Chapter 12
Omaygahd. I'm so sorry! Ngayon na lang po ulit ako nakapag-update. Nakaranas po ako ng matinding writer's block. Hindi ko alam kung paano dapat dugtungan ang kwento ni Kat. Pero finally! Ito na po. May karugtong na siya. Huhuhu. Sana po magustuhan niyo. Thanks!
PS.
Sorry bitin pa rin. Di bale. I'm working on the next chapter na. Nahanap ko na po ulit yung drive ko para magsulat. :)
PPS.
Sa phone ko lang 'to ginawa so di ko sure kung okay yung format. Sorry din sa typo if ever. Huhu.
====================================
My heart was beating fast when I reached the FA building. Hindi ko alam kung bakit nga ba ako nagpunta agad dito para kausapin si kuya. The heck. I don't even know kung saan ako nakahanap ng lakas ng loob para harapin siya para sa bagay na 'to. To think na hindi nga dapat ako ang gumagawa nito e. It should have been him trying to convince my stubborn brother to give us an effin' chance pero ano? He chose to let me go and stay at his comfort zone. To hell with that feelings!
"Kat! Dito!" Sigaw ni kuya pagpasok ko sa cafeteria. Paglingon ko sa kinauupuan niya, doon ko na-realize kung gaano ako ka-impulsive. Gusto ko na sanang umurong pero nandito na ako e. Might as well do it.
"Kuya, ano palang ginagawa mo dito sa FA building? Ang layo ng FA sa BA ah?" I asked him as I try to loosen up. Sobrang kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Trying to ask some stupid questions might make me feel better so I fired away hangga't hindi pa sumasagot si kuya.
"Don't even start with the may subject ka dito reason. I know your schedule. Wala kang subject dito sa FA and the heck. Wala ka ngang pasok ngayon e. So, spill."
"Chill Kat. I was just visiting a friend. Hindi ko na ba pwedeng gawin 'yon? Daig mo pa ang girlfriend kung makapagtanong ka ah."
"Wow naman kuya. Hiyang hiya ako sa girlfriend reference mo ah? Wala ka namang basis e. NGSB ka in case nakakalimutan mo."
"At NBSB ka naman so I guess we're quits. Bakit ka pala sumugod pa dito? Hindi ako naniniwalang gusto mo lang magpalibre." He asked me right on the spot. I wasn't prepared for any answer so I decided to divert the subject. Again.
"Hindi ba pwedeng umorder muna? Gutom na ako e." Napailing si kuya sa naging sagot ko. I guess kahit sinong tao naman mapapailing dahil sa ginagawa ko e. Puro pag-iwas sa issue ang ginagawa ko. Pero hindi naman nila ako masisisi e. Ang hirap naman kasi nitong sitwasyon ko.
"Oo na. Umorder ka na nga pero hanggang 500 Pesos ka lang ah?" Sagot ni kuya kaya natawa ako. Bihirang magbigay ng limit si kuya sa budget ko sa pagkain kaya madalas inaabot ng libo yung mga bill namin sa restaurant. Kung ano ano lang kasi yung inoorder ko. Libre niya naman kasi e.
"Okay!" Sagot ko sa kanya sabay dampot sa 500 na inilapag niya sa lamesa. Bumili na muna ako ng pagkain ko tapos kumain na ako.
Nung natapos akong kumain, alam kong wala na akong kawala pa kay kuya. Wala naman na akong excuse na pwedeng ibbigay sa kanya e. Kaya naman sinimulan ko na ang seryosong pagtatanong sa kanya.
"Kuya, nagkausap daw kayo ni AJ?" Halatang nagulat si kuya sa naging tanong ko. Siguro nga hindi niya ineexpect na pupuntahan ko pa siya dito para lang itanong yun sa kanya.
"Paano mo nalaman?"
"You are asking the obvious kuya and please don't answer a question with another question."
"Kat, I'm just trying to protect you. Ayaw lang naman kitang masaktan dahil kay AJ."
"Are you really protecting me or are you simply rotecting your so-called friendship? Hindi mo ba alam na maaaring mas lalo lang akong naassasaktan dahil sa ginagawa mo ngayon?" Tanong ko ulit kay kuya. I was trying my best not to create any scene dito sa cafeteria and I was trying to control my feelings as well. Mahirap na kasi e. Baka bigla na lang akong sumabog dahil sa frustration na nararamdaman ko.
"Kat, hindi mo pa gaanong kilala si AJ. I know how he is with girls and I don't want you to undergo the same process." He answered. Napailing ako dahil sa naging sagot niya. I was expecting that answer and he didn't disappoint. Yun nga mismo ang ibinigay niyang rason sa akin.
"Don't you think you are being unfair to him? People change kuya, including you. I mean look at you. Iba ka na ngayon. Dati, sinusuportahan mo ako sa mga bagay na nagpapasaya sa akin. Pero bakit ngayon..." Hindi ko na natapos pa yung gusto kong sabibin dahil sumagot agad si kuya.
"Pero ano ngayon Kat? Bakit nagmumukha akong kontrabida ngayon? Kat, believe me. Ilang beses kong nireconsider yung sinabi sa akin ni AJ nung nag-usap kaming dalawa. Pero wala e. Nandoon talaga yung pagdududa. Nandoon pa rin yung takot na baka gaguhin ka lang din niya. Kat, ayaw kong maranasan mo yun. Importante ka sa akin at ayaw kitang makitang nasasaktan. That's the least thing that I could do for you as your big brother right?" For a second, I tried to accept his answer but I just can't. Wala pa nga kaming nasisimulan ni AJ pero tinatapos na agad ni kuya.
"Experience is the best teacher right? Paano ako matututo kung itong experience na 'to ay ayaw mong mangyari?" Napailing si kuya sa naging sagot ko. Alam ko masyado na akong nagiging stubborn. Ayaw kong tanggapin ang lahat ng isinasagot niya sa akin pero if ever kasi, happiness ko rin naman yung at stake dito e.
"Kat, kahit na sino wag lang si AJ." Kuya answered with finality. It was so obvious with his voice. I knew right then that I lost.
xxx
Naglalakad ako around the campus nung biglang nag-ring yung phone ko. When I who was calling, si kuya pala. Hindi ko sinagot yung tawag niya. Masyado akong nasaktan dahil sa nangyari e.
Well to be clear, nag-walk out ako mula sa cafeteria while trying my best not to cry. Kuya was trying to call me to make me stop from leaving pero hindi ko siya pinansin. Masyado kasi akong naguluhan dahil sa nangyari. Oo. Nakikita ko naman yung iba niyan points pero sobrang nakakabanas lang kasi nung ibang reasons niya e. Halatang mas gusto niyang protektahan yung friendship nila.
Umupo ako sa isang bench to clear my thoughts from everything that has happened today. Masyado na kasing stressful at heartbreaking yung araw na 'to. Wala na ngang magawa si AJ para sa aming dalawa tapos si kuya sobrang kontra pa talaga. Hindi ko na talaga alam kung ano ang dapat gawin.
Nakatingin ako sa kawalan at napabuntong hininga ako nung biglang may nagsalita sa tabi ko.
"Parang ang lalim ng iniisip mo ah? Would you mind if I ask what's bothering you?" Pagtingin ko sa kung sino yung nagsalita, si Enzo pala.
"Uhm. Hi?" I answered back. Napailing siya sa sagot ko saka siya umupo sa tabi ko.
"Hindi mo naman sinagot yung tanong ko e."
"Sorry. Confused lang talaga ako ngayon e."
"You'll feel better when you share what you feel to other people. Wag mong solohin ang problema Katreena. Saka problema lang 'yan. Problems are there to make you stronger." Enzo said while tapping my shoulder. Medyo nagdalawang isip pa ako kung magkukwento ba ako sa kanya o hindi. Alam ko naman kasing may nararamdaman pa siya para sa akin. Kung sasabihin ko sa kanya yung problema ko ngayon kay kuya at AJ, parang ang awkward lang.
"Ganito kasi..." And I just found myself spilling every detail to Enzo. He was listening the whole time and was giving some comments along the way. Somehow, mas naliliwanagan ako sa perspective nilang mga lalaki pero that doesn't mean na naiintindihan ko na si kuya. Hindi ko pa rin talaga siya ma-gets e.
"Katreena, maswerte ka kasi nandiyan si Liam para sa'yo. Remember nung nanligaw ako sa'yo noon? Siya rin ang unang kumontra doon di ba? Natatakot lang siya na masaktan ka. Siguro nandoon din yung takot na baka mawala yung kakambal niya. Katreena, nasanay siya na nandiyan ka palagi para sa kanya. Kayong dalawa ang magkasangga simula pagkabata di ba? Hindi sa kumakampi ako kay Liam pero you have to understand na mahirap para sa kanya na bigla kang lalayo sa kanya. What's worse is may possibility pa na kayong dalawa ng bestfriend niya ang biglang mawawala sa kanya. Masakit yun para kay Liam." Napatahimik ako dahil sa sinabi ni Enzo. Ganoon ba talaga ang nararamdaman ni kuya? Masyado ko bang inisip lang ang sarili ko? Sobrang daming tanong na tumatakbo sa utak ko pero isa lang ang nasabi ko.
"Masyado ba akong selfish Enzo?" Nagulat si Enzo sa naging tanong ko. Hindi agad siya nakasagot sa akin.
"Sa tingin ko, hindi. Pero normal lang naman 'yang nararamdaman niyo ni Liam e. Give him some time. Ang mga bagay naman katulad ng pag-ibig ay hindi minamadali. Darating 'yan sa tamang oras katulad ng acceptance."
"Enzo, thank you ah? Sobrang nakakahiya kasi sa'yo pa ako nagkwento pero thank you talaga." Sambit ko at hindi na ako nagdalawang isip pa. Niyakap ko si Enzo kasi sobrang napagaan niya yung loob ko. Kaso, paghiwalay ko sa kanya, nakita ko naman ang susunod kong problema.
Nakita ko si AJ mula sa malayo. Halatang nakita niya kung ano ang nangyari sa pagitan namin ni Enzo.
xxx
AJ's POV
"We need to talk." Bungad sa akin ni Liam pagkasagot ko sa tawag niya.
"Tungkol saan?" Tanong ko naman sa kanya.
"Tungkol sa inyo ng kapatid ko." Diretso niyang sagot sa akin. Kinabahan ako bigla dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ni Liam ngayon lalo pa't hindi ko siya nakikita ng harap harapan. Ang sigurado ko lang ay mukhang hindi maganda ang patutunguhan ng usapan naming ito.
Nag-usap kami ni Liam ng ilang minuto. Katulad ng inaasahan ko, hindi pa rin nagbabago ang isip niya tungkol sa sitwasyon namin ni Lauryn. Ayaw pa rin niyang pumayag na ligawan ko yung kapatid niya. Hindi ko na alam kung anong assurance pa ba ang kailangan kong ibigay para lang mapatunayan sa kanya na hindi ko gagaguhin si Lauryn. Kung nanloloko lang naman ako, hindi naman ako maglalakas ng loob na kausapin siya para gawing legal ang lahat e.
Halos katatapos lang ng usapan namin ni Liam nung bigla ulit siyang tumawag sa akin.
"Pare, I get your point okay? Iiwas na ako kay Lauryn kung yun ang magpapatahimik sa'yo. Hindi mo na kailangang ulit ulitin." Sabi ko pagkasagot na pagkasagot ko sa tawag niya.
"AJ, nandiyan na ba si Kat?" Tanong niya sa akin kaya naguluhan ako. Bakit sa akin niya hinahanap si Lauryn?
"Ha? Teka. Tignan ko." Sagot ko sa kanya at saka ko tinignan yung kwarto ni Lauryn. Wala siya doon. Umikot na rin ako sa buong bahay pero wala si Lauryn. Teka. Nasaan ba siya? Langya. Hindi ko nga alam na umalis pala siya e! Nag-usap pa kami kanina tapos nung lumabas siya ng kwarto ko akala ko lumipat lang siya sa kwarto niya. Lauryn Katreena, ano ba 'tong pinaggagagawa mo?!
"Liam wala siya dito. Saan ba siya huling nagpunta kanina?" Tanong ko kay Liam.
"Kasama ko siya dito sa FA kanina e. Kaso sumama yata yung loob sa akin. Nilayasan ako e. Hindi ko naman na nahabol. Akala ko didiretso na diyan sa bahay kaso hindi pala. Nasaan na ba 'yang si Katreena?!" Halatang naiinis si Liam sa nangyayari. Bihirang bihira niyang tawagin ng Katreena si Lauryn. Nangyayari lang yun kapag hindi na talaga siya natutuwa sa ginagawa ni Lauryn. Ano ba kasi ang nangyari sa kanilang dalawa kanina?
"Sige. Hanapin ko na lang siya."
"Wag na. Kaya ko na 'to." Sagot ni Liam sa akin at saka niya tinapos yung tawag. Halatang ayaw na niya akong makialam sa kanila ni Lauryn.
Sa ganito na lang ba mauuwi ang lahat? Tanong ko sa sarili ko at siguro, kung pwede lang sapakin ang sarili ko ay nagawa ko na. Nagmadali na akong pumunta sa sasakyan ko para hanapin ang dahilan ng kaguluhan sa buhay ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro