Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Nung lumayo kami sa isa’t isa, ramdam na ramdam na yung awkwardness sa pagitan naming dalawa ni AJ. Sinong matinong tao nga ba ang hindi makakaramdam ng awkwardness pagkatapos niyong magkahalikan dahil sa isang maling move? Hindi naman kayo tapos bigla na lang naglapat yung mga labi niyo. Kung may pagnanasa ka sa taong ‘yon, sa malamang lamang nagtatatalon ka na dahil sa tuwa pero hindi naman ganoon yung sitwasyon namin ni AJ. Hindi nga kami makatagal sa ugalit ng isa’t isa di ba?

Jusko. End of the world na ba? Kung sa ganitong paraan din lang matatapos ang mundo sana ako na ang kumitil sa buhay ko. Mas gugustuhin ko pang mamatay na walang first kiss kaysa si AJ yung naging first kiss ko! Ang sakit sa puso shet. Hindi ko matanggap!

“Uhh. Nandiyan na yung pagkain. Tara na?” Sabi ni AJ na halatang hindi rin sigurado sa mga sasabihin niya. Hindi na lang ako sumagot sa sinabi niya. Isinara ko na lang yung pinto ng kwarto ko tapos naglakad na ako papunta sa dining room. Naramdaman kong nakasunod siya sa akin pero hindi na lang kami nag-usap.

Pagdating namin sa dining room, tinignan kaming dalawa ni kuya. It’s as if halatang may nangyari na hindi kanais-nais sa pagitan naming dalawa ni AJ. Well, totoo naman na may nangyaring hindi kanais-nais at totoo namang ang obvious naming dalawa kasi hindi man lang kami nag-aaway pagdating namin sa dining room.

Pero kapag napunta naman ang isang tao sa isang awkward na situation, di ba mawawala ka rin sa katinuan for a while? Yung tipong kahit anong pilit mo sa sarili mo na magpanggap na okay ang lahat, hindi mo pa rin magawa kasi alam mo sa sarili mo na may nagbago sa pakikitungo mo sa mga tao sa paligid mo. Instinct naman na yata talaga yun ng mga tao e. Kung hindi man instinct, siguro defense mechanism na rin natin ang hindi na lang pagsasalita o pag-react sa mga bagay bagay. Kasi kapag may ginawa o sinabi pa tayo, baka mas lumala lang yung sitwasyon.

“Anong nangyari sa inyo? Bakit hindi kayo nagsasalita?” Tanong ni kuya sa aming dalawa ni AJ pero hindi kami sumagot sa tanong niya. Umupo na lang kaming dalawa tapos inilabas na namin yung pagkain namin.

“Kat, okay ka lang ba?” Tanong ulit ni kuya sa akin. Imbis na magsalita, tumango na lang ako bilang sagot. Mahirap na e. Baka kung ano pa yung masabi ko. Ayaw ko naman ng palakin yung nangyari. Ang gusto ko na lang ay makalimutan yun at maka-move on na.

“AJ, ano bang nangyari sa inyo ni Kat kanina? Okay naman kayo kanina bago dumating yung pagkain ah?” Tanong naman ni kuya kay AJ. Tuloy tuloy pa rin ako sa pagkain ko at hindi ko na lang sila pinansin. Ang gusto ko na lang talagang mangyari ay matapos ang pagkain ko tapos magkukulong na ulit ako sa kwarto ko. Ayaw ko na munang makita si AJ. Alam kong awkward na ang lahat ng pagkakataon na makakasama ko siya. Hangga’t kaya ko, iiwas ako. Madali lang namang gawin yun di ba?

“H-ha? Wala naman. Baka may nakita ‘yan na multo o kung ano.” Sagot ni AJ. Ewan ko ba kung bakit pero nabwisit ako sa sagot niya. Obvious na hindi totoo. Gagawa na nga lang ng alibi, palpak pa. As if naman paniniwalaan siya ni kuya di ba?

“Pinaglololoko mo ba ako ha?” Tanong ni kuya tapos bago pa makasagot si AJ, nagsalita na ako.

“Tapos na akong kumain. Balik na ako sa kwarto ko.” Akmang tatayo pa lang sana ako nung nagsalita ulit si kuya.

“Aalis ako saglit ah? Kung ano man ‘yang problema niyo, ayusin niyo. Kailangan pagbalik ko matino na kayong dalawa.” Sinabayan na ako ni kuya sa paglalakad pabalik sa kwarto tapos kumuha lang siya ng damit niya at lumipat na siya sa kabilang kwarto para maligo.

Nung naiwan akong mag-isa sa kwarto, nag-iisip na ako ng mga pwede kong sabihin kay AJ para lang magtino siya pero wala naman ako sa posisyon para sabihin ang mga iyon. Saka kung kanina nga na kasama namin si kuya, wala na kaming masabing matino paano pa kaya kung kaming dalawa na lang ang magkausap? Kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ko nung biglang may narinig ako na katok sa pintuan ko. Dahan dahan akong tumayo mula sa kama at naglakad ako papalapit sa pinto. Pagbukas ko ng pintuan, si AJ ang nasa labas nito.

“Anong kailangan mo?” Walang ka-gana gana at ka-tono tonong tanong ko kay AJ.

“Kat, about what happened earlier…”  Pagsisimula niya pero hindi ko na pinatapos ang kung anumang sasabihin niya. Sumabat na agad ako para matapos na agad ang pag-uusap naming dalawa.

“Let’s just forget what happened okay? Nothing happened and nothing will happen. Not now, not tomorrow, not ever.” Sagot ko kay AJ at bakas ang pagkagulat niya sa sinabi ko. Sa totoo lang, nagulat din naman ako sa sinabi ko. Alam ko sinabi ko kay Enzo last time na hindi ako nagsasara ng pintuan at bintana pero sa mga nangyayari kasi sa amin ni AJ ngayon, alam kong malabo talagang malabong may mangyari sa aming dalawa. Imposibleng mahulog ang isang katulad ko sa isang katulad niya at imposible rin namang mahulog ang isang tulad niya sa isang tulad ko.

No. Hindi ito yung katulad ng langit siya, lupa ako type of love story. Hindi rin kami papasok sa kabilagtaran kung saan ako ang langit at siya naman ang lupa. Halos pareho lang kami ng estado sa buhay ni AJ kaya walang langit at lupa sa aming dalawa. Hindi mo rin kami maipapasok sa “Shinota mo ang bestfriend mo!” kind of love story kasi si kuya naman ang bestfriend niya. Siguro may bro code para sa ganitong sitwasyon – yung bawal taluhin yung kapatid ng bestfriend mo. Pero kung tutuusin, kaming tatlo naman talaga ang magkakaibigan noon. Nagkataon lang na babae ako at hindi ko trip ang mga trip nila ni kuya nung tumatanda na kami.

Bago pa ako makaisip ng kung ano o kaya naman ay masuka dahil love story ang naiisip ko sa pagitan namin ni AJ, sinampal ko na ang sarili ko sa utak ko. Pinagalitan ko na rin ang sarili ko dahil napakalaking kalokohan lang nung mga naiisip ko. Tinignan ko ulit si AJ at mukhang nakabawi na siya mula sa pagkagulat niya sa sinabi ko. Tinawanan pa nga niya ako kahit na obvious naman na pilit.

“Ano ba ‘yang pinagsasasabi mo Lauryn? Naka-drugs ka ba?” Tanong niya sa akin kaya tinaasan ko lang siya ng kilay.

“Kung anu-anong pinagsasasabi mo pero isusuggest ko na nga rin sana na kalimutan na lang natin yung nangyari. Mukhang nakakahalata na si Liam na may nangyari kanina. Alam mo namang malakas ang pang-amoy ng kuya mo pagdating sa mga ganito.” Sagot niya sa akin. Well, may point naman siya doon. Malakas talagang maka-sense si kuya kapag may nagbago sa paligid niya pati na rin sa mga tao na involved doon.

Kahit na gusto kong sumang-ayon sa sinabi ni AJ, hindi ko pa rin magawa nang tuluyan kasi alam kong may gusto pa siyang sabihin pero mukhang naki-sakay na lang siya sa sinabi ko para ma-redeem yung sarili niya. Hindi naman sa feelingera ako pero malakas din ang pakiramdam ko sa mga ganitong bagay. Saka halata na ngang nagulat siya sa sinabi ko at ang tagal bago siya naka-recover. Kung totoo nga lahat ng sinasabi niya, hindi na dapat siya nagulat sa sinabi ko. Ano bang ineexpect niya? Matutuwa ako dahil siya ang first kiss ko? The hell with that.

“Huwag kang mag-alala. Walang malalaman si kuya saka kawawa ka naman e. Mawawalan ka pa ng tirahan dahil lang dito. Iyon lang ba ang sasabihin mo?” Tanong ko kay AJ.

“Ha? Oo, yun lang.” Sagot niya sa akin tapos tumango na lang ako. Isasara ko na sana yung pintuan ng kwarto ko nung biglang nagsalita ulit si AJ.

“Kat, sorry talaga sa nangyari.” Katulad ng ginawa ko kanina, tumango na lang ako bilang sagot sa kanya. Ano pa nga ba ang dapat kong isagot sa ganoon di ba? Na apology accepted? Masyadong cliché na ang ganoon. Saka kahit tanggapin ko naman yung apology niya, hindi na mababago ang katotohanang, wala na ang first kiss ko. Na nasayang lang iyon dahil sa biglaang pagdidikit ng mga labi namin dahil sa biglaang pagbubukas ng pesteng pintuan ng kwarto. Ano na lang ang magiging reaksyon ng mga magiging anak ko kapag tinanong nila kung paano nangyari yung first kiss ko? O kaya ano na lang ang magiging reaksyon ng mga taong makakabasa sa slambook kapag nakita nilang aksidente lang ang first kiss ko? Takte. Nakakahiya lang talaga ‘to!

Pagkatapos nung pag-uusap naming iyon ni AJ, pinilit naming bumalik sa dati. Yung nag-aaway kahit sa pinakamaliit na bagay, nagbabangayan palagi at hindi magkasundo. Kaso wala e. Hindi talaga namin magawa. Halatang may pagbabago sa pakikitungo ni AJ sa akin. Gustuhin ko mang kumprontahin siya para matapos na ‘to, hindi ko naman magawa. Sabi nga ng iba, wag kang magtatanong kung hindi ka naman handa sa magiging sagot.

Sa mga panahong nagkakalabuan kami ni AJ, na daig pa ang mag-syota sa level ng pagkalabo, sakto naman ang pagpasok ni Enzo sa eksena. Hindi naman sa ginagamit ko si Enzo pero kapag kasama ko kasi siya, kahit papaano ay nakakalimutan ko na may problema pala kami sa bahay. Well, iyon ang akala ko kaso mali pala ako.

Nasa coffee shop kami ni Enzo nung time na ‘yon. Nung una, nag-uusap lang kami tungkol sa kung anu-ano. Nagsasalita ako, nakikinig siya. Nagsasalita siya, nakikinig ako. Or so I thought. Nung tumagal kasi, kinakailangan pa ni Enzo na mag-snap ng fingers para lang makuha ulit yung atensyon ko.

“Kat, ayos ka lang ba?” Tanong ni Enzo sa akin.

“H-ha? Oo naman! Bakit naman ako hindi magiging okay?” Sagot ko sa kanya sabay ngiti, kahit na alam kong medyo pilit naman.

“Parang ang lalim kasi palagi ng iniisip mo e. May problema ka ba?” Tanong niya ulit sa akin tapos ngumiti na ako nang totoo. Nakakatuwa lang kasi na halatang concerned si Enzo sa akin. Alam din niya kapag may bumabagabag sa akin o kapag hindi ako okay.

“Wala ‘to, promise.” Sagot ko.

“Seryoso? Alam mo namang nandito lang ako kapag kailangan mo ng kausap di ba?” Sabi niya sa akin tapos sumagot agad ako sa kanya.

“Oo naman and I’m very thankful for that. Pero seryoso, okay lang ako.” Magiging okay din ako. Bulong ko sa sarili ko.

Pagkatapos nung pag-uusap namin na ‘yon ni Enzo, napagdesisyunan naming umuwi na lang. Inihatid niya ako sa bahay pero habang nasa biyahe kami, tahimik lang kaming dalawa. Hindi ko na rin kasi alam kung ano ba ang dapat sabihin e. Nahihiya naman akong i-kwento sa kanya yung nangyari kasi nanliligaw nga siya sa akin. Ano na lang ang iisipin niya kapag nalaman niyang nakuha ng iba yung first kiss ko? Dyahe lang di ba?

“Salamat sa paghatid ah?” Sabi ko kay Enzo habang tinatanggal ko yung seatbelt ko.

“Wala ‘yon. Katreena, seryoso ako sa sinabi ko. Nandito lang ako para sa’yo.” Sagot naman ni Enzo tapos hinawakan niya yung mga kamay ko.

“I know. Thank you talaga Enzo. Sige, una na ako ah? Ingat ka sa pag-drive pauwi.” Sabi ko sa kanya tapos bumaba na ako sa sasakyan. Hinintay ko munang makalayo siya bago ako pumasok ng bahay.

Pagpasok ko ng bahay, si AJ lang ang nakita ko. Walang kabakas-bakas ni kuya ang buong bahay. Kahit anino niya hindi ko maramdaman. Wala sana akong balak na pansinin siya kaso ewan ko ba kung nananadya ang pagkakataon dahil palagi kaming nagkakasalubong na dalawa. Susuko na sana ako at aalis na lang muna ulit sa bahay nung biglang nagsalita si AJ.

“Kat, pwede ba tayong mag-usap?” Tanong niya sa akin.

“Tungkol saan?” Matipid na sagot ko sa kanya. Gusto ko na talagang matapos ang usapan na ‘to. Hindi ako makakatagal sa ganitong scenario.

“Yung sa nangyari last time…” Pagsisimula niya pero katulad nung dati, pinutol ko yung pagsasalita niya.

“Akala ko ba nagkaintindihan na tayo na kakalimutan na natin yun? Pumayag ka pa nga di ba? Para saan pa yung pag-uusap natin ngayon?” Dire-diretso kong tanong sa kanya. Halatang nabwisit si AJ sa mga sinabi ko. Kitang-kita naman sa mukha niya ang pagkainis e.

“Pwede bang patapusin mo muna ako Kat? ‘Yan ang hirap sa’yo e. Hindi mo man lang ako binibigyan ng pagkakataon para maipagtanggol yung sarili ko. ‘Wag mo namang isara yung pinto mo Kat. Kung hindi mo napapansin, nahihirapan na rin ako dito. Mas gusto ko pa talaga yung dati e – yung nagbabangayan lang tayo imbis na ganito. Alam ko sinusubukan mong ibalik yung sitwasyon natin sa dati pero pwede bang dagdagan mo pa yung effort mo? Halatang hindi mo ginagawa yung lahat para maayos ‘to e.” Sagot niya sa akin na siyang ikinabigla ko. Minsan lang magsalita si AJ ng ganito kaya nagulat ako. Hindi ko ineexpect na sobrang nahihirapan din pala siya sa sitwasyon naming dalawa.

“So anong gusto mong mangyari?” Tanong ko sa kanya.

“Alam kong first kiss mo yung nakuha ko accidentally. Kung yun din lang ang pinoproblema mo…

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

e di bawiin mo na lang.” PUTAKTE. PAKI-ULIT NGA YUNG SINABI NG HINAYUPAK NA ‘TO! MAPAPATAY KO 'TO NG WALA SA ORAS E!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro