Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

I was brought back to reality no'ng naramdaman ko ang pagtapik ni Dwight sa balikat ko. Lumingon agad ako sa kanya kahit na kinakabahan ako.

"Kamusta?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang si Dwight bilang sagot sa akin kaya lalo akong na-guilty sa nangyari.

"Ganoon ba kasama? Oh my god. Mas lalong magagalit sa akin 'yong mommy mo," pagpapatuloy ko, tapos tinakpan ko na 'yong mukha ko sa sobrang kahihiyan. Galit na nga sa akin 'yong bruha dahil tingin pa rin niya sa akin, gold digger tapos hindi naman ako totoong buntis. Daragdag pa ngayon 'to sa atraso ko. Jusmiyo. Wala na yata akong mukhang maihaharap sa kanya.

Habang sinusubukan kong pakalmahin 'yong sarili ko, iniisip ko na agad 'yong mga mabubuting nagawa ko no'ng naging assistant niya ako. Alam ko namang hindi kami magka-level ni Ms. Courtney since ilang araw pa lang ako rito pero hindi niya naman pwedeng i-expect na magiging expert agad ako rito, 'di ba?

Habang nagbibilang ako ng mga bagay na nagawa kong tama rito sa opisina, naramdaman ko na lang 'yong biglang pagkayakap sa akin ni Dwight. Nang tiningnan ko siya, nginitian niya ulit ako.

"G, okay lang 'yan. Alam kong against naman talaga sa company policy 'yong ginawa ko kanina pero hindi naman 'yon 'yong ikinagalit ni Mommy," sabi ni Dwight kaya naguluhan ako. Kung hindi nagilit si Ms. Olivia dahil sa PDA namin ni Dwight, ano ang ikinagalit niya?

"Nagalit siya dahil sa report ko kanina sa board meeting. Ang lame daw no'ng report ko pero hindi niya ako mapagalitan kanina sa harap ng board tapos nakita niya 'to, so 'yon. Nagpatong-patong na lang."

"Wait. So, ibig sabihin . . ."

"Yes, G. Nagatungan ko lang 'yong init ng ulo ni Mommy. Wala kang kasalanan," pagpapatuloy ni Dwight sa sinasabi ko.

Alam ko, dapat matuwa ako kasi hindi naman pala sa akin nagalit si Ms. Olivia pero hindi ko magawang matuwa knowing na si Dwight naman ang napagalitan nang todo. Hinawakan ni Dwight 'yong kamay ko para pakalmahin ako at sakto namang pagbukas ulit ng pinto no'ng bruha.

"Georgina, we need to talk," ma-awtoridad na sabi niya tapos bumalik na siya sa opisina niya.

Tinapik ni Dwight 'yong kamay ko para ipakita ang suporta niya sa akin. Huminga ako nang malalim bago ako pumasok sa opisina niya. Make or break na 'to, 'di ba?

Habang naglalakad ako papasok sa opisina ni Ms. Olivia, hindi ko mapigilang maisip kung naririnig ba niya 'yong lakas ng pagtibok ng puso ko. Nanginginig na rin 'yong mga kamay at tuhod ko dahil sa sobrang kaba.

"Take a seat," mahinahong sabi niya sa akin tapos umupo na agad ako.

Feeling ko, any moment now, bibigay na 'yong mga tuhod ko. Nung nakaupo na ako, sinubukan kong pakalmahin ulit 'yong sarili ko kaso bigla naman siyang tumabi sa akin. Sobrang hindi ako komportable sa nangyayari pero sinubukan kong hindi ipahalata 'yon sa kanya. Unfortunately though, hindi pala akong papasang artista.

"I know you're very nervous and uncomfortable with this scenario but you'll have to endure it for a little longer," sabi niya sa akin tapos hinawakan niya 'yong mga kamay ko. "Georgina, kung iisipin, ito pa rin 'yong first job mo. Nung in-offer ko sa 'yo 'yong position na 'to, alam kong hindi 'to magiging madali para sa 'yo. Wala kang experience and honestly speaking, I thought this would be the best place for you to learn."

"Matutunan ang ano? Na wala akong binatbat kay Ms. Courtney? Alam ko naman na po 'yon, e."

"Georgina, you don't understand," sagot niya sa akin pero ewan ko. Punong-puno na rin talaga kasi ako kaya hindi ko na pinatapos pa 'yong sinasabi niya.

"Tigilan n'yo na po 'to, okay? 'Wag na po kayong magpanggap na sinusubukan n'yong mag-work 'yong sitwasyon natin kasi alam naman po natin pareho na hindi na talaga 'to magwo-work. Sige po. Tawagin n'yo na si Denise saka si Ms. Courtney tutal sila naman 'yong mga kasama n'yo sa pagpapahirap sa buhay ko. 'Yon naman talaga 'yong gusto n'yong mangyari, 'di ba?"

"Georgina, hindi," sabi niya tapos sinubukan niyang lumapit pa sa akin.

"Miserable na 'yong buhay ko. Pero alam n'yo, kahit na anong gawin n'yo, hinding-hindi ko isusuko si Dwight. Kahit magsama-sama pa kayong tatlo, hindi ko siya isusuko," malakas na sagot ko sa kanya tapos tinapik ko palayo 'yong kamay niya sa akin.

"Georgina!" sigaw niya sa akin.

Nabigla rin si Ms. Olivia sa nangyari pero bumukas na bigla 'yong pinto ng opisina at pumasok na si Dwight sa kwarto.

"Ma! Kapag sinaktan n'yo si Georgina, kalimutan n'yo na na may anak kayo," sagot ni Dwight at saka ibinaba ni Ms. Olivia 'yong kamay niya. Dumeretso agad si Dwight sa akin tapos hinatak na niya ako palabas ng opisina ng nanay niya.

"Magre-resign ka na sa trabaho mo, ngayon din," sabi ni Dwight at hindi man lang niya ako tinitingnan. Ipinagpatuloy lang niya 'yong paglalakad papuntang elevator lobby. Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa opisina pero wala siyang pakialam.

"Dwight, hindi. Kailangan kong mag-stay," sagot ko sa kanya kaya napatigil siya bigla sa paglalakad.

"Nababaliw ka na ba, ha?"

"Dwight, hindi mo naiintindihan."

"Paano kita papayagang magpatuloy na pumasok dito kung alam kong hindi ka naman safe dito? Bakit ba kasi pumayag ka pang magtrabaho rito? May trabaho ka naman na dati, 'di ba? Bakit ka pa umalis doon? Kaya ko rin namang magtrabaho para sa ating dalawa, e!"

"Dwight, ginagawa ko 'to para sa ating dalawa. Tinatanong mo kung bakit ba ako pumayag na magtrabaho dito pwes, ibibigay ko sa 'yo 'yong dahilan. Sobrang mahal kita, Dwight. Kaya kong tiisin 'yong mala-impyernong scenario kasama 'yong nanay mo para lang patunayan sa kanya na para tayo sa isa't isa. I may not be the best daughter-in-law that she could meet but I wanted to be the best wife for you," sagot ko sa kanya and the next thing I know, his lips crashed into mine. The hell with that No PDA rule.

***

The weeks that followed the incident at Ms. Olivia's office took its toll on me. Una, bumalik na si Ms. Courtney mula sa one month suspension and two weeks leave niya. Pagtapak na pagtapak niya sa cubicle namin, ramdam na agad 'yong pagka-bitchesa niya. Kung pwede lang sigurong i-recharge 'yong pagka-bitchesa niya, ginawa na siguro niya no'ng mga panahong wala siya sa opisina.

Hindi ko alam kung paano niya ginagawa 'yon, pero sinubukan kong itago na malaki 'yong epekto niya sa akin. Kailangan ko rin kasing patunayan 'yong sarili hindi lang kay Ms. Olivia, kung hindi pati na rin sa kanya.

Ewan ko ba. Ang hirap din kasing magpanggap na okay lang ang lahat. Madalas, tumatambay na lang ako sa CR para i-control lang 'yong emotions ko. Masyado akong nagiging emotional lalo na kapag below the belt na 'yong mga hirit ni Ms. Courtney. Hindi pa nakatutulong 'yong fact na pinsan siya ni Denise.

But giving up was not an option.

"Georgina, ilang beses ko bang dapat sabihin sa 'yo na wag kang gagamit ng word file kapag magti-take ka ng minutes? Hindi mo talaga ginagamit 'yang utak mo, ha?" pagsita sa akin ni Ms. Courtney habang nagse-set up kami para sa board meeting.

May ilan na ring attendees sa loob ng board room kaya tumahimik na lang ako. Akala ko, titigil na siya pero hindi pala.

"Nawala lang ako ng lagpas isang buwan, ginulo mo na ang lahat! I'm seriously dying in here!" pagpapatuloy ni Ms. Courtney.

Katulad ng ginawa ko kanina, tumahimik na lang ako at yumuko. Ayaw ko namang gumawa pa ng eksena rito.

"Olivia, aren't you going to stop your assistant from doing such thing?" tanong ng isang board member.

"Georgina was wrong and Courtney was simply pointing it out."

"Georgina is still your daughter-in-law. Don't be too hard on her," sabi naman ng isa pang board member.

"In business, professionalism is the priority and not family ties. If she got it wrong, then she needs to be reprimanded. She wouldn't learn anything at all if I would always defend her just because she's my daughter-in-law. Let's proceed with the meeting, shall we?" sagot ni Ms. Olivia.

Ewan ko ba pero sa tuwing nagsasalita siya, lalo akong nanliliit. Sobrang consistent niya at lagi ring tagos sa akin 'yong mga sinasabi niya.

Pagkatapos ng meeting, dumeretso na agad ako sa bahay. Hindi na ako nagpaalam kay Ms. Olivia na magha-half day ako. Sobra na kasi 'yong stress sa opisina and I don't think it's healthy for me. Kailangan kong mag-unwind at mag-relax. Kailangan kong makalayo sa mga bruha.

Pagkauwi ko sa bahay, dumeretso naman agad ako sa kusina para maghanap ng makakain. Bubuksan ko pa lang sana 'yong ref no'ng nakaramdam ako na parang may nanonood sa bawat sa galaw ko. Pag-ikot ko, 'yong isa lang pala sa mga katulong.

"Georgina, umayos ka nga. Nagha-halluicinate ka na!" I mentally told myself tapos napailing ako. Nabalik lang ako sa katotohanan no'ng narinig ko na 'yong pagtawa no'ng katulong.

"Bakit ka tumatawa?" mataray kong tanong ko sa kanya kaya tumigil na siya sa pagtawa.

"Sorry, ma'am," mahina naman niyang sagot sa akin.

"Ewan ko sa 'yo. Ano bang makakain dito?" tanong ko ulit sa kanya. Umasa ako na matino na 'yong maisasagot niya sa akin kaso leche. Wala yata sa vocabulary nito 'yong salitang seryoso.

"Pagkain po?"

"Seryoso, ate. Hindi ka na nakatutuwa, ah!" bwisit na sagot ko sa kanya.

Agad siyang umalis sa kusina tapos ipinagpatuloy ko na lang 'yong scavenger hunt ko sa ref. Kaso langya. Kahit na anong halughog ko sa ref, puro prutas, dessert at inumin lang 'yong laman. Parang wala man lang makapagpapabusog sa akin. Tatawag na sana ako sa delivery no'ng bumalik 'yong katulong na may dalang tray ng pagkain.

"Ms. G, sorry na po sa nagawa ko kanina. Ito na po 'yong pagkain n'yo. Wag n'yo na lang pong sabihin 'to kay Ms. Olivia. Baka po kasi mawalan ako ng trabaho kapag nalaman niya 'to," pagpapaliwanag ni ate sa akin habang ipinapatong niya 'yong tray sa harapan ko.

Pagkaamoy ko sa pagkain, kumalam agad 'yong sikmura ko.

"Thank you, ate! Wag kang mag-alala. Walang makararating kay Ms. Olivia. Saka wala naman 'yong pakialam sa akin e," sabi ko kay ate sabay ngiti.

Ngumiti rin siya sa akin tapos iniwan na niya akong mag-isa. Susubo pa lang sana ako no'ng chicken adobo na may kasamang kanin no'ng biglang dumating si Dwight.

"Georgina naman! Kung saan-saan na kita hinahanap, nandito ka lang pala. Sabi ni Mommy, umalis ka na lang daw bigla pagkatapos no'ng meeting. Bakit hindi mo ako tinawagan? Okay lang ba?"

"Dwight, okay lang ako. Kailangan kong pakalmahin 'yong sarili ko. Kung nag-stay pa ako sa office, baka hindi ko na ma-control 'yong sarili ko at masaktan ko pa 'yong mommy mo. Ayaw ko naman 'yon mangyari kaya umuwi na lang ako," sagot ko sa kanya tapos isinubo ko na ulit 'yong adobo.

"Dapat tinawagan mo man lang ako o kaya nag-send ka man lang sana ng text. Sobrang kinabahan ako dahil sa ginawa mo. Akala ko, nawala ka na sa akin," sabi ni Dwight.

Alam ko, sinusubukan niyang ipakita na okay lang siya pero halata naman sa boses niya na hindi.

"Halika nga rito," sabi ko kay Dwight tapos lumapit naman siya sa akin.

Umupo siya sa tabi ko tapos niyakap ako nang mahigpit. Ganoon lang kami nang ilang minuto. Nang kakainin ko na sana 'yong chocolate cake na kanina pa nakikipagtitigan sa akin, bigla namang dumating 'yong bruha. Talk about perfect timing nga naman.

"We need to talk," sabi niya habang naglalakad siya papalapit sa amin.

"No, Ms. Olivia. Sawang-sawa na po ako sa ganito. I've had enough for this day and I would really appreciate it if you would just let me rest," sagot ko sa kanya. Tatayo na sana ako para umalis sa kinauupuan ko no'ng biglang hinawakan ni Dwight 'yong kamay ko.

"G, let's hear Mom out. Maybe this will be for our own good . . . or not." Pahina nang pahina 'yong boses ni Dwight habang sinasabi niya 'yong last two words. Kung wala lang siguro kami sa harapan ng nanay niya, nabatukan ko na siya.

"Fine, whatever." Napabuntonghininga na lang ako dahil sa sitwasyon namin.

Nung umupo si Ms. Olivia sa harapan ko, hindi ko alam pero parang kabado siya sa mangyayari. Sa ilang buwan na magkasama kami sa iisang bahay, parang wala naman sa vocabulary niya ang kaba. Hindi ako sanay na makita siyang ganito. Pero kung kinakabahan siya ngayon e 'di dapat mas kabahan pa ako nito?

"Georgina, I'm sorry kung hindi kita naipagtanggol kanina . . ." pagsisimula niya pero hindi ko na siya pinatapos.

"The damage has been done. Wala naman na pong magagawa 'yong apology n'yo, e. Mas nakapanliliit pa 'yong sinabi n'yo kaysa sa sinabi ni Ms. Courtney. Kahit na anong paghingi n'yo ng sorry, hindi na mababago 'yong ginawa n'yo. Napahiya na ako sa harap ng board."

Napailing si Ms. Olivia dahil sa sinabi ko. Si Dwight naman, lalo lang hinihigpitan 'yong pagkakahawak sa kamay ko.

"Georgina, I did what I had to do. Kung ipinagtanggol kita kanina, hindi ba't magmumukha naman akong tanga? Ikaw ang nagkamali. Do you really expect me to stand up for something that isn't right?"

"Okay, fine. Kayo na ni Ms. Courtney ang tama. Ako na ang mali. Okay na po ba? Gusto ko na talagang magpahinga," sarkastiko kong sagot sa kanya.

"G, please calm down," bulong sa akin ni Dwight. "Ma, I'm sorry. I guess it's just her hormones talking," sagot naman ni Dwight sa mommy niya nang bumaling siya rito.

Pinisil ko na lang 'yong kamay ni Dwight para hindi na niya ituloy pa 'yong sasabihin niya.

"What do you mean?" tanong sa amin ni Ms. Olivia. Nang hindi kami sumasagot, biglang nagliwanag 'yong mukha niya. "Dwight, please tell me that my hunch is right."

"Kung tama nga kayo, ano naman ang mapapala ko?" sagot ko sa kanya.

"Oh, Georgina. You should have told me at once!" sabi niya sa akin tapos hinawakan niya 'yong kanang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. "That's it. You're going to have your church wedding in a month. No buts, no excuses. I'm going to pay for everything and that is final. Georgina, welcome to the family. This time, I mean it," dali-daling sabi niya at nagsimula na siyang magtawag sa mga kakilala niyang supplier, designer, at lahat ng mga kailangan para sa isang church wedding. May pagdududa pa rin akong nararamdaman noong sinabi niyang tinatanggap na niya ako sa pamilya nila. Pero dahil sa gulat ko sa bilis ng pangyayari, ni hindi ko nagawa pang umangal sa gusto niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro