Chapter 17
Short update but I wanted the chapter to end this way. Bitin pa more! Hahahaha.
===========================================
I woke up with a freakin' headache. These past few days, hindi ako makatulog nang maayos. All that I could think of is kung paano ba dapat ayusin ang sitwasyon namin ni AJ at ng kapatid ko. Yes, I know I shouldn't be the one doing all of the thinking but I'm going crazy because of this. Hindi ko alam kung tutulungan ko ba muna sina kuya at Nicole o tutulungan ko ang sarili ko. Aish. Why does love have to be so complicated?
"Kuya!" I shouted at the top of my lungs. Hindi na kasi umuubra kay kuya ang simpleng pakiusap ngayon. Lahat, kailangang may kapalit o kaya naman ay may pananakot. Ever since AJ left the house, nagkaganito na siya. I don't know if it's just sepanx or he really has a problem that he didn't want to tell me.
"Ano na naman ba ang kailangan mo?" He asked, annoyance evident in his voice and face. I had to stop myself from laughing or he wouldn't follow my orders at all.
"Can you get me a glass of water? Please?" I told him and his eyes are flaring up. Sobrang obvious na galit na siya dahil sa mga kalokohan ko.
"You called me para lang sa isang basong tubig?! Seriously Lauryn Katreena. You've got to be kidding me."
"Matter of life and death kaya 'to! Nahirinan ako kuya! Kailangan ko ng tubig!"
"Dala lang yan ng katakawan mo! Bumaba ka nga sa kusina!" Sigaw niya sa akin sabay labas ng kwarto ko. Langya. Kahit katiting man lang na concern, walang ipinakita si kuya. Ganun ba talaga? Kapag walang love life, pati concern sa kapatid mo, nawawala? Bakit ako, hindi naman ganun?
Feeling frustrated from my brother's lack of concern, lumabas na nga ako ng kwarto at kumuha ng baso ng tubig. Lulunukin ko pa lang sana yung nilagok kong tubig nung may nakita akong kausap si kuya sa may sala. At pakshet na buhay yan! Naibuga ko yung tubig na ininom ko!
"Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ko sa kausap ni kuya. Napatigil silang dalawa sa pag-uusap at halatang hindi nila alam kung paano sasagutin ang tanong ko. As far as I know, hindi naman sila close e. So anong ginagawa niya sa bahay ni kuya?
"Let me explain."
"Explain? Wow, big word! Sige nga. Anong explanation ang iimbentuhin niyo ha?" Hindi ko napigilan ang sarili ko na sabihin ang mga 'yon. Right now, I feel betrayed, big time. What's worse is yung dalawang tao pa na pinagkakatiwalaan ko ang gagawa nun sa akin.
"Kat, please hear me out." Pagmamakaawa ni Nicole.
"For what? Sasabihin mo bang ikaw na ang nanliligaw sa kapatid ko? Kung hindi yun ang sasabihin mo, makakaalis ka na." I answered her, trying my best to stifle my laughter. Their expressions are just priceless. Nakanganga lang silang dalawa ni kuya at nanlalaki pa ang mga mata.
"What now? I'm waiting."
"Kat, umayos ka nga!" Paninita sa akin ni kuya. Tinignan ko lang siya nang masama. Kainis naman talaga 'tong kakambal ko na 'to o. Kaya walang pag-asa sa love life 'to e. Masyadong seryoso sa buhay. Ayaw man lang mag-loosen up samantalang yung mga turnilyo niya sa utak, puro loose na. Tsk.
"Whatever. By the way, kung gagawa man kayo ng milagro make sure na doon kayo sa kwarto tapos lock the door okay? I'll leave you guys alone muna. Bye!" Dire-diretso kong bilin sa kanila sabay labas ng bahay. Kitang kita ko ang pamumula ng mga pisngi nila at hirap na hirap na talaga akong magpigil ng tawa. Buti na lang at paglabas ko ng bahay ay nagawa ko ng itawa ang lahat.
Napatigil ako sa pagtawa ko nung biglang may tumigil na sasakyan sa harapan ko. I know this car very well to the point that it made my heart skip a beat. Puro bad memories ang meron ako sa sasakyan na 'to. I shouldn't feel this way right? I mentally slapped myself for thinking of such things. The heck. This is really bad. I think I need to consult a doctor!
"Lauryn," was the only thing that he said but it made a huge impact on me. It's as if time has stopped at kaming dalawa lang ang tao sa buong mundo.
He took his time walking to get to where I was standing. At that moment, nakatingin lang ako nang diretso sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko, kapag kumurap ako ay bigla siyang mawawala sa harapan ko. Na magiging guni-guni ko lang siya na bigla ring kukupas. When he reached my spot, he immediately held my hand.
"Ano ba? Makita tayo ni kuya!" I said while trying to swat his hand away from mine. Imbis na bumitiw siya sa pagkakahawak niya sa akin, mas lalo pa niyang hinigpitan ito.
"Lauryn, chill. Kung makita man tayo ng kuya mo, let it be. For now, kikidnapin muna kita. Okay?" Sagot niya sabay ngiti. Hindi ko alam kung bakit pero napatango na lang ako sa sinabi niya. Nung naisakay na niya ako at na-start na niya yung sasakyan niya, doon lang na-sink in sa akin yung sinabi niya.
"Teka! Anong kidnap yung sinasabi mo?!" Sigaw ko sa kanya. Imbis na sagutin ang tanong ko, pinagtawanan lang niya ako. Badtrip. Mukha ba akong joke ha?
"Umayos ka kung ayaw mong masaktan!"
"Just relax okay? Malalaman mo rin naman kung ano yung sinasabi ko." Sagot niya sabay kindat. Seriously. Pakiramdam ko talaga anak siya ni daddy! Ganitong ganito yung mga kwento ni mommy noon e. Bakit ganito ang kapalaran ko? Magkakagusto na nga lang ako, sa anak pa sa labas ng daddy ko? This is so freakin' unfair!
Dahil hindi na talaga ako matahimik sa theory ko, I decided to text mommy.
To: Mommy
Mommy, answer me truthfully.
Kapatid po ba namin si AJ?
Wala pang isang minuto, nagreply agad siya sa text ko.
From: Mommy
Saan mo naman napulot 'yan Kat?
Don't be silly. Hindi niyo kapatid si AJ.
Why'd you ask?
Somehow, nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi ni mommy. Pero hindi pa rin talaga ako matahimik e. May gumugulo pa rin sa utak ko.
To: Mommy
Bakit po magkaugali sila ni daddy?
I mean, he's like dad dun sa stories mo before.
Yung palagi kang inaaway saka kinikindatan.
I don't know if I should be scared now or what.
From: Mommy
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.
Dalaga na talaga ang princess ko. ;)
My jaw dropped when I saw mom's reply. Hindi ko akalaing dadagdag pa siya sa panloloko sa akin. Here I was, thinking na idedefend man lang niya ako o kaya sasabihin niyang huwag ako masyadong mag-overthink. But no. All I got was a super long HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA at bonus na panloloko mula sa kanya. Best mom ever! Not.
"Uy, okay ka lang?" Tanong sa akin ni AJ nung napalingon siya sa akin. He must have seen that I'm kind of irritated right now.
"Don't know. Don't care." Walang kabuhay-buhay kong sagot sa kanya. Wala na ako sa mood para makipag-chummy sa kanya ngayon. Masyado akong naguguluhan sa naiisip at nararamdaman ko.
Napailing si AJ dahil sa naging sagot ko. Ipinagpatuloy na lang niya ang pagmamaneho imbis na kulitin pa ako. Natulog na lang ako dahil mukha namang wala siyang balak na sabihin kung saan kami pupunta. Nung nagising ako, tanghali na. Tinignan ko yung dinaraanan namin at napaayos ako bigla ng upo. Wala na kami sa Manila. The heck. Saan ba ako balak dalhin nitong mokong na 'to?!
"Where on earth at we?!" Sigaw ko sa kanya.
"SLEX." Simple niyang sagot sa akin.
"Dafuq? SLEX?! Anong ginagawa natin sa SLEX?!"
"We're going on a date." He said then he looked at me and he finished it with a wink.
"Oh my god. You're kidding right? I mean, look at me! Nakapambahay ako utang na loob!" Sagot ko sabay tawa. Langya. Ang laki namang joke nito. Kami magdadate tapos sa SLEX pa? Joke talaga 'to. Promise!
"Who said I was kidding? Lauryn, we're going to Tagaytay and we're going on a date." Sasagot pa lang sana ako sa sinabi niya nung bigla ulit siyang nagsalita.
"And honestly, I don't care how you look. You still look beautiful in my eyes." And with that, I just found myself speechless and my cheeks flaring up.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro