Chapter 3
Option E
Kakain na sana ulit ako ng tinapay na binili ko nang biglang nag-ring ang phone ko. Ayaw ko mang sagutin 'yong tawag dahil mas gusto kong kagatan 'yong tinapay, tiningnan ko na lang din kung sino ba ang tumatawag sa akin. Pagtingin ko sa screen, siya pala 'yong tumatawag. Sa sobrang pagkataranta ko, muntik ko nang maibato yung cellphone ko. Buti na lang talaga at hindi ko ginawa 'yon kasi kung naibato ko 'yong cellphone ko, siyempre masisira 'yon. At hindi lang ang cellphone ko ang masisira—pati na rin ang kinabukasan ko kasi wala na lalo akong matitirahan.
Bago ko sagutin ang tawag niya, huminga muna ako nang malalim kahit na alam kong wala rin naman 'yong use. Sobra-sobra pa rin talaga kasi ang kabang nararamdaman ko dahil sa kalokohang naisip ko.
"Hello?" sabi ko nang mahina.
"Bakit ka tumawag?" tanong niya sa akin at walang mababakas na enthusiasm sa boses niya. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng matitirahan, bababaan ko na ng phone 'to, e.
Sa tingin ba niya gusto ko pang marinig ang boses niya o kaya ay makausap siya? Wala lang akong choice. Siya na lang ang natitirangang option o kaya naman ay siya na lang talaga ang naiisip kong pwedeng maging option sa ngayon. Langya naman kasi, e. Bakit ba ang malas malas-malas ko?!
"H-ha? W-wala. Na-wrong press lang siguro ako?" sagot ko kahit na obvious na hindi rin ako sure sa sinasabi ko. I could already imagine his face right now. Napapailing na siguro siya dahil sa kalokohang sinasabi ko. Halata namang nagsisinungaling ako ngayon and for sure, alam na rin niya 'yon.
I was half-expecting him na pipilitin niya akong magsabi ng totoo. He was like that before. Hindi niya ako titigilan hangga't hindi ako umaamin. Kaya noong sinabi niyang ibababa na niya ang call, nilunok ko na ang pride ko at napagdesisyunan kong sabihih na ang totoo.
"Teka lang, wait! Ito na," sabi ko sabay hinga nang malalim. Hindi ko sigurado kung anong magiging resulta nito but here goes nothing. "Pwede bang manghingi ng favor?"
"So tinawagan at inisitorbo mo ako para lang manghingi ng pabor?" tanong niya ulit sa akin. Napatahimik ako dahil doon at para bang gusto ko na lang ulit i-end 'yong call. Kung hindi ko lang naman talaga kailangan ng tulong, hindi ko siya tatawagan, e.
Napasimangot ako dahil sa mga bagay na pumapasok sa utak ko. Hindi ko na rin talaga kasi alam ang dapat kong gawin at sabihin. Para bang bawat salita na bibitiwan ko, hinahatak ako nang hinahatak papunta sa ilalim ng lupa. Kaunting-kaunti na lang yata at maaabot ko na ang six feet below the ground. Hindi pa nga ako namamatay, nasa ilalim na ako dahil sa sobrang kahihiyan.
"Hoy! Ano na nga 'yon?"
"Ay anak ka ng kalabaw!" Napatigil ako sa pagdadrama at muntik na akong mahulog mula sa kinauupuan ko noong narinig ko ulit ang boses niya.
Nataranta? Siguro. Ewan ko. Baka sadyang praning na ako o kaya naman ay wala na ako sa sarili kaya ako nagkakaganito.
"Umayos ka nga! Sabihin mo na kung ano 'yang kailangan mo. Ang bagal bagal mo naman, e," sabi niya sa akin kaya medyo nairita na ako.
Alam ko naman na wala ako sa posisyon para mairita kasi ako na nga 'tong nanghihingi ng pabor pero nakakainis talaga 'yong ugali niya, e! Hindi naman madali 'tong ginagawa ko. Ang hirap kayang kumuha ng buwelo!
"PWEDEBANGMAKITIRASABAHAYMO?NAPALAYASAKONGLANDLADYKOE," sabi ko nang dire-diretso. Dahil naiirita na nga ako sa kanya, ibinigay ko sa kanya ang hinihiling niya. Madali naman talaga akong kausap, e. Kapag sinabing bilisan, binibilisan ko. Ayaw niya nang mabagal? E 'di fine. Bahala na siyang umintindi sa sinabi ko!
Narinig ko ang pagbuntonghininga niya sa kabilang linya at bigla kong na-imagine ang pag-iling niya. I know for a fact na ayaw na ayaw niya kapag ginagawa ko ang mga ganitong bagay. Pakiramdam niya kasi, sobrang childish ko kapag ginagawa ko 'yon. Pero he left me with no choice naman 'di ba?
Kung ano-anong mga bagay na ang pumapasok sa utak ko sa sandaling panahon na napatigil ako sa pagsasalita. Napilitan lang akong itigil ang pag-iisip sa kung ano-ano at pagre-reminisce nang narinig ko na ang pagrereklamo niya mula sa kabilang linya.
"Seryoso kasi, G!" Napahinto na naman ako nang marinig ko ang tawag niya sa akin. After everything that we've been through, 'yong nickname pa rin na 'yon ang sinabi niya. Posible bang...
Napailing ako sa naiisip ko at pinilit ko na lang na mag-focus sa hihingin kong pabor sa kanya. Nilunok ko na lahat ng laway at pride na natitira sa katawan ko at saka ko sinabi sa kanya ang lahat.
"Sorry na! Alam kong naiirita ka na sa kakapalan ng mukha ko pati na rin sa kakulitan ko ngayon pero ayon na nga. Tinatanong ko lang naman kung pwede ba akong makitira muna kahit saglit lang sa bahay mo. Pinalayas kasi ako ng landlady ko, e. Kahit one week lang o kaya three days. Kahit nga overnight lang talaga, e. 'Yong tipong may malipasan lang ako ng gabi. Hinihintay ko lang talaga kasi yung ipapadalang pera ng parents ko tapos maghahanap na ako ng bagong apartment or boarding house or whatever. Kahit singilin mo na lang din ako after my stay o kaya pagtrabahuan ko na lang or something," sabi ko sa kanya.
Hinihintay ko na ang mga violent reactions niya dahil madalas kapag hindi ako nakakapagbayad noon, magagalit agad siya sa akin tapos sersermonan na niya ako. Bakit daw kasi hindi agad ako nagbabayad agad o kaya bakit daw hindi agad ako gumagawa ng paraan para magkapera pero surprisingly, wala akong narinig na ganoon ngayon. In fact, nagulat pa ako dahil sa naging sagot niya.
"Nasaan ka ba ngayon? Sunduin na kita nang mabatukan na rin kita dahil inistorbo mo pa ako sa ginagawa ko."
"Ano ba kasi 'yang ginagawa mo?" tanong ko sa kanya out of curiosity. Hindi naman masamang maging curious 'di ba?
"Gusto mo ba talagang malaman ha?" sagot niya sa akin tapos kung ano-anong mga bagay na ang pumasok sa utak ko.
Napa-iling ako dahil doon at para bang gusto ko na ring sampalin ang sarili ko. Jusko. Ganito ba talaga kapag napapalayas? Kung ano-ano na ang naiisip?
Bago pa niya ako masermonan dahil sa pag-space out ko, binago ko na agad 'yong topic na pinag-uusapan naming dalawa. Sinabi ko na lang sa kanya kung nasaang impyerno na ako ngayon and he ended the call at once. Siguro, naaalibadbaran na rin siya sa boses ko. Sino nga naman ba kasi ang hindi maiirita sa ginawa ko? After a very long time na wala kaming imikan, bigla-bigla akong tatawag para lang makiusap kung pwede akong makitira sa bahay niya dahil napalayas ako. Ang user lang ng dating 'di ba?
Ilang minuto na rin ang nakalipas pero kahit anino ni Dwight o kahit man lang anino ng sasakyan niya ay hindi ko pa nakikita. Bakit nga ba kasi ako nag-expect na darating agad siya rito? Sino nga naman ba ako sa buhay niya? Isa lang naman akong hamak na ex. Hindi porket tinanong niya ako kung nasaan ba ako ay pupuntahan na niya talaga ako. Baka nga mamaya, kasama pala niya 'yong girlfriend niya ngayon tapos na-istorbo ko pa sila dahil sa katangahan at kakapalan ng mukha ko.
Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil sa sobrang frustration na nararamdaman ko. I was cursing under my breath nang biglang may nagsalita sa tabi ko.
"Nababaliw ka na ba talaga ha?" Napalingon agad ako sa direksyon niya. Gusto ko sanang gumawa ng comeback statement para mapatahimik ko rin siya pero pagkakita ko sa kanya, para bang naputulan na ako ng dila. Nawala agad ako sa sarili ko. Ang tagal na rin naming hindi nagkikita pero bakit ganito pa rin ang epekto niya sa akin?
"Napalayas ka lang, napunta na sa lupa 'yang utak mo. Umayos ka nga!" sigaw niya sa akin kaya bumalik na rin agad ako sa katinuan.
"Pwedeng mag-sorry? E kung ikaw kaya ang nandito sa posisyon ko! Sige nga. Anong gagawin mo?" sagot ko sa kanya and after saying those words, para bang gusto ko na lang kainin ang lahat ng sinabi ko. Alam ko naman kasing hindi ako mananalo sa kanya. May maisasagot at maisasagot pa rin siya sa mga sasabihin ko.
"Are you seriously asking me that question? Hinding-hindi ako mapupunta sa posisyon mo kasi hindi naman ako mapalalayas ng apartment. Alam ko ang priorities ko."
"Okay fine! E 'di ikaw na ang magaling! Ako na ang may kasalanan! Are you happy now?" pabalang kong sagot sa kanya at halatang naiinis na siya dahil sa inaasta ko.
"Baka nakakalimutan mong ikaw ang humihingi ng pabor sa atin ngayon?"
"Wala na akong sinabi, okay? Kalimutan mo na ang lahat."
"Mabuti sana kung ganoon kadaling kalimutan ang lahat, e," mahinang sabi niya.
"Anong sabi mo?" tanong ko naman sa kanya. Gusto ko rin kasing makasiguro kung tama ba ang pagkakarinig ko.
"Wala! Teka lang pala. 'Yan na ba lahat ng gamit mo?" pagbabago niya sa usapan.
Diyan naman siya magaling, e. Ang umiwas sa mga bagay na ayaw niyang pag-usapan. Kayang-kaya niyang lusutan ang mga topic na ayaw niya.
"Oo. Bakit, may mali ba?" sagot ko sa kanya. Balato ko na nga lang 'to sa kanya. Ako naman ang nanghihingi ng pabor sa kanya kaya sasakyan ko na lang ang trip niya.
"Wala naman pero parang ang konti lang kasi."
"Pinagpilitan kong magkasya lahat sa bag ko saka konti lang naman talaga ang gamit ko. Hindi naman ako mayaman. Sorry na!"
"Hindi ka na talaga nagbago. Sumakay ka na nga sa sasakyan. Ilalagay ko lang 'yong mga gamit mo sa compartment," sabi niya tapos kinuha niya na ang mga gamit ko. Tutulungan ko sana siya sa pagbitbit ng mga 'yon pero bigla na naman siyang nagsalita.
"Sinabi nang sumakay ka na, e! Ang kulit mo talaga!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw niya kaya kumaripas na ako ng takbo papunta sa back seat ng sasakyan niya. Nanahimik na lang ako agad tapos tumingin ako sa labas para hindi ko na muna siya maharap. Balak ko na talagang manahimik na lang at lumayo hangga't kaya ko kaso siya naman ang gumagawa ng paraan para mas lalo akong mailang. Bakit ba siya ganyan?
"Hoy! Bakit diyan ka umupo? Ano ako, driver mo? Aba't masaya ka! Lumipat ka nga rito sa harap!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro