Chapter 14
Hi! I am back with a hugot update! Nageemote talaga ako habang nagtatype nito. With matching tears pa and all. Hahaha. Anyhow, sorry for not updating for more than a month. But here it goes!
Btw, the chapter is dedicated to andi1119. Happy birthday sa 26! Have a blast! Hihi. :)
===============================
Almost. That is the perfect way on how I could describe my so-called relationship with AJ. Wala pa ngang nangyayari, ending na agad. Para ka lang nagbasa ng libro na wala namang climax. I know it may sound stupid but as early as now, ang sakit na pala sa puso ng ganito. To think na hindi pa nga ako ganun ka-invested sa feelings ko para sa kanya pero shet. Bakit ganito kahirap mag-move on?
Hindi ko malaman kung sadyang in denial lang ako sa mga nangyayari. Sabi ng mga tao sa paligid namin, we look good together. May mga pagkakataong napagkakamalan kaming kami pero I shrugged all of them off. Kasi alam naman namin yung totoo. Hindi naman talaga kami. The heck. We’re too far from being kami and then this happens. Ang sakit lang sa puso please.
xxx
I went home with a (still) heavy heart after talking to Nicole. Akala ko kasi kapag may nakausap akong iba tungkol sa nararamdaman kong frustrations at hinanakit sa buhay, magiging okay na ako kahit na papaano. Hindi pa rin pala. Hindi pala sapat yung basta lang mailabas sa sistema mo yung nararamdaman mo. In the end of the day kasi, you’re still going to look for the answers to your questions kahit na alam mong may possibility na mas masaktan ka lang dahil doon.
But I knew otherwise.
Alam kong mas kailangan kong protektahan ang samahan namin ni kuya kaysa yung kung ano mang meron kami ni AJ. He’s just a guy anyway. Wala pa naman kaming attachment sa isa’t isa di ba? Or maybe I’m really just in denial.
“Lauryn Katreena! Saan ka ba nagsususuot ha? Alam mo bang kung saan saan na ako nagpunta para lang hanapin ka? Answer me!” Bungad ni kuya pagpasok na pagpasok ko sa gate ng bahay.
“I’m okay. I’m more than okay. You don’t need to throw a fit kuya.” I answered.
“Hindi mo sinagot yung tanong ko. Saan ka nanggaling?” He asked again. Obvious na galit siya dahil sa nangyari. Alam ko namang magaalala siya dahil sa paglayas ko kanina pero I just had to. I didn’t have a choice naman di ba?
“Nasa school lang ako kanina. I needed to clear my head then I bumped into Enzo. After that, nagkita rin kami ni Nics.” Sagot ko sa kanya. I guess okay lang naman na hindi ko sabihin sa kanya na nakita ko rin si AJ. The heck. Kapag nga sinabi kong sumusuko na ako kay AJ baka magpaparty pa si kuya e. Pero whatever. He doesn’t need to know the details. At least I told him 90% of the truth. Majority wins naman e.
“Teka. Nagkita kayo?!” Biglang tanong ni kuya na para bang gulat na gulat siya sa sinabi ko.
“Who on earth were you referring to? Si Enzo o si Nics?”
“Why would I even care about your friend?” He answered at halatang halata na umiiwas siya sa tanong ko. Palalampasin ko na lang sana nung bigla akong may naisip na kung ano. Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang naisip ‘to pero it’s possible e.
“You don’t answer a question with another question! Teka. May gusto ka ba kay Nics ha?” Diretso kong tanong kay kuya. Halatang nagulat siya sa naging tanong ko kaya hindi agad siya nakasagot. Okay, bingo!
“Oh wait. Did I hit a nerve kuya?” Patuloy na pang-aasar ko sa kanya. Namumula na yung mga pisngi niya dahil sa mga pinagsasasabi ko but whatever. Kailangan kong ma-divert yung attention ko sa ibang bagay. Sorry na lang si kuya at siya ang napagdiskitahan ko ngayon.
“Tigilan mo nga ‘yan. Gusto mo bang mag-usap?” Pag-iiwas niya ulit pero dahil ayaw ko pa ring tumigil, ipinagpatuloy ko lang yung paggawa ng issue sa kanila ni Nics. Oh my god. Matutuwa si Nics nito pag nagkataon!
“We are talking right now kuya. Now, answer my question.”
“You know what I’m talking about Kat. Kuya mo pa rin ako kahit na pagbali-baligtarin mo ang mundo at alam kong hindi ka okay. Come on. I’m all ears.” Sagot ni kuya and that’s when my emotions started to pour out.
Hindi ko alam kung bakit pero tumulo na lang ang mga luha ko. Kahit gusto kong pigilan ang bawat pagpatak nito, hindi ko magawa. Pakiramdam ko hindi sapat yung lakas na meron ako para mapigilan sila sa pagtulo. Sobrang bilis nila na para bang naguunahan sila na lumabas mula sa mga mata ko.
Langya. Hindi ko na alam na ganito pala kasakit yung ganito. Kung alam ko lang, sana sa simula pa lang nakaiwas na ako. Kung alam ko lang, e di sana hindi ko na lang talaga siya pinagbigyan. Kung alam ko lang, e di sana hindi ko na lang siya pinansin. Kung alam ko lang…
“Kuya, ayoko na ng ganito. Kuya, bakit ang sakit sakit? Sabi ko sa sarili ko bago ako umuwi okay na ako e. Na wala na. Titigilan ko na ‘to. Kuya, ang hirap pala. Pakiramdam ko sinasaktan ako ng paulit-ulit at wala akong magawa para matigil ‘yon. Kuya ayoko na…” Sambit ko habang patuloy lang ang pagtulo ng mga luha ko.
“Sshh. Kaya mo ‘yan Kat. Hindi naman ibibigay sa’yo yung problema na ‘yan kung hindi mo ‘yan kayang lagpasan e. Kat, kilala kita. Alam kong malalagpasan mo ‘to. Maliit lang naman na bagay ‘to e. Mas marami ka pang naranasan na mas malala dito dati.”
“Kuya, iba ‘to e. Feeling ko kasi talo na agad ako. Akala ko kasi may chance na ako naman yung magiging masaya kaso hindi pa rin pala e. I was so close to grabbing it pero wala. Hindi pa rin pala para sa akin. Bakit ganun kuya? Sobrang unfair. Hindi ba ako deserving para dito? Ano bang nagawa ko para mangyari sa akin ‘to?” Hindi na sumagot sa akin si kuya. He just chose to put his arms around me and hugged me like he never did before. Hindi ko malaman kung he’s doing it para tumahan ako sa pag-iyak o dahil lang sa kuya ko siya. The heck. Hindi ko nga alam kung ginagawa niya ‘to dahil sa naguiguilty lang siya sa pinagsasasabi niya kanina e. Sa totoo lang, hindi ko na talaga alam kung ano ang totoo and I can’t bring myself to ask him that kasi hindi ko na kaya. It already hurts and I don’t think I could handle another shot of pain.
“Kat, listen. I’m sorry for what I said a while ago. Alam kong mahirap pero mas okay na hangga’t maaga, makaiwas ka sa mas matinding sakit. Kat, ayaw kong makita kang nasasaktan at sa pag-iyak mo ngayon, hindi ko alam kung anong dapat gawin para lang maging okay ka. Kat, nasasaktan din ako e.”
“Kuya…” was all that I managed to say. Patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko and I hate myself because of that.
The hell with falling in love. Hindi naman nakakain ‘yan e.
xxx
Living with him under the same roof is a torture for me. May mga pagkakataon na magkakasalubong kaming dalawa o kaya naman magkakasabay kami sa pagkuha ng isang bagay. Minsan, nagkakatinginan kami pero in the end, may isang iiwas ng tingin. Nasa loob kami ng iisang bahay pero hindi kami nag-uusap o kaya naman ay nagpapansinan. Oo, mahirap pero I need to get used to it. Mas madali naman yatang hindi mamansin di ba?
Plano kong ipagpatuloy yung hindi pagpansin kay AJ for days. The heck. Even if it would take weeks or months wala na akong pakialam. All that’s running in my mind right now is how to forget him and the effect that he has on me. Successful na sana ako sa plano ko e. I was doing so well but then he had to ruin it. Again.
“Lauryn, let’s talk.” Sabi niya sabay hawak sa braso ko.
“Wala na tayong dapat pag-usapan.” Diretso kong sagot sa kanya kahit na ang totoo, gusto kong kausapin siya. But I had to control myself. Nakakasawa na rin kasi yung feeling na ganito e. Yung tipong mapatingin lang siya sa akin o kausapin niya lang ako saglit, may kung ano na akong nararamdaman. Sobrang hindi healthy nung ganun e. I felt too much and now, I’m hurting too much as well. Langya. Totoo nga yung sinabi nilang anything in excess is bad for you. Kung alam ko lang e di sana tumigil na agad ako.
“Lauryn, please. Kausapin mo naman ako.”
“As far as I’m concerned, you don’t have any right to use that tone on me. So if you’ll excuse me, may gagawin pa akong mas importante kaysa pansinin ang pagpapaawa mo.” Sagot ko sa kanya while I removed his hand from my arm. Hindi ko alam kung nasaktan ba siya sa sinabi at sa ginawa ko pero sa ngayon, wala akong pakialam. Dapat wala akong pakialam. After all, kailangan ko ngang mag-move on di ba?
How do I unlike someone like AJ?
1. Stop entertaining him. Huwag siyang pansinin hangga’t kaya. No, scratch that. Huwag siyang pansinin AT ALL! Kapag hindi ko na siya papansinin, mawawala rin eventually ‘tong feelings na ‘to. Mawawala rin yung existence niya sa buhay ko. Tama naman di ba?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro