Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

Hi! Sorry sobrang natagalan bago ako nakapag-update ulit. Alam niyo yung feeling na ang dami mong naiisip na ideas pero kapag kaharap mo na yung computer, nawawala na silang lahat? Ganoon ang nangyari sa akin.

Anyhow, here's the next chapter. Medyo sabog pero at least di na malungkot. Hihi.

Enjoy reading!

PS.

Sa mga hindi nakakaalam, published na po ang Moving Into My Ex's House! Yay! You could buy it for 175 Pesos. Hihi.

Thanks!

===============================================


Days passed by at lalong lumalala ang sitwasyon namin ni AJ. Madalas, nakikita ko siyang nakatingin sa akin as if thinking kung lalapitan ba niya ako at kakausapin o hindi. Kapag napansin kong gusto niya na sana akong lapitan, biglang darating si kuya so aatras na naman siya.


And that is the one of the reasons why I have to unlike him. Kasi ano 'yan? Lagi na lang urong sulong ang laban? Nakakasawang umasa sa isang bagay na alam mong malabo namang magkaroon ng pag-asa. Napakalabong magkaroon ng chance na mag-man up si AJ at subukang patunayan kay kuya na hindi siya yung gagong kilala ng kapatid ko.


"Kat, kamusta na kayo ni AJ?" Tanong ni Nics nung nagkita kami sa isang coffee shop malapit sa school.


"Ganun pa rin - malabo pa sa tubig ng Ilog Pasig. Wala ng pag-asa 'to Nics. No matter how hard I wish that one day, he would man up and prove me and my brother wrong, it will all boil down to the fact that not all wishes can come true. Some things aren't meant to be and I guess isa na kami doon. So yeah, move on move on din pag may time." Sagot ko sa kanya.


"E di wow. Ang lalim lang ng hugot mo teh! Nakakalunod shet!" Natawa ako dahil sa naging reaksyon ni Nics. Parang ewan naman kasi e. Nakitang seryoso ako sa sinasabi ko tapos parang timang lang yung sagot niya sa akin. Di man lang ako sinuportahan.


Tinignan ko nang masama si Nics hoping that somehow, may lalabas na matino mula sa bibig niya. True enough, nadadaan nga sa dahas at pananakot 'tong si Nics.


"Seriously speaking, hindi lang naman si AJ ang lalaki sa mundo e. There are plenty of fish in the sea. May angelfish, clown fish, pufferfish, rabbitfish at kung anek anek pa na kapag ikinumpara natin sa tao, ibig sabihin, marami ka pang options. Hindi lang iisang klase ng lalaki ang makakasalamuha mo. Hindi lahat, torpe. Hindi lahat, walang isang salita. At higit sa lahat, hindi lahat, walang kwenta."


"Wait. Sino nga yung may mas malalim na hugot dito?"


"Kat naman e..." Pagsisimula ni Nicole pero hindi ko na siya pinatapos.


"Kung may issue ka diyan sa ex-boyfriend mo na wala namang ibang ginawa kundi lokohin ka, wag mong idamay yung lalaki sa mundo. Saka nandiyan naman yung kapatid ko. Gawan mo na ng first move kung gusto mo." Sagot ko sa kanya sabay belat. Namula agad ang mga pisngi ni Nicole dahil sa sinabi ko. Halatang halata talaga na may gusto siya kay kuya. Kaya nga ba ang sarap nilang pagtripang dalawa e. Isang torpe at isang pakipot. O di ba? Ang gandang kombinasyon! Sa simula pa lang, wala ng patutunguhan.


How do I unlike someone like AJ?


2. Divert my attention to something or someone else. Maghanap ng ibang crush kung kinakailangan. There are plenty of fish in the sea. Siguraduhin lang na hindi janitor fish ang mahahanap ko. Mang-issue ng mga kaibigan kung kaya at kapag halatang halata naman na may something sa kanilang dalawa. Kapag nakahanap na ako ng bagong crush at hindi na siya ang iniisip ko, hindi ko na rin naman na siya magugustuhan di ba?



xxx



Pagkauwi ko ng bahay, agad kong hinanap si kuya para ibalita sa kanya ang naging reaksyon ni Nicole sa sinabi ko kanina. Ang lapad ng ngiti ko at ang dami ko ng naiisip na panunukso sa kanya pero nawala ang lahat ng iyon nung nalaman kong si AJ lang pala ang nasa bahay.


"Si kuya?" Tanong ko sa kanya. Halatang nagulat siya dahil sa naging tanong ko, or maybe dahil sa pagpansin ko sa kanya, kaya hindi agad siya nakasagot.


"Uhh. Hindi ko sigurado kung saan nagpunta e."


"Ugh. Whatever." Sagot ko tapos naglakad na ulit ako palabas ng bahay. I was fondling with my phone para tawagan sana si kuya nung bigla kong naramdaman ang kamay niya sa balikat ko.


"Take. Your. Hands. Off. Of. Me." I told him, giving more emphasis on each word than what was really needed. Honestly, I actually believed that this would work on him but I guess I got that wrong. AJ refused to remove his hand on my shoulder. Instead, he used that to make me face him even if I really didn't want to do so.


"Lauryn, ayusin naman natin 'to please." He pleaded, his voice shaking. I gathered up all the courage and strength that I have as I looked him in the eyes. Nagulat ako sa nakita ko. Sa sandaling panahon, parang hindi na siya yung AJ na kilala ko. His eye bags were more like eye luggages, his hair is disheveled, he has a freakin' beard and his clothes are so messy. Mukha siyang palaboy na nakahithit ng rugby o kaya ng katol.


"Ayusin mo muna yung sarili mo bago mo pakialamanan ang ibang bagay. Mahiya ka nga." Sagot ko sa kanya sabay tulak sa kanya papalayo. Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad ko palabas ng bahay and I walked faster than usual. Pakiramdam ko kasi kapag hindi ko pa binilisan, mas gugustuhin ko pang mag-stay kasama siya when in fact, dapat nga ay lumalayo na talaga ako sa kanya.


Nung nakalayo na ako mula sa bahay at mula sa kanya, tinawagan ko na si kuya. Ang daming tumatakbo sa utak ko. Gusto ko siyang asarin pero gusto ko ring itanong kung bakit nagkaganoon si AJ. I wanted to know kung naapektuhan ba siya sa nangyayari sa bestfriend niya. Kung nagbabago na ba ang stand niya sa situation naming dalawa ni AJ dahil sa ipinaglalaban ng dirty look ni AJ. I need answers to my questions but I'm too scared to ask them. Feeling ko kasi, hindi pa ako prepared para marinig yung mga sagot sa tanong ko.


So I went for the first option.


"Napatawag ka?" Bungad sa akin ni kuya the moment he answered my call.


"Leche. Wala man lang hello? I feel the love kuya ah!" Sagot ko sa kanya na sinuklian niya ng malakas na pagtawa. Langya. Wala talagang kwenta kausap 'tong kapatid ko kahit na kailan.


"Bakit ka nga kasi tumawag?" I didn't answer him right away. Pinag-isipan ko munang maigi kung paano ko siya pagtitripan gamit ang nalaman kong impormasyon. Nung may naisip na akong way, I answered his question with another question.


"Nasaan ka ngayon?"


"Nasa library. May kailangan akong hanaping libro. Bakit?" Biglang pumalakpak ang tenga ko dahil sa narinig ko. The fact that he is in a library makes this plan more exciting.


"May nabalitaan kasi ako... Narinig ko kasi kanina na meron daw isang girl na may gusto sa'yo. Kaso hindi mo naman daw yata siya magugustuhan." I almost laughed after saying the last few words. Wala namang sinabing ganun si Nicole but I had to add some spice to the story right? Sorry Nics pero para sa'yo rin naman 'tong ginagawa ko.


Hindi agad sumagot si kuya. I could imagine him making weird faces right now o kaya naman sobrang laki ng pagkakasimangot niya. Usually, ganoon ang ginagawa niya kapag hindi siya makapaniwala sa mga naririnig niya. He would do that to think of the possible answers to the questions that are running around his brain. Pero kahit na ganoon ang ginagawa niya, some girls find that habit of his super freakin' adorable. Ay nako. So much for being a good looking pero torpeng nerd.


"You're kidding right?" He asked me and honestly, nagulat ako sa naging sagot niya sa sinabi ko. I kind of expected more from him. Hay. Ang lame talaga nito kahit kailan.


"No, I'm not. Actually, kilala mo yung girl. Di ko nga akalain na magkakagusto siya sa'yo e. I mean, look at you! Puro ka na lang pag-aaral. Shiz. Kaya wala kang ka-alam alam sa mga babae e. Libro ang palagi mong ka-date. Pakasal na kaya kayo?"


"Umayos ka nga Kat!" Suway ni kuya sa akin which made me smile like crazy. Mukhang naipasok ko na siya sa trap ko.


"I am being serious kuya. Kakapunta mo sa library, either libro o yung matanda at masungit ng librarian ang makakatuluyan mo. No offense dun sa librarian pero parang mas gugustuhin ko pa na libro na lang ang pipiliin mo."


"Kat..." He said as if warning me. Gusto na niya akong magseryoso like seriously. Pero the heck. Sino ba ang may sabi na nagjojoke ako?


Napailing na lang ako dahil sobrang walang kwentang kausap ni kuya. Sa tono ng pananalita niya parang mas gusto niya pa yung matanda at masungit na librarian kaysa kay mystery girl kuno e. Wala na nga yatang pag-asa sa pag-ibig 'tong kapatid ko.


"Ugh. I give up. Sige na nga, I'll go straight to the point. Hindi totoo ang lahat ng sinabi ko kanina. Ang totoo lang ang ay susunod na sasabihin ko.











Kuya, may gusto sa'yo ni Nicole." I told him and waited for his super duper smart retort but I got nothing. Wait. Buhay pa ba si kuya?


Magsasalita na sana ulit ako to check if nasa kabilang line pa ba si kuya nung bigla siyang nagsalita ulit.


"Tantanan mo ako Lauryn Katreena! Hindi maganda 'yang biro mo ah!" He shouted at me and that was my cue to laugh. Kung bakit? Because of two reasons. One, nasigawan ng librarian si kuya. And two, I got the epic reaction that I wanted to hear.


"Who said I was kidding? Just so you know, break na sila ng walang kwenta niyang boyfriend. Saka matagal ko ng alam na crush ka ni Nicole. Kapag pumupunta ka nga sa dorm namin noon, mas excited pa siya na makita ka e. O siya. Tigilan mo na ang pagiging torpe mo ah? Bye kuya!" I told him. May naririnig pa akong mga sinasabi niya na kung ano pero I still ended the call. It's time for him to man up and make a move. Ayaw ko ng ma-involve sa romance nila ni Nicole kahit na nagmumukhang ako ang dahilan kung bakit magkakaroon ng ganoon in the near future. Love life ko nga hindi ko ma-ayos ayos e. Makikisawsaw pa ba ako sa story nilang dalawa?


Aish. Saan ko ba kasi mahahanap yung prince charming ko?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro