Chapter 1
OPTION A
Dahil sa nangyari, napilitan akong maglista ng options kung saan na nga ba talaga ako pupunta. Hindi ko alam kung saan ba dapat ako magsimula at hindi ko rin alam kung paano ko ba sasabihin sa mga magulang ko ang nangyari. Masaya na rin naman ako sa dorm na tinitirahan ko ngayon e. Pero ngayon, hindi ko na alam kung magiging masaya pa rin ba ako o hindi.
Kahit na labag sa loob ko, sinimulan ko na yung pag-iimpake ng mga gamit ko. Tahimik lang kaming dalawa ni Nicole habang ginagawa namin ang pag-iimpake. May mga panahon na lumilingon si Nicole sa akin dahil na rin siguro sa nagguilty siya sa nangyari pero hindi na lang ako umiimik. Akala kasi namin maayos pa namin yung nangyayari pero mukhang wala na talagang pag-asa.
“Kat, sorry talaga. Kinausap ko naman si Ms. Ann e. Nakaiusap ako sa kanya pero wala talaga. Hindi pa rin siya pumayag. Sorry!” Sambit ni Nicole pero hindi na lang ako sumagot sa kanya. Ngumiti na lang ako tapos bumalik na agad ako sa pag-iimpake. Ano pa nga ba ang use ng pageexplain ni Nicole sa akin? Nangyari na ang nangyari at kailangan na naming umalis sa dorm. Kahit na anong explanation yung gawin niya, hindi naman na kami pwedeng mag-stay dito e. Paaalisin at paaalisin din kami dito ni Ms. Ann. Sayang lang sa laway kung magsusumbatan at mageexplain pa kami ng side ng bawat isa.
Nung natapos na ako sa pag-iimpake, tahimik na akong lumabas ng kwarto. Hindi na ako nagpaalam kay Nicole. Lumabas na lang ako agad. Dala dala ko lang yung maliit kong bag na naglalaman ng mga importanteng gamit ko like money, phone and tablet. Matagal ko na rin namang naisip na lumipat sa ibang dorm pero hindi ko naman ineexpect na ganito kabilis yung mga pangyayari. Wala man lang advance notice. Parang hit and run ang dating tapos dead on arrival bigla sa hospital. Kahit na anong gawin mo, sadyang mahirap maka-move on at mahirap maka-recover.
“Siguro nga oras na para mag-solo na ako.” Bulong ko sa sarili ko. Medyo mukha akong baliw kapag ginagawa ko pero wala na akong pakialam. I just need to lift my spirits up. Wala namang gagawa nun para sa akin e. Self support lang ang meron ako. Pinilit ko na lang na ngumiti at magpakatatag tapos nagsimula na akong maglakad palabas ng dorm para makahanap ng malilipatan.
Habang nag-iikot ikot ako sa mga dorm na malapit lang sa pinapasukan kong school, hindi ko maiwasan ang mainis sa sarili ko. Kung hindi naman kasi ako naki-sakay sa trip ni Nicole, hindi naman ako mapapasok sa gulong ‘to e. Pinagsisihan ko tuloy ngayon yung nangyari. Tama nga sila, nasa huli ang pagsisisi. Gustung gusto kong magalit kay Nicole at sa boyfriend niya na si Allen pero wala na e. Kahit naman magalit ako, hindi pa rin ako pababalikin sa dorm namin. E di useless lang din kung makikipag-away ako? Nawalan na ako ng tirahan pati ba naman kaibigan? Tama na yung isang beses lang na mawalan. Sobra na kapag dalawa. Baka di na kayanin ng sistema ko mag-break down na lang bigla.
Habang nagninilay nilay ako sa mga nangyari at naghahanap na rin ng malilipatan, bigla akong napahinto sa paglalakad. May nakita kasi akong isang nilalang na hindi ko gustong makita. Bago pa ako mapansin ng nilalang na yun, nag-U turn na agad ako pero mukhang mabilis talaga yung mata ng pesteng yun. Kairita naman o. Umiiwas ka na nga pero hinahabol ka pa rin. Parang pusa lang na sobrang hirap iligaw o kaya haunted past na pinipilit mong matakasan.
“Lauryn!” Sigaw nung lalaki pero hindi ko na lang pinansin yun. Nagdire-diretso pa rin ako sa paglalakad na para bang wala akong naririnig. If there would be one thing na sanay na sanay akong gawin, yun ang magpanggap na wala akong naririnig o nakikita. Minsan nga kahit nararamdaman damay na e. Bato lang ang peg.
“Lauryn Katreena wag ka ngang magpanggap na walang naririnig!” Sigaw ulit nung lalaki kaya napatigil na talaga ako sa paglalakad. Ito ang pinaka-ayaw ko e. Ang tinatawag ako gamit ang buong pangalan ko. Pakiramdam ko kasi napaka-eskandaloso ng ganun. Saka sino nga ba ang magnanais na marinig ng buong bundo ang pangalan mo? Unless gusto mong maging sikat, hindi ko makita yung point para tawagin ang isang tao gamit ang buong pangalan niya. Parang ewan lang kasi. Parang kumakampanya na ewan. Wala rin namang premyo kapag nalaman ng buong mundo pangalan ko. Dadami lang yung nakaka-alam ng pangalan ko. E ayaw ko namang maging sikat o kaya makilala ng maraming tao gamit yung buong pangalan ko e. Mas masaya na ako sa pagiging Kat. Simple lang katulad ng pagkatao ko, kahit na hindi halata.
Nung naabutan na ako nung pesteng lalaki na ayaw kong makita, napabuntong hininga na lang ako. Wala naman na akong magagawa e. Nandun na siya e. It’s too late to run away. Kapag nahuli ka naman na wala ka ng magagawa kung hindi manlaban ng kaunti kahit na sobrang useless na nung ginagawa mo e. Kaso ayaw ko ng gawin yun sa sarili ko. Sayang lang sa effort e. Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ba dapat mag-react. Hindi ko alam kung anong dapat ang isagot kapag tinanong ako nung peste kung bakit ako nagpapa-ikot ikot sa mga dorm sa paligid ng school ko. Ayaw kong mapasok sa isang interrogation process ng wala man lang siyang kasamang magtatanggol sa side ko. Feeling ko sobrang dehado lang ako at kahit na anong mangyari, talo ako.
“Kanina pa kita tinatawag ah! Bakit di ka namamansin?” Tanong nung peste sa akin. Napa-iling agad ako pagkarinig na pagkarinig ko sa tanong.
“Wala ka ng pakialam dun AJ. Sige, busy ako. Bye!” Sagot ko naman. Akmang maglalakad na sana ako palayo nung bigla akong inakbayan nung lalaki.
“Saan ka ba kasi pupunta Lauryn? Alam ba yan ng kuya mo ha?”
“Pwede ba Achilles Jeremy! Kapag sinabing wala ka ng pakialam dun, wag ka ng makulit! Tantanan mo ako! Mahanap ka ng ibang mabbwisit!” Sigaw ko ulit tapos tinanggal ko yung braso ni AJ mula sa pagkaka-akbay nito sa akin. Naglakad na agad ako palayo bago pa ako maabutan ulit ni AJ kaso hindi pa ako nakakalayo nung narinig ko ang pagtawa ni AJ. Leche. Wala namang nakakatawa pero tawa nang tawa! Sira ulo talaga ‘to kahit kailan!
“Hindi ka talaga maloko! Ingat ka este ingat sila sa’yo Lauryn!” Napa-iling ulit ako tapos binilisan ko na lang yung paglalakad. Ang tanging nasa isip ko na lang ay sana may mahanap pa rin ako na malilipatang dorm. Sobrang kamalasan na yung nangyayari sa akin ngayon e! Una yung kay kuya, pangalawa yung kay kuya tapos ngayon si AJ naman. The hell.
Hindi pa ako nakakalayo mula sa pinagkitaan naming lugar ni AJ nung napansin ko yung isang sign sa labas ng isang ladies dorm. Napangiti agad ako dahil sa nakita ko. Naisip kong hindi rin naman pala ako ganun kamalas. Swerte pa rin naman pala ako kung tutuusin. Agad akong pumasok sa dorm para magtanong. Sana lang talaha swertehin na ako dito!
“Uhm. Hi! Magtatanong lang po sana ako tungkol dun sa sign sa labas. Sabi po naghahanap kayo ng dormer?” Tinignan ako ng babae mula ulo hanggang paa bago siya sumagot sa tanong.
“Willing ka bang magkaron ng roommate?” Tanong niya sa akin. The hell. Tanong ang sinagot sa tanong ko? Sarap sakalin ah.
“Pwede po kayang ako na lang mag-isa sa kwarto? Kahit doble na lang po yung ibayad ko. Nagka-problema na po kasi ako sa roommate ko sa dorm ko e.” Pagpapaliwanag ko sa babae sa harapan ko. Hindi naman talaga issue yung pera sa amin e. Yung mawalan ako ng matitirahan ang malaking issue.
“Hija, gustuhin ko mang tanggapin yung offer mo na dobleng bayad, hindi ako makakapayag sa gusto mo. Marami na ang nag-request ng ganyan dati dito pero hindi ko pinagbigyan. Baka magka-problema lang ako kapag ikaw pinayagan ko. Pasensya na ah? Maghanap ka na lang ng ibang dorm.” Sagot niya sa akin. Nalungkot ako dahil dun pero hindi ko na lang ipinahalata sa kausap ko. Dahil desidido talaga akong makahanap ng malilipatan, nagtanong ulit ako sa babae.
“Pwede po bang magtanong?”
“Hija, nagtatanong ka na. Niloloko mo ba ako?” Sagot nung babae sa akin tapos napa-iling ito habang tumatawa. Napa-simangot tuloy ako dahil dun. Ang pinaka-ayaw ko kasi sa lahat ay yung pinipilosopo ako. Hindi naman sa wala akong sense of humor pero nakakatanga kasi yung ganung tao e. Parang walang kwenang kausap. Sarap busalan para hindi na lang makapagsalita.
“Mukha po ba akong nanloloko?” Pagtataray ko dun sa babae. Kapag kinakailangan naman kasi lumalabas na talaga yung pagiging mataray ko. Hindi sa lahat ng panahon ako yung Kat na kilala ng karamihan bilang masayahin, mabait at hindi pala-imik kahit na tampukan na ng tukso. Marunong din naman akong lumaban.
“Aba’t talaga naman o. O siya. Ano bang tanong mo? Bilisan mo na nga!” Sigaw sa akin nung babae kayo lalong nag-init yung ulo ko. Hindi ko na talaga matanggap na yung babae pa sa harapan ko yung may ganang magalit. Wala na sa lugar ang mga pinagsasasabi niya. Ang lakas lang maka-attitude problem. Tsk.
“You know what, hindi na ako magtataka kung bakit walang pumapatol sa ad niyo para sa bagong dormer. Ang pangit ng ugali niyo e. Ayusin niyo muna yung manners niyo bago kayo magpatakbo ng dorm. I wouldn’t be surprised kung mauubos yung mga nagsstay dito dahil sa ugali niyo. Diyan na nga kayo!” Sagot ko sabay labas ng dorm. Dahil sa nangyari, parang ayaw ko na lang tuloy mag-dorm. Kainis talaga!
OPTION B
Naglalakad na ako pabalik sa dorm ko nung napag-desisyunan kong dumaan muna sa isang milk tea shop. Sa tingin ko kasi kailangan ko munang magpalamig ng ulo. Kung uuwi ako agad sa dorm baka pati si Nicole mabuntunan ko ng galit ko e. Pagkatapos kong umorder nung paborito kong honey milk tea, umupo na agad ako sa isang sulok tapos inilabas ko yung cellphone ko.
Sinimulan kong tignan yung mga pangalan sa phonebook ko at nag-isip ako kung sino ba ang pwede kong tawagan para makahingi ng tulong. Pero hindi ko rin maituloy tuloy ang bawat text na sinisimulan ko. Masyado kasi akong kinakain ng hiya kaya isinara ko na lang yung phonebook ko. After that, sinumalan ko na lang na maglaro ng kung ano mang game na una kong makita sa phone ko. Nasa kalagitnaan na ako ng game nung biglang may tumawag sa akin. Pagtingin ko kung sino yung tumatawag, si mommy pala.
“Hello Ma?” Sagot ko sa tawag.
“Hello princess. Kamusta ka na diyan?” Tanong niya sa akin. Napa-simangot tuloy ako dahil dun. Feeling ko kasi may radar talaga si mommy. Tuwing nagkaka-problema kasi ako, bigla bigla na lang tumatawag si mommy sa akin. Para bang alam niya na kailangan niya ng tulong. Sobrang saving grace ko lang palagi si mommy. Close din naman ako kay daddy pero ewan ko ba. Ang lakas talaga ng radar ni mommy. Mother’s instincts siguro kaya ang bilis niyang maka-kutob sa mga ganitong pangyayari.
“Okay naman po. Kayo po ni Daddy?”
“Okay din naman. Kailan ba kayo bibisita dito ng kuya mo? Ilang linggo na kayong hindi umuuwi ah?”
“Hindi ko po alam kay kuya e. Mommy, diyan na lang kaya ako tumira ulit? Miss ko na po kayo e.” Pagsisinungaling ko kay mommy. Ayaw ko na lang i-kwento yung kamalasang nangyayari sa akinngayon. Feeling ko kasi marami ng iniisip sina mommy at daddy. Ayaw ko naman ng dumagdag pa dun. Saka kung tutuusin, maliit lang naman yung problema ko e. Well, sino ba ang niloloko ko? Alam ko naman na napakalaking problema nito e. Siguro hindi ko lang talaga matanggap yung katotohanang wala na akong matitirahan.
“Ha? Hindi ka ba mahihirapan dun?” Tanong ni mommy sa akin. Sasagot pa lang sana ako nung bigla kong marinig yung pag-uusap nina mommy at daddy.
“G, ano raw yung gusto ni Kat?”
“Gusto raw niyang tumira ulit dito e. Sabi ko baka mahirapan lang siya. Two hours ang layo ng bahay natin mula sa school nila e.”
“May sasakyan naman tayo G e. Ihahatid at susunduin ko na lang siya.”
“Dwight, kaya nagiging spoiled yung mga anak mo e. Binibigay mo lahat ng gusto nila. Saka may trabaho ka pa ah? Hindi porket ikaw yung boss, magpapa-late ka na lang palagi para lang ihatid si Kat.”
“Hindi naman yun yung point ko e. Pero isipin mo rin naman na gusto ko na ring makasama palagi yung dalawa.”
“Baka namamali ka ng dinig Dwight. Si Kat lang ang may gustong tumira dito. Hindi kasama si Liam.”
“Ay. Hindi ba?”
“Hindi. Maglinis ka nga ng tenga mo!”
“Sorry na. Masyado kasing malakas yung pagtibok ng puso ko para sa’yo kaya hindi ko na marinig yung ibang tao e.” Natawa na lang ako sa narinig ko. Hindi na talaga nagbago sina mommy at daddy. Hanggang ngayon, hirit pa rin nang hirit si daddy tapos si mommy naman, tinatabla pa rin yung mga hirit ni daddy. Hindi ko tuloy maiwasang mainggit sa naabot nina mommy at daddy ngayon. Gusto ko rin namang makahanap ng lalaking mamahalin ako at ittrato ako katulad ng pagtrato ni daddy kay mommy. I know it’s too early for that but a girl can dream right?
“Ma, still there?” Sabat ko sa usapan nila mommy.
“Yes princess. Gusto mo pa rin bang lumipat dito?”
“I changed my mind. Dito na lang po ulit ako. Uwi na lang po ako this weekend with or without kuya. See you po! I love you mommy and daddy!” Sagot ko sa tanong ni mommy. Nagpaalam na rin kami sa isa’t isa tapos inend ko na yung tawag. Uminom na lang ulit ako ng milk tea at tumingin sa labas nung bigla akong nasamid dahil sa boses na narinig ko.
“Akalain mong nandito ka rin pala? Small world Lauryn.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro