Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

Hi! Fyi, yung picture sa media section yung itsura ng "pambahay" ni Lauryn. Para lang clear tayo. Hindi siya yung typical pambahay. Okay?


Bitin ang update. Lagi na naman e. Lol. Pero ewan ko. Naguguluhan ang feels ko. Huhuhu. Sana magustuhan niyo! :)


=========================================


The ride going to Tagaytay was insanely quiet... and awkward. Pagkatapos nung sinabi ni AJ sa akin kanina, para bang nawala na ako sa sarili ko. Hindi ako nakapagbitaw ng pambara. Wala akong naibigay na comeback line. I was lost for words – words failed me when I need them the most.


"Gutom ka na ba?" He asked me as we slowed down to the gas station along SLEX. I was about to tell him that I am fine but surprise, surprise – kumalam bigla yung tiyan ko.


"Gutom ka nga. Tara, kain muna tayo." He said while grinning like a fool. I felt my cheeks heat up because of that. Diyahe naman o. Nakakawala lang ng poise. I know AJ had seen me in worse scenarios pero the heck. Hindi naman date yung mga 'yon! Saka ang turing pa namin sa isa't isa nung mga panahong 'yon ay magkaaway at hindi yung ganitong komplikadong ewan. Wala pa kami sa MU stage – hindi pa Malabo ang Ugnayan naming dalawa.


"Lauryn, you don't have to feel awkward around me. Alam mo naman 'yon di ba?" Sabi niya as he placed the tray on our table.


"Easy for you to say. I basically grew up with you, dummy."

 

"It's fcking difficult for me but if we would just dwell on what we had on the past, then we might never have a future. It sucks to be stuck in the past and be remembered for the wrongdoings that I have done. Lauryn, I want to move past that. I want to prove to you that I could change for you, for us."

 

"Ahh, kaya pala kinidnap mo ako. So much for a change, eh?" Napailing na lang si AJ sa sagot ko. Kumain na lang kami and we tried our best para hindi na kami mag-argue sa maliliit na bagay. Nung natapos na kaming kumain, bumiyahe na ulit kami.


Malaking pagbabago ang nagawa nung matabang bubuyog na mahilig sumayaw. Pagkatapos kasi naming kumain, nag-uusap na kami sa biyahe ni AJ. Kahit na non-sense lang lahat ng napag-uusapan namin, it's a big change if compared to the awkward silence that we had a while ago. Saka kung iisipin, mas okay nga yung ganitong usapan e – walang drama at walang awkwardness.


I was laughing my heart out dahil sa isang joke na sinabi ni AJ nung napansin kong nasa Tagaytay na pala kami. Papasok na kami sa Picnic Grove nung bigla akong napatigil at tinablan ng kaba.


"AJ, anong gagawin natin dito? Nakakain naman na tayo so ibig sabihin, hindi na tayo magpipicnic, right?" I asked him as I tried to hide what I'm truly feeling.


"Yup. We're not here for a picnic. We're here for horseback riding."

 

"You're kidding right?" Sagot ko kay AJ. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mag-panic. Jusme! Never akong nag-horseback riding dahil sa takot ko sa kabayo! Papatayin ba ako ng mokong na 'to?!


"Nope. I'm serious. Imagine, magkasabay tayong sasakay sa kabayo. Kapag natatakot ka, hihigpit bigla yung hawak mo sa kamay ko. Ang romantic di ba?" Sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko. Utang na loob! Akala ba niya nagjojoke ako dito? Takot talaga ako!


"There's no way that I'm riding any kind of horse! Kahit kamukha mo pa yung kabayo, hindi ako sasakay!" Tatakbo pa lang sana ako palayo kay AJ nung bigla niyang hawakan ang mga kamay ko. Tinignan niya ako sa mga mata ko at saka niya ako sinubukang pakalmahin. Hindi ko alam kung bakit pero sa paghawak pa lang niya sa kamay ko, kumalma na agad ako. Nawala na agad yung takot at inhibitions ko. It's as if I felt safe with him. Ang weird pero totoo.


Naglakad kami papunta sa spot kung saan mayroong horseback riding. All the while, hindi binibitawan ni AJ yung kamay ko. Hindi ko alam kung ginagawa niya ba 'yon para panatilihing kalmado ako o para hindi ako makatakas. Either way, effective naman siya.


Nung nakita ko up-close yung mga kabayo, bumalik na naman yung takot ko. AJ squeezed my hand and it brought me back to my senses. It made me realize that I am not alone. That I can overcome my fear. That I can do this with him. Tinignan ko si AJ and he gave me a heart warming smile. Tumango ako bilang sagot tapos nagbayad na siya para sa horseback riding session naming dalawa.


Seconds turned into minutes and it meant na oras na para harapin ang takot ko sa kabayo. Nag-aalinlangan pa rin ako kung tutuloy ba ako o hindi pero nung nagsalita si AJ, alam ko na kung ano ang sagot sa tanong ko.


"Tara na? Hindi kita pababayaan, promise." He said while offering his hand. Tinignan kong maigi ang kamay niya saka ko siya tinignan sa mata. Nakangiti siya at alam kong hindi dahil sa gusto niya akong asarin o pagtripan. His smile meant an assurance and with that, I gladly accepted his offer.


"Ma'am, sir dito po tayo. Mamaya na po ulit tayo gumawa ng music video." Panloloko sa amin nung nag-fafacilitate sa horseback riding. Natawa na lang kaming dalawa ni AJ at sumunod kay kuya. Inalalayan niya kaming dalawa ni AJ sa pagsakay sa kabayo at nung settled na kaming dalawa, inilabas ni AJ yung cellphone niya at iniabot niya 'yon kay kuya.


"Kuya, pakuha naman ng picture namin o?" Kinuha ni kuya yung phone ni AJ tapos kumuha siya ng ilang shots. Pagkatapos noon, itinago na ulit ni AJ yung phone niya at nagsimula na kaming mag-ikot ikot.


Aaminin ko. Kahit na alam kong nasa likod ko lang si AJ, kinakabahan pa rin talaga ako. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang magiging mood ng kabayong sinasakyan namin ngayon. Hindi ako makapag-relax. Hindi ko ma-enjoy ang ginagawa namin pati na ang view. Pero pagkatapos ng ilang minuto, inilapit ni AJ ang ulo niya sa akin at nagsimula siyang kumanta.


"I will never let you fall

I'll stand up with you forever

I'll be there for you through it all

Even if saving you sends me to heaven..."

 

"AJ..." Mahina kong sagot sa kanya.


"Relax Lauryn. Nandito lang ako at seryoso ako sa sinabi ko kanina. Hindi kita pababayaan." Sabi niya and with that, I just found myself relaxing with his arms wrapped around me.



xxx



"Sky Ranch tayo?" Tanong ni AJ pagkatapos naming kumain ng lunch. Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi ako sumagot sa tanong niya.


"What? Seryoso ako! Sky Rance tayo, dali!"

 

"Kakakain lang natin!" Reklamo ko sa kanya. Alam ko namang di uubra 'yon sa kanya pero I needed to make an excuse. The thing is, medyo takot din kasi ako sa heights. Hindi ko nga alam kung ano ang tumatakbo sa utak ni AJ at puro sa mga bagay na kinatatakutan ko niya ako dinadala e.


"Okay lang 'yan!"

 

"AJ, yung totoo. Date ba 'to o parusa? Ayoko na. Dito na lang tayo, please?" Pagmamakaawa ko kay AJ. Feeling ko kasi, hindi ko na talaga kakayanin. Mas gugustuhin ko pa yatang sumakay na lang ulit sa kabayo kaysa sumakay sa kung ano-anong rides.


Tumayo bigla si AJ sa kinauupuan niya at lumipat siya sa tabi ko. Katulad nung ginawa niya kanina sa Picnic Grove, hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit. Tinignan ko siya only to find out na nakatingin din pala siya sa akin. Agad akong umiwas ng tingin sa kanya. Hindi ko alam kung dahil naiilang ako o dahil natatakot akong malaman niya yung weaknesses ko. Or it could be both. I don't know. Gulong gulo na talaga ang utak ko ngayon.


"I guess I have to say the truth then?" Sabi ni AJ which caught my attention. Napalingon ulit ako sa kanya though hindi na katulad kanina na naiilang ako sa kanya. Curiosity got me. I just wish that it won't get the best of me.


"Anong ibig mong sabihin?" I asked him.


"Lauryn, this is not an illegal date nor a kidnapping scenario. Kinausap ko si Liam para dito. Hindi ka ba nagtataka at hanggang ngayon hindi ka pa hinahanap ng kuya mo? Knowing Liam, ilang oras lang na hindi ka nagpaparamdam sa kanya, nagpapanic na 'yon. Sumisipa agad yung brother's or should I say twin's instincts niya." Hindi ma-process ng utak ko yung mga sinasabi ni AJ sa akin ngayon. I could not believe the fact na pumayag si kuya na sumama ako kay AJ. Na ilang oras na kaming magkasama, wala man lang siyang text o tawag to say na hindi ko dapat ginagawa 'to. Na masasaktan lang ako in the end kasi aasa ako na may future kami ni AJ dahil sa nararamdaman ko ngayon. Ang labo labo lang ng nangyayari!


"Remember the time when I said that I'm willing to prove myself to you and to your brother? This is the first step Lauryn."

 

"Care to explain your point? Sobrang naguguluhan na talaga kasi ako."

 

"I brought you here so that you could face your fears... and I wanted to be the one standing right next to you when you do so. Tell me, is that too much to ask?"


"I..." Ang dami kong gusto kong sabihin pero hindi ko alam kung saan dapat magsimula. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko at para bang nababaliw na ako dahil sa mga sinasabi ni AJ. Hindi ko alam kung anong dapat i-react. Dapat ba akong kiligin, mainis, matuwa o maiyak? Ewan ko. Hindi ko na talaga alam. He's making me feel too much emotions at once and I don't know if I could keep up with it.


"Lauryn, I'm here. Kung pakiramdam mo, hindi mo na kaya, nandito lang ako para tulungan ka. Kung natatakot kang mahulog, nandito ako para saluhin ka. Hindi ka mag-isa okay?" Tears started to roll down my cheeks. It may be caused by two things – tears of joy and tears of fear.


Sa posisyon ko ngayon, siguro iisipin ng iba na hindi dapat ako matakot. Nandito nga naman si AJ sa tabi ko. Pero who said I was scared because of my fear of horses and fear of heights? Right now, there is one thing that I fear the most...











I'm afraid to fall in love only to find out that no one will be there to catch me when I fall.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro