Chapter 4
Dahil sa hirit ni AJ, kung saan saan na lang napunta yung usapan namin. Obvious naman na payag siya na sa bahay na lang ako ni kuya makitira kahit for the mean time lang e. Ang rason lang na naiisip ko ay dahil meron na siyang maaasar araw araw at gabi gabi. In short, maya’t maya. Siya lang ang masaya sa scenario na ‘to. Ako hindi. Never akong matutuwa dito. Baka ito pa yung ikamatay ko e!
“Ako na pong bahalang magsabi kay Liam nung paglipat ni Kat sa bahay. Isasabay ko naman din po siya pauwi sa Monday e.” Sabi ni AJ kaya mas lalong natuwa si daddy. Ewan ko ba pero feeling ko pinagkakaisahan talaga ako ng lahat ng element sa mundo. Sobra sobra na yung kamalasan na natatanggap ko at hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Nagpakabait naman ako ah? Bakit ganito yung nangyayari sa akin ngayon?
“Yun lang po ba yung pag-uusapan natin?” Tanong ko para maiba na sana yung usapan namin. Hindi ko na rin kasi kinakaya yung mga pinagsasasabi nina AJ at daddy e. Masyado silang nagkakasundo. Pakiramdam ko nga ipinagkakasundo na niya ako kay AJ e!
“I think so princess. Gusto mo na bang umalis?” Sagot ni mommy sa akin.
“Kung pwede po sana.” Sagot ko naman sa kanya. Akala ko dahil dun, paalisin na nila sa AJ kaso mali ako. Maling mali ako to the point na sana umakyat na lang ako papunta sa kwarto ko at nagkulong na lang ako dun.
“AJ, sumama ka na sa amin.” Yaya ni daddy kay AJ. Tinignan ko ng masama si AJ para bigyan sana siya ng hint na ayaw ko siyang sumama sa amin pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Obviously, talo na naman ako. Bakit ba siya ganito?
“Sige po tito. Pero paano po pala yung sasakyan ko? Iiwan ko na lang po ba dito?” Tanong ni AJ kay daddy.
“Pwede rin naman kaso baka mahirapan ka kapag sa backseat ka nakaupo. Mas maliit yung leg room dun. Dalhin mo na lang din yung sasakyan mo. Kat, kay AJ ka na lang sumabay tapos sumunod na lang kayo sa amin ng mommy mo.” Sagot ni daddy na siyang ikinabwisit ko nang bonggang bongga. Halatang sinadya ni AJ na ipasok sa usapan yung sasakyan niya para ang ending sa kanya ako sasabay!
Okay fine. Siguro ang feelingera ko kasi ayun agad yung naisip ko. Hindi ko man lang inisip yung kapakanan ni AJ dahil sa pesteng leg room na ‘yan pero kanis naman talaga kasi e! Nakikita ko na yung posibleng mangyari sa sasakyan ni AJ e. One, walang usapan na magaganap katulad nung biyahe namin nung inihatid niya ako. Two, mag-aaway lang kami nang mag-aaway. Three, a little bit of everything.
Sa totoo lang, kapag ang sitwasyon ng isang babae at ng isang lalaki ay mala-aso’t pusa, ang naiisip ng ibang tao ay “diyan nagsisimula ‘yan”. Pero come to think of it. Hindi naman sa lahat ng panahon ganoon yung nangyayari. Tatlo kasi yung pwedeng mangyari sa ganoong sitwasyon e. Una, made-develop sila sa isa’t isa following the “diyan nagsisimula ‘yan” principle tapos mababawasan na yung pagtatalo nila. Pangalawa, made-develop pa rin sila sa isa’t isa and it still follows the “diyan nagsisimula ‘yan” principle pero ipagpapatuloy nila yung pagiging aso’t pusa. Siyempre ang panghuli ay ang mala-worst case scenario. Yung hindi na nga na-develop tapos hindi pa rin tumigil sa bangayan.
Kung ako ang papipiliin, mas gugustuhin ko pang mapunta kami ni AJ sa worst case scenario. Ewan ko pero hindi ko kasi makita yung sarili ko na kasama siya at magiging sweet kami sa isa’t isa. Oo, kung tutuusin pwede kaming sumubok sa pangalawang case pero ano nga ba ang mapapala ko sa ganoong sitwasyon? Sabi ng iba isang malaking sugal daw ang pag-ibig pero kung susugal naman ako siyempre gugustuhin ko naman na dun sa hindi ako dehado.
I’m not saying na dehado ako kapag na-develop kami ni AJ sa isa’t isa. Maitsura naman siya tapos mayaman. Pero kung iisipin kasi, parang walang patutunguhan yung relationship namin kapag nagkataon. Hanggang sa pagiging aso’t pusa na lang yata kami. Kaso ewan ko ba. Bakit ko nga ba naiisip yung mga bagay na ganito? Nakakapangilabot na ewan! Shiz.
“AJ, hinay hinay lang sa pag-drive ah? Ingatan mo si Kat.” Bilin ni daddy kay AJ bago kami sumakay sa “forced” seating arrangements namin. Napailing na lang ako sa sinabi ni daddy tapos sumakay na agad ako sabay balibag sa pinto.
“Huy! Ingatan mo naman yung sasakyan ko!” Sita sa akin ni AJ pero hindi ko na lang siya pinansin.
“Ano ba talaga kasi yung problema mo sa akin Kat? Ang sungit sungit mo palagi sa akin. Daig mo pa yung may PMS e!” Sabi ni AJ kaya napalingon ako sa direksyon niya.
“Well I hate to break it you Mr. Know It All pero wala kang alam tungkol sa akin kaya wala kang karapatan para i-judge ako. Now, kung wala ka ng iba pang sasabihin, pwede bang mag-drive ka na lang at wag mo na ulit akong kausapin kung hindi naman maganda yung lalabas diyan sa bibig mo?” Sagot ko sa kanya tapos hindi na kami nag-usap sa buong biyahe. So yes, we’re under the third scenario. It’s just a little bit of everything. Nagtalo kami tapos after that, wala na.
Pagdating namin sa “kung akala ko kung saan kami pupunta nina mommy at daddy tapos biglang sa mall lang pala ang bagsak namin” na lugar, lumabas agad ako sa sasakyan ni AJ tapos hindi ko na sila hinintay. Pumasok na agad ako sa mall at dumiretso ako sa coffee shop. Hindi na ako nagpaalam sa kanila kasi alam ko namang alam din nila kung saan yung mga pwede kong puntahan kapag naiirita na ako.
Papunta pa lang sana ako sa counter para umorder nung biglang bumangga ako sa isang lalaki or bumangga siya sa akin. Actually, hindi ko talaga alam. Ang alam ko lang nagkabanggaan kaming dalawa. Medyo na-out of balance pa ako pero buti na lang inalalayan niya ako agad. Kung hindi, “Hello lapag, we meet again” ang bagsak ko.
“Okay ka lang ba miss?” Tanong sa akin nung lalaki tapos tinignan ko siya.
“Oh my god. Enzo?!” Sagot ko naman sa kanya kahit na hindi naman ‘yon ang hinihinging sagot ng tanong niya. Tinginan lang ako nung lalaki na para bang clueless siya sa kung sino ba ako.
“Ganyan tayo e. Binasted lang kita nung high school kinalimutan mo na ako.” Sabi ko sabay pout. After that biglang nanlaki yung mga mata ni Enzo tapos niyakap niya agad ako na siyang ikinagulat ko.
“Katreena. I missed you.” Sabi niya tapos humiwalay na siya sa pagkakayakap niya sa akin. Nginitian ko lang siya dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat isagot sa sinabi niya. After that, nagpunta na kami sa counter para umorder tapos nilibre niya na ako ng Java Chip Frappuccino pati honey glazed donut.
“Kailan ka pa bumalik dito?” Tanong sa akin ni Enzo.
“Kahapon lang. Binisita ko lang sina mommy at daddy. Ikaw, saan ka na ba nagsstay?”
“Sa Manila na rin. May party kasi na gagawin sina mommy mamaya kaya pinauwi ako dito. Teka, invited din kayo dun di ba?”
“Err. Hindi ko alam e. Wala namang sinasabi sa akin sina mommy.” Nahihiya kong sagot sa kanya. Nakakaewan naman kasi ‘to. Wala akong alam sa pangyayari dito sa amin. Masyado akong nakatutok sa pag-aaral ko at sa paghahanap ng malilipatan kaya hindi na ako nakakapagtanong masyado kina daddy sa kung ano bang meron dito sa amin.
Buti na lang hindi na lang masyadong hinalungkat ni Enzo yung tungkol doon. Medyo may times na naiilang ako kapag napag-uusapan namin yung mga nangyari nung high school kami lalo na kapag niloloko niya ako tungkol sa pambabasted ko sa kanya pero sa kabuuan, masaya naman kaming dalawa. Isa sa mga gusto ko kay Enzo ay bukod sa magaling siyang magsalita, magaling din siyang makinig. He knows when just to listen and when to butt in. Actually, he’s quite a good catch pero he came in at wrong place and at the wrong time. High school romance wasn’t my thing.
Nung natapos na kaming kumain ni Enzo, he offered to accompany me sa bookstore. Gusto ko rin kasing bumili ng mga bagong libro na pwede kong basahin kapag free time ko. Naglalakad na kami papunta sa bookstore nung biglang may humarang sa daan naming dalawa.
“Lauryn, hinahanap ka na nina tita.” Sabi ni AJ tapos tinignan ko lang siya. Mukhang nababanas siya na ewan tapos ang sama ng tingin niya kay Enzo.
“Itetext ko na lang sina mommy. May pupuntahan lang kami ni Enzo saglit.” Sagot ko naman kay AJ kaya lalong nahalata yung pagkabanas niya.
“Sino ba ‘yang kasama mo?” Tanong niya tapos hindi ko na lang siya sinagot. Nilabas ko na lang yung cellphone ko tapos tinawagan ko na agad si mommy.
“Hello mommy. Can you remember Enzo, yung friend ko nung high school?”
“Yes princess. Pupunta nga tayo sa party na inayos ng mommy niya mamaya. Kaya nagpunta tayo sa mall kasi bibilhan ka namin ng isusuot mo for later. Bakit mo naitanong?”
“We bumped into each kasi kanina like literally. Kasama ko pa po siya ngayon. Pwede po bang i-meet ko na lang kayo in an hour? May pupuntahan lang po kami saglit.”Paalam ko kay mommy. Nung tinignan ko si Enzo, nakangiti lang siya tapos si AJ naman nakabusangot pa rin yung mukha.
“Oh, okay. Sabihin ko na lang sa daddy mo. Pabalikin mo na si AJ dito tapos text us kapag okay na kayo ni Enzo para masabi namin sa’yo kung saan tayo magkikita.”
“Okay. Thank you mommy!” Sabi ko at tinapos ko na yung tawag.
“Bumalik ka na raw dun AJ sabi ni mommy. I’ll meet you in an hour. Oh wait. Do I have to repeat that? Narinig mo naman na ‘yon kanina di ba?” Sabi ko kay AJ na siyang kasabay ng pagtaas ng isang kilay ko. Wala naman na talaga akong balak na tarayan si AJ sa harap ni Enzo pero nakakainis lang talaga kasi e. Kung maka-asta si AJ dinaig pa niya sina mommy at daddy. Saka bakit niya ba ako kailangang sunduin sa coffee shop? Pwede namang i-text o tawagan na lang ako nila mommy. Pabida talaga siya kahit na kailan.
Siguro nga kaya nagkakaroon ng tendency na maghiwalay yung dalawang tao kasi may isang nakakaramdam na ng pagkasakal o suffocation sa relationship nila. Kapag ganoon kasi yung situation hindi na nagiging healthy yung relationship e. Tapos after some time, mapupuno na lang sila at magdedesisyon na maghiwalay na lang. Yes, may iba na nagagawan ng paraan yung ganitong sitwasyon pero hindi naman sa lahat ng pagkakataon may nakalaang solusyon sa lahat ng bagay di ba?
Dahil sa sinabi ko, matamlay na naglakad palayo si AJ mula sa aming dalawa ni Enzo. Hindi ko alam kung bakit pero iba yung naramdaman ko habang nakikita kong papalayo nang papalayo siya sa amin. Dahil sa kung anu-ano na yung pumapasok sa utak ko, napa-iling na lang ako bigla tapos niyaya ko na agad si Enzo sa bookstore.
“Ayos ka lang ba?” Biglang tanong ni Enzo habang naghahanap ako ng pwedeng mabiling libro. Napatigil ako sa paghahanap at napaharap ako sa kanya dahil sa itinanong niya sa akin.
“Ha? Oo naman! Bakit naman ako hindi magiging okay?” Sagot ko sa kanya tapos pinilit ko ang sarili ko na ngumiti.
“Ewan ko. Bigla ka na lang kasing tumahimik pagkatapos umalis ni Jeremy e. Hindi pa rin ba kayo nagkaka-ayos? Simula high school ganyan na kayong dalawa ah?”
“May mga bagay kasi na sadyang hindi na talaga magbabago. I guess nasa ganoong phase kami ni AJ.” Sagot k okay Enzo tapos sinubukan kong i-divert yung atensyon ko sa mga libro. Kaso makulit talaga si Enzo. May inihirit siya na hindi ko malaman kung bakit niya sinabi.
“Baka naman kainin mo lahat ng sinasabi mo ngayon.”
“Look. I’m not closing any doors pati na rin windows pero at this point in time kasi, I just know na wala pa talagang chance na magka-ayos kaming dalawa. Saka the fact na sadyang nakakabwisit yung pagtrato na ginagawa niya sa akin, it just makes the situation worse.”
“Okay, wala na akong sinabi. By the way, would you do me the honor of becoming my date later?” Tanong sa akin ni Enzo tapos bigla kong nabitawan yung libro na hawak ko. Nag-unahan pa kami ni Enzo sa pagpulot nung libro kaya ang ending, naka-umpugan yung ulo naming dalawa. Imbis na maging awkward kami sa isa’t isa, natawa na lang kami sa clumsiness naming dalawa.
“So you answer is?”
“Yes. Well, do I even have a choice?” Pabiro kong tanong kay Enzo tapos napangiti siya dahil doon.
“Wala. Sunduin kita mamaya sa inyo ng 5 pm okay?” Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya and after that, I finally realized na good decision pala talaga ang pag-uwi ko ngayong weekend.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro