Chapter 22
Hi! Sorry it's been a month since I posted an update. I was busy editing (and still am) Moving Into the Monster's House. Isingit ko lang talaga yung update today because I can't focus on editing today. Sana magustuhan ninyo yung update kahit maikli. Huhu. Maguupdate ulit ako agad. Promise! Huhu. Enjoy reading! :)
xxx
Sa bawat araw na lumilipas, mas lalong tumitindi yung kaba na nararamdaman ko. Ilang araw na rin simula nung sinabi niyang maghanda ako sa para sa next date namin. Hindi ako mapakali dahil dito. The heck. Kasalanan na naman ni AJ ang lahat! Bakit ba kasi kailangan pa niyang magbanta ng ganoon?
"Kat, okay ka lang ba? Lutang ka na naman." Sambit ni Nicole habang naglulunch kami somewhere sa campus.
"Yeah, may iniisip lang." Sagot ko naman sa kanya.
"Si AJ na naman? Mahal ka nun, wag kang magalala." Hirit ni Nicole sabay subo ng kinakain niya. Langya. Saan ba napupulot ng babaeng 'to yung mga pinagsasasabi niya?
"Baliw!" Sabi ko sabay bato ng binilog na tissue sa kanya. Kainis naman kasi e. Napapraning na nga ako, ginagatungan pa niya.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko nung napansin kong tumahimik bigla si Nicole. Usually, kapag kumakain kaming dalawa, hindi naman tumitigil sa kakadaldal si Nicole. Kahit nga may tumatalsik ng kanin mula sa bibig niya, diretso pa rin siya sa pagdaldal e. Kaya nawirduhan talaga ako nung bigla siyang tumahimik.
"Hoy Nicole, bakit tumahimik ka diyan?" Taning ko sa kanya.
"Ha? Wala lang. Parang natinik yata kasi ako."
"Naka-drugs ka ba ha? Manok 'yang kinakain mo, hindi isda! Anong tinik yung pinagsasasabi mo diyan?" Sermon ko kay Nicole. Medyo napalakas nga lang nang kaunti kaya natawa yung ibang mga kumakain sa resto.
Agad na napasimangot at namula ang mga pisngi ni Nicole dahil sa sinabi ko. Hindi ko naman sinasadya na ipahiya siya pero parang ewan lang talaga kasi yung sinabi niya. Ilang minuto na rin ang nakalipas pero hindi pa rin nagsasalita ulit si Nicole. Bigla akong kinabahan dahil doon.
"Uy Nicole, sorry na. Magsalita ka naman diyan o." Pakiusap ko sa kanya sabay yugyog sa kamay niya. Umiling agad siya sa sinabi ko. Kinulit ko pa siya ng ilang beses pero ayaw pa rin talaga niya akong tignan sa mata.
"Sige na. Awayin mo na ako dali. I know, I was wrong. Sorry na talaga Nicole!"
"Ewan ko sa'yo! Sumama ka na nga lang diyan sa manliligaw mo! Kanina pa 'yan nakatayo sa likod mo, hindi mo man lang nararamdaman. Manhid!" Sagot sa akin ni Nicole. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Si AJ, nasa likod ko? Pero paano?
Dahan dahan akong lumingon sa likuran ko. True enough, AJ was there grinning like a fool with a bouquet of flowers in his hands. Gusto kong sampalin at sabunutan ang sarili ko dahil sa nangyari. Bakit hindi ko man lang naramdaman yung presensya niya sa likuran ko? Kaya pala may naamoy akong bulaklak kanina pa! Akala ko naman may multo lang or something. Epic fail talaga ako kahit kailan!
"AJ..." Mahina kong sabi. Natawa naman agad si Nicole dahil doon.
"Oo, teh. Si AJ yan! Kanina pa 'yan nandiyan! Jusme. Lumayas na nga kayo dito bago ko kayo batuhin ng manok na 'to!" Napailing na lang ako dahil sa sinabi ni Nicole. Iniabot naman ni AJ yung bulaklak na hawak niya sa akin. Hindi pa siya nagsasalita pero alam kong todo na ang kilig ni Nicole dahil sa nangyayari. Kilalang kilala ko na siya. Sa ganito siya nahulog sa ex niya noon e!
"Utang na loob. Maawa naman kayo sa akin! Wala pa ngang nangyayari na kakaiba pero iba na yung sparks ninyo. Layas na! Chupi!" Pagsasaway ni Nicole sa amin tapos itinulak na niya kamo palayo sa mesa na kinauupan namin kanina. Tuluyan naman na kaming lumabas ni AJ ng resto at naglakad kami papunta sa sasakyan niya.
Inilabas ko agad yung phone ko tapos tinext ko si Nicole.
To: Nicole
Mag-uusap tayo mamaya! Isa kang traydor!
Wala pang isang minuto, nagreply na agad siya sa akin.
From: Nicole
Manhid ka lang talaga. Enjoy your date!
Napailing na lang ako dahil sa reply ni Nicole. Kahit kailan talaga, mas kumakampi pa siya kay AJ o kaya kuya. Ako naman yung kaibigan niya pero it's as if she chooses them over me when situations like this comes. Kainis talaga!
"Okay ka lang?" Tanong sa akin ni AJ.
"Yup." Matipid kong sagot sa kanya. Tumigil bigla sa paglalakad si AJ tapos tinignan niya akong maigi.
"No, you're not okay. What's wrong?"
"Wala. Hindi ko lang ineexpect na bigla kang susulpot." I told him, which is half of the reason why I'm quiet right now.
"And then?"
"Anong and then? That's it. Saan ba kasi tayo pupunta? You should have told me that you're coming para hindi na lang ako nagulat nang ganoon."
"I know there's another reason why you're acting like that but if you don't want to tell me, it's fine. As for your question, I won't be giving you an answer. Where's the thrill kung sasabihin ko sa'yo kung saan tayo pupunta?" There goes AJ and his surprises again. The last time that he asked me out on a date, or rather kidnapped me for a date, hindi niya rin sinabi kung saan kami pupunta. Nakatulog na lang ako sa sasakyan niya tapos paggising namin, nasa SLEX na kami papuntang Tagaytay. Nakakatakot na yung mga ganitong surprises niya but I don't know why I can't say no to him. This must mean something right?
"You're unbelievable."
"You're irresistible though. Kasalanan mo naman kung bakit laging ganito ang date natin e." He said as he continued walking towards his car. Wow lang. Kasalanan ko pa talaga ha?
Hinabol ko agad si AJ tapos pinaghahampas ko siya gamit yung free hand ko. Nanghihinayang ako sa bulaklak kung yun ang ipampapalo ko sa kanya e. Ilang hampas pa lang ang nagagawa ko nung bigla niya akong hawakan sa kamay at tinignan niya akong maigi.
"Lauryn, do you really have to be this difficult?" Tanong niya sa akin kaya napatigil ako.
"Let's go. I have to bring you back to Liam before it gets dark." He said. It's quite obvious na nagbago ang mood niya dahil sa nangyari. I know, kasalan ko pero does it really have to be like this? Ugh. I want to kill myself now! Lagi na lang akong panira ng moment.
xxx
Tahimik kaming dalawa ni AJ habang nasa biyahe. Gustuhin ko man na kausapin siya, hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Sobrang kinakain na ako ng konsensya ko dahil sa nangyari kanina. I wanted to say sorry pero tatanggapin ba niya ang sorry ko?
I pulled out my phone from my bag and I started typing. After a few seconds later, AJ's phone beeped. He checked on his phone while driving then he gave me a questioning look. Yumuko na lang ako dahil doon. Yes, I know it's lame but I had to. Ang pagtext na lang sa kanya ang naisip kong way para maging first step sa pagaayos naming dalawa.
To: AJ
I know it should come from my own mouth
but I don't know where to start. The thing is,
I'm really, really sorry for what I have done.
Bati na tayo please?
I was waiting for a reply, or even a sermon, from him when he suddenly parked the car on the side of the road. Panic was starting to build up inside me but I'm trying my best not to show it. Ano na naman ba 'tong napasok ko?
"Lauryn, what am I going to do with you? One moment, you're this annoyingly cute girl then the next minute, you're just annoying. I don't know what has gotten into me because even if you're annoying, I still like you. A lot." He said and that moment, fireworks exploded in my heart.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro