Chapter 9
Omaygahd. I'm back! Sorry for the super duper long wait. Sana may nagbabasa pa nito. Huhuhu. Pero I'm still alive and kicking! Sana makapag-update na rin ako ng mas madalas. Will try but no promises. Tell me what you think okay? :)
Enjoy reading! :)
===================================================
The moment na dumating ako sa bahay, nakatayo na agad sa may gate si kuya na para bang inaabangan ang pagdating ko. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang kinabahan ako dahil doon. Wala naman akong dapat ikakaba pero bakit nga ba ganito ang nararamdaman ko? Dahil ba sa naging text niya? O dahil ba sa sinabi ni AJ? Siguro, pareho.
“Kuya, bakit nandito ka sa labas?” I asked him as calm as I could. Sinusubukan kong pamukhain na okay lang ako. Na hindi ako kinakabahan pero takte. Sobrang lakas talaga ng pagtibok ng puso ko na para bang pakiramdam ko ay pwede na ‘yong tumalon palabas ng katawan ko.
“Hinihintay ka.” Matipid niyang sagot sa akin. Hindi man lang siya ngumiti o nagpakita ng concern. Usually naman kapag mag-isa akong umuuwi, pinapagalitan ako ni kuya pero ngayon, wala. Kahit pagtaas man lang ng tono ng pananalita, walang mababakas sa kanya. Lalo tuloy akong kinabahan dahil doon.
“Bakit naman? You could have waited for me inside.” Sagot ko naman sa kanya. Kung tutuusin, may idea naman na ako kung bakit dito niya ako hinihintay sa labas e. Kapag sa loob kasi siya ng bahay naghintay, may possibility na marinig ni AJ yung pag-uusapan naming dalawa.
“We need to talk.”
“We are talking right now.” Pamimilosopo ko sa kanya. Ayan tuloy, nabatukan pa ako ni kuya.
“Umayos ka nga Lauryn Katreena. Alam kong alam mo kung anong ibig kong sabihin kanina.” Seryosong sagot ni kuya. Dahil doon, napa-buntong hininga na lang ako. What’s the use in trying to avoid the subject at hand kung ang kausap mo naman ay doon at doon pinapapunta ang usapan?
“Alin ba kasi doon ang gusto mong pag-usapan?” Tanong ko sa kanya sabay salampak sa may sidewalk. Hindi agad sumagot si kuya pero naramdaman kong tumabi siya sa kinauupuan ko.
“Bakit sinabi ni AJ na gusto ka niyang kasama sa lakad namin?” Diretsong tanong niya sa akin. Takte. Iba pa rin pala ang epekto kahit na alam ko na yung itatanong niya sa akin.
“M-malay ko. Baka naman gusto lang niyang may mapagtripan?” Sagot ko kay kuya. Sa totoo lang, wala naman talaga kasi akong idea kung bakit ‘yon biglang sinabi ni AJ kay kuya.
Tumango lang si kuya bilang sagot. Akala ko marami pa siyang follow up questions pero mukhang wala naman na pala. Nasayang tuloy yung kaba ko. Pero okay na rin siguro yung ganito. Baka kasi kapag may itinanong pa siya, baka kung ano pa ang masabi ko. Mahirap na. Ako nga naguguluhan na sa nangyayari. Baka lalo lang gumulo kapag nasali pa si kuya.
Nanatili kaming tahimik ni kuya ng ilang minuto. Marami akong gustong sabihin at itanong sa kanya pero I chose to remain silent. Minsan lang din kasi kaming ganito. At times like this, the silence makes me feel content. The fact that I could feel his presence beside me is enough to make me feel safe. Iba pa rin pala talaga kapag kasama mo palagi ang kuya mo. Para bang wala ng makakabasag sa barrier naming dalawa until he came.
“Nandiyan ka lang pa-” Napalingon kaming dalawa ni kuya sa kanya at hindi na niya natapos yung sasabihin niya.
“Bakit mo ba ako hinahanap?” Tanong ni kuya sa kanya pero hindi siya sumasagot. Nakatingin lang siya sa akin kaya agad kong iniwas yung tingin ko. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa sidewalk at ganoon din ang ginawa ni kuya. After that, nagsimula na akong maglakad papasok ng bahay.
“Kat, sasama ka ba sa amin?” Tanong naman ni kuya sa akin kaya napatigil ako sa paglalakad. Lumingon ako sa kanya saka ako sumagot.
“Hindi na. Marami pa akong gagawin for school e.”
“Sinungaling. Holiday kaya bukas!” Sabat ni AJ kaya napatingin ako sa kanya.
“Pakialamero! Sa ayaw kong sumama e.” Sagot ko naman sa kanya at nag-iba yung itsura niya dahil sa sinabi ko. Babawiin ko pa lang sana yung sinabi ko nung biglang nagsalita si kuya. Perfect timing.
“Huwag ng pilitin ang ayaw. Tara na.” Yaya ni kuya kay AJ tapos umalis na silang dalawa. I was left dumbfounded sa may gate ng bahay at napailing na lang ako dahil sa nangyari. Who would have thought na si kuya pa ang sasagip sa akin? Sa dalas naming mag-asaran, siya pa rin pala ang makakapitan ko sa mga panahong ganito.
Pumasok na ako sa bahay at dumiretso agad ako sa kwarto ko. Nagkulong na ako doon dahil hindi rin ako sigurado sa mga desisyon na pwede kong gawin. Baka kasi bigla ko pa silang habulin. Mahirap na. Ilang minuto rin siguro akong nakatulala at nag-iisip ng pwedeng gawin nung biglang tumunog yung cellphone ko. Agad kong tinignan kung sino yung nag-text and upon reading his name, my heart skipped a beat. The heck. Ano bang nangyayari sa akin?
From: Achilles Jeremy
Bakit mo ginawa ‘yon?
Napakunot ang noo ko dahil sa text niya. Ano ba ang ibig niyang sabihin doon? Dahil hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi niya, sinagot ko agad siya.
To: Achilles Jeremy
What on earth are you talking about?
From: Achilles Jeremy
You know what I’m talking about.
To: Achilles Jeremy
Dahil ba sa hindi ko pagsama sa inyo ni kuya?
Kung dahil doon, SORRY!
From: Achiless Jeremy
You’ve got some explaining to do.
Mag-uusap tayo mamaya.
Napatulala na lang ako dahil sa huling text na natanggap ko mula sa kanya. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman at gawin. Kapag sumama kasi ako sa kanila, baka kung anong gawin at sabihin niya tapos magtatanong lang nang magtatanong si kuya dahil doon. Hindi ko rin naman alam kung anong dapat isagot sa mga ganoong bagay. Kasi ako nga mismo hindi alam kung bakit ganoon ang kinikilos ni AJ kapag kasama niya ako e.
Sa sobrang pagkapraning sa maaaring mangyari mamaya, hindi ko napigilan ang sarili ko at pinuntahan ko agad si Nicole sa bago niyang dorm. Kailangan ko lang talaga ng makakausap. Pakiramdam ko kasi mababaliw ako kapag kinimkim ko ang lahat sa sarili ko.
Pagdating ko sa dorm nila Nicole, pinapasok agad niya ako sa kwarto niya. Buti na lang at wala pa yung roommate niya kaya libre pa kaming mag-usap. Medyo nakakahiya rin kasing magkwento kapag may ibang tao lalo na kung hindi mo kakilala. Saka who knows? Baka biglang kakilala pala niya si AJ o kaya si kuya e di deads na?
“Ano bang nangyari at napasugod ka pa talaga dito?” Tanong ni Nicole sa akin pagkaupo na pagkaupo ko sa kama niya. Hindi man lang ako binigyan ng chance ng bruhang ‘to para huminga.
“Naguguluhan na kasi ako.” Sagot ko sa kanya.
“Ikaw ba talaga ang naguguluhan o ‘yang puso mo?” Hindi ako nakasagot sa tanong ni Nicole. If silence really means yes, then I guess I’m guilty. Shoot me now bago pa ako maguluhan nang todo. Or I guess in this case, bago pa ako mahulog nang todo.
Ang nakakatakot kasi kapag nahuhulog ka para sa isang tao ay wala namang kasiguraduhan kung sasaluhin ka niya hanggang sa huli. Sa dami ng mga pa-fall na tao, hindi mo na malalaman kung sino ang nagsisinungaling at kung sino ang nagsasabi ng totoo. Yes, hindi naman madidiktahan ang puso sa kung sino ba siya mahuhulog o titibok pero sana naman kasi nag-uusap muna sila ng utak para hindi masyadong masaktan ang mga nagmamahal. O kaya kung may nasasaktan man, sana may shortcut para mawala agad yung sakit na nararamdaman nila.
Pero hindi naman pwedeng mangyari ang lahat ng gusto natin sa buhay.
Kung lahat ng bagay, aayon sa gusto natin, siguro sobrang boring na ng buhay natin. Wala ng thrill at para bang nakasakay ka sa rollercoaster na hindi naman tumatakbo. Maybe that’s one of the reasons why I like riding rollercoasters. Sa sandaling panahon kasi, nararamdaman ko kung paano mapunta sa taas at sa baba. Katulad lang naman ‘yan ng buhay e – may ups and downs. Isama mo pa ang twists and turns pero pagkatapos ng lahat ng ‘yon at naka-survive ka, masasabi mong life was indeed worth it.
“Hindi ka na nakasagot diyan. Sapul noh?” Pang-aasar ni Nicole sa akin kaya napatigil ako sa pag-iisip ng kung ano-ano.
“Oo na. Sapul na.”
“Tinamaan ka na talaga Kat.” Nakangiting sabi ni Nicole sa akin kaya napa-iling na lang ako.
“Tinamaan ng lintik kamo.”
“There’s no use in denying Kat. Everything’s written all over your face. So, who’s the lucky guy?” Tanong niya sa akin. Langya. Akala ko pa naman tutulungan niya ako sa problema ko. Bakit parang lalo pang nadadagdagan yung iniisip ko? Sana pala, nag-stay na lang ako sa bahay!
“I dunno. I’m so confused and it freakin sucks. Hindi ko na alam kung anong dapat gawin. Gulong gulo na talaga ako Nics.”
“Madali lang ang solusyon diyan Kat. Listen to your heart. Pakinggan mo ang sinasabi niya. Pakinggan mo ang pagtibok niya. That way, malalaman mo kung sino ba talaga ang isinisigaw niya.” Sagot niya sa akin. At that time, I just found myself hugging her for being there when I need her the most.
xxx
Ilang oras din kaming nag-usap ni Nicole. Kinamusta ko siya at yung boyfriend niya and I found out na break na pala sila. Para mabago yung topic namin, bigla niyang isingit sa usapan si kuya. Leche. Ultimate fan girl talaga ‘to ni kuya. Kahit hindi ganoon kasikat si kuya, grabe lang kung magpaka-fan girl ‘tong babaeng ‘to. Hindi ko talaga ma-gets kung bakit niya crush si kuya. Dahil ba simula pagkabata ay magkasama na kami ni kuya kaya hindi ko makita yung nakikita ni Nicole?
Pagkatapos naming mag-usap, kumain na rin kami ng dinner malapit sa dorm niya. Gusto niya sana akong ihatid (para makita niya naman si kuya) pero I insisted na kaya ko ng mag-isa. Nakarating nga ako sa dorm niya ng mag-isa di ba?
Pagdating ko sa bahay, tahimik pa rin doon so I assumed na wala pa sila kuya. Kaso I got that wrong cause lo and behold, Achilles Jeremy was sitting at the sofa, his stare melting me up to the bones. Isa na siguro ‘to sa mga pagkakataon na sobrang nailang ako sa way ng pagtitig niya sa akin and guess what? Ang naging reaction ko na lang ay tumakbo papunta sa kwarto ko. Lame, I know.
I wanted to scream my lungs out dahil sa frustration na nararamdaman ko pero hindi ko naman magawa dahil nandito siya sa bahay. Langya. Nasaan ba kasi si kuya kung kailan kailangan ko siya? Kanina ang ganda ng timing niya e. Pero bakit ngayon wala siya?
“Lauryn, let’s talk. Please?” Para bang napatalon ang puso ko pagkarinig na pagkarinig ko sa boses niya. Ito na ba yung sinasabi ni Nicole kanina? Baka naman nag-iilusyon lang ako. Baka masyado lang akong kinakabahan dahil sa naging tingin niya sa akin kanina. Oo, tama. Kinakabahan lang talaga ako.
“Uhh, tungkol saan ba?” Sagot ko sa kanya.
“Papasukin mo naman ako o. Ang hirap mag-usap ng ganito e.” Pakiusap niya sa akin at sa hindi ko malamang dahilan, I just found myself opening the door of my room for him. Tinignan niya akong maigi tapos napayuko na lang ako at naglakad pabalik sa kama ko dahil doon. Narinig ko ang pagsara ng pintuan pati na rin ang mga yabag ng paa niya at para bang mas lalo akong kinabahan.
Mag-uusap lang naman kami di ba?
“Bakit hindi ka sumama kanina? Alam mo bang kaya ko niyaya yung kuya mo at ipinilit na isama ka kasi gusto kitang makasama?” Tanong niya sa akin at para bang hindi ako makahinga dahil doon.
“H-ha? W-wag ka nga.” Nauutal kong sagot sa kanya. Langya. Sobrang kinakabahan ako dahil sa nangyayari. Parang anytime, sasabog ako dahil sa nararamdam kong ito. Sobrang hindi healthy pero hindi ko naman maiwan at maiwasan.
“Seryoso ako Lauryn. Sa ganoong paraan ko pa lang kasi kayang makasama ka ng hindi nagtataka si Liam. Pero wala e. Inindian mo ako.” Sagot ni AJ. Bakit ganoon ang tono ng pananalita niya? Bakit parang nasaktan siya?
“Bakit mo ba kasi gusto na makasama ako?” Tanong ko sa kanya.
“Sigurado ka bang gusto mong marinig ang sagot ko?” Tanong niya sa akin and at that moment, I think I knew the answer to my own question.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro