Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Moving Closer 6

"Ahhhh!"

"Wake up, Trisha! Wake up!"

Nadilat ako. Bumungad sa akin ang nakadukwang na nag-aalalang mukha ng pinsan kong si Jodie.

Habol hininga akong napabangon sa aking pagkakahiga. Daig ko pa ang binangungot kahit hindi naman.

"Here." Abot ni Jodie sa akin ng isang baso ng tubig.

Kinuha ko naman agad iyon at ininom. "Thanks." Abot ko ulit ng baso rito. Kinuha naman niya agad iyon at ipinatong ulit sa bed side table ko.

"Bad dreams?" anito habang pinupunasan ang pawis kong butil butil. Agad ko ring inagaw ang hawak nitong towel at ako na ang nagpunas sa sarili kong pawis. Naka-aircon naman ako pero pinagpawisan talaga ako ng husto. Ngayon lang ito nangyari sa akin.

"Nakakadiri. Naihian ako. Sandali lang, Jodie, magsho-shower ako, pakiramdam ko ang panghe ko dahil sa tore ni Moises."

"Tore ni Moises?" natatawang ulit ni Jodie. "Sino si Moises?"

"Mamaya ko sa'yo ikukuwento. Sandali lang ako."

Halos takbuhin ko na ang own comfort room ko. Hinagis ko na lang sa kung saan ang sapatos ko at binuksan ang shower. Tumapat ako rito kahit naka-uniform pa ako. Wala akong pakialam kahit mabasa pa ito basta ang importante makasama ko ang uniform ko sa pagsha-shower dahil sa panaginip na iyon.

Tiningala ko ang tubig na nanggagaling sa shower. Pumikit ako at nakita ko na naman nang malinaw ang itsura ng estrangherong napagkamalan kong statue.

Ipinilig ko ang aking ulo at pilit na iwinaksi ang itsura ng lalaking iyon pero kahit anong gawin ko. Napakalinaw ng imahe niya. Napakalinaw ng guwapo niyang mukha.

-----

"Daks ba o jutay ang tore ni Moises?" Halos mamilipit na sa kakatawa si Jodie. "Ang sakit ng tyan ko diyan sa panaginip mo! Dapat pala, hindi na lang muna kita nagising nang na-extend pa ang moment niyo ng guy na iyon!"

"Umayos ka nga diyan." Irap ko sa kawalan, at nagpatuloy ako sa pagblo-blower ng buhok ko. "Hindi ko alam kung jutay or daks iyang tore ni Moises na iyon! Censored nga kasi ang parteng iyon at thankful ako don!"

"Eh, bakit parang masyado kang affected sa kaniya?" tumatawang pang-aasar pa nito.

Hindi ko kasi makalimutan ang itsura niya. Naka-register na siya sa utak ko. At saka malinaw na malinaw na lucid dreamer din siya.

"Hindi ako affected," sabi ko na lang rito nang tigilan na niya ko.

"Kung naked siya. May abs ba iyong guy?" humahagikgik pang tanong nito.

"Hindi ko gaanong napansin, I mean hindi ko pinagtuunan ng pansin. Hindi ko tinignan."

"Pero yung naka-censored nakita mo. Ikaw, Trisha, ha!"

Ibig ko na siyang balibagin ng hawak kong blower pero kalma lang Trisha, kalma. Sayang ang blower kung masisira lang sa pagkakabalibag.

Pinatay ko na ang blower. Hinugot ito sa saksakan at inilapag muna sa vanity dresser table ko. Pumuwesto na ako ng higa sa tabi ni Jodie.

"Matulog ka na. May pasok ka pa bukas," pag-iiba ko ng usapan.

"Hindi mo ba ako tatanungin kung saan ako galing at kung bakit ngayon lang ako dumating?"

"Hindi na kailangan. Alam kong tumakas ka na naman sa mga bantay na hinire ni Uncle Ian para sundan ako sa pinuntahan ko, para hulihin kung may kakatagpuin ba akong lalaki. Itulad mo naman ako sa'yo." Natatawa ko itong tinalikuran at pumikit para gumawa na ulit ng tulog pero mukha pa rin ng lalaking iyon ang nakikita ko. Kainis!

"Ang harsh mo naman sa akin." Palo nito ng unan sa braso ko.

"Matulog ka na. Tapos gumising ka ng maaga para mag-isip ng magandang alibi kay Uncle Ian."

"Nagsabi na ako kay Daddy. Alam niyang nandito ako sa inyo."

"Isinangkalan mo na naman ako. Matulog ka na. Inaantok na ulit ako. Goodnight."

"Sus, gusto mo lang ulit makita iyong censored na tore ni Moises, eh! Siguro Moises ang---" Hindi ko na masyadong napakinggan pa ang ibang sinabi ni Jodie dahil tuluyan na akong nilamon ng antok ko.

Nakatayo na naman ako sa harapan ng eskuwelahan kung saan akong galing kanina sa panaginip ko.

Tiningala ko ang kinaroroonan ng lalaki kanina, wala na siya roon.

"Mabuti naman wala na siya," usal ko sa aking sarili.

"Paano ka nakapasok dito?" Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses ng isang lalaki mula sa likuran ko. "Paano ka nakapasok sa Dreamland ni Moises? At paano ka nakabalik dito sa teritoryo ko?"

Kunot-noo ko itong nilingon. Nakadekwatro itong nakaupo sa likuran kong bench. Pinigilan ko ang pagtawa miski na ang pagngiti nang makita ko ang tig-isang pirasong dahon ng malunggay na nakatakip sa magkabilang dibdib niya. Ang nagsilbi naman nyang short ay ang dahon ng mangga.

"Ahh, lucid dreamers ka din pala. Bago ka lang? Kung bago ka lang sa Dreamland bakit ngayon lang kita nakita?"

"Hindi ko alam," pakli kong sagot dito.

"Hindi mo alam? O ayaw mo talaga sabihin sa akin. Nahihiya ka kasi nakita mo ang tore ni Moises na nagdidilig ng lupa."

"Excuse me, hindi ko nakita. Kadiri nito." Irap ko sa kawalan

"Pasensya naman kung naihian kita. Malay ko bang nakaupo ka don sa bench. At malay ko bang may tao dito sa university ko."

"Ikaw ang may-ari nito?"

"Hindi ba obvious? Hindi mo ba nakita ang pagkalalaki-laking Moises University." Turo nito sa pinakatuktok ng eskuwelahan. "Ako nag-lettering niyan. Ako gumawa ng school na ito. Ako ang nag-design. Ako ang nagtanim ng mga puno diyan. Lahat ng nakikita mo dito, ako lahat ang artist niyan."

"Tapos hinihian mo lang? Try mo kaya gumawa ng CR."

"Makiki-CR ka ba? Madami diyan sa loob ng Moises University."

"Madami naman palang CR. Doon pa sa rooftop umiihi," bulong ko.

"May sinasabi ka?"

"Wala. Ang sabi ko, aalis na ako. Bye." Pairap ko itong tinalikuran.

"Sandali, huwag ka muna umalis. Hindi mo pa nga nakilala pinakaguwapong nilalang dito sa Dreamland. Aalis ka na?"

Kunot-noo ko itong nilingon. Tumayo ito sa pagkakaupo niya at nakalahad ang dalawang kamay na lumapit sa akin.

"Moises," pakilala nito. Para matapos na ang usapan, nakipag-kamay ako sa kaniya. "Yung isa mo pang kamay. Dalawa nga 'di ba inaabot ko sa'yo."

Inabot ko na lang din ang isa ko pang kamay, at nakipag-handshake sa kaniya sandali. "Okay na, Moises?"

"Ni wala man lang. Ikinagagalak kong makilala ang pinakaguwapo Moises rito sa Dreamland."

"Ang hangin mo," inis kong sabi rito, kahit na totoo naman ang sinabi niya. Siya ang pinakaguwapong Lucid Dreamers na na-encounter ko.

"Aray, aray," bigla nitong paigtad-igtad na daing. Tumalikod ito sa akin at nagtatarang habang tumatakbo palayo sa akin. "Aray ko, may kumagat sa tore ni Moises."

Deserved! Pero mas matutuwa pa ako kung dila niya kinagat ng langgam nang mabawasan naman kahit papaano ang kadaldalan niya.

----
Moving Closer 6
(April 07,2024)


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro