Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Tinignan ko agad yung lalaking nagsalita sa harapan ko. Kahit boses pa lang ang narinig ko, alam na alam kong si AJ na iyon. Tinignan ko si AJ nang masama tapos naningkit pa yung singkit ko ng mga mata. Lalong lang akong nainis kasi pinagtawanan lang ako ni AJ. Kahit na anong pagtataray ang ginagawa ko, walang epekto sa kanya. The heck. Magka-edad lang naman kaming dalawa pero maka-asta akala mo kung sino. Hindi porket si kuya ang kaibigan niya ganyan na siya maka-asta ah!

“Ano bang ginagawa mo dito ha? Sinusundan mo ba ako?” Tanong ko agad kay AJ.

“Woah! Chill ka lang Lauryn. Hindi ba pwedeng gusto ko lang ding mag-milk tea kaya ako nandito?” Pagdedepensa naman ni AJ sa sarili sa sarili niya. Hinatak pa niya yung upuan sa harapan ko at umupo siya roon. Kairita. Ang dami dami ng pwedeng upuan bakit sa harapan ko pa siya umupo?

“Ikaw? Gustong mag-milk tea? Asa.” Sagot ko kaya lalong natawa si AJ.

“Ikaw talaga. Di ka na mabiro. Nakita kita mula sa labas e. Mukhang ang lalim ng iniisip mo. Ano ba yun ha?” Tanong ni AJ sa akin kaya lalo akong nairita. Kung may isang bagay man ako na kinaiisan sa ibang tao, yun ang pagiging FC o Feeling Close ng mga yun. Alam ko naman na bestfriend ng nakatatandang kakambal ko si AJ pero naiirita pa rin ako tuwing nakikipag-usap siya sa akin na akala mo, ako yung bestfriend at hindi si kuya.

“Wala ka na dun.” Sagot ko kay AJ tapos tumayo na ako mula sa kinauupuan ko. Kinuha ko na rin yung milk tea ko at nagsimula na akong maglakad palabas ng shop. Nung nasa may pintuan na ako, biglang nagsalita si AJ kaya napatigil ako sa paglalakad. Bwisit. Eskandaloso talaga ‘tong si AJ kahit kailan. Walang pinipiling panahon at lugar yung kakapalan ng mukha niya.

“Bakit ba ang init ng ulo mo sa akin?” Tanong ni AJ kaya napalingon ako sa direksyon niya.

“Bakit ba ang FC mo? Kuya ko yung kaibigan mo, hindi ako. Know your boundaries.” Sagot k okay AJ at tuluyan na akong lumabas sa milk tea shop.

Dahil sa pagkainis ko sa mga nangyari, napagdesisyunan ko na lang na bumalik sa dorm na tinutuluyan ko for the mean time. Dumiretso agad ako sa kwarto ni Ms. Ann para magtanong, makiusap at kung ano pa man na pwede kong malaman o magawa tungkol sa matitirahan ko sa susunod na mga araw. Huminto ako sa labas ng pintuan at huminga ako ng malalim bago kumatok sa pinto. Hindi ko alam kung may patutunguhan ba ‘tong gagawin ko e. Pero willing akong sumugal kasi kailangan kong gawin ‘to. At least kung mag-fail ako, alam kong may ginawa ako. Ganun din naman sa love di ba? Kahit wala kang kasiguraduhan kung kayo ba nung mahal mo ang magkakatuluyan, you’re willing to take that risk. Kung masasaktan ka man sa dulo, at least masasabi mong lumaban ka hanggang sa huli.

“Sino yan?” Tanong ni Ms. Ann mula sa loob ng kwarto.

“Si Kat po.” Sagot ko naman at mas lalo akong kinakabahan sa bawat segundo na lumilipas.

“Pasok.” Sabi ni Ms. Ann kaya dahan dahang kong ipinihit yung door knob ng kwarto. Dahan dahan ko ring binuksan yung pintuan tapos pumasok na ako sa loob. Pagkapasok ko sa loob ng kwarto, tinignan ako ni Ms. Ann saglit pero bumalik agad sa pag-aayos ng mga papeles si Ms. Ann. Nanatili akong nakatayo sa may harapan ng lamesa ni Ms. Ann habang naghihintay ako ng utos mula sa kanya. Nahihiya naman din kasi ako na umupo na lang ng basta basta kaya hinihintay ko muna na sabihin niya na pwede na akong umupo.

Pagkalipas ng ilang minuto, nakatayo pa rin si Kat at hindi pa rin sila nagsasalitang dalawa ni Ms. Ann. Ang tanging naririnig lang sa kwarto ay ang ingay na ginagawa ng electric fan pati na rin yung mga tunog na nagagawa ng pag-aayos ni Ms. Ann ng mga papeles. Dahil medyo nangangalay na rin si Kat, nagsimula na siyang magsalita. May hiya naman ako hindi katulad ng ibang tao.

“Ms. Ann, may itatanong po sana ako.” Nahihiya kong sabi kay Ms. Ann. Napatigil si Ms. Ann sa ginagawa niya at tinignan ako saglit.

“Kat, kung ang itatanong mo ay kung pwede kang umupo, ang sagot ay pwede. Kaya umupo ka na.” Sagot ni Ms. Ann sa akin kaya umupo na agad ako. Pakipot pa ba? Gustung gusto ko na rin naman na umupo! Pagkaupo ko, inisip ko kung saan ba dapat ako magsisimula. Hindi ko kasi alam kung pagbibigyan nga ba ako ni Ms. Ann sa hihilingin ko. Wala namang kasiguraduhan yung planong naiisip ko. Wala nga akong plan b, c, d, e, f, g hanggang z e. Hanngang plan a lang ako kaya all or nothing na ‘to.

Para sa isang katulad ko na pinaplano ang karamihan ng mga bagay bago ko simulan ang kahit na ano, napakalaking kasalanan na ang ginagawa ko ngayon. Wasak na wasak na yung mga prinsipyo ko sa buhay. Ang gusto ko kasi ay sigurado na muna na matino yung kalalabasan ng mga gagawin ko. Pero ngayon, wala na akong choice kung hindi subukan ang isang bagay na hindi ko inakalang gagawin ko kahit na kailan – ang makiusap. Feeling ko kasi napaka-pathetic ng ganun. Kung tutuusin naman kasi, marami pang options sa paligid. Hindi lang namamaximize ng mga tao kasi sa iisang bagay o tao lang sila nakatingin. Kaso ngayon kasi wala na ako masyadong choice kung hindi makiusap kay Ms. Ann. Dahil dun, huminga na lang ako ng malalim at nagsimula na akong magsalita.

“Ms. Ann, pwede po bang kahit after the weekend na lang po ako umalis dito? Uuwi po kasi ako sa amin this weekend. Kakausapin ko na lang po yung magulang ko tungkol sa nangyari. Kapag pumayag po sila sa plano ko, kukunin ko na po agad yung mga gamit ko. Sige na naman po, please?” Pakiusap ko kay Ms. Ann. Tinanggal ni Ms. Ann yung salamin niya at tinignan niya ako ng maigi bago siya nagsalita. Nakakakaba pala talaga ‘to shet. Bakit ko ba kasi kailangang pagdaanan ‘to? Oh right. Kasalanan ng pesteng boyfriend ni Nicole.

“Fine. You have until Monday to look for another place. Pagkatapos nun, wala na talagang extensions. Same goes with Nicole. Ikaw na bahalang magsabi sa kanya.” Seryosong sagot ni Ms. Ann sa akin pero hindi nun napigilan ang sayang nararamdaman ko. Nagsimula na akong sumigaw dahil sa sobrang kasiyahan ko. Nakalimutan ko na nga na nasa loob pa rin ako ng kwarto ni Ms. Ann pero buti na lang hindi na niya ako pinansin masyado. Natawa pa nga si Ms. Ann sa naging reaksyon ko e. Kung pwede lang na ma-abswelto na ako sa krimen na hindi ko na ginawa dahil sa napatawa ko si Ms. Ann e. Kaso imposible namang mangyari yun. Sayang lang talaga.

Nung nahimasmasan na ako, nagpasalamat na agad ako kay Ms. Ann at nagmadaling lumabas sa kwarto nito.  Mahirap na. Baka magbago pa yung isip niya tapos bawiin niya bigla yung pagpayag niya sa extension na hiningi ko e. Pagkalabas ko ng kwarto ni Ms. Ann, dumiretso na agad ako sa kwarto naming dalawa ni Nicole at nagulat ako nung makitang palabas na yata ng kwarto si Nicole.

“Nics, saan ka pupunta?” Tanong ko kay Nicole.

“Aalis na. Baka mag-uwian na lang muna ako tapos sa weekend na ako maghahanap ng mas malapit na dorm.” Sagot naman ni Nicole sa akin. Nung panahong yun, hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Nicole yung magandang balita. Pinag-iisipan ko pa kung sasabihin ko na lang ba basta o pagttripan ko pa muna si Nicole. Dahil wala na rin naman akong maisip na pakulo, sinabi na lang niya agad kay Nicole ang magandang balita.

“Hindi mo pa naman kailangang umalis e. I talked to Ms. Ann. Sabi niya we could stay here until Monday so kahit iwan mo na muna yung mga gamit mo this weekend dito saka ka maghanap ng dorm.” Sabi ko kay Nicole at kalmadong kalmado pa ako habang sinasabi ko yun. Pagtingin ko kay Nicole, nagulat ako. Kasi siya, aayun. Nagwawala na dahil sa sobrang kasiyahan.

“Hindi ka man lang ba natutuwa sa extension natin?” Tanong ni Nicole sa akin nung parang naubusan na siya ng energy at medyo tinablan na siya ng hiya. Medyo nakakuha na rin kasi kami ng atensyon mula sa iba pang nakatira sa dorm. Hindi pa naman ganoon kaganda yung dance moves na ginawa ni Nicole kaya hinatak na agad niya ako papasok ng kwarto tapos isinara na niya yung pintuan ng kwarto naming dalawa.

“Kat, seryoso naman talaga yung sinabi mo di ba? I mean hindi mo naman ako jinojoke?” Tanong ulit ni Nicole sa akin. Para bang hindi siya makapaniwala na pumayag si Ms. Ann na mag-extend pa kami ng ilang araw sa dorm. Knowing Ms. Ann kasi, hindi talaga yun bumabali ng mga rules at lahat ng desisyon niya, final. Kaya nga sobrang nagsisigaw talaga ako nung pumayag siya sa pakiusap ko e.

Tumango na lang ako bilang sagot sa tanong ni Nicole tapos niyakap niya ako agad. After that, dumiretso na ako sa kama ko at nagpahinga. Pinag-iisipan ko kasi kung ano pa ba ang pwede kong gawin para lang malusutan yung problema ko ngayon. Papikit na sana ako nung parang may suminding lightbulb sa utak ko – signaling a great idea.

“Omaygahd! Alam ko na!” Biglang sigaw ko kaya napatingin sa akin si Nicole.

“Anong alam mo na?” Tanong ni Nicole sa akin.

“Uhh. Don’t minde me.” Awkward na sagot ko tapos tumawa na lang ako ng pilit. Ang totoo niyan, sa isip isip ko, sana gumana yung pinaplano ko. Pangatlo na ‘to sa plano ko. Kapag nag-fail pa ‘to, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Nung malapit akong umuwi sa bahay ng parents ko, hindi ko maiwasan na kabahan. Una, hindi pa rin ako sinasagot ni kuya kung sasamahan ba niya ako pauwi or not. Hindi ko rin alam kung kailangan ko na bang mag-commute o maghihintay pa rin ba ako. Baka nga naghihintay na lang ako sa wala tapos hindi ko namamalayan e. Pangalawa, hindi rin ako sigurado kung papayagan ba ako nina mommy at daddy sa binabalak ko.

Malalim na malalim na yung pag-iisip ko nung biglang may kumalabit sa akin. Hindi ko tuloy napigilan yung sarili ko na sumigaw dahil sa sobrang pagkagulat. Pagtingin ko kung sino yung kumalabit sa akin, yung taong pinaka-ayaw akong makita ang nasa harapan ko. Walang iba kung hindi si AJ.

“Anong ginagawa mo dito?” Mataray na tanong ko kay AJ.

“Woah, chill! Papangit ka niyang kapag laging magkasalubong yung kilay mo e.”

 

“Shut up! Just answer my question will you?”

 

“Fine, fine. Hindi ka raw masasamahan ni Liam kaya ako na lang daw maghatid sa’yo pauwi sa inyo. Nalaman niya kasi na uuwi rin ako sa amin kaya isabay na raw kita.” Agad na nag-init ang ulo ko dahil sa narinig ko. Kung tutuusin kasi, pwede namang sabihan na lang ni kuya na hindi na niya ako masasamahan pauwi. E di sana nag-commute na lang ako di ba? Maiintindihan ko naman yun e. Saka mas gugustuhin ko pang makasama ang isang estranghero kaysa sa isang katulad ni AJ. Kainis naman ‘tong si kuya e. Wala man lang consideration.

Bakit nga ba ang laki ng galit ko kay AJ? Kung tutuusin, mahaba na ang nagawa kong listahan para sa mga rason kung bakit galit na galit ako kay AJ. Yes, nilista ko talaga. Nakakaasar naman kasi e. Kung pwede nga lang na kapag sinunog ko yung listahan, mawawala na rin yung mga kinabbwisitan ko sa kanya e. Kaso imposible namang mangyari yun.

Back to my list, kasama na dun ang pagiging makulit at feelingero ni AJ. Akala mo kung sinong gwapo. E gwapong gwapo lang naman siya sa sarili niya. Okay fine. I’m lying. He’s cute pero so what? Ano naman kung cute siya pero yung ugali niya nakakairita? Saka isama mo pa ang katotohanang hindi naman talaga kami ang magkaibigan. Hindi ko malaman kung bakit ba kailangan din akong gambalain ni AJ. Pwede namang si kuya na lang ang kausapin, kulutin, asarin at kung ano pa ni AJ e. Pero bakit kailangan kasama pa rin ako? Ang tanging pumapasok lang sa utak ko ay wala ng ibang mapag-tripan si AJ kaya ako na lang yung palaging inaasar niya. Tablado naman kasi siya palagi kay kuya e.

“Err. Sige. commute na lang ako.” Sagot ko pero paalis pa lang sana ako sa kinauupuan ko nung bigla akong hawakan ni AJ sa braso ko.

“Achilles Jeremy, bitawan mo ako pwede?” Sabi ko tapos tinignan lang ako ni AJ na para bang naaaliw pa siya sa akin. Ano ako? Entertainer? The heck. Kairita talaga ‘tong AJ na ‘to.

“Lauryn Katreena, umayos ka nga. Magkasabay lang naman tayong uuwi e. Kahit hindi na tayo mag-usap sa sasakyan kahit na two hours pa yun. Ayaw ko lang na magalit pa sa akin si Liam dahil lang sa pinayagan kitang mag-commute mag-isa. Sasaka may konsensya rin naman ako. Baka mapano ka pa kapag nag-commute ka. Sumakay ka na sa sasakyan ko.” Mahinahon lang si AJ nung sinagot niya yung sinabi ko. Dahil dun, wala na akong nagawa kung hindi sumunod kay AJ papunta sa sasakyan niya. Kinuha na rin ni AJ yung mga dala ko tapos pinagbuksan pa niya ako ng pinto. Wow ah? Gentleman bigla? Parang hindi makatotohanan. Hindi ko tuloy malaman kung bakit biglang bumait si AJ sa akin pero whatever. Hindi na lang ako nagreklamo tungkol dito. Mas okay na rin naman yung ganito kaysa nagtatalo kami palagi. Lulubusin ko na ‘to. Minsan lang naman ‘to mangyari e.

Habang nasa biyahe, tahamik lang kaming dalawa AJ. Hindi talaga kami nag-usap. What’s the point in startng a conversation kung alam naman naming mauuwi lang yun sa pagtatalo di ba? Sayang lang sa effort. Isa ata kami sa exception to the rule na nagiging mas okay yung dalawang tao kapag nag-uusap nang madalas e. May mga instances na parang tumitingin sa akin si AJ tapos parang may gusto siyang sabihin pero hindi naman niya tinutuloy. Ayaw ko namang maunang magsalita so nakarating tuloy kaming dalawa sa bahay nina mommy ng hindi talaga kami nag-uusap. I guess it’s better off this way. Less hassle and less stress.

“We’re here.” Sambit ni AJ pagka-park niya sa tapat ng bahay nina mommy.

“Alam ko. Hindi mo na kailangang i-announce.” Sagot ko tapos binuksan ko na agad yung pintuan ng sasakyan, bumaba na ako rito at kinuha ko na niya yung mga gamit ko sa back seat. Nung natapos na ako dun, nagdire-diretso na ako papasok ng gate namin. Napatigil lang ako nung biglang nagsalita si AJ.

“Wala man lang thank you?”

 

“Thank you. Happy?” Sarkastikong pagkakasabi ko tapos biglang tumawa si AJ. Pasakay na sana siya sa sasakyan niya nung bigla siyang tumigil tapos nagsalita siya ulit.

“Uhh, Lauryn sabi pala ni Liam isabay na rin kita pabalik ng Manila so sunduin na lang kita dito sa Monday. I won’t take no as an answer.”

 

“But-” Hihirit pa sana ako pero hindi ko na natapos yung sinasabi ko. Sumakay na talaga si AJ sa sasakyan niya tapos humarurot na yung sasakayan ni AJ palayo sa akin.

OPTION C

Pagpasok ko sa loob ng bahay namin, sinalubong agad ako nina mommy at daddy. Halata naman na masaya sila na makita ako pero mas halata na hinihanap nila yung pesteng kakambal ko na si Liam. Well hindi ko naman masisisi sina mommy at daddy kung hanapin man nila si kuya e. Hindi na rin kasi ganun kadalas makipag-usap si kuya sa kanila simula nung lumipat siya sa sarili niyang bahay sa Manila. Oo, si kuya na ang may sariling bahay. Ginusto niya yun e. Ako naman pinili kong mag-dorm and look at where it led me? Back to zero ako bigla.

“Ate, paki-akyat na nung mga gamit ni Kat sa kwarto niya. Thank you.” Utos ni daddy sa isang katulong namin.

“So kamusta ang biyahe mo princess?” Tanong naman ni mommy sa akin.

“Boring.” Matipid kong sagot sa kanila tapos umupo na kami sa sofa. Nagkukumustahan lang kaming tatlo at nagkakatuwaan na rin sana kaming tatlo kaso kailangan ko na talagang i-bring up yung plano ko. It’s now or never. Kailangan ko man lang subukan.

“Ma, Pa, pwede po bang lumipat na lang ako ng school? Kahit dito na lang ako mag-aral.”

 

“Ha? Anong pinagsasasabi mo Kat?” Tanong ni mommy sa akin.

“The thing is, nagkaproblema po kasi ako sa dorm na tinitirahan ko. Wala naman na po akong malipatan dun kaya dito na lang po sana ako mag-aaral. At least makakasama ko pa po kayo palagi.” Sinubukan kong magpalusot sa dulo pero mukhang hindi binili nina mommy at daddy yung palusot ko. Kainis naman o. Dapat ba nag-rehearse muna ako bago ko ‘to sinabi sa kanila para mas convincing yung mga sasabihin ko?

“Princess, as much as we would want to have you here, hindi pwede. Masasayang lang yung nasimulan mo na dun e.” Pagpapaliwanag ni mommy tapos nagsalita na rin si daddy.

“Tama ang mommy mo. Saka nandun naman si Liam. Bakit hindi ka na lang dun makitira? Malapit din naman sa pinapasukan mo yung bahay niya dun e. Pero bakit nga ba hindi ka dun tumira sa simula pa lang?” Tanong ni daddy sa akin kaya nagulat ako bigla. Hindi ko ineexpect yung ganitong tanong mula sa kanila. Wala ‘to sa mga naisip kong pwedeng i-bring up kapag sinabi ko na sa kanila yung plano ko. Magiimbento na sana ako ng sagot nung biglang nagsalita ulit si mommy.

“Huwag mong sabihing hindi pa rin kayo magkasundo ni AJ? Ang tagal na niyang away niyo ah.” Napailing na lang ako dahil sa sinabi ni mommy tapos nagpaalam na agad ako para makapagpahinga na ako sa kwarto ko. Mahirap na kasi e. Baka kung ano pang isipin at sabihin nila mommy kapag sinabi kong ayaw ko pa rin kay AJ.

Nakakainis lang talaga kasi kahit na gustung gusto kong makalayo kay AJ, bakit ba parang lahat ng nangyayari sa akin ngayon ay parang itinutulak pa ako papalapit kay AJ? Dahil hindi ko na rin alam ang sagot sa sarili kong tanong, sinabunutan ko na lang yung sarili ko at sinubukang itulog ang lahat ng problema ko. Sana lang paggising ko, okay na ang lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro