Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 40

HAPPY CHINESE NEW YEAR! IMBIS NA TIKOY, HERE'S AN UPDATE FOR YOU. HAHAHA.

PS. NAIYAK AKO SA IBANG PARTS DITO. HUHU.

=========================

Soooo, paano ko ba dapat i-describe yung sitwasyon naming tatlo nina Kuya at AJ sa loob ng sasakyan?

Tahimik? Nope. 

Awkward? Hindi rin. 

Aaaaah. Tama. Nakakasuka. Nakakasuka yung bromance nina AJ at Kuya to the point na gusto ko ng lumabas ng sasakyan at magcommute na lang pauwi ng bahay. Minsan nga feeling ko, dapat yata sa likod na lang talaga ako ng sasakyan sumakay e.

Ito ba yung sinabi nilang nagpag-usapan na nila?

"AJ, gusto mo ba ng tubig? Ipagbubukas na kita ng bote." Tanong ni kuya out of the blue. Napatingin ako sa kanya, waiting for him to offer me a bottle as well pero walang nangyaring ganoon. Pagkabukas niya sa bote ng tubig ni AJ, bumalik na siya sa pagkain niya ng chips.

"Kuya, pahingi ako ng tubig."

"Mamaya. Kumakain pa ako e." Sagot sa akin ni kuya sabay subo ulit nung chips. AJ eventually offered his water to me pero pinigilan siya ni kuya saying na sa kanya raw yun and all. Hindi ko naman daw ikamamatay ang kaunting uhaw.

Naulit din 'yon ng ilang beses all throughout the ride. Kung ano ano yung inooffer ni kuya kay AJ pero pag ako ang nanghihingi, wala. Nganga. Kapag nagrereklamo naman ako, sinasabi sa akin ni kuya na kawawa naman daw kasi si AJ dahil siya yung nag-drive para sa amin.

"Naaawa ka pala, e di ikaw na lang ang mag-drive. Dami pang sinasabi e." Bulong ko sa sarili ko. I'm not sure kung narinig ba nila yun pero hindi ko na sila pinansin after that. Dahil na rin sa inis, tinulugan ko na lang silang dalawa. Nagising na lang ako nung tinatapik na ni AJ yung braso ko. Tinignan ko yung paligid ko and that was when I realized na nag-stop over na pala kami.

"Come on. Kumain na muna tayo." AJ said with a smile. Tumango na lang ako sa kanya then I removed my seatbelt and went out of the car. Hindi ko na sila hinintay pa nila ni kuya. Dumiretso na lang ako sa tindahan nung matabang bubuyog na sumasayaw. Umorder na rin ako ng spaghetti with chicken saka large fries at chocolate sundae. Pig out kung pig out na. Wala na akong pake sa kanila.

Pagkakuha ko ng order ko, umupo ako sa table na pang-dalawahan lang. Hinarang ko lahat ng pagkain ko sa lamesa para wala ng makiki-share sa table ko. Nagsimula na rin akong kumain at hindi ko na inisip kung nasaan na ba yung dalawa.

Napatigil na lang ako bigla sa pagkain nung may humablot sa chocolate sundae ko.

"Pakshet naman! Akin 'yan e!" Hindi ko napigilan yung sarili ko na sumigaw. Napatingin tuloy yung mga tao sa akin. Kahit na sobrang nahihiya ako sa nangyari, pinilit kong kalmahin yung sarili ko. Ipinagpatuloy ko na lang yung pagkain ko at kahit na hindi na bumalik yung chocolate sundae ko, na inubos na talaga ni kuya, inubos ko lahat ng inorder ko.

Tinignan ko silang dalawa saglit at nakakainis na chill na chill pa silang dalawa. Si kuya, nagprisinta pa na siya ang magmimix nung spaghetti sauce sa inorder ni AJ. At that moment, feeling ko umakyat lahat ng kinain ko kanina. Gustong gusto ko na talagang masuka!

Dahil sa sobrang pandidiri ko sa kanilang dalawa, lumabas na ako sa tindahan nung matabang bubuyog at dumiretso ako sa coffee shop. Bumili na lang ako ng kape at umupo ako sa may sidewalk malapit sa kung saan nag-park si AJ.

"Sorry na. Ito na ulit yung chocolate sundae mo o." Sabi ni kuya sabay abot ng isang chocolate sundae na wala pang kabawas-bawas.

"Nagkakape na ako. Sa'yo na 'yan." Malamig kong sagot sa kanya. Hindi ko man lang din siya tinignan. Eventually, hindi na rin kinaya ni kuya yung silent treatment ko sa kanya. Umupo na siya sa tabi ko at niyakap ako nang mahigpit.

"Sorry na Kat. I didn't know it would end up like this. Gusto ko lang namang pagtripan ka ng konti e."

"Konti? Sa tingin mo ba, konti lang yung pinaggagagawa mo kanina ha?! I felt like an outsider kanina! Gustong gusto ko ng bumaba at magpaiwan na lang sa kung saang lugar para hindi ko na ako ma-OP. Mas masahol pa 'to kaysa sa mga panahong nagcocommute ako. Mas may manners pa yung mga kasabay ko sa bus kaysa sa inyo." Sagot ko sa kanya and unfortunately, that's when my tears decided to fall. Kaninang kanina ko pa pinipigilan na umiyak sa harapan nila. I wanted to show them sana na hindi ako naaapektuhan sa ginagawa nila pero hindi ko na kinaya.

"Kat..."

"Feeling ko kanina, hindi ko na kayo kilala. Parang hindi ikaw yung kakambal ko. Akala ko ba okay na ang lahat? Bakit ganito?!" Tanong ko sa kanya tapos iyak pa rin ako nang iyak. Nabitawan ko na rin yung hawak ko na kape. Nasayang yung 160 ko pero hindi na lang ako nagreklamo. Mas importante kasi yung pagkabwisit ko kay kuya.

"Sorry na Kat. Hindi na mauulit, promise!"

"Talagang hindi na mauulit. After this, I'm staying with mom and dad. Magsama na lang kayong dalawa ni AJ katulad ng dati." Sagot ko sabay tulak sa kanya palayo. For the almost 18 years na magkasama kaming lumaki ni kuya, never naman niyang ginawa sa akin 'to. I guess, kahit na kakambal mo ang isang tao, hindi mo pa rin talaga siya makikilala ng lubos.

"Kat, pag-usapan muna natin 'to please." As if on cue, dumating na si AJ. Tinignan niya kaming dalawa tapos magsasalita pa lang sana siya pero inunahan ko na siya.

"Open that freakin' car. I want to go home." AJ was taken aback because of what I said but he did as instructed. Binuksan niya yung sasakyan tapos sumakay na agad ako. Kinausap pa muna niya saglit si kuya pero after a few minutes, sumakay na rin sila. Kung tahimik yung biyahe kanina, lalong mas naging tahimik ngayon. Wala na talagang nagsasalita sa aming tatlo hanggang da makarating kami sa bahay.

Hindi ko na hinintay pa si kuya at AJ na makababa. Lumabas na agad ako ng sasakyan tapos kinuha ko na yung gamit ko. Pagkamano ko kay mommy at daddy, dumiretso na ako sa kwarto ko. I heard daddy asking kung may problema ba pero hindi ko na lang siya sinagot.

This will be probably one of the coldest nights ever. Alam ko, wala namang kasalanan si AJ dito pero sana pala, hindi na lang ako nagka-boyfriend.

xxx

"Princess, it's me." Nagising ako kinabukasan dahil sa pagtapik ni mommy sa braso ko. I propped one eye open and checked if she was alone. When I made sure that it was just her and me, I opened my eyes completely and sat down.

"What happened yesterday? You and your brother were crying the whole night. Hindi naman namin alam ng daddy mo kung anong dapat gawin. When we asked AJ kung ano ang nangyari, sabi niya mas okay kung sa inyo mismo manggagaling ang detalye."

"Can I just stay here for good? Okay lang po kahit masayang yung slot ko sa pinapasukan ko sa Manila. Hindi ko na po talaga kaya doon."

"Wait lang. Let us not be too haste with our decisions, okay? Pag-usapan muna natin ang nangyari." Sagot sa akin ni mommy. Sa totoo lang, medyo nagaalangan ako na ikwento sa kanya ang nangyari. Natatakot kasi ako na baka i-judge ako ni mommy. Na baka sabihin niya, sobrang childish ko. But at the end of the day, naisip kong mommy ko pa rin naman siya. She would know what is best for me and so I decided to tell her everything.

Nung natapos na ako sa pagkkwento ko kay mommy, naghihintay na ako ng sermon o kung ano mang way para i-contradict niya yung mga naging desisyon ko. Pero wala akong natanggap na ganoon sa kanya. She comforted me like she always did. Hindi niya rin jinudge yung decisions ko. She listened to me as my mother and as my friend.

"Princess, you do know na mahal na mahal ka ng Kuya Liam mo, right?" She asked and without even thinking, tumango ako sa kanya bilang sagot.

"If that's the case, you two should talk it out. Yes, what he did may have hurt you in ways that he didn't dare imagine but I'm sure that he loves you more than any other person in the world. Well, maybe aside from me and your dad. You and AJ are the only friends that he has. I'm sure he wouldn't dare to do something that would make him lose you."

"I'm not sure, mom. Masyado kasi akong nasaktan sa ginawa niya e."

"I know, nasaktan ka ni Liam but he's still your brother. Your twin even. You of all people should know how much he treasures you. Come on, breakfast is ready. Kung hindi ka pa handang kausapin siya, just eat with us. I'm sure your dad will understand kahit na hindi ka masyadong magsasalita today." Labag man sa loob ko, I did what mom has requested. Lumabas ako ng kwarto ko after her and ate breakfast with daddy and kuya. It was hella quiet and the atmosphere's super awkward but I just need to get over this then I'll be back to my room. That shouldn't be a problem anymore, right?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro