Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

A/N:

Isang bitin at walang sense na chapter. Lol. Sorry ngayon lang ulit nag-update. Filler lang 'to. :P

============================================================

“Gusto mo ba talagang mamatay ngayon ha?” Seryoso kong tanong kay AJ. Nakakapikon naman kasi e. Akala ba niya ang liit lang na issue nung pagkawala ng first kiss ko? Sobrang laking issue kaya nito! Sinasave ko ‘to para sa magiging first boyfriend ko if ever tapos kinuha lang niya sa ganoong paraan? Tapos ngayon kung makapagsalita siya parang ganun lang yun na pwede ibalik kahit kailan? The heck. Wala talagang manners ‘to kahit kailan.

“Ilang beses ko ba kasi dapat sabihin na aksidente nga lang yung nangyari? Sa tingin mo ba gusto kong halikan ka ha?” Tanong sa akin ni AJ tapos ewan ko. Bigla akong nasaktan. Ganun ba ako kapangit? Kaya ba si Enzo lang ang nagkagusto sa akin kaso di ako like-able? Sabi ni mommy, maganda naman ako pero wait. Dahil ba magulang ko siya kaya niya lang sinabi yun? I mentally shook my head dahil sa naiisip ko.

“Well, the feeling is mutual so please shut up!” Sigaw ko kay AJ tapos dumiretso na ako sa kwarto ko.

Pagpasok ko sa kwarto ko, sobrang naguguluhan na ako sa nangyayari. Hindi na rin ako sigurado sa nararamdaman ko. How could a single kiss change every little thing? Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Ang alam ko lang kasi, nag-iba na talaga ang trato namin ni AJ sa isa’t isa. Hindi ko alam kung bumuti ba o sumama pero halatang may awkwardness sa pagitan naming dalawa na parang hindi naman nage-exist dati.

Could it be… Hindi ko na itinuloy ang kung ano mang pumasok sa utak ko kasi nandiri ako bigla. Parang never in a million years would I be seeing myself with him. Mala-all or nothing lang ang peg – kung wala rin lang iba, wala na lang talaga. I know it’s a bit harsh pero ewan ko ba. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na magiging sweet sa isang taong katulad niya.

Yes, hindi naman required sa relationship na kailangan lagi kayong sweet sa isa’t isa ng special someone mo pero come to think of it. Ano bang patutunguhan ng isang relasyon kung puro bangayan lang kayo at wala man lang kahit isang ounce ng sweetness sa buhay niyo? Sa malamang-lamang, sa basuruhan na magiging final destination ng relasyon niyo.

Ang dami pa sanang tumatakbo na kung ano sa utak ko pero natigil ang lahat ng ‘yon dahil sa malakas na pagkatok sa pintuan ng kwarto ko. Dahil natuto na ako sa nangyari last time, dahan dahan ko nang binuksan yung pinto at hindi ako agad lumabas doon. Pagtingin ko sa kung sino yung kumatok, si AJ pa rin pala.

“Anong kailangan mo?” Diretso kong tanong sa kanya.

“Yayayain lang sana kitang kumain. Nag-text si Liam. Gagabihin daw siya ng uwi.” Sagot niya sa akin at halatang naiilang siyang tumayo sa labas ng kwarto ko. Well, sino nga ba ang magiging komportable kung halos ganito rin ang scenario niyo nung nagkanakawan bigla ng first kiss?

“Sige, sunod na lang ako.” Mahina kong sagot sa kanya tapos pumasok ulit ako sa kwarto at isinara ko yung pinto. Kinuha ko muna yung cellphone ko at nung natapat ako sa salamin, hindi ko alam kung bakit pero inayos ko muna yung sarili ko.

“Takte Katreena. Siya lang naman kasama mo, bakit nag-aayos ka pa?” Tanong ko sa sarili ko sabay sampal sa pisngi ko. Nakakabaliw lang shet. Ayoko talaga ng ganito.

Bago pa ako makapag-isip ng kung ano, lumabas na ako sa kwarto at dumiretso na ako sa lamesa. Pagtingin ko sa pagkain, puro galing sa matabang bubuyog na mahilig sumayaw yung nakahain. Langya. Akala ko pa naman nagluto si AJ. Nag-expect ako! Nag-expect akong malalait ko yung luto niya. Madaya talaga ‘to kahit kailan.

“Delivery na naman? Tss.” Bulong ko sa sarili ko.

“Kung may reklamo ka, wag kang kumain. Buti nga nilibre pa kita.” Sagot niya sa akin. Ay shet. Narinig pala niya! Akala ko pa naman ang hina na nung bulong ko. Grabe talaga tenga nito. Parang walang naitatagong tutuli sa kung saang sulok. Sobrang linaw ng pandinig.

“Di ko naman sinabi na ilibre mo ako ha?” Sumbat ko naman sa kanya. Minsan, ito talaga ang problema sa akin e. Imbis na magpasalamat na lang ako, kung anu-ano pa yung sinasabi ko. Hindi naman sa ma-pride akong tao pero ayaw ko lang kasing nagpapalibre palagi except kay kuya.

 “Sinabi ko bang sinabi mo?” Pamimilosopo sa akin ni AJ.

“Aba’t talaga naman!” Maghahamon pa lang sana ulit ako ng isa pang away sa pagitan naming dalawa nung biglang nagsalita ulit si AJ na siyang nagpatahimik sa akin.

“Kumain ka na nga lang. Mas maganda ka kapag tahimik ka.” Teka lang. Parang narinig ko na yung linya na ‘to dati ah? Dahil hindi ako matahimik at gusto ko talagang malaman kung saan ko ba narinig yung mga linyang ‘yon dati, umupo na lang ako sa silya at pinilit kong isipin kung saan ba nagmula ang mga katagang iyon. Makapalipas ang ilang minuto, natandaan ko na kung saan ko narinig ‘yon.

“Umamin ka nga. Anak ka ba ni daddy sa ibang babae ha?”

 

“Pinagsasasabi mo?”

 

“Sabihin mo na sa akin yung totoo AJ bago pa maghalo ang balat sa tinalupan. Mabuti yung hangga’t maaga pa ay malaman ko na kung may iba pa kaming kapatid ni kuya.” Seryoso kong sabi kay AJ pero nanatiling nakakunot ang noo niya na para bang hindi niya naiintindihan ang mga sinasabi ko.

“Hindi talaga kita maintindihan Lauryn. Ano bang sinasabi mong anak ako ni Tito Dwight?”

 

“Wala, never mind. Kunwari wala na lang akong sinabi.” Sagot ko sa kanya tapos hinatak ko na lang yung isang upuan at umupo. Binuksan ko na rin yung pagkaing pina-deliver ni AJ kaya namili na rin ako ng part ng fried chicken na gusto ko. Kinuha ko rin agad yung ice cream saka fries. Kumuha na ako ng fries sa lalagyan at akmang isasawsaw ko na sana yun sa ice cream nung biglang nagsalita ulit si AJ.

“Bakit mo kinuha ‘yang fries at ice cream? Sinabi ko bang sa’yo ‘yan ha?” Napatigil ako bigla dahil doon. May point nga naman siya doon but I knew better. Ibinaba ko yung fries sa lalagyan ng one piece chicken meal ko at saka ako nagsalita.

“As far as I could remember, hindi ka kumakain ng fries kasi sabi mo masyadong mamantika. Kapag sundae naman ang pag-uusapan, caramel ang gusto mo at hindi chocolate. Chocolate yung nandito sa’yo pa rin ‘to? Sige, push mo ‘yan.

 

Alam mo AJ, hindi naman kita ijjudge dahil lang sa alam mong gusto ko ng fries at chocolate sundae. Sana lang, hindi ka na gumagawa pa ng kung anong issue o gulo dahil lang dito. Kumain ka na nga lang diyan.” Sagot ko sa kanya. Pagtingin ko sa kanya, namumula siya. Kung dahil sa hiya o sa inis, hindi ko alam. Pero totoo naman kasi yung sinasabi ko. Kung tutuusin nga, for once ay nakakatuwa siya e. Hindi ko naman ineexpect na ibibili pa niya ako ng fries at ice cream. The fact nga na nanlibre ulit siya ngayon nakakagulat na e.

Minsan talaga, hindi ko na ma-explain ang ugali ng mga lalaki. Growing up with a twin brother, I kind of expected na magiging mas maalam ako sa pag-uugali ng mga lalaki. Kaso ewan ko ba. Para bang hindi pa rin sapat yung mga nalalaman ko kapag kasama ko ‘tong si AJ. Or maybe sadyang exemption to the rule lang siya? Ewan ko! Nakakasakit lang ng ulo.

Tahimik na lang kaming kumain ni AJ. Gustuhin ko mang magsimula ng conversation kahit ngayon lang, hindi ko naman magawa-gawa. Mas nangingibabaw pa rin talaga ang hiya ko. Ewan ko ba. Siguro dahil na rin sa mga nangyari sa aming dalawa. Lagi kaming nag-aaway at wala talaga kaming napag-uusapang matinong bagay ever. Dumagdag pa yung pesteng bagay na gusto kong kalimutan at burahin sa alaala ko. Ah, leche! Di ko na talaga alam ang dapat gawin!

“Thank you sa pagkain. Sige, punta na ako sa kwarto ko.” Paalam ko kay AJ. Usually, kapag ginagawa ko ‘to ay tatango na lang siya tapos nakaalis na ako freely. But this time’s different. Hinawakan niya ako bigla sa may wrist ko kaya napatigil ako sa pagtayo. Dahil doon, tinignan ko siya nang masama. Ano na naman ba kasi ang gusto niya? Peaceful na nga ang mundo di ba?

Wait. Peaceful nga ba?

“Pasensya ka na talaga Lauryn. Kung pwede ko lang ibalik yung oras para maiwasan ko yung pangyayaring yun, ginawa ko na. Kaso hindi ko naman magagawa ‘yon e. Alam kong nahihirapan ka na rin sa sitwasyon natin kasi nakakailang na. Kahit naman ako naiilang pero ano nga ba ang magagawa natin? Wala naman na di ba?

 

Lauryn, hindi porket dinadaan ko sa biro ang lahat ay hindi na ako nagseseryoso. Seryoso ako nung nag-sorry ako sa’yo at seryoso akong gusto kong maayos ang sitwasyon nating dalawa. Nakakasawa na rin kasi yung pag-aaway natin dahil lang sa maliliit na bagay. Sana bigyan mo naman ako ng chance na patunayan yung sarili ko.” And that left me speechless. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang isagot ko sa mga sinabi niya. Nawala bigla lahat ng mga panlaban ko sa kanya. It’s as if sumabak ako sa giyera ng walang dalang armas at sa kasamaang palad, nabaril ako sa puso. Hindi pa ako dead on the spot pero naghihingalo ang puso ko. Konti na lang, mamamatay na ang puso ko. To make things simple, konti na lang ay bibigay na ako sa kanya.

“AJ…”

 

“Wala ka namang dapat sabihin. Sana, hayaan mo lang akong patunayan na gusto kong magka-ayos tayo.” Tumango na lang ako bilang sagot. Hindi ko na rin kasi talaga alam kung nasa tamang pag-iisip pa ako. Baka kung ano pa ang masabi ko kapag nagsalita ako. Mahirap na.

Lumipas ang ilang minuto na tahimik lang kaming dalawa. Hawak pa rin ako ni AJ sa wrist ko at hindi pa rin kami gumagalaw. Nung naramdaman kong lumuluwag na ang pagkakahawak niya sa akin, akala ko makakaalis na ako. Kaso nagkamali ako.

“Lauryn, I’ll make this worth it. I’ll make us worth it.” Sabi ni AJ and at that time, alam kong hindi na siya sa wrist ko nakahawak. I hate to admit this pero pakiramdam ko, paunti-unti na siyang kumakapit sa puso ko.

xxx

Lumipas ang mga araw at nabawasan na nga ang mga bangayan naming dalawa ni AJ. Hindi ko alam kung anong nangyari pero hindi na rin kami nagkakailangan sa isa’t isa. Nakakapag-usap na kaming dalawa tungkol sa mga bagay bagay ng hindi nag-aaway, unless magkaiba talaga kami ng point of view. Sa una, nakakapanibago kasi mukha na talaga kaming magkaibigan. Minsan, nawiwirduhan na si kuya sa amin kasi may mga pagkakataon na napagkakaisahan pa namin ni AJ si kuya. Mas nagkakasundo na kami ngayon kung ikukumpara mo sa amin ni kuya. It’s as if ako na yung nagiging bestfriend ni AJ.

Kapag naiisip ko yun, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Oo, masaya ako kasi nagiging close na kami. Pero for some unknown reasons, may konting lungkot din ako na nararamdaman dahil sa pagiging close namin. Normal ba ‘tong nararamdaman ko? Gusto ko mang itanong ‘to sa ibang tao, hindi ko naman magawa. Hindi rin kasi ako handa sa mga posibleng sagot na makuha ko e.

“Kat, okay ka lang ba?” Tanong ni Enzo sa akin na siyang nagpabalik sa akin sa katinuan.

“Ha? Oo naman. Bakit naman ako hindi magiging okay?” Sagot ko sa kanya saka ako ngumiti. Isang ngiti na kahit saang anggulo, halatang pilit.

“May gumugulo sa utak mo, tama ba? Gusto mo bang pag-usapan?” Tanong niya ulit sa akin kaya nagulat ako. Ganoon ba ako ka-transparent para mahalata niya na may gumugulo sa utak ko?

“Err. Ganito kasi yun. Paano kung may kaaway ka tapos napagdesisyunan niyong magka-ayos? Tapos nung nagiging close na kayong dalawa, hindi mo ma-explain yung nararamdaman mo. Hindi ka sigurado kung magiging masaya ka dahil nagiging magkaibigan na kayo o malulungkot ka dahil dun. Anong gagawin mo kung ganun?”

 

“Kayo ba ni AJ ‘yan?” Diretso niyang tanong sa akin kaya hindi na ako nakasagot. Di ko naman ineexpect na itatanong niya sa akin yun. Ayoko na. Masyado na talaga akong obvious! Sasagot na sana ako para maisalba ko ang sarili ko at makapagsabi ng kung anong alibi nung biglang tumunog yung phone ko. Shet. Life saver kahit text lang!

Hoy panget. Umuwi ka na raw sabi ni AJ.

May pupuntahan daw tayo. Ayaw umalis

ng di ka kasama. Ipaliwanag mo sa akin ‘to

mamaya. Bilisan mo!

“Uy, I have to go ah? Nag-text si kuya e. May pupuntahan daw kami.” Mabilis kong pagpapaalam kay Enzo. Mission accomplished! Makakaiwas na ako sa tanong niya.

“Hatid na kita para matuloy na rin natin yung pag-uusap natin.” Alok niya sa akin. Ay langya. Di pa rin pala ako safe! Bakit ba kasi sinabi ko pa sa kanya yung problema ko e?!

“Ha? Hindi na! Kaya ko na ‘to, promise! Sige, bye!” Sagot ko sa kanya sabay dampot ng mga gamit ko. Kumaripas na rin ako ng takbo papunta sa gate ng school. Shet. Sana makalimutan niya na lang lahat ng napag-usapan namin! I need a miracle now!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro