Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

Sabog update. Lol. Haha. Medyo filler ng very very light. Pero may patutunguhan din naman. Haha. Enjoy reading! :)

==================


"Ang selfish ba ng dating kapag sinabi kong isa sa mga dahilan kung bakit ayaw pa kitang ma-in love ay dahil natatakot akong maiwanan na mag-isa?" Tanong ni kuya sa akin paggising na paggising ko kinabukasan. Wala pa ako sa tamang wisyo nung tinanong niya ako. Dahil sa pag-aakalang hindi siya seryoso sa sinabi niya, dahan dahan pa akong nag-unat at nagpa-ikot ikot sa kama.

"Kat, umayos ka nga!" Sigaw ni kuya sa akin. Doon ko na-realize na seryoso nga siya sa sinasabi niya. Umayos agad ako ng upo at sinubukang palakihin ang singkit kong mata.

"Seryoso ka ba talaga sa sinabi mo kuya?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi ineexpect na ganoon ang nararamdaman niya. Akala ko kasi may nagugustuhan naman na siyang babae. Kaya ayaw niya akong magkaboyfriend ngayon kasi baka sukob. Yung mga ganung level ang naisip ko. Hindi ko naman alam na may ganito palang side sa kwento.

Umupo si kuya sa kama ko at saka siya bumuntong hininga. Kung susukatin ang lalim ng hugot ng buntong hininga niya, sa malamang lamang kasinglalim na iyon ng tatlong balon. Well yes, I could be exaggerating pero iba talaga ang pinaghugutan niya e. Sobrang lalim to the point na yun pa nga lang ang ginagawa niya, alam mo ng mabigat ang dinaramdam niya.

"Kat, I know it might sound stupid pero seryoso ako sa sinabi ko."

"Pero bakit? Akala ko ba may gusto kang babae? Ano na ang nangyari sa kanya?" Dire-diretso kong tanong sa kanya.

"Paano kung sinabi ko lang pala 'yon para madistract ka sa mga lalaking umaaligid sa'yo? Hindi mo ba napapansin, maliban kay Enzo wala namang ibang lumalapit na lalaki sa'yo?" Sagot niya sa akin at doon nag-sink in ang lahat. All this time, akala ko may mali sa akin. Na baka sobrang sungit ko o kaya intimidating ako masyado. Pinapaniwala ko rin yung sarili ko na okay lang na wala munang magkagusto sa akin tutal bata pa naman ako. Baka di pa ako prepared sa mga ganitong bagay kaya okay lang na wala akong manliligaw. Pero ngayon na sinabi ni kuya ang totoo, shet lang. What did I do to deserve this kind of treatment?!

"Pero bakit kuya? Bakit mo ginawa yun? Inimbento mo lang ba yung sinabi mo sa akin kaya ayaw mo si AJ para sa akin?" Tanong ko sa kanya habang pinipigilan ang nagbabadyang pagtulo ng luha ko.

"Natatakot akong mawala kayong dalawa sa akin. Nung una, takot ako ma malayo yung kakambal ko sa akin pero nung nalaman ko na gusto ka ni AJ, natakot ako na pati bestfriend ko mawawala sa akin. Siguro hindi mo naiintindihan pero ganun talaga ang nararamdaman ko. Sorry Kat." He said as he pulled me in for a hug. Doon na tuluyang tumulo ang luha ko. Hindi ko alam na ganito pala ang nararamdaman ni kuya. All along, akala ko okay lang siya. Na nagpapaka-OA lang siya sa pagiging protective na kuya. Pero mali pala ako.

"Wag ka namang umiyak Kat. I'm trying to be braver for thr three of us. Hindi ko sinasabi na okay na ako kay AJ para sa'yo pero susubukan kong mag-adjust sa magiging sitwasyon natin. Malaking pagbabago 'to para sa akin pero kung boto naman sa kanya sila Mommy, wala naman talaga akong magagawa di ba?" He said and I cheeks started to heat up. Seriously?! May ganoon ba talagang sinabi sila Mommy?!

"Don't be so surprised. They called me up before your trip to Tagaytay. Nagpaalam daw si AJ sa kanila for that date kaya wag ko raw masyadong pahirapan si AJ. Saka mas okay nga raw kung magiging brother-in-law ko na si AJ e. Hitting two birds with one stone daw." Sabi niya habang nakatingin siya sa akin, as if waiting for an epic reaction from me. Dahil hindi ako nagrereact, ngumiti na agad siya nang nakakaloko and that's when I started to crack up.

"Shut up!" I yelled while trying to supress my laughter. Tumawa lang din nang tumawa si kuya dahil doon. Noong nahimasmasan na kaming dalawa, umayos ako ng upo saka ako nagsalita.

"Seriously kuya, hindi ko kailangang matakot. Nandito pa rin ako para sa'yo kahit na anong mangyari. We're the most awesome twins in the whole universe right?" I said as I nudged him in his stomach.

"Yeah, whatever." He answered smuggly. I slapped him hard on his arm sabay takbo palabas ng kwarto.

"Magluto ka na nga ng almusal!" And just like hat, bumalik na naman kami sa pagiging (ab)normal na kambal.

xxx

Let's take it slow. Yan ang motto ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong bumagal ang kung ano mang nangyayari sa amin ni AJ ngayon. Siguro may factor na rin yung mga sinabi ni kuya sa akin noong nakaraan pero naisip ko rin kasi na I wanted to enjoy this feeling. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami magiging ganito so I wanted to cherish every moment.

From: Achilles Jeremy
Are you free later?

I received his text while I was on my way to my next class. Wala naman talaga akong plano for the day pero I decided to come up with an excuse para hindi kami magkita.

To: Achilles Jeremy
Nah. May orientation sa isang org na gusto
kong salihan e. Why?

A couple of minutes has passed at wala pa ring reply si AJ. Hindi ko alam kung masyado bang diretso yung pagreject ko sa tanong niya kaya di na siya nagreply or what. Tatawagan ko na lang sana siya nung natanggap ko yung text niya.

From: Achilles Jeremy
Hindi ba pwedeng next time na lang yan?
Art in Island muna tayo ni Liam.

Magrereply pa lang sana ulit ako nung may pumasok na naman na text mula sa kanya.

From: Achilles Jeremy
This is not a date, btw.

What the?! Sino ba ang may sabi na iniisip ko na date 'to? The nerve of this guy! Ang kapal talaga ng mukha kahit kailan. Ugh.

From: Achilles Jeremy
Wag masyadong magalit.
I'm just clearing things up.
Smile. It looks better on you. ;)

I frowned upon reading his text. Teka. Paano niya nalaman na nakasimangot ako ngayon? I looked around me pero hindi ko naman siya makita. The heck. Nasaan ba 'tong lalaki na 'to?!

From: Achilles Jeremy
Ang cute mo talaga. Haha.
Look up. :)

My cheeks burned because of what he said. At kahit na parang tanga lang, I followed what he said - I looked up and was surprised to see him on the second floor of the building, his smile as big as his ego. Kumaway siya sa akin pero inirapan ko lang siya. Leche. Hindi niya ako madadaan sa mga ganyan niya!

I instantly walked away from the middle of the crowd and made my way towards the exit of the building. Rinig na rinig ko ang pagsigaw ni AJ ng panglan ko pero hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Pagkarating ko sa waiting shed, sumakay agad ako sa unang jeep na dumaan sa harapan ko. Bahala na kung saan ang biyahe nito. Ang importantw ay makaiwas muna ako kay AJ.

I need to take this slow di ba? If that's thr case then, I'm sorry AJ but you've got to catch me if you can.

xxx

"Paikiwan na lang po ng mga sapatos niyo sa counter tapos ipakita po ninyo yung tickets niyo. Thank you and have a nice day!" Sabi sa amin nung babae sa bentahan ng tickets. Hindi ko alam kung bakit nasama pa ako sa dalawang bwisit na 'to. Umiwas na nga ako e. Nagtago pa ako pero bakit nandito pa rin ako?!

Oh, right. Kasalanan mga pala ni kuya ang lahat. He started with saying that this is just a bonding experience for the three of us. No strings attached. No awkwardness allowed. Kung totoo man ang sinabi ni kuya, then why the hell am I freling so awkward here?!

Ang awkward na magkakasama ulit kaming tatlo. Ang awkward na parang hindi nangyari ang mga nangyari noong mga nakaraang linggo. Ang awkward kasi parang walang attraction sa amin ni AJ. Puro repulsion. Yep. Balik na naman kami sa aso't pusa na scenario. Ang awkward awkward at gusto ko ng matapos ang araw na 'to!

"Kat, excited ka.na ba?" Tanong ni kuya sa akin habang hinuhubad namin ang mga sapatos namin sa tapat ng counter.

"Oo, grabe. Excited na excited ako!" Sagot ko, sarcastically. I mean I get it. Gusto lang ni kuya na magkasama sama ulit kaming tatlo pero of all places, bakit sa ganitong lugar pa? I don't appreaciate any kind of art at all. Ayaw ko sa paintings, sa scupltures or whatsoever so bakit dito pa kami pumunta?

"Dapat kasi hindi pinipilit ang taong ayaw." Hirit ni AJ at sinamaan ko agad siya ng tingin.

"Whatever." Sagot ko sa kanya. Hihirit pa sana ulit siya nung may naisip ako bigla. "You know what? Kayong dalawa na lang talaga ang pumasok. Nakakahiya sa bromance niyo e. I mean kayong dalawa naman ang nakaisip nito di ba? So kayo na lang ang magcontinue. It's better that way. Less hassle pa."

"Kat, please. Magcooperate ka naman o." Hiling ni kuya sa akin. As I looked at him, doon ko nagets na gusto niya talagang magwork itong scenario naming tatlo. Hindi man niya aminin pero alam kong nababalot din ang buong pagkatao niya ngayon ng sandamukal na awkwardness. Ayaw niya lang ipahalata kasi ang awkward nga.

"Fine. But you go ahead. Sunod na lang ako sa inyo." Napangiti agad si kuya sa naging sagot ko. Akala ko okay na rin kay AJ pero I got that wrong. Again.

"Hindi pwede. Kailangan ko ng taga-picture. Tara na, dali!" Sagot niya sabay hatak sa amin ni kuya papasok ng museum. This is insanely awkward. Isn't it?

The "field trip" around the museum was better than I expected. Yes, it was still awkward dahil kailangan naming magpose para magfit in kami sa mga scene sa background but ugh. As much as I hate to admit it, it was fun. May mga pagkakataon na mukha kaming tanga dahil sa mga posing namin o kaya naman ay bigla kaming pagtitinginan ng mga tao dahil sa pagtatalo naming tatlo pero in the end, nag-enjoy pa rin naman ako. And yes, it was draining. Sa sobrang pagod ko, nagpa-piggyback ride na ako kay kuya.

"Mag-diet ka na nga Kat. Bumibigat ka na." Hirit ni kuya habang buhat buhat niya ako papunta sa sasakyan ni AJ. Pinalo ko siya nang malakas kaya muntik na niya akong mabitawan.

"Kuya naman e!"

"Lauryn!" Halos sabay naming sigaw ni AJ. Inalalayan niya rin ako agad para makaayos ako sa likod ni kuya.

"Pambihira. Wag mo nga kasi akong hahampasin hangga't di pa kita naibababa. Mapapahamak tayong dalawa sa ginagawa mo e."

"Pssh. Oo na. Mamaya na lang. Okay na?" Sagot ko sa kanya tapos biglang natawa si AJ.

"Anong tinatawa tawa mo diyan ha?" Tanong ko sa kanya. Sasagot pa lang sana siya nung humirit pa si kuya.

"Umayos ka kung gusto mo pang makita 'tong kakambal ko." With that, tumahimik na agsd si AJ at kami naman ni kuya ang tumawa.

"Langya. Baliw nga kayong dalawa!" Sigaw ni AJ kaya lalo na lang kaming natawa. Hindi na rin naman pala masama ang araw na 'to. Sana, may next time pa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro