Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 38

Hi! Sorry for not updating for such a long time. Writer's block happened to me dito sa story. Na-dead end ako bigla kaya di ko alam kung anong dapat isulat na kasunod. I've been trying to find inspiration for this story kaso ang hirap pala. Huhu. So this is a lame trial for trying to write another chapter. Thanks for the continuous support!

xxRaice

================================

"Nics, I feel so lost. Wala bang manual regarding first relationship? Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin for AJ. Feeling ko kasi puro siya na lang yung nageeffort e." I told Nics while we were talking through Facetime. It was our last night in Hong Kong at nasa room na ulit ako sa hotel. For some reasons, hindi ko pa naibibigay kay AJ yung binili ko para sa kanya. Hindi ko kasi alam kung paano ko ibibigay. Ang weird lang e. Kung kailan naging kami saka pa ako nagkaganito.

"Kat, just be yourself. Kaya ka naman nagustuhan ni AJ kasi natural ka. Ipinikita mo sa kanya kung sino ka talaga. You didn't have to act out in front of him para lang mapansin niya." Nics answered while eating a red velvet cupcake. Gusto ko sanang manghingi sa kanya kaso nasa Hong Kong pa rin ako. I'm sure kuya got those for her.

"Pero feeling ko kasi wala akong nagagawa para sa relationship namin."

"Jusko naman Kat. Bago pa lang naman kayo ni AJ e. Saka hindi niyo naman kailangang magbilangan ng nagagawa para sa isa't isa. AJ loves you so much at imposibleng iwan ka niya dahil lang wala kang maibigay sa kanya. The moment you said yes to him, it was a perfect gift already." Nics told me and somehow, gumaan yung pakiramdam ko.

All of what's happening is new to me. Hindi ko alam kung tama pa ba yung ginagawa ko. Alam ko dapat bawasan ko na yung pagiging childish ko saka yung pakikipagtalo kay AJ. Maybe that could be a start, right?

By 2 am, Nics and I ended our conversation already. Ilang beses na raw sinusubukan ni kuya na tumawag sa kanya pero hindi niya sinasagot kasi magkausap pa kaming dalawa. Since ayaw ko namang maging sagabal sa kanila, I decided to call it a day and bid my goodbye to Nics.

Matutulog na sana ako nung time na 'yon kaso biglang nagring yung phone ko. Pagtingin ko sa screen, it was AJ.

"Hello?" I whispered on the line. Tulog na rin kasi si Mae kaya nahihiya akong gumawa ng ingay.

"Why are you whispering?" AJ asked.

"It's freakin' 2 am already. Do you expect me to be cause a scene here inside our room? There's this thing called sleep, you know." Sagot ko sa kanya and I could hear him snicker on the other line. For some unknown reasons, he likes it when I talk to him sarcastically. He's really weird at times but whatever. Weird din naman daw ako.

"Alright, alright. I'll see you sa airport tomorrow. Sasabay na ako sa flight niyo."

"Tomorrow? Baka later." I corrected him. He just laughed with what I've said as if nagsabi ako ng joke. Napailing na lang ako dahil doon.

"Magpatulog ka na please. Magsawa ka naman sa boses ko." I kidded but what I didn't know is magbabackfire pala sa akin yung sinabi ko.

"Nah. That's impossible. I love to hear your voice. Kung pwede nga lang i-record ginawa ko na e." He said and I was tongue-tied. Wala na akong maisip na pang-comeback sa sinabi niya. Sobrang bilis din ng pagtibok ng puso ko and I know it won't go back to normal anytime soon.

"Ewan ko sa'yo. Matulog ka na nga!" I told him then I ended the call. Oh god. What is wrong with me?!

I woke up by 7 am dahil sa ingay ni Mae. Sigaw siya nang sigaw na alam mong dahil sa kilig na ewan. Dahan dahan kong minulat yung mga mata ko then I felt lost nung nakita ko si AJ sa loob ng room namin.

"What the hell are you doing here? Bawal ka dito ah!" Sigaw ko sa kanya sabay bato ng unan. As expected, nasalo niya yung unan kaya hindi man lang siya natamaan.

"Good morning, too. I was trying to call you para sabay na tayong magbreakfast kaso hindi ka naman sumasagot. That's when I decided to drop by here in your room."

"Whatever. Gusto ko pang matulog." Sagot ko sa kanya as I pulled back the sheets to cover my face. As I tried to go back to sleep, I felt being pulled away from the bed. Jusko naman. Ang kulit din nitong si AJ!

"Lauryn, come on. Kapag hindi ka pa kumilos baka maiwan ka rin ng eroplano."

"Then I'll just buy a new ticket! I need to sleep!" After a few moments, tumigil na si AJ sa paghatak sa akin. Naramdaman ko rin na tumahimik bigla sa kwarto. Narinig ko rin yung pagbukas at pagsara ng pinto.

Wait. Did they really leave me here alone?

Nung tinanggal ko yung comforter na nakatakip sa akin, I was not surprised to see AJ standing at the end of my bed. This is so typical of him. Gagawin niya talaga ang lahat para lang mapilit ako na tumayo mula sa pagkakahiga.

"Lauryn, ano bang dapat kong gawin para sumunod ka?" Tanong niya sa akin tapos naglakad siya papunta sa gilid ng kama. Umupo na rin siya doon pero hindi nawala yung tingin niya sa akin.

"Nothing. Gusto lang talagang matulog."

"Seriously?" Tanong niya sa akin pero hindi na lang ako sumagot. "Your brother would kill me if he finds out that I let you skip meals." Sabi niya and that's the time when I felt guilty. Ayaw na ayaw kasi ni kuya na nagpapalipas ako ng gutom. Baka raw magkasakit ako or something. It happened to him before and he didn't want the same thing to happen to me. Kaya after that incident, he always makes sure that I eat on time.

Dahil sa sinabi ni AJ, tumayo na ako mula sa pagkakahiga at dumiretso na ako sa banyo. Naghilamos ako saka nag-toothbrush. Tinali ko na rin yung buhok ko tapos nagpalit ako ng damit. Nung natapos akong mag-ayos, kinuha ko yung phone ko tapos hinatak ko na si AJ palabas ng kwarto.

"Let's go. Mahuli ka pa bigla ng prof namin dito." I told him then I saw him smile.

"You really love Liam, don't you?" AJ asked then I faced him.

"Stop asking the obvious. He's not just my brother. He's my twin."

"E ako, mahal mo ba?" Bigla niyang tanong tapos hindi na ako nakasagot. Dumiretso na lang ako sa paglalakad hanggang sa tumama ako sa poste sa corridor.

Jusme. Bakit ba ganito ka-diyahe ang mga nangyayari?

xxx

Delayed ang flight namin pauwi ng Manila. Gusto ko mang magmaktol dahil uwing uwi na ako, hindi ko naman magawa. Baka kasi sabihin ang arte arte ko e pare-pareho lang naman kaming apektado. Para magpalipas ng oras, nagbasa na lang ako nung binaon kong libro.

A couple of minutes have passed but I was just staring at the same page. Lutang na lutang yung utak ko. AJ was sitting next to me and was holding my hand. Pagtingin niya sa akin, napansin niyang hindi ako umuusad sa binabasa ko.

"Is something wrong?" Tanong niya sa akin.

"Wala naman. Gusto ko lang talagang makauwi para magpahinga." Sagot ko sa kanya. He then nodded his head then he tapped his shoulder.

"Come on. Sumandal ka na lang muna sa akin. Matulog ka muna tapos gigisingin na lang kita kapag boarding na." He told me and I did what was told. Itinago ko na lang sa bag ko yung libro tapos sumandal na ako sa balikat niya.

Katulad ng napag-usapan, AJ woke me up when it's time to board the plane. Two hours din na-delay yung flight namin. As I stretched my arms and legs, AJ fixed our things. We then lined up for boarding and in no time, we were inside the plane.

Pagdating namin ng NAIA, Kuya Liam was already there with Nicole to pick us up. Gusto ko sana silang lokohin kaso I didn't have the energy to do so. Kaya instead of getting all bratty, I just gave them my pasalubong.

"Wow. Thanks for this Kat!" Nicole said as she hugged the stuffed toy that I bought for her. Si kuya naman, pilit na itinatago yung pinabili niyang stuffed toy sa akin.

"No problem. Pinagtitiyagaan mo naman 'tong si kuya nung wala kami ni AJ e." Panloloko ko sa kanya tapos sinamaan agad ako ng tingin ni kuya.

"Jusko naman kuya. Hindi ka na maloko. Halika na nga. Nagugutom na ako." Sabi ko sa kanya tapos tinulak ko na si kuya papuntang parking lot.

Pagkakain naming apat (which kind of appeared to be a double date), hinatid na namin ni Nicole sa dorm na nilipatan niya. AJ insisted na magcocommute na raw siya pauwi pero hindi pumayag si kuya. Sa bahay na lang daw siya matulog. Since pinilit ko na rin siya na magstay kasama kami, pumayag na rin siya.

While we were on our way home, tahimik na lang ako. Lumipat na si AJ sa harapan kaya ako na lang yung nasa likod. Kuya and AJ were talking about a lot of things that I'm not interested in kaya nag-shut up na lang ako. Pagdating namin sa bahay, kinuha ko na agad yung gamit ko tapos dumiretso na ako sa kwarto.

Nag-aayos na sana ako sa pagtulog nung biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Pagbukas ko sa pinto, it was AJ.

"Do you need anything?"

"Uhh. Wala naman. I just wanted to say good night." AJ said then I gave his a nod as an answer. Paalis na sana siya when I decided to give him my gift.

"AJ, wait lang." Sabi ko sa kanya tapos hinatak ko siya papasok ng kwarto ko. Medyo nagaalangan pa siya pero hinatak ko na lang siya nang hinatak. Nung nasa loob na siya ng kwarto, iniabot ko sa kanya yung isang bag na galing ng Disneyland. Iniabot ko yun sa kanya tapos parang na-confuse siya bigla dahil doon.

"I know it's not much pero I kind of remembered you when I saw these sa Disneyland. Sorry ngayon ko lang naibigay."

"But you didn't have to-" Pagsisimula niya pero pinutol ko agad yung sinabi niya.

"I wanted to. And for all it's worth, I just want to tell you that I love you too."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro