Chapter 2
Option B & C
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa nakaramdam na ako ng pagod. Napaisip tuloy ako kung susundin ko na ba ang sinabi ng landlady ko—este ex-landlady ko—na sa kalsada na lang ako magpaliwanag. Pero obvious naman na hindi ko pwedeng gawin 'yon. Kahit na prepared ako dahil may dala akong camping tent, sobrang diyahe lang kung dito na ako sa kalsada titira. Kapag kinausap ko naman 'yong kalsada, baka mapagkamalan pa akong baliw o kaya naman ay manakawan pa ako bigla. Aba, halos wala na nga akong gamit tapos mananakawan pa ako? Sobrang OA na talaga ng kamalasan ko kapag ganoon pa ang nangyari!
"Ugh. Kung kailan naman kasi kailangan, doon pa nawala. Pera, saan ba kita mahahanap?" tanong ko sa sarili ko. Alam ko namang wala dapat sumagot noon kasi rhetorical question lang naman ang sinabi ko pero takte bakit biglang may sumagot sa tabi ko?
"Gusto mo ba ng pera?" tanong ng isang lalaki sa akin na hindi ko man lang namalayan ang pagtabi sa kinatatayuan ko.
Tiningnan ko siya mula ulo mukhang paa—este mula ulo hanggang paa—at masasabi kong mukha siyang hindi gumagawa ng kahit na anong matino. Hindi naman sa judgmental ako pero parang gano'n na nga. Kasi naman, sa tono ng pananalita niya, halatang may kung anong modus na ginagawa 'to, e! Utang na loob! Bakit ba kasi dito ako dinala ng mga paa ko?
"H-ha? Hindi," pautal kong sagot sa kanya.
"Madali lang naman 'yong gagawin mo. Hindi ka man lang pagpapawisan pero instant money agad. Ano, game ka?"
"Nako, laro pala 'to! Wala pa nga 'yong rules pero nagtatanong ka na agad kung game na ako? Madaya ka, kuya! Mauna na nga ako sa 'yo! Diyan ka na! Dadalawin ko pa yung mga kamag-anak ko sa ospital," pagpapalusot ko sa kanya tapos pinulot ko na isa-isa ang mga gamit ko.
"Huy, teka lan,g miss. Saglit lang naman 'tong gagawin mo. Wala pang isang oras pero malaki agad ang kikitain mo. Ayaw mo ba talagang subukan?" pagpupumilit ni kuya habang tinitingnan ako nang malagkit. Pucha. Bakit ba ayaw niyang tumigil?
"Ayaw ko nga sabi!"
"Sige na, miss. Sigurado ako, maraming magkakagusto sa 'yo. Hindi naman mahirap 'yong ipapagawa sa 'yo, e."
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni kuya at pilit na iniwasan ang mga mata niya. Pakiramdam ko kasi, may pagka-budol budol 'to. Kapag nagkatitigan kaming dalawa, bigla akong mahi-hypnotize. Dahil doon, hinigpitan ko ang hawak ko sa mga bag ko at naglakad na ako nang mabilis papalayo sa kuya na 'yon. Hindi na rin ako lumingon para tingnan kung may naiwan pa ba akong gamit. Masyadong nakakatakot ang itsura niya at malakas ang pakiramdam kong mambubugaw lang siya o kaya naman ay gumagawa ng kung anong milagro.
Ang kailangan ko ngayon ay lugar na matitirahan at hindi trabahong katulad noon. Mahal ko pa naman ang sarili ko at ang buhay ko. Hinding-hindi ako bababa sa ganoong level!
Saka utang na loob! Kahit magpustahan pa kaming dalawa, wala namang magkaka-interes sa isang katulad ko. Isa nga lang ang pumatol sa akin noon, e. Joke time lang talaga 'tong si kuya. Kung sino-sino lang ang pinapatos. Wala man lang matinong screening, gano'n?
"Langya. Hindi na talaga ligtas dito sa kalsada. Ang daming pwedeng mangyari tapos ang daming masasama ang loob. Kung maglalakad ako pauwi ng probinsya, baka ten years na ang nakalipas pero hindi pa rin ako nakararating doon. Ang layo-layo kaya ng Dapitan! Baka kailanganin ko pang lumangoy 'pag nagkataon tapos lalong hindi pa ako makaka-graduate kapag pinilit kong umuwi. Aish! Bakit ba ka ang malas malas ko?!" sabi ko sa sarili ko out of frustration.
Dahil napapagod na rin ako sa paglalakad, naupo muna ako sa may waiting shed. Nag-iisip pa lang sana ako kung sino ang pwede kong lapitan nang biglang may pumasok na bright idea sa utak ko.
"E, kung sa school na lang kaya ako mag-stay?" tanong ko. After that, I just found myself walking straight to our school.
***
Option D
Pagdating ko sa school, napansin ko agad na nakasarado ang front gate. Medyo naka-uwang 'yong maliit na gate malapit sa guard house pero napaisip ako kung dadaan ba ako doon o hindi. Kahit kasi kakilala ko 'yong guard na naka-duty kapag ganitong oras, hindi ko pa rin sigurado kung pwede ba 'tong binabalak ko. Sobrang baba ng chance na magtagumpay ako pero hindi ko alam kung bakit gusto ko pa ring i-try.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa maliit na gate. Palakasan na lang ng loob. Sana lang talaga ay pagbigyan ako ng guard sa hiling ko in case na harangin niya ako. One week lang naman ang kailangan ko at saka kami lang naman ang makakaalam if ever. Kaya ko namang manahimik kung kinakailangan. Kung may iba ngang daan papasok ng school, 'yon na ang gagamitin ko para tahimik na talaga akong papasok, e. Kaso wala akong choice. Dito lang talaga ang daan.
"Kuya Jigs?" bulong ko sa may guard house pero walang lumalabas mula roon.
Nasaan kaya siya? Usually naman, hindi niya iniiwan 'tong guard house, e.
Dahil sobrang napapaisip na ako kung nasaan ba talaga si Kuya Jigs, lumapit na ako nang todo sa may guard house. Sinubukan kong tawagin ulit siya in case na hindi niya lang ako narinig kanina pero wala pa rin talagang sumasagot. Dahil doon, I just assumed na wala talaga si Kuya Jigs sa guard house and I considered that as the perfect timing para makapasok sa school. Kaso dahil malas nga ako, papasok pa lang sana ako ng gate nang biglang may nagsalita para pigilan ako.
"Ep ep! Saan ka sa tingin mo pupunta ha? Walang pasok ngayon kaya bakit ka nandito? Anong gagawin mo ha?" dire-diretsong tanong sa akin ng isang guard na hindi ko kakilala.
Sa four years na pag-aaral ko rito sa school, ngayon ko lang nakita 'tong guard na 'to. Langya. Kung kailan ko kailangan si Kuya Jigs saka pa siya wala.
"Nasaan po si Kuya Jigs?" tanong ko pabalik sa kanya.
"Wala. Nakikita mo ba rito ha?" Aba't talaga naman! Hindi rin masyadong pilosopo 'tong guard na 'to, ah? Nako. Kung hindi ko lang kailangan ng matitirahan, dadagukan ko na talaga 'to. Kinakausap ko naman siya nang matino tapos biglang ganoon ang isasagot sa akin. Kung pamimilosopo ang gusto niya, e 'di fine. Pagbibigyan ko siya. Akala niya, siya lang ang marunong mamilosopo, ah?
"Hahanapin ko po ba kung nakikita ko?"
"Aba't namimilosopo ka pa, ah! Sagutin mo na nga 'yong tanong ko! Saan ka pupunta?"
"Sino po ba ang unang namilosopo sa ating dalawa?"
"Talaga naman, o! Saan ka nga pupunta?!" sigaw sa akin no'ng guard.
"Sa loob po ng school. Wala po kasi akong matitirahan ngayong araw. Pinalayas po kasi ako ng landlady ko. Student naman po ako rito. Kung pwede sana ay mag-stay lang ako rito kahit one week lang. Wala na po talaga kasi akong mapuntahan, e." dire-diretso kong sagot sa tanong no'ng guard at habang sinasabi ko ang mga iyon sa kanya, tango lang siya nang tango.
Dahil sa wagas niyang pagtango, umaasa ako na papayag siya sa gusto kong mangyari. 'Di ba kapag tumatango ang isang tao, it means yes? So sana talaga pumayag siya!
"Ay, kawawa ka naman pala, hija. Pero HINDE PWEDE! Umalis ka na nga rito! Mawawalan pa ako ng trabaho dahil sa kalokohan mo, e! Alis na dali!" sigaw ulit sa akin no'ng guard at itinaboy na niya ako papalayo ng gate.
Anak ng pating lang! Hindi na siya naawa! Kung itaboy pa ako akala niya, hindi ako tao. Bwisit. Sana nga talaga ay mawalan siya ng trabaho!
Bago ko pa mabato ng kung ano 'yong guard, pinigilan ko na ang sarili ko at naglakad na ako papalayo sa school. Alam ko namang ginagawa lang niya ang trabaho niya pero he didn't have to be that rude. Pwede naman niyang sabihin sa akin nang mahinahon na bawal. Nakakaintindi naman ako. Feeling niya ba, masamang loob ako?
Kahit na masama pa rin ang loob ko, lumayo na ako sa guard na 'yon. Huminto na lang ako sa isang tindahan nang nakaramdam ako ng gutom at pagod. Ibinaba ko saglit ang mga gamit ko at umupo ako sa sementong upuan sa tapat mismo ng tindahan. Pagkabili ko ng tinapay at softdrinks, kumain na agad ako. Napatigil lang ako sa pagkain nang may naisip akong tao na pwede kong lapitan.
Kaso shit...hindi ba dyahe 'tong gagawin ko? Kaso wala naman akong choice. Gagawin ko ba talaga 'to? Bakit ba kasi hindi ako pwedeng lumapit sa ibang kaibigan ko? Dahil wala na talaga akong choice, napagdesisyunan ko nang ituloy ang plano ko.
"Isa na lang talaga ang option na natitira. Nakakahiya mang gawin 'to pero kailangan ko pa ring subukan. Bakit ba kasi pinalayas pa ako ng landlady ko, e?!" sabi ko sa sarili ko at inalabas ko na mula sa bulsa ko 'yong cellphone ko. I-dinial ko ang number niya—hindi ko malaman kung bakit kabisado ko pa rin—at hinintay ang pagsagot niya.
"Hello?" sabi sa kabilang linya pagkatapos ng limang ring. Ewan ko ba kung bakit pero...
...in-end ko yung call. Kainis naman, o! Saan na ba talaga ako titira?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro