Chapter 6
Pagkatapos naming kumain, nag-prisinta na akong maghugas ng mga pinagkainan naming dalawa. Nahiya naman daw kasi ako kay Dwight. Siya na nga 'yong nagluto tapos if ever na hindi ako nag-prisinta, siya pa rin ang maghuhugas. Kahit na medyo deadline na talaga ng thesis revisions ko bukas, okay lang basta hindi ko lang siya mabigyan ng bagay na maaari niyang isumbat sa akin. Iyon kasi ang pinaka-ayaw ko sa isang tao, e. 'Yong pagkatapos ng lahat, bigla ka na lang susumbatan ng lahat ng mga bagay na nagawa nila para sa 'yo.
Feeling ko, isa na rin 'yon sa mga rason kung bakit wala ako masyadong kaibigan. Bukod sa bestfriend ko na si Jane at sa mangilan-ngilang mga naging kaibigan ko noong high school, wala na talaga akong ka-close. Natatakot na rin kasi akong baka mangyari ulit 'yong pagsusumbat sa akin.
Kung tutuusin naman kasi, hindi ako humihingi ng tulong hangga't alam kong kaya ko pa. 'Yong mga tao lang naman sa paligid ko ang nagpupumilit na tulungan ako pero in the end, ayon. Kapag nagkaroon ng problema sa pagitan namin, isusumbat sa akin lahat ng mabubuting bagay na nagawa kuno nila para sa akin. Na hindi ko naman daw magagawa ang mga nagawa ko kung hindi dahil sa tulong nila. The hell with that. Wala ba akong sariling mga kamay at paa?
Actually, hindi naman talaga pala-sumbat si Dwight simula noong nakilala ko siya. Natatakot lang talaga akongbaka umabot kami sa point na sobrang dami na ng nagawa niya para sa akin tapos bigla na lang niyang titimbangin ang lahat ng iyon. Natatakot akong bigla niyang ipapamukha na wala man lang akong naisukli o naibayad sa lahat ng mga naitulong niya sa akin. Kaya hangga't kaya ko, gagawa at gagawa ako ng paraan para may maitulong man lang ako sa kanya. Ayaw ko na rin kasing maulit 'yong kailangan ko pang makiusap at magmakaawa sa kanya para lang maayos ang lahat sa pagitan naming dalawa, e.
***
Flashback
Nangyari 'yon a few days after our first confrontation. Sobrang napupuno na talaga kasi ako sa mga notes na ibinibigay niya sa akin. Nakakairita na rin ang mga text messages na natatanggap ko mula sa kanya. Ni hindi niya nga hiningi sa akin 'yong number ko in the first place, e. Hindi ko alam kung saang lupalop niya ba nakuha 'yon.
From: +639**3944488
Pakipot ka ba?
Ang hirap kasing pumasok sa puso mo, e.
Napasimangot agad ako nang nabasa ko 'yong text. Una sa lahat, napaka-corny naman no'ng laman ng text. Gagawa na lang ng pick-up line, wala pang kwenta. Pangalawa, hindi man lang nagpakilala 'yong nag-text. Ano 'to? Guessing game? Knock knock lang ang peg na kailangan pa munang magtanong ng "Who's there?". Langya 'yan.
Kung tutuusin, pwede namang hindi ko na lang pansinin 'yong text na 'yon pero ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ko at pinatulan ko pa rin 'yong text.
To: +639**3944488
Wala na bang mas corny pa diyan? And please, sa susunod,
magpakilala ka muna bago ka mag-text.
Lumipas ang ilang minuto pero wala pa rin akong natatanggap na reply. Napa-ngiti ako dahil doon. Buong akala ko kasi ay tatantanan na ako no'ng nagpapadala ng text. Kaso mali pala ako. May mas malala pa palang messages na paparating.
From: +639**3944488
Amnesia ka ba?
Nakalimutan ko kasi yung pangalan ko dahil sa 'yo, e.
To: +639**3944488
Alam mo, nakakasira ka na ng araw, e.
Tantanan mo na ako, please?
I quickly pressed send before I could think of other words para lang tantanan na ako no'ng nagte-text sa akin. Ayaw ko naman kasing makipag-away sa text. Honestly, may idea naman na ako kung sino ba 'yong nagte-text sa akin pero ayaw ko lang mag-assume na siya nga iyon.
Assuming can be dooming and I don't want to pay for the possible consequences if I would think that it's him right away. Pero ewan ko ba kung bakit parang pinagti-tripan talaga ako ng mundo. Gusto ko pa lang sanang gumawa ng move para ma-confirm kung siya nga talaga yung nagte-text sa akin nang nakita ko siyang papalapit sa direksyon ko.
"Stage 3: Bargaining. Tignan mo, nakikiusap ka nang tantanan kita pero ayaw ko," sabi niya nang magkatapat na kaming dalawa na siyang naging dahilan ng pagsimangot ko.
"O, 'wag kang sumimangot. Papangit ka niyan. Ang ganda-ganda mo pa naman. Sa sobrang ganda mo nga, nahulog na yata ako sa 'yo," pagpapatuloy niya at kinindatan niya ako. Hindi ba talaga siya napapagod kumindat? Baka naman may sakit na siya sa mata or something?
"E? Naka-drugs ka ba?" I asked him while trying to hide whatever it is that I'm feeling. One thing's for sure though—hindi ako nakararamdam ng kilig ngayon.
"Hindi pero high na high ako sa pagmamahal ko sa 'yo." The heck. Ayan na naman 'yang mga hirit niya! Hindi ba talaga siya nauubusan ng mga ganyan?
"Yada, yada. Ano ba kasi ang gusto mong gawin ko para lang lubayan mo na ako ha?" paghahamon ko sa kanya. Gusto ko na rin kasing matapos 'tong kalokohang 'to.
"Simple lang. Have a date with me," sagot niya sa akin.
"Are you out of your mind? Why would I do something as stupid as that?"
"Hmm. Kasi gusto mong lubayan na kita? Binibigyan na kita ng pagkakataong masunod ang gusto mo pero 'yon lang ang kondisyong hinihingi ko."
"Nagmamakaawa ako. Kahit ano, 'wag lang 'yon," pagsusumamo ko sa kanya. Hindi yata kaya ng sistema kong makipag-date sa isang katulad niya. Mas okay pang tumanda akong dalaga kaysa maka-date siya.
"I'm sorry but it's settled. So, see you tonight?" Bago pa man ako makasagot sa tanong niya, nakaalis na siya. Nakatingin lang ako sa papalayong imahe niya nang ilang minuto dahil sa sobrang inis. Bumalik na lang yata ako sa katinuan nang napansin kong may nag-text ulit sa akin.
From: +639**3944488
I won't take no as an answer.
Sunduin kita sa apartment mo later.
Bago pa ako mawindang sa kung paano niya nalaman kung saang lupalop ng mundo ako nakatira, napa-iling na lang ako sa idea na makikipag-date ako sa isang katulad niya. Ano ba ang kasalanang nagawa ko para maparusahan ako nang ganito?
***
"Tapos ka na ba sa thesis mo?" tanong ni Dwight habang nakaupo siya sa may counter malapit sa kusina. Medyo nagulat pa ako kasi ang buong akala ko ay bumalik na siya sa kwarto niya.
"Patapos na sa revisions. Kailangan ko na lang tapusin 'yong research para sa supporting statements."
"Ah, okay. Kailan ba deadline niyo para doon?"
"Bukas," kalmado kong sagot sa kanya.
"Ano?! Bukas? Nasisiraan ka na ba ng bait, G?" sigaw ni Dwight tapos napatayo siya mula sa kinauupuan niya. Nilapitan niya agad ako at niyugyog nang pagkalakas-lakas.
"Teka lang, Dwight! Awat na. Nahihilo na ako sa pinaggagagawa mo, e. Oo, bukas na 'yong deadline namin para sa revisions at bahala na sina Batman at Iron Man sa pag-cram ko para doon sa research. Teka, maiba ako. Saan pala may pa-loadan dito?" sagot ko sa kanya na para bang wala lang sa akin na deadline na bukas ng thesis revisions ko. No sweat. Hindi ko kailangang mag-panic. Chill lang dapat. Kapag nag-panic ako, lalo lang akong walang patutunguhan. 'Yan ang mantra ko for the past few days kaya hindi ko masyadong iniisip 'yong deadline ko. Grace under pressue dapat 'di ba?
"Sa may sari-sari store doon sa kabilang kanto. Bakit mo naitanong?"
"Magpapa-load sana ako para sa broadband stick ko para matapos ko na rin 'yong pagre-research ko. Sige, tapos na akong maghugas. Kukuha lang muna ako ng pera tapos pupuntahan ko na 'yong tindahan," sabi ko kay Dwight at nagsimula na akong maglakad papunta sa kwarto ko.
Isasara ko pa lang sana 'yong pinto nang bigla akong pinigilan ni Dwight na gawin 'yon.
"O, bakit? May kailangan ka pa?" tanong ko sa kanya pero hindi niya naman ako sinagot. Iniikot niya ang tingin niya sa kwarto ko at naglakad siya papunta sa table kung saan nakapatong 'yong laptop ko. Napansin ko na lang na may tinype siyang kung ano roon. After that, naglakad na agad siya palabas ng kwarto ko.
"Naka-connect na 'yong laptop mo sa WiFi ng bahay. 'Wag ka nang lumabas para magpa-load at baka mapano ka pa," sabi niya. Pumasok na rin agad siya sa kwarto niya pagkatapos niyang sabihin 'yon kaya hindi na ako nakapagpasalamat sa kanya.
Bakit kaya bigla siyang bumabait sa akin? Pakiramdam ko tuloy, may hihingin siyang kapalit para sa mga 'to, e. Pero fine. Abusado na kung abusado pero hangga't hindi pa siya nanghihingi ng kapalit, sasamantalahin ko na 'yong kabaitan niya. Kailangan ko rin naman talagang tapusin 'yong thesis ko so hindi na lang ako magtatanong at magrereklamo.
Kinabuksan, natapos ko naman yung pag-cram ko sa research ko. 'Yon nga lang, hindi na ako nakatulog kaya naligo na ako agad at bumaba papuntang kusina para sana magluto ng almusal. Kaso pagdating ko sa kusina, nandoon na agad si Dwight at nagluluto na rin siya. Anong oras ba siya nagigising at kailan pa siya natutong magluto? No'ng kami naman, laging ako ang nagluluto para sa aming dalawa o kaya naman ay puro delivery lang kami.
"Gising ka na pala. Umupo ka na diyan at malapit nang maluto 'to," sabi niya as I mentally shook my head.
Kainis. Hindi na talaga healthy itong nangyayari sa akin. Saglit pa lang ako rito sa bahay niya pero kung ano-ano na ang naaalala ko. Ang lakas lang maka-reminisce. Alam ko namang hindi ko na maibabalik 'yong dati. Nasasayang lang ang panahon at effort ko sa pag-iisip tungkol sa mga iyon.
"Kahapon pa naman talaga ako gising, e," mahina kong sagot sa kanya, half hoping na hindi niya narinig ang naging sagot ko. E kaso narinig pa rin pala. Kapag minamalas ka nga naman talaga, o.
"Wait. Don't tell me hindi ka natulog?"
"Hindi ko sasabihin. Promise," sagot ko at nagsimula na akong magtimpla ng sarili kong kape. Hindi naman talaga ako mahilig sa kape pero mukhang kakailanganin ko talaga 'to para magising ako sa mga natitirang klase ko ngayon. Pero wait, lagi naman pala akong tulog sa klase. Wala rin naman pala masyadong magbabago kahit na hindi ako natulog kagabi.
"Nasaan na 'yong thesis mo?" tanong ni Dwight sa akin habang ipinapatong niya 'yong mga niluto niya sa mesa. Uminom muna ako ng kape na siyang nagpa-iling at nagpa-kilig na ewan sa akin dahil sa sobrang pait saka ako sumagot sa kanya.
"Nandoon pa sa laptop ko."
"Tapos mo na ba?"
"Oo. Ipapa-print ko na lang mamaya tapos ipapasa ko na kay sir," sagot ko sa kanya at dali-dali siyang umalis papunta sa may kwarto yata niya.
Balak ko sana siyang hintayin muna makabalik para sabay na kaming kumain kaso ilang minuto na rin ang nakalipas, hindi pa rin siya bumabalik. Dahil doon, napagdesisyunan kong mauna nang kumain. Napatigil lang ako sa pagsubo ko nang napansin kong nakabalik na pala si Dwight at may hawak siyang ubod nang kapal na bundle ng papel.
"Ano 'yan?" inosente kong tanong sa kanya.
"Thesis mo. Na-print ko na at ako na rin ang magpapasa. Mag-absent ka na ngayon. Patapos naman na ang classes at saka mukha ka na ring zombie, o. Kulang na lang ay kumain ka ng halaman."
Teka, tama ba ang pagkakarinig ko? Thesis ko ba talaga 'yong hawak niya? Kailan pa siya natutong mag-stock ng sandamukal na bond paper dito sa bahay niya? Wala nga siyang school supplies dati, e! This is unbelievable!
"Pero-" Kokontra na sana ako to say na wala namang difference kung papasok man ako sa school ngayon o hindi dahil lagi naman akong natutulog sa klase kaso hindi na niya ako pinatapos sa sinasabi ko.
"Wala nang pero pero. Pakatapos mong kumain, umakyat ka na sa kwarto mo at magpahinga ka na."
Dahil alam kong wala naman na akong magagawa laban kay Dwight, sumunod na lang ako sa sinabi niya.
"Pssh. Fine," sagot ko at ipinagpatuloy na namin ang pagkain naming dalawa. After eating, dumiretso na si Dwight sa sasakyan niya habang ako, ayon, naiwang mag-isa habang naghuhugas ng mga pinagkainan naming dalawa.
Katulad ng sinabi ni Dwight, nagpahinga na lang ako buong maghapon. Mahimbing naman ang naging pagtulog ko kaso bigla akong nagising nang may narinig akong pagkalabog sa ibaba ng bahay. Pagtingin ko sa orasan, halos 6 p.m. na pala.
Seriously? Bakit ba laging 6 p.m. ako kung magising dito? May kung anong espiritu ba na nananatili rito na nambubulabog sa tulog ng mga tao rito kapag malapit ng mag-six?
Dahil hindi ko pa rin naman nabubuksan 'yong mga ilaw sa baba, nagmadali akong bumangon para gawin 'yon at para tingnan na rin sana kung bakit may kumalabog. Kaso, wrong move pala 'yong pagmamadali ko. Pagkatayong-pagkatayo ko kasi, nahilo ako bigla tapos bumagsak ako sa lapag. What's worse is face down pa ako which means, nahalikan ko pa 'yong sahig! Shet lang talaga. Bakit ba kasi may kumakalabog pa sa baba e?!
Nang naka-recover na ako sa pagkahilo at pagkabagsak ko, nag-struggle na ako sa pagtayo at sa pagbaba ng hagdan habang hindi tumutumba dahil sa dilim. Hinahanap ko na rin 'yong switch ng ilaw para magkaroon na ng liwanag dito sa bahay. To make things worse, natatakot pa ako kasi parang may kung anong ingay akong naririnig. May pakiramdam ako na galing sa tao 'yon pero hindi ko alam kung sino ba 'yong nag-iingay kaya nagmadali na talaga ako sa paghahanap no'ng switch. Kaso pagkabukas ko sa ilaw, napasigaw ako bigla.
"Pakshet ka, Dwight!"
"Aaaah! Sino 'yan?!"
"Makasigaw naman, G!" halos sabay-sabay naming sigaw. More more gulatan pa ba?
"Sira ka pala, e! Kung makikipaglampungan ka, pwede namang sa sasakyan mo, sa hotel o kaya roon sa kwarto mo. Hindi 'yong dito kayo sa baba at kung ano-anong kumakalabog. Istorbo kayo sa pagtulog e," sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanilang dalawa. Medyo awkward 'yong sitwasyon naming tatlo pero kailangan ko pa ring tapusin yung so-called speech ko.
"Sino ba 'yan Dwight?" tanong no'ng babaeng kasama slash kalampungan ni Dwight.
"Si Georgina."
"Katulong mo?" tanong ulit no'ng babae kaya napatingin ako bigla sa kanya.
What the hell? Ako, katulong? Baka gusto niyang masapak nang makita niya ang hinahanap niya!
Alam ko namang hindi ako ganoon kaganda pero 'yong isipin niyang katulong ako ni Dwight, grabe lang talaga. Dahil sa sinabi niya, lalong nag-init ang ulo ko. Wala pang nanlalait sa akin nang ganoon maliban sa kanya. Gustong-gusto ko na sana siyang sampalin, sakalin, sapakin at kung ano pa pero biglang nagsalita si Dwight kaya napatigil ako sa pinaplano ko.
"Mapagbiro ka talaga, Cheska. Hindi ko katulong si Georgina," sabi ni Dwight. Naglakad din siya papalapit sa akin pagkatapos ay inakbayan niya ako.
"E sino nga siya?"
"Ex ko," sagot ni Dwight in a very casual way. Parang wala lang, kasama ko sa iisang bahay ang ex ko.
Kung ipakilala niya ako, akala mo ay kapatid niya lang ako at parang hindi niya talaga ako ex. Well, it's not that I'm hoping for a better way of introduction na kailangan niya pang maging extra sweet and all. Kapag ginawa niya kasi 'yon, baka makasapak na talaga ako ng taong nagngangalang Cheska o Dwight.
"Ex mo? E bakit 'yan nandito?!" sigaw ni Cheska at para bang nagpa-panic mode na siya.
Nako. Pigilan na talaga ako ni Dwight dahil kung hindi, sasaktan ko na 'tong babaeng 'to. Maka-panic akala mo, nakakita ng multo. Nakakainis lang at sobrang OA pa. 'Di hamak na mas maganda naman ako sa kanya tapos kung maka-react siya, e isa naman siyang malaking ulong mukhang paa.
"Bakit ba ganyan ka kung maka-react? Hindi ba pwedeng magsama sa iisang bahay ang mag-ex?" tanong ni Dwight kay Cheska.
"Hindi! Unless, nagkabalikan kayo..." pahinang sagot ni Cheska kaya napaubo ako. Hinagod naman agad ni Dwight 'yong likod ko at nang naka-recover na ako, sumagot na ako sa sinabi ni Cheska.
"Excuse me lang, ah? Pero kung meron mang imposibleng mangyari dito, 'yon ay ang magkabalikan kaming dalawa ni Dwight. Nakikitira lang ako rito for the mean time hangga't wala pa akong nahahanap na malilipatang apartment. So chill ka lang dahil wala akong balak na agawin 'tong mokong na 'to sa 'yo. Sige, akyat na ako sa kwarto ko, ah?" sabi ko at nagsimula na akong maglakad papalayo sa kanilang dalawa.
Hinihiling ko pa lang na 'wag sanang dumating ang araw na kakainin ko ang lahat ng sinasabi ko ngayon nang bigla akong napatigil sa paglalakad at napalingon pa ako sa direksyon nila dahil sa sinabi ni Dwight.
"Paano ka naman nakasisigurong imposible ngang magkabalikan tayo?"
Shet na malagkit. Here we are again!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro