Moving Closer 50
Medyo nakahinga ako nang maluwag nang mabilis na nakapag-anyong ibon si Raven at bitbit niya sa paglabas ng bukas na bintana ang bolang kristal.
Mukang hindi siya napansin ni Epiales dahil nakabaling ang atensyon nito sa kausap niyang si Mommy Lucresia. Pero si Mommy Lucresia ay nakita siya at hindi man lang siya nag-react tungkol doon. Ni hindi man lang niya sinumbong si Raven kay Epiales.
Humakbang palapit sa akin si Epiales at isinarado ni Mommy Lucresia ang pinto. Nang makarating ito sa tapat ko ay tumalungko ito sa harapan ko. Walang imik nitong hinawakan ang ulo ko and out-of-nowhere may pumasok na kung anong eksena sa utak ko.
Nakita ko si Epiales na may hawak na isang bungkos na red roses habang abot-tenga ang ngiti na papalapit sa isang babaeng nakatalikod. Nang lumapit siya roon ay agad na lumingon ang babae dahil sa presensya niya. Si Mommy na sobrang lawak ang ngiti nang makita si Epiales. Nagyakapan sila at nagpalitan ng halik na puno ng pagmamahal.
Ang sunod na eksena ay nag-propose si Epiales kay Mommy tinanggap niya iyon. Masayang-masaya silang dalawa at hindi na nakapaghintay pa sa itinakdang kasal.
Sa sumunod na tagpo ay sa simbahan. Sobrang nag-aalala at inip na inip si Epiales sa pagdating ni Mommy. Kaya napagpasyahan niyang puntahan si Mommy at nakita niya na itinatakas ng kaibigan niyang si Daddy si Mommy. Nagpang-abot si Epiales at Daddy. Inawat sila ni Mommy. Hinubad ni Mommy ang singsing at ibinalik iyon kay Epiales at humingi siya ng tawad dahil nagkamali siya. Na napagtanto niyang mas gusto niya si Daddy.
Naging miserable ang buhay ni Epiales sa realidad kaya mas pinili na lang nitong bumalik sa teritoryo niya at manguha ng mga babae para anakan ang mga ito. Pagkatapos ay papatayin niya ang mga babaeng ito sa takot na iwan din siya nito at ipagpalit sa iba. Ganoon din ang mga ginagawa niya sa lahat ng anak niyang babae dahil ang tingin niya rito ay katulad ng Mommy ko.
Namalayan ko na lang na nag-una-unahan sa pagpatak ang luha ko habang walang emosyon na nakatingin kay Epiales.
Nauunawaan ko na siya. Gusto kong humingi ng tawad sa kung ano man ang nagawa ng magulang ko sa kaniya pero mukang hindi iyon sapat. Malaki ang naging lamat no'n sa pagkatao niya.
Pinunasan ni Epiales ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko. "Huwag kang umiyak. Hindi kita sasaktan tulad ng nagawa ko sa'yo noong una-- hindi ko pa alam na ikaw ang anak nina Miles at Gener. Hindi ko magagawang saktan ang anak ng mahal ko. Tahan na."
Muli nitong pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko at saka ito tumayo para buksan ang pinto. Iniluwa no'n ang naghihintay sa labas na si Mommy Lucresia. May sinasabi ito kay Mommy Lucresia na tanging sila lang ang nagkakaintindihan hanggang sa maglaho ito na parang bula. Tanging ang naiwan na lang na bakas nito ay ang itim na usok na unti-unti rin namang naglaho.
Isinarado ni Mommy Lucresia ang pintuan. Nang tuluyan niyang ipininid ang pintuan ay humiwalay katawan ni Mommy Lucresia sa kumokontrol dito na si Atlas. Walang malay na bumulagta sa sahig si Mommy Lucresia. Si Atlas naman ay walang emosyon na lumapit sa akin.
Hinawakan nito ang ulo ko. Animong may sariling buhay ang mga nakatali sa katawan ko na kusang kumalas mula sa pagkakatali at gumapang iyon patungo sa walang malay na si Mommy Lucresia. Maski rin ang nakabusal sa bibig ko ay kusang naglaho.
Sa sobrang tuwa. Tumayo agad ako sa aking kinauupuan at yinakap si Atlas. "Salamat." Agad din akong humiwalay dito para tingalain siya.
Pinunasan nito ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa aking pisngi. Hindi ko ito mapigilan dahil sa na-absorb ko ang nararamdaman ng taong kaharap ko lalo na ni Epiales.
"Huwag ka na umiyak. Ligtas ka na," walang emosyon na pag-aalo sa akin ni Atlas.
"Kahit ayoko umiyak pero sobrang lungkot ng nasagap kong emosyon ni Epiales. Hanggang ngayon umiiyak pa rin ang puso niya dahil sa mga magulang ko, at sa inyong mga anak niya. Maniwala ka dahil unti-unti nang lumalabas ang mga kakayahan ko."
Kinuha ko ang kamay ni Atlas at hinawakan ito ng mahigpit habang nakatingin ng diretso sa kaniya. Mula na naman sa kung saan ay may nakita akong mga eksena na sila lang ni Trinity ang nandoon. Natigil ang pagluha ang mga mata ko pero hindi ko magawang ngumiti o tumawa dahil sa sobrang lungkot ngayon ng kaharap ko.
"Ibig sabihin, ipinapakita sa akin ang mga eksena kung bakit ganoon ang nararamdaman ng kaharap ko."
"Ang hirap pala magsinungaling sa'yo," biro ni Atlas. Hinawakan ako nito sa kanang balikat at sa isang iglap ay nasa likudan na kami ng kinauupuang sofa bed nina Julian, Ate Tia, Deejay at Elise dito sa living room ng sagradong Mansion.
Kinurot lang ni Atlas ang kanang pisngi ko bago ito mawala ulit. Sigurado akong babalik siya sa teritoryo ni Epiales dito sa realidad para iligpit ang kalat na ginawa niya.
"Hindi talaga ako makapaniwala sa ginawa nilang plano. Tsk. Paano nila naatem gawing pain ang kapatid ko," inis na sambit ni Julian.
"Mabuti na rin iyon. Naiba ang pangyayari. Wala ni isa sa atin ang masasaktan gaya ng nasa pangitain ko," kalmadong ani Ate Tia. "Sa ngayon, maniwala na lang tayo na maililigtas nila si Trisha."
Gusto ko sana sila sabihang nandito na ako pero mas pinili kong talikuran sila at tahimik na nagtungo sa kinaroroonang kuwarto ni Trinity. Nakabukas ang pinto no'n kaya nakita ko agad na wala na siya sa kinahihigaan niya. Gising na siya pero nasaan na siya.
Sa anak niya? Kay Aire?
Tumalima agad ako para hanapin kung saan naroroon si Aire. Agad ko naman itong nakita dahil sa mga galak na galak na boses nila Indigo. Nakita ko siyang buhat buhat ni Trinity.
Hindi ko na nasaksihan pa ang ibang pangyayari nang may humawak sa kanang braso ko at pinihit ako nito paharap sa kaniya, sabay sunggab nito sa akin ng yakap. Sa isang kisapmata ay napunta kami sa ibabaw ng ulap.
"I miss you, Trisha," bulong nito. "Pero alam kong mas miss mo ako."
"Abnoy."
Natatawa itong kumalas ng yakap sa akin at hinarap ako sa kaniya. Sobrang pag-alala at pagsisisi ang emosyon na nakita ko sa kaniya. Sobrang sincere. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti sa kilig.
"Mabuti safe ka. Sorry, hindi ko alam ang tungkol sa plano nila. Sinadya nilang hindi ipaalam sa akin dahil hindi ako papayag na ipain ka nila. Talagang hindi! Sinaktan ka ba ng epal na iyon? Chinansingan ka ba niya?! Sabihin mo lang sa akin nang mapanggigilan ko siya. Cute na cute na cute na ako sa kaniya, eh. Teka, umiyak ka ba? Pinaiyak ka ng epal na 'yon?! Humanda talaga siya sa akin!"
"Sa lahat ng anak ni Epiales. Ikaw ang pinaka-close sa itsura niya."
"Hoy, Trisha! Hindi ako papayag diyan! Itong mukang ito! Mukang si epal! No way!"
"Kahit baliktarin mo pa ang mundo. Ama niyo pa rin si Epiales. Imbis na kalabanin niyo siya. What if kausapin niyo siya bilang mga anak niya? Mukang hindi naman talaga siya masama. Ang nakaraan at kayo mismong mga anak niya ang nagtulak sa kaniya para maging ganoon siya."
Natahimik si Moises habang nakatitig sa mga mata ko at dahil doon ay nadinig ko ang laman ng isip niya. Iniisip niya na baka hindi ako si Trisha at si Epiales ang kaharap niya.
Tinawanan ko na lang ang naisip niyang kalokohan. "Abnoy ka talaga, Moises."
----
Moving Closer 50
(November 13,2024)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro