Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

1st person na yung POV. Inedit ko simula sa prologue. May mga dinagdag akong details so mas okay kung babasahin niyo from the top. :)

========================================

Pagkagising ko kinabukasan, iba pa rin yung pakiramdam ko. Feeling ko anytime may dadamputin na lang ako na kung ano tapos itatapon ko sa pader dahil sa sobrang kainisan na nararamdaman ko. Sa dami naman kasi na pwede kong malipatan, bakit sa bahay pa ni kuya? Okay lang sana kung siya lang yung nandun kaso hindi e. Kasama niya yung pesteng si AJ! The heck. Ang sarap maging out of school youth bigla! O kaya online na lang ako mag-aaral. Basta hindi ko lang makasama si AJ.

Nakatulala lang ako ng ilang minuto nung bigla may narinig ako na pagkatok sa pintuan ng kwarto ko. Tinignan ko kunng anong oras na tapos malapit na palang mag-eight ng umaga. Usually, ganung oras kami kumakain ng breakfast dito sa bahay so feeling ko si mommy na yung kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.

“Pasok po.” Sabi ko pero hindi ko pa rin tinatanggal yung tingin ko sa kisame ng kwarto ko. Tulala lang kung tulala. Ang hirap na kasing mag-isip ng pwedeng gawin e.

“Okay ka lang ba princess?” Tanong ni mommy sa akin tapos umupo na siya sa tabi ko.

“I guess.” Matipid kong sagot sa kanya. Sa totoo lang, hindi ko rin naman kasi alam kung okay nga ba ako o hindi e. Parang ang hirap kasing tanggapin nung suggestion nila sa akin.

“Magiging okay din ang lahat, promise. Kahit tapusin mo lang yung semester na ‘to tapos maghahanap na tayo ng sarili mong place. Come on. Cheer up Kat. Your dad’s waiting for you na. Kumain na tayo ng breakfast tapos may pupuntahan tayong tatlo.” Sabi ni mommy tapos hinawakan niya yung kamay ko. Tinignan ko siya tapos ngumiti lang siya sa akin. After that, I just found myself standing up from my bed tapos nakasunod na ako sa paglalakad ni mommy papunta sa dining room.

Pagdating namin ni mommy sa dining room, dumiretso ako kay daddy para batiin siya ng good morning. Nasanay na rin kasi ako na i-hug sila ni mommy tuwing babati ako ng good morning e. Papunta na sana ako sa upuan ko nung napansin kong may isa pang set ng pinggan at utensils sa tabi ng pwesto ko. Ang alam ko hindi naman uuwi si kuya kaya tinignan ko kung sino yung nakaupo sa upuan sa tabi ng pwest ko. At kapag minamalas ka nga naman, si AJ pa.

“Anong ginagawa mo dito?!” Pasigaw na tanong ko sa kanya. Ang sagot niya sa akin? Isang ubod ng laking ngiti. Peste. Nakakawalang ganang kumain! Ano ba naman ‘to o? Umuwi nga ako para magka-sulusyon yung problema ko pero makakatabi ko pa yung isa ko pang problema. The heck. Ang mala slang talaga.

“Kat.” Sabi ni daddy tapos wala na akong nagawa. Alam ko namang papagalitan lang nila ako kapag nag-react pa ulit ako e. Dahil halata namang talon a ako, umupo na lang ako at hindi na ako nagsalita. Kumuha na lang ako ng kaunting pagkain kahit na favorite ko yung almusal tapos kinain ko agad para makaalis na sana ako sa dining room. Kaso wala e. Napagplanuhan na ata nila ‘to.

“Excuse me po. Akyat lang ako sa kwarto ko.” Patayo pa lang sana ako kaso nagsalita na naman si daddy.

“Kat, bakit hindi mo man lang sinabi na si AJ pala ang naghatid sa’yo dito kahapon? Kung hindi pa nagtanong yung kuya mo kung naihatid ka ba ng buo ni AJ hindi pa namin malalaman.”

 

“Wala naman po kasi akong balak na sumabay sa kanya e. Si kuya po dapat ang kasabay ko di ba? Kung alam ko nga lang po na siya yung makakasabay ko e di sana nag-commute na lang ako.” Sagot ko naman kay daddy. Sinabi ko na lang yung totoo. What’s the point in lying kung alam naman na talaga ng katabi ko yung nararamdaman ko regarding this issue.

“Kat, hindi ka na nahiya.” Suway ni daddy sa akin pero nagsalita naman agad si AJ.

“Okay lang po yun tito. Last minute din naman po kasi yung pagsabi sa akin ni Liam na isabay si Kat e. I guess may karapatan naman pong mainis si Kat dahil dun.” Tinignan ko agad si AJ nang masama dahil sa sinabi niya. Feeling ko kasi mas lalo lang akong papagalitan nina daddy e. Kainis talaga ‘tong peste na ‘to.

“Dad, pwede na po ba akong umakyat sa kwarto ko? Nakakahiya naman sa bisita e. Hindi man lang ako nag-ayos. Akala ko kasi tayong tatlo lang nina mommy.” Sabi ko giving an emphasis on the word bisita. Kairita naman kasi e. Naka-pantulog pa kaya ako! Nakakahiya. Aasarin lang ako lalo ni AJ tapos ikkwento niya pa ‘to kay kuya tapos pagtutulungan na nila akong dalawa. The heck.

“Okay. Bilisan mo. Bumaba ka ulit dito kapag tapos ka na.”

 

“Whatever.” Bulong ko sa sarili ko the moment I reached the staircase. Alam kong hindi naman na yun narinig nila mommy pero takte. May iba pa lang nakarinig.

“Whatever ka diyan. Bumaba ka dito mamaya. May sasabihin daw sina tita e.” Sabi ni AJ tapos inakbayan niya ako. Tinignan ko lang siya tapos ang laki ng ngiti niya sa akin. Hindi ko alam kung may alam na ba siya sa pag-uusapan namin nina mommy kaya nang-aasar na siya o sadyang gusto niya lang akong asarin at bwisitin katulad nung madalas niyang gawin kapag nagkikita kaming dalawa.

Sa totoo lang, hindi ko na maalala kung kailan ako nagsimulang mainis kay AJ pati sa mismong presensya niya. Ang naaalala ko na lang, nagising ko isang araw tapos kinabbwisitan ko na siya dahil sa napakaraming dahilan. Kung tutuusin, magkasundo naman kami dati nung bata pa kami. Pero ewan ko ba. I guess nagbabago talaga ang mga tao pati na rin ang mga choices natin sa buhay.

Kaya nga naghihiwalay yung mga tao kasi nagbabago na yung choices nila e. Hindi man nila sinasadya, pero lumilitaw na parang ikaw si letter A sa multiple choice exam tapos biglang marerealize nung nageexam na mas gusto niya pala ang letter B. May times na nakakabuti pa pala yung pagpalit ng choice pero may times na mabbwisit ka na lang kasi tama na pala yung una mong pinili pero nagbago ka pa bigla at the last minute. Nakakaewan. Nakakatanga. Nakakabwisit. Parang ang sarap na lang manakal ng ibang tao para lang maibuhos mo yung frustrations mo sa buhay. Tama na pala namali ka pa. Temptation sucks. Last minute changes sucks pero here we are, making last minute changes even if it could tear us into pieces. Hindi na rin yata talaga tayo madadala.

“Tanggalin. Mo. Yung. Pagkaka-akbay. Mo. Sa. Akin.” Sabi ko AJ as I shot him my evil look. Pero wala palang use yun. Tumawa lang siya tapos ginulo niya yung medyo magulo ko ng buhok. Mas hinigpitan pa niya yung pagkaka-akbay niya sa akin tapos nagsalita siya ulit.

“Wala na bang chance na maging close na rin tayo? Tignan mo. Bestfriend ko kuya mo tapos ikaw kaaway ko? Ang sagwang tignan e.” Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi ni AJ. Hindi ko alam kung anong dapat isagot sa kanya. Gusto ko sanang sabihin na walang chance pero baka kainin ko lang din yun kapag tumira ako sa bahay ni kuya e.

“One percent chance. Ganun kaliit.” Sagot ko kay AJ.

“Itaga mo ‘to sa bato Lauryn. Yung one percent na ‘yan gagawin kong ninety-nine!” Sagot niya sa akin tapos tinanggal na niya yung pagkaka-akbay niya sa akin.

“Akyat ka na dali! Bilisan mo diyan ha?” Sabi ni AJ tapos tinutulak na niya ako paakyat ng hagdanan. Kumapit agad ako sa railing ng hagdan tapos umikot ako para humarap ulit sa kanya.

“Oo na! Hindi mo ako kailangang itulak. Tss.” Sagot ko kay AJ tapos tumawa lang siya bilang sagot. Nagdabog na lang ako paakyat ng hagdan para ibuhos yung frustrations ko. Si AJ? Ayun. Lalo pang lumakas yung pagtawa. Lechugas yan. One percent gagawin niyang ninety-nine? Ang taas ng pangarap niya ah. Saka ang OA lang nung ninety-nine percent! Ano kami? Mag-syota? The heck lang. Nakakakilabot please.

Pagkapasok ko ng kwarto ko, sinara ko agad yung pinto tapos ni-lock ko na rin. Dumiretso na ako sa CR tapos naligo na ako. Habang nag-aayos ako ng sarili ko, hindi maalis sa utak ko yung ninety-nine percent na sinabi ni AJ. Kairita naman kasi e. Ang dami lang niyang alam! Hindi ko malaman kung paano niya gagawin yung pagpapa-akyat ng closeness namin from one percent to ninety-nine percent pero one thing’s for sure. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari.

Napailing na lang ako bigla dahil sa dami ng mga bagay na pumapasok sa utak ko. Hindi ko talaga alam kung anong dapat i-expect sa mga posibleng mangyari e. Kaya huminga na lang ako nang malalim tapos nagpagulong gulong ako sa kama ko. De joke. Lumabas na ako sa kwarto ko tapos nagulat ako kasi nasa labas ng kwarto ko si AJ. Langya. Muntik ko pa siyang mabangga. What is ang fail ko?

“Langya naman AJ! Bakit ba bigla biglang kang sumusulpot sa tapat ng kwarto ko?” Sigaw ko sa kanya.

“Chill lang Lauryn. Pinapatawag ka na kasi nila tita. Ang tagal mo raw e. Baka raw na-flush ka na sa banyo.” Sagot naman niya sa akin. Napa-iling tuloy ako dahil sa sinabi niya. Ako? Mafflush? Mukha bang kasya ako sa toilet bowl? Minsan talaga feeling ko may saltik ‘tong mga magulang ko e. Kung anu-ano yung naiisip.

“E bakit ikaw pa yung pumunta dito? Pwede naman yung katulong ah?” Tanong ko sa kanya.

“Nag-volunteer ako. Ninety-nine percent nga kasi di ba?” Sagot niya tapos ngumiti na naman siya sa akin. Kainis. Masyadong pa-cute kahit na totoo namang cute!

“Ewan ko sa’yo. Tumabi ka na nga diyan. Hindi ako makaalis dito sa loob ng kwarto ko. Ang laki mong harang sa daan.”

 

“Ang kulit mo talaga Lauryn.” Sabi niya sa akin tapos natawa siya. After that, umusog siya ng kaunti tapos nakalabas na ako ng kwarto ko. Nung magkatabi na kaming dalawa, isinara niya yung pintuan ng kwarto ko tapos inakbayan niya ulit ako.

“Achilles Jeremy, hindi madadaan sa pag-akbay mo yung pesteng ninety-nine percent na ‘yan. Wag ka masyadong literal please.”

 

“Sino bang may sabing parte ‘to ng plano ko? Gusto lang talaga kitang akbayan Lauryn Katreena. Tara na?”  Sabi niya sa akin tapos lalo niyang hinigpitan yung pagkaka-akbay niya sa akin. Hindi na lang tuloy ako nagsalita. Baka kung ano pang masabi ko e.

Pagdating naman sa living room, nakatingin sa aming dalawa sina mommy at daddy. Si daddy nakakaloko yung ngiti tapos si mommy naka-poker face lang. Langya. Alam ko na kung anong nasa utak nilang dalawa at hindi ko gusto yun. Kainis. Lagi na lang akong napagkaka-isahan!

“Ay. Bagay sina ma’am at sir!” Biglang hirit nung isang katulong namin kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Langya. Ang sakit sa ulo please. Bakit pati katulong namin ganyan yung nasa isip?

“Ate Ellaine naman e!” Sigaw ko sa katulong namin. Nakaka-stress lang talaga e. Pagkatapos kasi ng comment niya natawa si daddy. Na-confirm ko lang tuloy na tama yung naisip kong naiisip ni daddy. Kainis ‘tong si daddy!

“Bakit ka tumatawa daddy?” Tanong ko sabay simangot.

“Naunahan ako ni Ellaine sa pagsabi e. You look good together. Di ba G?” Tanong ni daddy kay mommy.

“Ewan ko sa inyo. Bilisan na natin ‘tong pag-uusap na ‘to. May pupuntahan pa tayo.” Sagot ni mommy kaya kinalas ko agad yung pagkaka-akbay sa akin ni AJ tapos tumabi ako kay mommy. Kaya nga ba si mommy talaga ang mas ka-close ko e! Yey!

OPTION D

“Okay. Kaya ka namin pinapunta dito AJ kasi wala si Liam. Ikaw naman yung kasama niya sa bahay kaya kahit papaano ay may karapatan ka pa ring mag-desisyon tungkol sa pag-uusapan natin.” Pagsisimula ni daddy kaya napatahimik kaming lahat.

“Tungkol saan po ba ‘tong pag-uusapan natin tito?” Tanong naman ni AJ kay daddy.

“Nagka-problema kasi ‘tong si Kat sa dorm na tinitirahan niya. Kailangan niya ng malilipatan at ang gusto sana namin dun na lang din siya sa bahay ni Liam. Since ikaw yung kasama ni Liam dun, alam kong may idea ka kahit papaano kung pwede bang gumana ‘tong plano naming ‘to.” Sagot ni daddy tapos biglang humarap sa akin si AJ.

“Kaya pala pa-ikot ikot ka dun sa street na may ladies dorm nung isang araw! Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na may problema ka pala sa dorm mo?” Tanong sa akin ni AJ tapos biglang napatingin sa akin sina mommy at daddy. Ugh. AJ and his big mouth. Kailangan ko pa tuloy mag-explain ngayon!

“E bakit ko naman sasabihin sa’yo?” Sagot ko tapos natawa lang si daddy sa sagot ko. Alam ko na kung anong tumatakbo sa utak ni daddy. Na ganito rin yung inaasal nila ni mommy dati. Takte. Ayoko ng ganito! Hindi naman kami magkapareho ng sitwasyon! Hindi ako makapapayag!

“Sorry na! Ang init agad ng ulo mo. Sayang ganda mo kapag lagi kang nakasimangot o kaya laging magkasalubong kilay mo.” Sagot ni AJ kaya lalong tumawa si daddy. Ay leche. Wala ng patutunguhan ‘tong pag-uusap na ‘to!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro