Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

"Kat," sabi niya. One word. It only took one word pero grabe yung epekto sa buong sistema ko. Para akong uod na nangingisay sa kilig. Ni hindi nga pangalan ko ang tinawag niya pero kung kiligin ako, akala mo sinabihan ako ng 'I love you'.

Nyeta. Bakit ba ako nagkakaganito sa lalaking 'to? May mali siguro talaga sa akin kaya ako ganito. Hindi kaya pinakulam ako nito para ma-fall ako sa kanya nang todo?

"O, Kuya. Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni Kat sa kuya niya pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto ng kwarto namin. Hindi ko na narinig ang sinabi ni Liam kasi hinatak na niya palabas ng kwarto yung kakambal niya tapos sinara na niya yung pinto. Kainis. 'Di ko man lang nakita yung mukha niya! Ang damot, nyeta.

Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa ring Kat na bumabalik sa kwarto namin. Mukhang niyaya pa yata siya sa labas ng kuya niya. 'Di man lang tumagal yung kilig sa sistema ko. Kilig na, naging bato pa.

Imbis na magmukmok ako sa kawalan ko ng chance na makausap o makita man lang si Liam, binalikan ko na lang ang Facebook profile niya. Yes, hindi kami friends. Gustuhin ko man siyang i-add, hindi ko magawa. Siyempre, dalagang Pilipina pa rin naman ako kunwari. Aba, dapat siya ang unang mag-add sa akin, 'no! Kaso dahil malabo pa yata sa tinta ng pusit ang chance na i-add niya ako, ayan tuloy, nagtitiyaga na lang akong tingnan ang mga naka-public niyang profile photos. Minsan nga, pumupunta rin ako sa profile ni Kat para maghalungkat ng ilang pictures nila together. Feeling ko nga, kung ise-save ko lahat ng pictures niya, baka ubos na ang memory ng phone ko.

Nung nagsawa na akong titigan ang mukha niya (which I really doubt since gusto kong tingnan lagi ang mukha niya), sinubukan ko na lang gumawa ng requirements ko sa school. Kaso ang ending, wala rin naman akong nagawa kasi lumilipad lang ang utak ko. Iniisip ko kung saan na nagpunta sina Kat at kung ano'ng pinag-uusapan nila. Ganoon ba ka-importante 'yon para hindi na lang nila pag-usapan dito? I can keep secrets naman! Baliw lang naman ako pero hindi chismosa.

Ops. I stand corrected. Baliw na baliw pala kay Liam.

Bago pa ako makagawa ng kung anong mas ikatitindi ng happy crush ko kay Liam, tinext ko na lang si Glen. Baka kasi makalimutan ko nang tuluyan na meron nga pala akong boyfriend. Sa sobrang hindi niya kasi pagpaparamdam, minsan, nako-confuse na rin ako.

Nicole
Sweetycakes, busy ka ba?

Fifteen minutes have passed pero wala pa rin akong natatanggap na reply mula sa kanya. Busy yata talaga siya. Dati naman, less than three minutes, may reply na siya.


Glen
Medyo. Y?


Napa-roll eyes ako sa naging reply niya. Wala man lang ka-amor amor. Ilang linggo na kaming hindi nagkikita pero wala man lang hint of sweetness sa reply niya. At seryoso ba siya sa Y? na reply niya? Nyeta. 'Di naman per letter ang singil sa text!


Nicole
Can we meet? Miss na kita.
Tagal na nating 'di nagkikita.


Glen

Next time na lang.
Bawi ako, promise. ;)


Ang bilis na ng reply ni Glen pero ang bilis din niyang saktan ang feelings ko. Kahit pa nilagyan niya ng kindat ang message niya, hindi ko na magawang kiligin doon. Parang mas masayang manakit ng tao sa sobrang inis ko. Dahil doon, hinatak ko ang stuffed toy na binigay niya sa akin noong monthsary namin at sinapak 'yon nang paulit-ulit. Sinakal ko pa nang pagkatagal-tagal hanggang sa humupa yung inis na nararamdaman ko. Noong kumalma na ako, nagbihis na lang ako ng pang-alis tapos lumabas na ako ng kwarto. Kung walang panahon ang jowa ko sa akin, bibigyan ko na lang ng panahon ang sarili ko!

Dumeretso ako sa mall malapit sa dorm namin. I was half hoping I could see Glen with his friends sa arcade o kaya naman makasalubong ko sina Kat sa kung saan. Sa kasamaang palad, wala akong nakita kahit na sino sa kanila. Ang ending tuloy, nanood na lang ako ng sine mag-isa. Kaso bakit ganoon? Kahit romcom ang pinanood ko, umiiyak pa rin ako?

Noong nagbukas ang ilaw sa loob ng sinehan, pinagtitinginan ako ng mga katabi ko. Sinamaan ko lang sila ng tingin tapos naglakad na ako palabas nang dere-deretso. I hated this feeling. Gusto ko lang namang gumaan ang loob ko pero nainggit lang ako sa mga bida sa pelikula. Gumastos lang ako para mas masaktan lalo. Sayang lang yung popcorn kong hindi ko man lang halos nagalaw! Umalat lang lalo dahil nabasa ng luha.

Imbis na bumalik sa dorm, bumalik ulit ako sa arcade. Dinamihan ko ang papalit ng coins para sa videoke booth nila. Inilabas ko lahat ng nararamdaman ko kakakanta ng mga kantang puno ng hugot. Pakiramdam ko, pinagtitinginan na ako ng mga tao sa labas pero hindi ko na lang pinansin. Itinuloy ko lang ang pagkanta. Hindi ko namalayan, naka-isang oras na pala ako rito. Kung hindi pa sumakit ang lalamunan ko kakahirit ng mga kanta ang Aegis, hindi pa ako mapapahinto.

Paglabas ko ng booth, tiningnan ko ang phone ko. Umaasa akong susuyuin ako ni Glen kasi hindi na ako nag-reply sa text niya. Dati-rati, hindi niya ako tinitigilan hangga't hindi ako nagre-reply sa kanya. Sa sobrang pag-expect ko, ayon, mas lalo lang akong na-disappoint. Wala na ngang text mula sa kanya, wala ring tawag.

My mood suddenly shifted noong biglang lumitaw ang pangalan ni Kat sa screen ng phone ko. Wala pang five seconds, sinagot ko na ang tawag niya.

"Hello?" sagot ko, with matching pagpipigil ng kilig at excitement sa boses ko.

"Saan ka? Nasa dorm ka lang ba?" Medyo maingay sa background naming dalawa kaya lumabas na ako ng arcade. Noong nagkakarinigan na kami nang maayos, sumagot na ulit ako.

"Wala. Nasa mall ako. Na-bore na kasi ako." Saka pinahiya ko pa sa sarili ko sa loob ng arcade at sinehan.

"Ayun! Sa mall malapit lang sa dorm ka nagpunta, 'di ba? Punta ka rito sa fourth floor, sa may samgyupsal na restaurant. Sama ka sa amin ni Kuya."

Sama ka sa amin ni Kuya...

Sama ka sa amin ni Kuya...

Sama ka sa amin ni Kuya...

Pakiramdam ko, nanalo ako sa lotto. Wala nang patumpik-tumpik na tumakbo ako papunta sa fourth floor. Ito na ang moment ko! Makikita ko na ulit ang crush ko!

Pagdating ko ng fourth floor, huminga ako nang malalim. Pinakalma ko ang sarili ko at nagpanggap na hindi ako hinihingal. I should get used to running. Sanay naman akong mag-fun run kaya madali lang dapat sa akin 'to. When I kept my calm (and my almost non-existent composure), naglakad na ako papasok sa samgyupsal restaurant.

I immediately noticed Kat kahit na busy silang mag-usap ng kuya niya. It's not difficult to see Kat in a crowd of people. She glowed nang walang ka-effort effort. Noong napalingon siya sa entrance kung nasaan ako, kinawayan niya agad ako at pinalapit sa table nila. Siyempre, kunwari, nahihiya pa akong lumapit sa kanila. Noong medyo malapit na ako, tumayo na si Kat at hinatak ako papalapit sa lamesa.

"Kuya, you've met Nicole na before, 'di ba? Siya yung roommate ko sa dorm," pagpapakilala sa akin ni Kat sa kuya niya. As expected, tumango lang sa akin si Liam. Masyado kasing tahimik at seryoso 'tong lalaking 'to. Si Kat lang ang nakakadaldal sa kanya. Parang selective yung paglalabasan ng boses. Ganoon siya. Pero kahit na ganoon, hindi ko alam kung bakit crush ko pa rin siya.

Siguro dahil feeling ko, ang cute niya pa rin kahit na medyo nerdy ang dating niya? With his glasses, he looked so cute pero noong one time na tinanggal niya yung salamin niya para punasan 'yong lens, pucha. Ang hot! Matangkad siya tapos ang gwapo ng mukha. Jusko. Kung pwede lang basagin ko na yung salamin para mapilitan siyang mag-contact lenses na lang, ginawa ko na. Bukod pa ro'n, sobrang protective at maalaga niya kay Kat. I mean, paano kaya pag nagka-girlfriend siya? Ganoon din kaya ang pakikitungo niya? Try ko kaya para malaman ko? Charot.

Sa tabi ni Kat ako umupo dahil hinila niya ako papunta sa pwesto na 'yon. If I had the option to choose, siyempre, sa tabi na sana ni Liam para maamoy ko yung pabango niya at nang makabili ng lima. Joke! Pero when I think about it, okay na rin pala sa tabi ni Kat. At least, libre tingin kay Liam nang harap-harapan. Hindi lang sideview, front view pa!

"Ano palang ginagawa mo rito mag-isa?" tanong sa akin ni Kat habang naghihiwa siya ng pork belly. Si Liam naman, sinisigurong naluluto nang maayos 'yong mga hinihiwa ni Kat.

Shocks. Magaling din kaya siyang magluto o sa samgyup lang? Hindi ko mapigilang isipin pero sinampal ko na agad ang sarili ko sa utak ko para pigilan ang kung anong kaharutang naiisip ko.

"Niyaya ko sana si Glen na magkita kami. E ayon. Busy raw siya. Nakipag-date na lang ako sa sarili ko," deretso kong sagot sa kanya minus the fact na umiyak ako sa loob ng cinema.

"E bakit parang malat ka kanina nung tumawag ako?" pang-uusisa ng bruha. Babatukan ko na sana siya dahil wala sa mga plano ko ang i-share ang pag-rock and roll ko sa discography ng Aegis pero no choice, I had to tell the truth. So help me God!

"Aahh, nasa arcade kasi ako kanina. Alam mo naman. Kapag masama ang loob ko, ikinakanta ko sa videoke. Ayon. Inabot ako ng isang oras kakabirit."

"What? Isang oras tapos mag-isa ka lang?" Nanlalaki ang mga mata ni Kat noong tinanong niya 'yon.

Oo, nyeta. Mag-isa ako. Hindi ako mahal ng jowa ko. Okay na? Awat na, please. Gusto kong isagot sa kanya pero siyempre, hindi ko ginawa. Nakakahiya lang sa harap ng kapatid niya. Baka ma-turn off pa sa akin. Lalong mawawalan ako ng pag-asa.

"I just had to. Mahirap i-supress ang emotions ko, girl. Nakawawa na nga 'yong teddy bear ko sa kwarto, e. Nabugbog na, nasakal pa."

"Ay nako. Ikain mo na lang 'yan. Don't worry, magaling magluto ng samgyupsal si Kuya," sagot ni Kat tapos nilagyan na niya ako ng lutong pork belly sa plato ko. Tinitigan ko pa 'to ng ilang segundo tapos noong kumalam ang sikmura ko, dinampot ko na agad yung letsugas sa harapan ko at gumawa ako ng sariling wrap ko. Saka na ako magpapaka-poise sa harapan ng kuya ni Kat. For now, I needed to feed the snakes inside my tummy.

***

Eating samgyumpsal in front of your crush was so awkward. Hindi ko magawang buksan nang malala yung bibig ko para maipasok yung lettuce wrap. I had to act demure para hindi ako mawalan ng poise. Kaso the heck. Kapag may baliw ka nga naman talagang kaibigan, gagawa at gagawa siya ng paraan para mapahiya ka sa harap ng kapatid niya.

"Nicole," tawag sa akin ni Kat. Gumagawa pa lang sana ulit ako ng isa pang wrap but she caught my attention.

"Wha--" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko. Bigla na lang niyang ipinasak sa bunganga ko yung isang napakalaking lettuce wrap na ginawa niya. Nanlaki ang mga mata ko at napahinto ako sa pagmumura nang marinig ko ang pagtawa ng kuya niya.

Damn it.

Hindi dapat ganito. No! I refuse to believe na nakita ni Liam kung gaano kalaki ang bibig ko! My gahd. Wala na yata akong mukhang maihaharap sa gwapong nilalang na 'to! Agad kong sinamaan ng tingin si Kat. Ayon ang bruha. Parang tuwang-tuwa pa sa kalokohang ginawa niya.

"Ngumuya ka na nga. Para kang ewan," natatawang sabi ni Kat and I did what I was told. Nginuya ko yung pesteng lettuce wrap.

Nung nabilaukan ako, dali-daling inabot sa akin ni Liam yung baso ng iced tea. Our fingers touched and oh my god. Kinilig ako bigla. Dati, hanggang tingin lang ako. Ngayon, may physical contact na!

Hindi ko pinahalata na kinilig ako. I simply drank the juice and muttered a soft thank you. Tumango naman siya roon and he looked more handsome in my eyes. Posible pala 'yon, ano? Kung dati, ina-admire mo lang yung tao from afar tapos kapag ginawa siyang mabuti sa 'yo, you just find yourself liking him even more.

Napailing ako dahil sa naisip ko. Hindi pwede. May boyfriend ako. I shouldn't get all kilig with just a simple gesture. Kaso nyeta. Marupok din ako. Bumibigay sa mga gentleman na katulad ng lalaking nasa harapan ko.

Bago ko pa mas maipahiya ang sarili ko, tahimik na ulit akong kumain ng samgyupsal. Um-order na rin ako ng ramyun na ubod ng anghang para mailabas ko yung hinanakit ko kay Glen. When the twins noticed na may namumuong luha na sa mga mata ko, para bang nag-panic silang dalawa.

"Huy! Ba't bigla ka na lang umiiyak?!" nag-aalalang tanong ni Kat. Imbis na sumagot ako sa kanya, natawa pa ako dahil sa itsura niya.

"Okay ka lang ba? Shit. Dapat yata hindi ka na kumain ng ramyun, e!"

"'Wag ka nga. Okay lang ako. Nalulungkot lang ako dahil walang kwenta yung boyfriend ko. Ilang linggo na kaming hindi nagkikita pero ni hindi man lang niya magawang magbigay ng oras para sa akin. Minsan nga, hindi ko na alam kung kami pa ba talaga, e." Napailing si Kat sa sinabi ko. Ramdam ko na ang panenermon na lalabas mula sa bibig niya. Napapikit ako at inihanda ang sarili sa posibleng bad words na sasabihin niya.

"Sabi ko naman sa 'yo, e. Unang kita ko pa lang diyan kay Glen, mukha nang walang gagawing matino. Hindi pa tayo close noon so I couldn't really tell it to your face to break up with him na lang. I was not in the position to do so. But look where it got you. Sa wala rin."

"Sabi naman niya babawi siya, e."

"He said that tons of time before. Nangyari ba? Hindi naman, 'di ba?" Bago pa ako makasagot ulit sa sinabi ni Kat, may shot glass na na nakalagay sa harapan ko. Pagtingin ko kay Liam, tumango lang siya.

"Iinom mo na lang 'yan. Kahit ano namang gawin mo, magiging gago ang gago."

"Kuya!" sita ni Kat kay Liam. Nagkibit-balikat lang ito sabay inom sa sariling shot glass niya. Teka nga. Kailan pa 'to naka-order ng soju? Hindi na ako nakapagtanong sa kanya. Kinuha ko na lang yung baso at deretsong nilagok ang soju na binigay niya. Siguro nga, after nito, magiging okay na rin ako.

***

"Bwisit ka, Kuya. Sabi ko naman sa 'yo, 'wag mo nang painumin 'to, e. Tingnan mo. Lasing na lasing tuloy," narinig kong sabi ni Kat kay Liam habang naglalakad kami papasok ng dorm. Kung paano kami nakabalik dito, hindi ko na rin alam. Basta ang huli kong natatandaan, umiinom kami kanina.

"Hindi ako lasing! Isang shot pa dali!" natatawang sagot ko habang pagewang-gewang na ang lakad ko.

"Isang shot mo mukha mo. Ingungudngod na kita sa pader mamaya 'pag hindi ka tumigil," pagbabanta ni Kat na tinawanan ko lang. Tumingin ako kay Liam na inaalalayan ako ngayon sa paglalakad. Amoy na amoy ko ang pabango niya. Pero bakit gano'n? Parang mas lalo siyang gumwapo nung nakainom ako?

"Bakit ba yung mga lalaki walang kwenta? 'Pag napasagot na yung babae, babalewalain na? Hindi naman tama 'yon! Ang unfair kaya." Napailing lang si Liam sa reklamo ko. Pero hindi pa rin ako tapos. Gusto ko pang ilabas ang mga hinanakit ko.

"Pangit ba ako? Sabi naman ng nanay ko, maganda ako. Masaya naman akong kasama. Pero bakit parang hindi pa rin sapat? Bakit parang kulang pa rin? Ano ba'ng ginawa kong mali, ha? Hindi pa ba ako sapat? Nakakasakal ba ako? Binibigyan ko naman siya ng enough space, e. Sa lala nga ng space ng binigay ko, parang wala na akong jowa, e!"

"Maybe you simply chose the wrong guy."

"E wala namang iba. Wala naman akong choice! Siya lang ang nagkagusto ko sa akin. Tell me. Hindi ba ako likeable?" Napahinto kami sa paglalakad dahil sa naging tanong ko. Nakatingin lang nang deretso sa akin si Liam. Hinihintay ko ang sagot niya pero wala namang dumating. Umiling lang siya tapos natawa nang mahina. By the time na naihiga na nila akong magkapatid sa kama ko, pumikit na lang ako at sinubukang itulog ang sakit na nararamdaman ko.

Nyeta ka, Glen. Humanda ka sa aking bwiset ka.

***

Henlo!

To the old readers of this one, you may notice na humaba yung chapter 1. I have combined some chapters na kasi trip ko lang. Hahahaha.

As usual, let me know your thoughts, please!

Thank you for reading!

xxRaice

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro