Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

"Wake up feel the air that I'm breathing
I can't explain this feeling that I'm feeling
I won't go another day without you, without you
Hold on, I promise it gets brighter
When it rains I'll hold you even tighter
I won't go another day without—"

"Hoy, Georgina! Lumabas ka diyan! Buksan mo 'tong pinto!" Napahinto bigla ang pagkanta ko dahil sa sigaw ng isang taong ayaw na ayaw kong makita o makausap. Buong akala ko, tatahimik na ang buhay ko nang ilang araw o kaya naman linggo pero takte, mali pala ako. Bakit ba nandito na agad 'tong taong 'to?

Dahan-dahan akong tumayo mula sa kama ko at nilakasan ko lalo ang tugtog na nanggagaling sa radyo ng cellphone ko. Sinong matinong tao nga naman ba ang mas pipiliin pang makipagtalo sa isang walang puso at talak nang talak na landlady kaysa humilata sa kama at magpanggap na walang ibang tao sa mundo? Siyempre, kung matinong tao ka, mas pipiliin mong humilata. That was my choice pero dahil kinalaban ng landlady ko ang lakas ng tugtog na nagmumula sa radyo ng cellphone ko, wala na akong choice kung hindi sumabak sa giyerang alam kong sa simula pa lang, talo na ako.

"Georgina! Sinabi nang lumabas ka diyan, e! Kailangan ko pa bang tumawag ng taga-baranggay hall para lang lumabas ka diyan? Aba't mahiya ka naman! Ilang buwan ka nang hindi nagbabayad ng renta mo!" sigaw ulit ng landlady ko.

Siguro, kung hindi lang ako lalong mapapahamak, matagal ko nang binusalan 'to. Nakakarindi na rin talaga kasi 'yong pagratatat ng bunganga niya. Daig pa ang machine gun sa pagputak.

"Ma'am, chill lang po! Ito na. Bubuksan ko na 'yong pinto. Ngiti-ngiti rin para iwas wrinkles!" sigaw ko pabalik sa kanya. Alam ko, ang kapal ng mukha ko para lokohin pa siya nang ganoon pero wala naman na akong choice. Kung sasabak na rin lang ako sa giyera, mas mabuting pagandahin ko muna 'yong mood ng kalaban ko.

"Ay talaga? Ganoon ba 'yon?" tanong niya sa akin kaya halos mapa-tumbling na ako dahil sa tuwa. Effective pa rin pala ang mga kalokohang pinagsasasabi ko.

"Teka, sira ulo kang babae ka! 'Wag mong ibahin ang usapan! Buksan mo 'tong pinto!" sigaw niya ulit with matching palo sa pinto. Noong panahong iyon, ramdam na ramdam ko na ang pagka-inis niya sa akin. Dahil wala na rin naman akong magawa, huminga na lang ako nang malalim at binuksan ko na ang pinto.

Georgina, brace yourself. This is World War Two Point Five.

***

Option A

"Ate Lorna, sige naman na po. Kahit pa-extend na lang talaga ng one week! Promise, maghahanap po ako ng pagkakakitaan para po makapagbayad na ako. Walang-wala lang po talaga ako ngayon kasi ang daming gastusin sa school, e. Alam niyo namang graduating na ako ngayong sem 'di ba? Sagad na sagad na po talaga ang bulsa at wallet ko sa dami ng bayarin. Idagdag niyo pa pong hindi pa nakapagpapadala ng pera yung mga magulang ko. Na-delay na naman yung sweldo nila kaya sige na naman po! Maawa na kayo sa akin! Last na talaga 'to, promise!" pagmamakaawa ko kay Ate Lorna kahit na hindi niya ako pinapansin.

Ipinagpapatuloy pa rin niya ang pagbubunganga niya para lumayas ako sa apartment ora mismo dahil kung hindi, ipaba-baranggay na niya ako. Ganito ba talaga kalupit ang mga landlady para lang makapagpalayas ng mga tenant na hindi agad nakapagbabayad ng renta? Bakit sabi naman ng mga kaibigan ko, hindi ganito ang mga landlady nila? Hindi ko tuloy malaman kung sadyang ayaw lang sa akin ng landlady ko, e. Napapaisip na rin ako kung sobra-sobra na ba talaga ang utang ko sa kanya kaya hindi na ako aware na mas mahal na pala sa buhay ko ang halaga ng rentang hindi ko pa nababayaran.

Anak ng pating. Bakit ba kasi parang nakalunok ng machine gun at megaphone 'tong landlady ko? Ang malas malas malas malas ko lang talaga!

"Che! Anong one week? Ilang linggo mo na kayang sinasabi 'yan! Hindi mo na ako maloloko, Georgina. Itigil mo na 'yang mga alibi mo at sa kalsada ka na magpaliwanag!" marahas niyang sagot sa akin habang pinipilit niyang tanggalin ang pagkakahawak ko sa may binti niya.

Oo na. Ako na ang desperado. Luhod kung luhod na at iyak kung iyak. Wala na akong pakialam kung nakauubos na ng kahihiyan 'tong ginagawa ko. Kailangan ko talaga ng matitirahan, e!

"T-teka. Sa kalsada po talaga ako magpapaliwanag? Hindi po ba pwedeng sa baranggay na lang muna?" pamimilosopo ko sa kanya.

"So, gusto mo ngang ipa-baranggay kita? Madali naman akong kausap, Georgina, kaya sabihin mo na ngayon pa lang kung saan mo talaga gustong magpaliwanag."

Peste. Ako pa ang napahamak dahil sa pamimilosopo ko kay Ate Lorna. Sabi ko nga, dapat nanahimik na lang ako, e.

"Ate Lorna, last na hirit na po talaga 'to! Sabi po kasi ng magulang ko, this week na talaga sila magpapadala ng pera. Konting tiis na lang naman po. Sige na, please? May deposit at advance pa naman ako 'di ba?" mahinahon kong sagot kanya with matching puppy dog eyes pa. Kulang na nga lang yata ay ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko. Well, OA na yata kung iiyak pa ako kaya hindi ko na lang din ginawa kahit na kayang kaya kong umiyak on the spot.

"Gasgas na 'yang linya mo, Georgina! Matagal mo na ring nagamit 'yong advance mo. Hala, sige. Bilisan mo nang kumilos diyan! Darating na mamaya yung bagong titira dito. Baka sabihin, hindi ko man lang ipinalinis 'yong titirahan nila. Nakakahiya naman sa kanila lalo pa't nakapag-deposit na sila. Sinasabi ko sa 'yo, Georgina. 'Wag na 'wag kang magtitira ng kahit na anong dumi dito dahil kung hindi mo aayusin ang paglilinis, mananagot ka talaga sa akin!" sigaw niya sa akin tapos lumabas na siya ng apartment ko. Ibinalibag niya rin ang pinto and with that, I accepted my defeat.

Ilang segundo ko ring tinitigan ang nakasarang pintuan ng apartment na napamahal na sa akin. Siyempre joke lang 'yong napamahal sa akin pero seryoso na tinitigan ko 'yong pinto. Hindi ko rin talaga kasi alam kung saan na ba ako pupulutin dahil sa kalokohang naisip ni Ate Lorna. Joke time naman kasi, e. Alam niyang nandito pa ako pero kumuha na siya ng deposit mula sa ibang tao. Sa tingin ko, hindi naman tamang may papalit agad sa akin dito sa apartment kahit na nandito pa ako. Ano 'to? Wala man lang advance notice o kaya isang linggong palugit? Bakit ang mga bill naman, may disconnection notice muna bago ka maputulan ng linya? Hindi ba pwedeng magkaroon muna ng eviction notice sa mga apartment bago ka mapalayas nang tuluyan?

Dahil alam kong mas malaking kalokohan lang ang naisip ko tungkol sa eviction notice na 'yan, ni-lock ko na ang pinto ng apartment at dumiretso na ako sa kwarto ko. Kahit na labag sa loob ko, sinimulan ko nang ilabas sa mga cabinet ang mga gamit ko at ikinalat ko ang mga iyon sa kama. Dahan-dahan kong ipinagsiksikan sa mga bag ko ang kung anumang gamit na makita ko na natatandaan kong akin. Sa kabutihang palad, wala akong kahit na anong appliances na rinala rito sa apartment maliban sa laptop ko. Kung hindi, nako. Aabutin siguro ako ng siyam-siyam para lang makapaglimas ng gamit.

Okay, I'll admit it. One of the main reasons kung bakit ayaw ko pa talagang umalis dito sa apartment na 'to ay dahil kumpleto na talaga yung mga gamit dito. Mapa-furniture o appliances, meron na. Kahit na sobrang sungit ni Ate Lorna at ng mga anak niyang impaktita, aarte pa ba ako kung nandito na ang lahat ng kakailanganin ko para maka-survive rito sa mundong ibabaw? Siyempre, hindi na. Choosy pa ba ako? Ako na nga lang 'tong nakiki-renta, e.

Kaya ko naman talagang bayaran 'tong apartment na 'to dati. Kaso, dahil nga nagkaproblema sa trabaho si mama, hindi naipadadala ni papa 'yong sweldo niya. Hindi rin nila kakayanin kung sila naman ang walang pera. Ako naman si mabuting anak, pinipilit paniwalain ang magulang na kaya ko pa ring magbayad ng renta.

Well, I tried. Kumuha ako ng freelance jobs but it doesn't really help a lot. Saka lagi ring delayed ang sweldo. By hour pa ang bayad. Sa bagal pa man din ng internet connection ko, lagi akong walang nakukuhang raket. Kaya 'yon. Wala ring naitulong.

Noong nasiguro kong nakuha ko na ang lahat ng gamit at kung ano pang abubot ko, tiningnan kong maigi 'yong apartment. Iniikot ko ang tingin ko sa lahat ng sulok nito. Halos apat na taon din akong tumira dito. Halos dito na ako nagkamalay. Chos lang. Halos sa buong college life ko, dito na talaga ako nag-stay. Kung kailan malapit naman na akong maka-graduate saka pa ako napalayas. Kairita lang talaga 'tong si Ate Lorna! Hanep sa timing, e. Hindi man lang naawa. Hindi ba niya naisip na super hell week ako ngayon? Siguro, hindi siya nakaranas ng hell week. Kairita much talaga!

Pagkatapos kong pagnilayan at ma-conclude na wala talagang awa si Ate Lorna, binuhat ko na ang lahat ng mga gamit ko at lumabas na ako ng apartment. Isinara ko na ang pinto tapos tiningnan ko yung street namin. Tahimik na tahimik at walang ka-tao-tao. Napangiti ako dahil doon. Magagawa ko na rin ang paghihiganting gusto ko.

Naghanap ako ng bato na katamtaman lang ang laki at saka ko itinali roon ang susi ng apartment. Pagkatapos noon, ibinato ko ang dalawang 'yon sa bintana.

"Bwisit! Sana hindi na tumuloy diyan yung nag-deposit tapos wala nang titira diyan forever!" sigaw ko sabay karipas ng takbo papalayo sa hinayupak na lugar na 'yon.

Noong nakasiguro akong malayo na talaga ako sa apartment, tumigil na ako sa pagtakbo. Ibinaba ko saglit ang mga gamit ko at saka ako huminga nang malalim.

"Whew. Nakaganti rin ako kay Ate Lorna! Kung inaakala niyang tatanggapin ko lang agad ang kasamaang ginawa niya, pwes, nagkakamali siya! Nuknukan naman kasi siya ng damot, e. Kaso anak ng pating. Saan na ba talaga ako titira ngayon?" sabi ko sa sarili ko habang nagpapapadyak. At that time, gusto ko na rin sanang umiyak kaso napansin ko ang biglang pagtigil ng mga tao sa paligid ko para tingnan ako. Dahil doon, napatigil ako sa pagmamaktol ko.

"Pasensya naman po! 'Wag niyo na lang akong pansinin. Sige lang, ipagpatuloy niyo lang po ang mga ginagawa niyo," nahihiyang tawa at sabi ko sa kanila at katulad ng hiniling ko, naglakad na ulit sila na para bang walang nangyari.

Pero seryoso kasi. Saan na nga ako titira?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro