Moving Closer 5
Napuno ng haha react at haha stickers ang GC dahil sa mga stolen pictures namin na nakuhanan ng camera ni Ate Tia.
Simula sa pagtabi ni Deejay kay Lucila. Sa paghawi nito kay Deejay. Mga ilang ulit na ganoon hanggang sa tumayo si Lucila at ang nakakatawang reaction nina Elise at Ate Tia nang mahulog sila sa kinauupuan nila. At ang masama tingin ni Lucila na babalik sa pagkakaupo pero pinulot din siya sa damuhan kasama nila Ate Tia.
Maski na ang mga group picture namin, iisa lang ang kuha na matino na mukang class picture pa. And the rest, no comment na lang ako sa sobrang kulit nila Deejay.
"Trisha!" Biglang pop up ng message ni Lucila. Nag-dm siya sa akin. Nag-sent pa ito ng photos naming dalawa, at naming apat nina Ate Tia at Elise. Pinasa din nito ang isang picture kung saan busy ako sa pagkain samantalang yung nasa tapat kong si Julian ay nakatingin sa akin at todo pa ang ngiti nito. "Ayieeeee," pang-aasar na message pa nito.
Nag-heart react na lang ako sa mga picture na sinend ni Lucila, maliban sa huli niyang pinasa. Baka isipin niya sumasang-ayon ako sa pang-aasar niya sa amin ni Julian.
"Bukas na lang. Antok na ko. Goodnight. See you on Dreamland." Sinent ko na ang message kay Lucila.
Nag-pop up naman ang GC namin. In-open ko agad iyon dahil message iyon ni Ate Tia.
"Everyone, bonding ulit tayo sa susunod. Thank you sa 3 hours! Sana next time, Trisha, hindi ka na late. Halos wala pa sa dalawang oras ka lang namin nakasama. By the way, welcome to the Lucid Dreamers."
Kasunod ng message na iyan ni Ate Tia, nag-drop pa ito ng mga group picture naming mga Lucid Dreamers. Hindi ko na iyon inisa-isa pa. Nag-heart react na lang ako sa message and photos na iyon ni Ate Tia dahil antok na antok na ko.
"See you on Dreamland guys. Goodnight," pahabol pa na message nito.
Pinusuan ko na lang ulit iyon at nag-reply ng goodnight na sticker. Pinatay ko ang cellphone ko at inilagay sa ibabaw ng aking bed side table.
Nag-sign of the cross, umusal ng dalangin hanggang sa hindi ko na natapos sa sobrang antok.
"Welcome, Ma'am," pambungad na bati sa akin ng isang babaeng blurred ang mukha na nasa cashier area.
Nginitian ko lang ito sandali, saka ko pinasadahan ng tingin ang loob ng establisyimentong pinasukan ko. Nasa loob ako ng isang convenience store dito sa Dreamland.
Unang-una ko tinignan ang suot ko. Natampal ko na lang ang noo ko nang makita kong naka-school uniform at sapatos pa ako. Hindi ako nakapagpalit sa sobrang pagod at antok.
"May nag-cutting," natatawang anang boses ng isang lalaki mula sa aking likuran.
Nilingon ko ito. Ang nakangiting si Julian, hindi rin siya nakapagpalit ng damit bago matulog. Kung ano ang suot niya kanina sa meet and greet ganoon din ang suot niya rito sa Dreamland.
"Nakauwi ka na?" nakangiting tanong pa nito nang makalapit na siya sa akin.
"Oo, ikaw?"
"Hindi pa... ata." Kumamot ito sa ulo niya. "Totoo nga ang sabi nila, parehas tayong 'matic na nakapag-lucid dream. Pero para sa akin kakaiba ka at nakakapasok ka sa panaginip ng iba. Paano mo nagagawa iyon?"
"Hindi ko rin alam, eh, basta bigla na lang nagbabago ang panaginip ko. Nawawala rin ako sa kontrol minsan sa kung saan ko gusto magpunta. Mahilig din kasi mangialam ang dreamland."
"Sabagay, may punto ka. Tara na sa loob. Treat kita." Hila sa akin ni Julian papasok sa pinakaloob ng convenience store. "Kahit man lang dito sa Dreamland mailibre kita. Siguradong matagal-tagal din ulit tayo magkikita-kita sa realidad," natatawang dagdag pa nito.
"Nagkita na ba tayo noon?" Gusto ko sana itanong pero walang boses na lumabas sa bibig ko. Tahimik lang akong sinusundan siya ng tingin sa pagkuha ng pagkain naming dalawa hanggang sa makarating siya sa counter.
"Bakit ka nakatingin kay Julian?" anang malumanay na boses na nagmula sa aking likuran.
Agad ko naman iyong nilingon. Isang babaeng naka-belong puti ang tumambad sa aking paningin at ang nakakasilaw na puting liwanag na nagmumula sa likuran niya.
Lumingon ako sa pagbabakasakaling nandoon pa si Julian sa counter pero wala na sila Julian at ang kinaroroonan naming convenience store. Napapalibutan ako ng liwanag. Hindi ko alam kung nasaan akong parte ng Dreamland.
"Sino po kayo? Anghel po ba kayo?"
"Huwag mo na alamin ang hindi na dapat malaman." Kahit sobrang nakakasilaw, alam kong palapit siya nang palapit sa akin. Humakbang din naman ako paatras palayo sa kaniya pero parang hindi ako umuusad. "Layuan mo ang alaga ko."
Napahiyaw ako sa pagtulak ng babaeng naka-belong puti. At nakita ko na lang ang aking sarili na nakaupo sa isang bench na matatagpuan sa labas ng isang school. Ni walang isang katao-tao rito sa labas kundi ako lang. Napakatahimik.
Mukang nanghimasok na naman ako sa may panaginip nang may panaginip.
Patayo na ako sa kinauupuan kong bench nang may unti-unting pumatak na tubig hanggang sa lumakas iyon.
"Hala! Umuulan!" Umalis agad ako sa kinauupuan kong bench bago pa man mabasa ako nang tuluyan.
Tatakbo na sana ako papuntang loob ng school nang ma-realize kong katirikan ang araw at doon lamang sa tapat ng bench na iyon umuulan.
Tiningala ko ang kinaroroonan ng ulan. Napanganga ako sa pagkamangha nang makita ko ang akala mong totoong taong statue. Hubo't-hubad iyon na nakadipa, nakatingala at patuloy sa pag-agos ng tubig mula doon sa pagkalalaki niyang naka-censored.
"Wow! Nasa UP ba ko? Nalipat na sa rooftop ang Oblation statue?"
Sa sobra kong curious, lumutang ako at unti-unti akong umangat hanggang sa maging kapantay ko na ang statue na nakatingala pero parang---Halos buhusan ako nang malamig na tubig nang makita kong ibinababa nito ang kaniyang nakadipang mga bisig. At unti-unting hinarap nito sa akin ang kaniyang guwapong mukha na sobrang linaw. As in hindi siya naka-blurred, ibig sabihin isa siyang lucid dreamers.
"Hay salamat, nakaihi din ang tore ni Moises." Kinilig-kilig pa ito, at natigilan ito sandali nang makita niya ako.
Pasimple nitong tinakpan ang censored niyang pagkalalaki at sabay kaming napahiyaw sa sobrang sindak sa isa't isa. Nag-echo iyon sa buong paligid.
----
Moving Closer 5
(April 06, 2024)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro