Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

Pagkatapos kong makahanap ng mga bibilhing libro, na umabot sa lima, nag-text na ako kay mommy kung saan ko ba dapat sila i-meet. Nung nag-reply na si mommy, magpapaalam na sana ako kay Enzo kaso nagpumilit siya na ihatid na ako dun sa meeting place namin nila mommy. Naglalakad pa lang kami ni Enzo papalit sa meeting place namin nila mommy, nakita kong nakasimangot si AJ. Ano bang problema nung isang ‘yon? Ang sarap na talaga dagukan ah.

Dahil sanay na akong hindi pansinin ang mga bagay na maaaring makasakit lang sa akin, hindi ko na lang din masyadong pinansin si AJ. Nung kaharap na namin si mommy, tinignan niyang maigi si Enzo. Ganoon din naman yung ginawa ni daddy. Hindi ko alam kung jinujudge na ba nila si Enzo gamit yung mga tingin nila o kung balak ba nilang kainin ng buhay si Enzo e.

“Uhh. Mommy, daddy, siya po si Enzo. Remember him?” Sabi ko to break the tension sabay ngiti nang pilit with matching panlalaki pa ng mata kina mommy at daddy. Grabe naman kasi e. Nakakatakot na talaga yung itsura nilang dalawa.

“How could I forget him? Hindi ba siya yung nanligaw sa’yo before princess?” Tanong ni mommy sa akin which made the situation more, I dunno. Awkward, I guess?

“Ako nga po yun tita. Sayang lang at na-basted ako dati pero kung bibigyan naman po ako ng chance ni Katreena ngayon gagawin ko ang lahat para mapasagot ko siya.” Confident na sagot ni Enzo kaya napalingon agad ako sa direksyon niya. Hindi ko ineexpect yung sinabi niya at hindi ko alam kung paano nga ba dapat mag-react sa ganoon.

“Huy. Anong pinagsasasabi mo diyan?” Hindi ko na napigilan yung sarili ko at tinanong ko na talaga si Enzo.

“Tito, tita, kung ayos lang po sa inyo, pwede ko po bang ligawan ulit si Katreena?” Tanong ni Enzo na siyang nagpalaki sa singkit kong mga mata.

“Wag ka ngang mag-joke Enzo! Ngayon na lang ulit tayo nagkita pero hindi ko naman alam na naging palabiro ka na pala.” Sabi ko sabay tawa nang pilit. Tinitignan na ako nang maigi ni mommy tapos yumuko na lang ako kasi hindi ko na talaga alam ang dapat kong gawin.

“Mukha ba akong nagbibiro Katreena? Tito, tita, seryoso po ako sa panliligaw ko kay Katreena. Sana po bigyan niyo ako ng isa pang chance.”

 

“Enzo, hindi naman kami ang makakasagot sa tanong mo e. Si Kat lang ang makakasagot diyan.” Sagot ni mommy which made me crazier than ever. Jusko naman! Hindi ko alam kung anong dapat isagot.

Kahit na nakayuko ako, naramdaman kong nakatingin na sa akin sina mommy, daddy, Enzo at AJ. Alam na alam kong hinihintay nila yung magiging sagot ko. Pero paano nga ba ako makakalusot sa sitwasyon na ‘to? Kapag tumakbo ba ako palayo, end of discussion na? Siyempre alam ko naman na hindi yun madadaan sa ganoon. Kahit na anong problema naman hindi madadaan sa pagtakbo palayo o pagtakas e. Siguro sa simula maiisip natin na na-solusyunan natin yung problema dahil lumayo tayo sa mismong source ng problema pero kung iisipin, at the end of the day nandoon pa rin naman yung problema. Siguro nakalimutan lang natin saglit yun pero hindi ‘yon mawawala hangga’t hindi natin hinaharap.

Dahil doon, naisip kong magpakatotoo na lang sa sarili ko. Wala rin naman akong mapapala kung lolokohin ko yung sarili ko di ba? Saka kapag ginawa ko iyon, hindi ba parang sinaktan ko na rin yung sarili ko at yung mga tao sa paligid ko? Pagkatapos kong mag-isip, huminga ako nang malalim at saka ko sinagot yung tanong ni Enzo.

“Okay fine. This is your last chance.”

“Yes! Thank you Katreena! Hinding hindi ka magsisisi na binigyan mo pa ako ng isa pang chance. So, see you later?” Tanong niya sa akin tapos tumango na lang ako bilang sagot.

“Sige po, tito, tita. Mauna na po ako sa inyo. See you na lang po sa party.”

 

“Oh, okay. Mag-ingat ka pauwi.”

 

“Will do. Salamat po.” Sabi ni Enzo tapos umalis na si Enzo. Nakatingin pa rin sa akin sina mommy at daddy at alam kong may ambush interview na magaganap dito. Bago pa makapagtanong sina mommy at daddy, inunahan ko na sila. Nagyaya na ako sa pupuntahan dapat namin na shop para maiba yung usapan namin. Well, medyo umepekto naman yung ginawa ko pero alam kong hindi naman doon matatapos yung usapan.

Pagpunta namin sa shop na sinasabi ni mommy, hinanapan na nila agad ako ng pwedeng isuot para sa party. Ang dami nilang ipinakuha para isukat ko pero karamihan puro ayaw nila and with nila, kasama pati si AJ. Ewan ko nga kung bakit nagrereact pa siya sa isusuot ko samantalang hindi naman siya kasama sa party. Tapos hindi ko rin malaman kung bakit puro ako yung hinahanapan nila ng damit. Pupunta rin naman sina mommy at daddy sa party pero parang wala lang sa kanila yung isusuot nila. Kapag sinasabi kong sila na muna yung maghanap, ang sinasabi lang nila ako na lang daw muna. Hindi ko tuloy sila maintindihan.

“Ma, napapagod na ako. Last na ‘to please?” Pagmamakaawa ko kay mommy kasi ang dami ko na talagang naisukat tapos lahat naman ayaw nila.

“Depende pa princess. Kung hindi ka rin naman maganda sa isusukat mo, bakit natin bibilhin?” Sagot ni mommy na agad namang kinontra ni daddy.

“Wag kang makinig sa mommy mo. Maganda ka sa kahit na anong suot mo. Mana ka kaya sa mommy mo pero siyempre salamat pa rin sa awesome genes ko.” Pagkatapos na pagkatapos magsalita ni daddy, siniko siya ni mommy sa tiyan. Natawa na lang kami ni AJ at nung salesday dahil sa kakapalan ng mukha ni daddy.

Pagkasukat ko nung sinabi kong huli na, sa kabutihang palad ay nagustuhan na nila mommy tapos bumili na rin sila ng damit nila. After that, kumain na kaming apat pero halatang badtrip si AJ. Hindi siya umiimik tapos ni hindi niya ako binubwisit ngayon. I have to say na nakakapanibago pala kapag tahimik lang siya. Hindi ako sanay. Ayaw ko mang aminin pero parang nakaka-miss yung bangayan naming dalawa.

Nung natapos na kaming kumain, sa sasakyan na sana ako ni daddy makikisabay kasi hindi naman kasama si AJ sa party. Kahit papaano ay nahihiya naman na ako kung ihahatid pa niya ako sa bahay tapos wala naman na siyang gagawin doon kaso wala, mapilit sila daddy. Mas nakakahiya raw kasi kung mag-isa na lang si AJ pauwi. Sa isip isip ko, kasalanan naman nila ‘to. Isinama nila si AJ sa mall kahit na para lang siyang tanga na nakikitingin sa nangyayari.

“Bilisan mo ngang maglakad.” Utos sa akin ni AJ noong papunta na kami sa sasakyan niya. Ang lakas lang ng loob niyang magsungit porket wala na sina mommy at daddy! Nung nakapasok na kami sa sasakyan niya, bigla bigla na lang niyang pinatakbo yung sasakyan kahit na hindi pa ako nakakapag-seatbelt. Langya. Gusto ba niya akong patayin?

“Ano bang problema mo?! Ayaw ko pang mamatay kaya umayos ka!” Sigaw ko sa kanya tapos bigla niyang itinigil yung sasakyan sa gilid ng kalsada.

“Tinatanong mo kung anong problema ko? Bakit hindi mo kaya tanungin yung sarili mo ha?” Sagot ni AJ sa akin tapos bigla kong naisip si Enzo.

“Si Enzo ba yung pinoproblema mo ha? Kung siya nga, bakit mo ba siya pinoproblema? Ikaw ba yung ka-date niya ha? Jusko naman. Ang babaw ng issue mo!”

 

“Isipin mo nga kung anong magiging reaksyon ng kuya mo kapag nalaman niya ‘to.” Sabi niya tapos lalo akong nabwisit dahil doon. Ewan ko ba kung bakit pa siya naging bestfriend ni kuya. Si kuya nga nanghihingi pa ng advice sa akin tungkol sa love life tapos si AJ na bestfriend lang naman ni kuya daig pa sina mommy at daddy kung makapag-react.

Bakit nga ba nagiging pakialamero ang isang tao? Actually kaunti lang yung naiisip kong rason para doon. Una, sadyang wala lang silang magawang matino kaya lahat ng bagay gusto nilang pakialamanan. Yung tipong nagiging “hobby” na lang nila yun pakikialam na para bang hindi magiging kumpleto yung araw nila kapag hindi nila yun nagawa kahit na isang beses man lang sa isang araw. Parang tanga lang di ba? Pangalawa, masyado silang “attached” sa isang tao to the point na hindi nila matanggap na may darating na iba sa buhay nung taong ‘yon. Kung tutuusin, pwedeng isipin na ang sweet nung gesture na yun kaso come to think of it. Hindi ba’t wala na sa lugar yung bagay na ‘yon lalo na kung wala naman kayong relasyon nung taong pinapakialamanan mo? Pangatlo, wala naman talagang pangatlo. Gusto ko lang na masabing may pangatlo.

“Whatever.” Matipid kong sagot sa kanya tapos ikinabit ko na yung seatbelt ko. Pagkatapos ng ilang minuto, nag-drive na rin ulit si AJ tapos bumagal na yung pagpapatakbo niya sa sasakyan kahit papaano.

Pagdating namin sa bahay, bumaba na agad ako sa sasakyan ni AJ. Hindi na ako nagpaalam o napagpasalamat man lang. Nakakairita pa rin kasi yung inasta niya kanina. Hindi lang invited akala mo na kung sino. Masyadonng bitter. Kairita.

xxx

Para mawala yung pagka-inis ko sa nangyari sa amin ni AJ, nagsimula na akong mag-ayos para sa party. Halos alas-kwatro na rin kasi ng hapon tapos alas-singko ako susunduin ni Enzo. Ang dyahe lang kung paghihintayin ko siya nang matagal. Nung natapos akong mag-ayos, saktong alas-singko na. Sanay na talaga akong matapos on time. Well, at least hindi late.

“Kat, nasa baba na si Enzo!” Sigaw ni mommy mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko.

“Eto na po.” Sagot ko tapos binuksan ko na yung pinto. Napangiti lang si mommy tapos bumaba na kaming dalawa. Pagdating namin sa living room, parang masinsinan pa yung pag-uusap nina daddy at Enzo.

“Dad, wag mo namang takutin si Enzo.” Pabiro kong sabi tapos lumapit na kami ni mommy sa kanila. Nung magkakatabi na kaming apat, parang nakahinga na nang maluwag si Enzo. Si daddy naman kasi kung makipag-usap akala mo mangangain ng tao.

“Hindi ko naman siya tinatakot ah?” Inosenteng sagot ni daddy tapos napa-iling na lang ako. Nakita ko na ‘tong scenario na ‘to dati e. Ganito rin siya nung nanligaw si Enzo dati. Hindi na talaga nagbago ‘tong si daddy.

“Yeah right. Halata ka naman daddy e. We’ll go ahead na nga po.” Sabi ko tapos hinatak ko na palabas ng bahay si Enzo. Sumigaw na lang si daddy na mag-ingat sa pag-drive si Enzo at magkita na lang daw kami sa party.

Actually hindi ko nga alam kung bakit kailangan naming pumunta ng mas maaga ni Enzo. Six pa naman talaga ng gabi yung start ng party pero five pa lang sinundo na niya ako to think na ten minutes away lang naman yung bahay nila mula sa bahay namin. Pero being the typical Kat, hindi na ako nagtanong kay Enzo. Nahihiya na rin kasi ako sa kanya. Baka kung ano na yung sinabi ni daddy tapos magtatanong pa ako bigla ng kung anu-ano. Ang dyahe lang.

Pagdating namin sa bahay nila Enzo, nagulat ako kasi medyo marami ng mga tao. Lahat sila binabati si Enzo tapos para magmukhang polite naman ako, ngingitian ko na lang din sila kahit hindi ko sila kakilala. Ewan ko ba pero parang na-overwhelm ako bigla sa party na ‘to. Yes, mukha namang mababait yung mga tao dito na mukhang puro kamag-anak ni Enzo pero ewan ko ba. It felt like I needed a place where I could breathe freely. Hindi naman sa hindi welcoming yung mga kamag-anak ni Enzo, it’s just that hindi ko ineexpect na ganito agad yung mangyayari. Para bang sobrang bilis ng mga pangyayari at hindi ko na alam kung paano ba ako makikisabay sa pag-agos ng buhay.

After a few minutes of trying to say hi or hello sa lahat ng makakasalubong naming dalawa ni Enzo, pumasok na kami sa loob ng bahay nila tapos lumapit kami sa dalawang tao na alam kong parents niya. Papalapit pa lang kaming dalawa ni Enzo pero ang laki na ng ngiti nilang dalawa. How I wish kaya kong basahin yung mga nasa isip nila ngayon.

“It’s nice to see you again Katreena. Ang tagal ka na rin naming hindi nakikita. So, how are you?” Tanong ng mommy ni Enzo sa akin.

“Okay naman po. I guess I’m still the old me. Does that make any sense?” Sagot ko sa kanya tapos napangiti siya.

“Well that’s good then. Nagustuhan ka namin before dahil sa attitude mo and kung totoo ngang hindi ka pa rin nagbabago, I’m very sure na magugustuhan ka pa rin namin ngayon. Wag ka masyadong mahiya sa amin okay? Nasabi na sa amin ni Enzo yung panliligaw niya ulit sa’yo and no pressure here pero we really like you for our son.” Sabi niya sa akin tapos napalunok na lang ako. Saan banda yung no pressure? Jusko. Pwede na nga yata akong mamatay dahil sa sobrang taas ng pressure e!

“Ma, wag nga kayong ganyan. Nakakahiya kay Katreena e.” Sagot ni Enzo tapos nagpaalam na kaming dalawa. Lumabas na lang ulit kami ng bahay tapos umupo na lang kami sa isang bench.

“Pasensya ka na kay mommy ha? Dire-diretso talaga yun sa pagsasalita e. Hindi marunong mag-filter.” Sabi ni Enzo tapos napalingon ako sa kanya. Hinawakan niya yung kamay ko at ngumiti siya sa akin. Somehow, gumaan yung loob ko dahil sa ginawa niya. After all, si Enzo naman ang pakikisamahan ko at hindi yung pamilya niya di ba?

Nanantili na lang kaming dalawa ni Enzo sa bench na ‘yon hanggang sa dumating na yung iba pang mga bisita. Pero hindi na lang namin sila masyadong pinansin. Nag-usap na lang kaming dalawa na para bang walang ibang tao sa mundo. Buong party, magkasama lang kaming dalawa ni Enzo at halatang hindi lang yun dahil sa fact na kami yung magka-date for the party. It was something more than that. It was something that I felt and I believed to be genuine. Na sadyang gusto lang naming magkasama buong gabi even if we had spent so much time together na kanina sa mall. I guess ganoon yata talaga kapag komportable ka sa kasama mo. Hindi mo na papansinin yung oras at yung mga tao sa paligiid mo. All that matters is the conversation that you have and the time that you spend together.

Nung natapos yung party, umuwi na kami nila daddy. Sa kanila na ako sumabay para hindi na maabala pa si Enzo. Saka kailangan ko na rin naman kasing mag-ayos ng mga gamit kasi babalik na ako ng Manila bukas. Makakasama ko na araw araw sina kuya at AJ. Sarap mabuhay! Not.

“Kat, we trust you pero please wag kang padaloy daloy sa mga desisyon mo okay? Take your time to get to know each other. Oo, matagal na naming kakilala si Enzo pati yung pamilya niya pero ikaw ang prinsesa namin. Ayaw ka naming makitang nasasaktan. Understood?” Sabi ni daddy pagka-park niya ng sasakyan sa loob ng garahe ng bahay namin. Napangiti ako dahil sa sinabi ni daddy. Hindi na lang ako sumagot sa kanya tapos lumabas agad ako ng sasakyan para yakapin sila ni mommy. Sobrang nagpapasalamat talaga ako dahil sila ang naging magulang ko.

xxx

Kinabukasan, nagising ako sa ingay mula sa labas ng kwarto ko. Dinig na dinig ko yung boses nina mommy at daddy. Dahil doon, bumangon na ako sa kama ko tapos binuksan ko yung pinto. Nagulat na lang ako kasi may dalang tray sila mommy na puno ng mga pagkain.

“Good morning princess! Gusto lang naming gawing special yung last day mo dito so ginawa namin ‘to ng daddy mo.” Sabi ni mommy tapos sumabat agad si daddy sa usapan.

“Bago mo pa kwestiyunin yung ginawa namin, uunahan na kita. Kami talaga ang nagluto ng lahat ng ito.”

 

“Aww. Thank you mommy. Thank you daddy!” Sagot ko tapos pumasok na kami sa kwarto ko. Umupo kami sa sahig tapos kumain na kaming tatlo. Sayang talaga at wala si kuya dito. Ang saya sana kung kumpleto kami e.

Pagkatapos naming kumain, hinayaan na ako nila mommy na mag-ayos. Parating na rind aw kasi any minute si AJ para sunduin ako. Hearing his name makes me want to go ballistic pero hindi ko naman magawa. Kailangan ko na siyang pakisamahan araw araw e. Ano nga ba kasi ang nagawa ko para parusahan ako ng ganito? Napailing na lang ako dahil sa mga naiisip ko. Pagkatapos kong mag-moment saglit, nag-ayos na talaga ako. After that, bumaba na ako sa living room tapos nandoon na nga si AJ. Kinuha naman agad niya yung gamit ko tapos isinakay na niya sa sasakyan niya.

“Mag-iingat kayong dalawa sa biyahe okay? Hug Liam for me Kat. Awayin mo na rin ‘yang kuya mo dahil hindi siya umuwi. Sabihin mo nagtatampo ako sa kanya.”

 

“Will do ma.” Sagot ko while trying my best to suppress my laughter.

“Itawa mo na ‘yan Kat. Alam kong nagpapaka-childish na naman ‘tong mommy mo e. Pero kahit ganyan ‘yan, mahal na mahal ko ‘yan.” Sabi ni daddy tapos natawa na talaga ako.

“Push niyo ‘yan!” Sagot ko tapos nag-paalam na ako sa kanila. Sumakay na rin ako sa kotse ni AJ tapos inilabas ko na agad yung iPod ko. I just know that this will be a very long ride bago kami makabalik ng Manila.

Katulad ng inexpect ko, tahimik lang yung buong biyahe namin. Well, kasalanan ko rin naman kasi kung hindi ako nakikinig sa iPod ko, tulog lang ako sa biyahe. Pero masisisi ba ako ni AJ kung ginawa ko yun? Ayaw ko lang naman na maulit yung nangyari sa amin last time e. Nakakatakot lang kasi yun. Pero nagpapasalamat pa rin ako sa kanya kasi sinamahan niya ako sa dorm ko tapos kinuha na namin lahat ng gamit ko.

Pagdating namin sa bahay ni kuya, ibinaba agad ni AJ yung mga gamit ko tapos pumasok na kami sa loob ng bahay. Nandoon si kuya sa may sala tapos nanonood lang ng tv. Nagulat siya sa pagdating namin ni AJ tapos ang dami kong pang gamit na dala.

“Bakit nandito ka Kat?” Tanong ni kuya sa akin.

“Err. Wala na akong dorm? Sabi nila mommy dito na lang daw ako tumira e.” Sagot ko naman sa kanya.

“HA?! Dalawa lang yung kwarto dito Kat! Saan ka matutulog?” Tanong ulit ni kuya kaya nagulat na rin ako. Hindi naman nila sinabi na dalawa lang yung kwarto dito!

“Sa isang kwarto na lang kami ni Lauryn para di ka mahirapan.” Casual na sagot ni AJ kaya napalingon kaming dalawa ni kuya sa kanya. Napansin kong nag-init agad yung ulo ni kuya tapos inambahan na agad siya ni kuya.

“Woah. Chill lang Liam! I was just joking. Wala akong balak na makasama sa iisang kwarto ‘yang kapatid mo.” Depensa agad ni AJ kaya binitawan na siya ni kuya.

“Mabuti ng nagkakalinawagan tayo dito. Umayos ka AJ baka makalimutan kong kaibigan kita.” Sagot ni kuya tapos natahimik na kaming lahat. Jusko. Makaka-survive kaya ako dito sa bahay na ‘to?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro