious namang mahal ka niya. Ramdam na ramdam ko 'yon lalo na no'ng magkasundo na kami. Ewan ko ba. Feeling ko kasi, parang 'yong pagiging mataray at bitchesa ni Mommy sa ibang mga tao ay parang façade of some sort."

Hindi agad sumagot si Dwight sa tanong ko. Instead, he chose to drive silently until we reached the playground where we first met. Katulad ng dati, umupo kaming dalawa sa swing at nanatali kaming tahimik saglit.

"Gusto mo ba talagang malaman 'to, G?" tanong sa akin ni Dwight at tumango na lang ako bilang sagot. Tiningnan niya ako nang maigi ng ilang segundo at huminga siya nang malalim pagkatapos. May pakiramdam akong mahirap din para sa kanya ang magkwento pero gusto ko lang talagang maintindihan ang side ni Mommy.

"Katulad ng napansin mo, matagal nang wala si Daddy sa amin. Palagi na siyang wala sa picture. Hindi kasi nag-work 'yong relationship nina Mommy at Daddy. Supposedly, may ipinagkasundo 'yong parents ni Mommy sa kanya kaso na-meet niya si Daddy. Minahal niya nang todo to the point na hindi niya sinunod 'yong pakikipagkasundo sa kanya ng parents niya sa anak ng business partner nila. Cliché, I know, but that's just how it is."

Tumigil saglit sa pagsasalita si Dwight bago siya nagpatuloy sa pagkukwento.

"After that, nagpakasal si Mommy kay Daddy. Nagalit 'yong parents ni Mommy pero wala na rin naman silang nagawa. Buntis na si Mommy sa akin noon kaya napilitan na lang silang tanggapin 'yong marriage nina Mommy at Daddy. No'ng una, masaya na ang lahat. Nagkasundo-sundo rin 'yong buong pamilya. But just like any other story, the perfect family crumbled down."

"Dwight, I didn't know. Ayos lang naman kung ayaw mo nang ituloy. I'm sorry for asking such a stupid question," sabi ko sa kanya.

Pero imbis na tumigil siya, hinawakan lang niya nang mas mahigpit ang kamay ko at itinuloy na niya ang sinasabi niya.

"Kaso no'ng tumagal, may changes na naganap. Nagbago 'yong ugali ni Daddy. Kung dati rati, sweet siya kay Mommy, bigla na siyang naging cold. Parang umuuwi na lang siya sa bahay for the sake of going home. Ni hindi na siya ngumingiti o nakikipag-usap kay Mommy. Kahit ako, natiis niya. In the end, nakipaghiwalay din si Daddy kay Mommy. Kaya ayon. Natuto si Mommy na maging matapang to the point na nagbago pati ugali niya.

"Kung tutuusin, hindi ko naman siya masisisi kung bakit siya nagkaganyan, e. Sinuway niya magulang niya kasi akala niya worth it. 'Yon pala sa dulo, hindi rin. Kaya siguro ipinagpipilitan niya rin na ipagkasundo ako kay Denise. Iniisip niya kasing magiging okay ako kung susundin ko siya. Na baka maitama sa akin 'yong mga naging pagkakamali niya. Kaya G, pagpasensyahan mo na kung ganoon ang naging pakikitungo dati ni Mommy sa 'yo. Natatakot lang siya na baka mangyari rin sa akin 'yong nangyari sa kanya e," Dwight said which he finished off with a hug.

At that time, hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin o kung paano ba dapat mag-react. Alam kong ang dami ko pang dapat patunayan kay Mommy pero after knowing the story behind their family, I can't help but feel sorry. It must have been difficult for her to continue living at that point in time.

Instead of saying anything to comfort Dwight, I just hugged him in return. I was thinking of anything that could make Mommy happy even if it's just for a short time. Sure, minsan may hindi pa rin kami napagkakasunduhan pero if compared sa mga nangyari sa amin noon, sobrang laki na talaga ng improvement ng relationship naming dalawa. I will try my best to make our family happy no matter what happens. This is not just about me and Dwight anymore. It will be for our baby and for Mommy as well.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro