Chapter 14
"Bakit hindi ka tumutol sa gusto ni Mommy?" tanong ni Dwight sa akin pagkaalis ng mommy niya sa kusina.
"Mahal nga kasi kita! Hindi pa ba sapat na rason 'yon para ituloy 'tong kasal na 'to, ha?" sigaw ko sa kanya.
Agad na ngumiti si Dwight pagkarinig niya sa sagot ko. Bago pa man siya makaisip ng kung anong ka-cheesy-han, hinampas ko na agad siya sa braso.
"Ow! What was that for?!" tanong niya.
"Just get it over with. I'm marrying you again and this time, it's going to last forever."
"Thank you, G. You to me are everything and I wouldn't trade you for the world. I love you," Dwight said as he pressed his lips onto mine.
***
It happened a few days ago. Nagbabasta na kaming dalawa ni Dwight para sa trabaho no'ng bigla akong naduduwal. Wala pa naman akong kinakain kaya naguluhan din ako. Ilang beses din akong pabalik-balik sa banyo. No'ng pangatlong beses na akong nasuka, I decided to bring out three boxes that I have kept in one of the drawers in the washroom. Huminga ako nang malalim at saka ako nagsimulang mag-experiment.
"G, bakit ba ang tagal mo riyan sa banyo? Okay ka lang ba ha? Male-late na tayo sa trabaho!" sigaw ulit ni Dwight.
Imbis na sagutin siya, tinitigan ko lang nang mabuti 'yong mga hawak ko. Tatlong beses ko nang inulit 'to pero pare-pareho lang 'yong sagot na nakuha ko. Shocks. Paano ko sasabihin kay Dwight 'to?
With my heart on my sleeves, nag-desisyon akong sabihin kay Dwight ang totoo. Kailangan niya rin namang malaman 'to. Asawa ko pa rin naman siya at kahit na pagbali-baligtarin ko ang mundo, maaapektuhan kaming dalawa dahil dito.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng banyo dahil sa sobrang kaba. Pagkarinig na pagkarinig ni Dwight sa pagbukas ng pinto, humarap siya sa akin at nilapitan niya ako. No'ng hinawakan niya 'yong mga kamay ko, doon ko naramdaman kung gaano siya kinabahan dahil sa nangyari. Hindi ko rin naman kasi sinabi sa kanya na nasusuka ako. Ang akala lang niya, may LBM ako.
"Okay ka lang ba? Ano bang nangyari sa 'yo? Kailangan mo ba ng gamot? Kukuha na ako," dere-deretso niyang tanong sa akin.
Umiling lang ako sa kanya bilang sagot. Gusto ko na talagang sabihin sa kanya 'yong nangyari but I couldn't find the right words to say. Kaya imbis na magpaligoy ligoy pa ako, I went straight to the point.
"Dwight, you're going to be a dad."
"Ah, okay. So hindi mo kailangan ng gamot?" tanong niya sa akin. After a few seconds, nagbago bigla 'yong itsura niya. "Teka. Ano nga ulit 'yong sinabi mo?"
"You're going to be a dad, dummy!" sabi ko ulit sa kanya sabay suntok sa dibdib niya. Hindi ko man lang namalayan, tumutulo na rin pala ang mga luha ko.
"Hush now, G. Bakit ka ba umiiyak? We should be celebrating right now, right?" tanong sa akin ni Dwight then he pulled me in his arms.
Sobrang overwhelming lang no'ng nangyari. "Hindi ko alam kung ano ang dapat i-expect, Dwight. Natatakot ako na nae-excite. Posible ba 'yon?" tanong ko sa kanya no'ng nahanap ko na 'yong dila ko.
"Huwag kang matakot, G. We're in this together. Loving you was the best decision that I have ever made and with the baby coming, you just made my life complete."
***
The preparations for our church wedding (CHURCH WEDDING!!!) started the day after Ms. Olivia found out that I am five weeks pregnant. Bigla na lang nawala si Denise sa bahay. Not that I'm looking for her pero ang weird kasi na biglang poof. Wala na siya roon. I tried to be optimistic about it na lang at pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na baka sinukuan na talaga niya ang paghahabol kay Dwight nang malaman niyang tanggap na talaga ako ni Ms. Olivia sa pamilya. Nang tinanong ko naman si Ms. Olivia tungkol kay Denise, sinabi lang niya na umalis na ito at hindi na siya nagbigay ng ibang detalye.
Tuwing lunch break at dinner, sinisuguro ni Ms. Olivia na kasabay niya kaming kumain ni Dwight. Umuulan na ng brochures at wedding magazines sa opisina saka sa bahay. Hindi ko inakalang magkakaroon pala ng time na magkakasundo-sundo kaming tatlo at hindi kami nagtatalo-talo. Well, I guess babies do change everything.
Tuwing may isa-suggest si Dwight tungkol sa kasal, titingnan namin siyang dalawa ni Ms. Olivia as if may ginawa siyang krimen. Well, bukod kasi sa out of this world 'yong suggestions niya, hindi niya magawang maging seryoso sa wedding preparations namin.
"My goodness, Dwight! Couldn't you be more romantic and realistic? This is your church wedding that we're talking about!" pagrereklamo ni Ms. Olivia no'ng biglang sinuggest ni Dwight na magkaroon ng cartoon themed party.
"I'm serious here, mom," sagot naman ni Dwight.
"No can do, Dwight. Georgina, do you have anything else in mind?"
"Uhh, I was thinking of having a vintage themed party. People get to dress up without looking horrible in the wedding. With their dresses and suits, they'll still look decent and presentable. Saka, pwede rin po kaming mag-play ng slideshow ng past pictures namin. It would be very nostalgic and sentimental at the same time. Hindi na rin po magiging problem 'yong giveaways since—" sagot ko sa kanya but I stopped midway. "Oh my god. Sorry po ang daldal ko."
"It's okay, Georgina. Actually, I like your ideas. There's no need for you to be sorry," sabi ni Ms. Olivia kahit na halatang gusto niyang matawa dahil sa sobrang daldal ko. Sa dami naman kasi ng oras na aatake ang kadaldalan ko, bakit ngayon pa?
Habang sinusubukan ni Ms. Olivia na pigilan pa rin 'yong pagtawa niya, si Dwight naman ang nagpakawalang kwentang asawa. Tawa siya nang tawa na para bang wala nang bukas. Kung wala lang siguro 'yong nanay niya rito, binatukan ko na 'tong si Dwight para lang tumahimik na siya.
"Tumigil ka nga sa kakatawa! Hindi ka na nakatutuwa!" sigaw ko sa kanya and that was when he stopped laughing.
Imbis na mag-sorry siya sa akin, bumanat na naman siya bigla. Kailan ba talaga siya magseseryoso rito ha?
"You're too cute for words. You know that, right?"
"Whatever. Ms. Olivia, I'm calling it a day. Sobrang pagod na po akong makipag-usap sa isang taong hindi man lang nagseseryoso sa usapan natin." Paalis na sana ako sa office ni Ms. Olivia no'ng may sinabi siya na hindi ko ine-expect na mangyayari ulit.
"Georgina, please call me mommy. You're a part of this family now and I don't want you to drift away from me just because you aren't comfortable with me. I'm your second mom now, understood?"
"Okay po, Mommy," sagot ko sa kanya sabay ngiti saka ako umalis sa office niya.
Pagkatapos ng ilang minuto, umupo si Dwight sa tabi ko. Supposedly, upuan talaga 'yon ni Ms. Courtney pero obviously, nawawala na naman siya ngayon. Siguro, busy na naman siyang makipag-chismis-an sa ibang department or nagsusumbong na naman siya kay Denise for all I care. Pero bakit ba wala siya rito kung kailan ko siya kailangan? Kailangan kong magkaroon ng distraction mula sa bwisit na Dwight na katabi ko!
"G, look, I'm sorry. Gusto ko lang namang maiba 'yong wedding natin, e."
"Inisip mo man lang ba 'yong resulta no'ng mga suggestions mo, ha? Dwight, isang buwan lang ang meron tayo para ayusin ang lahat para sa kasal natin. Alam kong kayang-kaya ng mommy mo na ayusin ang lahat sa maikling panahon but I want this to be special. Our wedding doesn't need to be different, it needs to be special and worth remembering. I hope you'll think about what you have said all day long regarding our wedding because right now, I don't think I could handle all the crap that you have mentioned a while ago," sagot ko sa kanya tapos bumalik na ako sa ginagawa ko.
Tumahimik na si Dwight pagkatapos noon. Nakaupo pa rin siya sa upuan ni Ms. Courtney pero hindi na niya sinubukan i-defend 'yong sarili niya.
Just when I thought he gave up on me, Dwight slipped a note on my desk.
I'm really, really sorry G.
I know you wanted to make our wedding special.
But right now, all that matters to me is . . .
Chineck ko 'yong note to make sure na hindi ko na-miss 'yong last part. Pero kahit na bali-baligtarin ko 'yong papel nang paulit-ulit, hindi ko pa rin mahanap ko 'yong karugtong. Doon ko na-realize na hindi ko pala talaga mahahanap 'yong karugtong sa papel. Sa nagsulat ng note ko pala mahahanap 'yong sagot. Dahan-dahan kong tiningnan si Dwight and that's when I found out that he was staring at me the whole time.
"Right now, all that matters to me is you and our baby. We could get married over and over again if that's what it takes for you forgive me but G, all I want is for you to be safe and happy. Isn't that reason enough for me not to focus on the preparations?"
"Ewan ko, Dwight. This wedding means so much to me. Hindi ko alam kung may baby bump na ako by then or what pero wala akong pakialam. This would make me happy, Dwight. Couldn't you just be more serious about it?" sagot ko sa kanya. Babalik na sana ulit ako sa ginagawa ko no'ng hinawakan bigla ni Dwight 'yong kamay ko.
"I may not be serious in a lot of things but if I could change the way that I am just to make you happy, you know I will."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro