Chapter 11
Hi! Hello! Ni hao! Annyeong! I am back! With an update! Woooho! (Ayaw ko naman sa exclamation point di ba?) Anyhow, disclaimer lang po. Filler lang 'tong update na 'to. Halos walang nangyari dito. Hahahaha. Pero pinaghirapan ko yung article kuno so please bear with me. Hahahaha. Bawi ako sa next update. Thaaaanks!
===============================
“So, what should we do now?” Seryoso kong tanong kay AJ. Alam ko naman na kasi na magulo ‘tong pinasok naming dalawa. Ibang klaseng magalit si kuya e. Kahit mukha siyang wirdo at nakahithit ng sampung kahon ng katol, OA kung OA yun sa pagiging protective sa akin. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero duh? Wala na ba akong karapatan na gumawa ng sarili kong judgment sa buhay?
“Hindi ko rin alam.” Sagot niya sa akin kaya binatukan ko siya nang malakas.
“Aray ko naman! Bakit mo ba ako binatukan?”
“At talagang tinatanong mo pa sa akin ‘yan ha? Gusto mo bang mabatukan ulit?” Inis kong sagot sa kanya at naglakad na ako palabas ng kwarto niya.
Sige Lauryn. Diyan ka naman magaling e. Sa walk out. Sabi ng utak ko pero ano nga ba ang dapat gawin kung yung taong nagtapat ng feelings niya sa’yo ay hindi rin alam kung anong dapat gawin sa overprotective na kuya mo?
Sabi sa isang article na nabasa ko, may 5 steps daw para matauhan ang taong umamin na may gusto sa’yo pero hindi naman alam ang gagawin para ipaglaban ang pagtitinginan niyo.
1. Saktan siya – physically.
Pwede mo siyang paluin, batukan, sampalin, sakalin, bunutan ng buhok sa ilong o sa kilay. Basta you name it. Minsan kasi, ang mga tao ay medyo manhid. at self-centered. Hindi nila alam ang nangyayari sa paligid nila unless nasasaktan na mismo sila. Kaya kung feeling mo ay wala pa sa utak niya ang pakikipagtuos sa over sa OA mong kapatid, aba. Gisingin mo na siya at imulat mo na sa kanya ang katotohanan na masasaktan talaga siya kapag wala siyang ginawa.
Nagawa ko naman na ‘to. Ang lakas na ng pagkakabatok ko sa kanya. I was hoping na kapag nakalampag na yung ulo niya, gagana na yung utak niya kaso hindi e. Wala ring nangyari. Nganga pa rin. Dapat ba mas nilakasan ko yung pagkakabatok ko sa kanya para natauhan siya?
2. Mag-walk out – half expecting na susundan ka niya.
Katulad ng nasabi sa unang step, minsan ay manhid ang mga tao. As the saying goes, you’ll never realize someone’s worth until he or she is gone. Minsan, kailangan niyang ma-realize na hindi ka palaging nandiyan para hintayin siya. Tao ka lang din naman at hindi ka martir para mag-wait forever. Kaya go forth and make walk out. That way, baka sakaling matauhan siya at maisip niya rin na kawalan ka niya.
Pero may disclaimer nga naman ang step na ito. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay susundan ka talaga ng taong may gusto sa’yo. Oo, nandoon na tayo sa gusto ka niya pero gaano na nga ba talaga katindi ang feelings niya para sundan ka niya? Kaya kapag ginawa mo ang step na ‘to, huwag ka masyadong umasa na susunod agad siya sa’yo. Baka kasi sa dulo, ikaw pa rin ang luhaan.
Nagawa ko na rin ‘to. Pero takte. Tama nga yung disclaimer! Nakabalik na ako sa kwarto ko at lahat, hindi man lang niya ako sinundan! Kahit man lang sumigaw ng “Wait lang Lauryn!” wala. Yung totoo. May mapapala ba ako sa kanya o wala? Totoo ba talaga yung feelings niya o hindi? Dapat ba binalibag ko na yung pinto ng kwarto niya para nag-sink in sa kanya na nag-walk out ako?
3. Huwag siyang pansinin – at mag-entertain ng iba.
Aba. Sino ba ang may sabi na siya lang ang lalaki sa mundo? Sino ba siya para pagtuunan mo ng buong pansin? Si Lee Min Ho ba siya o Song Joong Ki? Kung hindi, loosen up and look at your surroundings. Marami pang fish sa sea. Magmasid masid ka at subukan mong pansinin ang mga isdang ‘yon. Make sure lang na hindi janitor fish ang mapansin mo.
Seriously though, kung sa simula pa lang ay hindi na niya mapanindigan yung feelings niya para sa’yo, paano pa kaya kapag nagtagal kayo? Hindi naman sa nagpapaka-nega ka pero come to think of it. Hindi ba’t kailangan mong makaramdam ng security sa isang relasyon para maging harmonious ang pagsasama niyo? Kung sa simula pa lang ay nganga na siya, ano pa kaya sa dulo?
Hindi rin namang masama na mag-entertain ng iba. Kung tutuusin, wala pa naman kayong commitment sa isa’t isa. Oo, nandoon na tayo sa nagka-aminan na kayo ng feelings niyo pero utang na loob. Yung salamin nga lumalabo habang tumatagal e. Feelings pa kaya?
Eepekto pa ba ‘to sa kanya? Dati naman hindi ko siya pinapansin tapos nasa eksena rin si Enzo pero look where it got me. Wala rin namang nangyari di ba? Malabo pa rin sa tubig kanal yung sitwasyon namin ni AJ. Hindi ko alam kung may patutunguhan pa kaming dalawa. Sabi niya gusto niyang patunayan kay kuya na matino siya at gusto niyang ma-earn yung tiwala ni kuya pero wala naman siyang ginagawa. Lumayo lang siya sa akin. Ano baa ng magagawa ng paglayo? Di ba puro pasakit lang din naman ang dulot noon?
4. Huwag magpakita at magparamdam sa kanya, EVER.
Parang combination lang ‘to ng steps two and three but a little more exaggerated. Kapag hindi ka niya sinundan sa walk out scene mo at hindi rin siya na-bother sa hindi mo pagpansin sa kanya, putulin mo na lang ang lahat ng paraan para magkita at magkausap kayong dalawa. When I say ever, hindi naman talaga ‘yon forever. Jusko naman. Sa panahon ba na ‘to ay uso pa ang forever? Just give him a few days or weeks na walang nakukuha na kahit na anong impormasyon tungkol sa’yo. That way, mapapaisip din siya kung anong nangyari sa inyong dalawa. Iisipin niya kung ano ang nagawa niyang mali at kung ano ba ang dapat niyang gawin to win you back.
Pero siyempre, just like any step, wala naman kasiguraduhan ito. May downside din naman kasi ang step na ito. Baka kasi masyado siyang masanay na wala ka sa tabi niya at maghanap siya bigla ng iba. So pag-isipan mo pa ring maigi kung gaano katagal ang “pagtatago” mo mula sa kanya. Baka mamaya hide ka nang hide pero wala namang palang nagsi-seek. Sayang lang ang effort di ba?
Langya. Hindi ko naman pwedeng gawin ‘to e! Una, pareho kami ng school. Pangalawa, pareho kami ng tinitirahan. Ano ‘to? Babalik talaga ako kina Mommy at Daddy para lang malaman kung uubra ‘to sa kanya? Niloloko lang yata ako ng article na ‘to e.
5. Make the move.
If all else fails, ikaw na mismo ang gumawa ng paraan. Alam ko hindi advisable na babae ang gumagawa ng moves para mapansin o magkatuluyan sila ng isang lalaki pero the heck. Kung pareho lang kayong maghihintayan, baka naubos na ang lahat ng ngipin at buhok niyo pero naghihintayan pa rin kayong dalawa.
Kung kamag-anak mo naman ang rason kung bakit hindi makagawa ng move yung guy, kausapin mo na sila to loosen up. Ipagtanggol mo na si guy at pabanguhin mo na ang pangalan niya para naman magtiwala sila sa kanya. Kung mga kaibigan mo naman ang tutol, do the same but a little bitchier. Umamin ka. Bitch din naman ang mga kaibigan mo di ba? Oras mo na para gumanti! Hitting two birds with one stone pa di ba? Nakapambitch ka na, naipagtanggol mo pa ang man of your dreams.
Kapag ito, hindi pa rin talaga umepekto. Utang na loob. Maghanap ka na ng iba! Hindi talaga kayo meant to be kaya sumuko ka na please!
Napatulala ako dahil sa huling step. Kung tutuusin, wala namang problema sila Mommy kay AJ e. Botong boto nga sila sa kanya. Kulang na nga lang yata ay ipagtulakan na talaga nila ako sa kanya para maging kami na. Kaso si kuya talaga ang problema. Hindi ko alam kung dahil ba bestfriend niya si AJ kaya siya nagkakaganito. Siguro nga dahil magbabago talaga ang lahat kapag naging kami ni AJ. May chance na masira ang friendship nila kapag nagkagulo kami ni AJ. Hindi ko rin naman siya masisisi kung ganoon ang naiisip niya.
To: Liam Kristoffer
Kuya, where are you?
From: Liam Kristoffer
Bakit?
To: Liam Kristoffer
You didn’t answer my question!
Ugh. Anyhow, could we talk?
From: Liam Kristoffer
Tungkol saan? Magkita na lang
tayo sa café malapit sa FA bldg.
To: Liam Kristoffer
Okay! Libre mo ako ah? :P
Hindi ko alam kung bakit ko tinext bigla si kuya pero one thing’s for sure though. I think alam ko na kung anong step ang susundin ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro