Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Moving Closer 49

"Oo! Para panagutan ang paghalik ko sa'yo. At matagal na matagal na matagal na matagal na matagal ko ng gustong gawin iyon kasi gusto kita, Trisha. Hindi ako tanga para magsakripisyo sa wala. Aish!"

Sa sobrang hiya ay lumipad ako palayo rito. Gusto ko siya balikan para maliwanag mabuti sa kaniya ang nararamdaman ko pero mas pinili kong panindigan na lang muna ang paglayo rito para bigyan siya ng oras na mag-isip ng mabuti tungkol sa confession ko.
Iyon ay kung pagtuunan niya ng pansin iyon. Eh, napaka-nonchalant niya. Tsk!

Lumanding agad ako sa eskinitang walang taong dumadaan at CCTV. Nakapamulsa kong binaybay ang eskinita hanggang sa makarating ako ng kalsada. Kung saan may mga high school students na nagwawalis ng ginawa kong kalat kagabi.

"Kung sino man ang gumawa nito. Sana hindi masarap ang ulam niya."

Sorry ka. Palaging masarap ang ulam ko.

"Sa dami-dami naman kasi ng ipapagawa sa ating mga late. Ito pa talagang pagwawalis ang naisipan nilang ipagawa."

Parusa sa mga late comers pala. Madinig sana  ng teacher niyo ang mga reklamo niyo.

"Uy, may guwapo!"

Matagal ko ng alam pero sige ipagkalat niyo pa para mas dumami pa ang wawalisan niyo.

Sa akin na  nabaling ang atensyon ng mga estudyanteng babaeng nagwawalis. Kilig na kilig ang mga ito habang pasimple akong kinukuhanan ng video and pictures. Pero sorry sila-- deleted na ang mga iyan mamaya kahit na screenshot pa nila.

Nang tuluyan ko nang nalagpasan ang eskuwelahan, napahinto ako sa paglalakad dahil sa burning sensation na bigla kong naramdaman sa kaliwang pulsuhan ko. Tinignan ko agad ito. Namumula ito.

"Si Trisha!" Pumihit ulit ako pabalik at nagtatakbo paalis sa maraming tao. Nang marating ko ang eskinita na walang dumadaang tao at CCTV, nag-teleport agad ako pabalik sa aming Mansion.

Naabutan ko sila Julian na tinatawag ang pangalan ni Trisha habang mga nag-iiyakan sila. Tinignan ko si Deejay na nakaupo sa damuhan at nakatulala sa mga nasa labas na sila Julian.

"Anong nangyari? Bakit--"

"Kinuha ni Epiales si Trisha," sagot sa akin ni Deejay. "H-hindi ako nakahingi ng tulong. Kung hindi sana ako nataranta, nailigtas sana namin siya."

Naikuyom ko na lang ang aking mga kamao. "Pikon na pikon na talaga ako sa'yo, Epiales."

Nag-teleport agad ako patungo sa pinaka-rooftop ng Mansion namin kung saan akala mong mga nanonood ng shooting sa labas sina Raven, Indigo at Aire.

"Kanina pa kayo riyan? Wala man lang kumilos sa inyo para iligtas ang girlfriend ko?" singhal ko sa mga ito.

"Gustuhin man namin pero kailangan natin malaman kung saan ba talaga ang kuta ni Epiales dito sa reality," sagot ni Indigo.

"So, ginawa niyong pain si Trisha?!"

"Ganoon na nga, Kuya Moises," ani Aire.

"Ako na ang bahala," anang nagsalita mula sa aming likuran. Si Lucresia. Kasama nito si Harbor na pinaglalaruan ang isang bolang kristal.

"Nilinlang niya tayo kaya tinanggal ko muna ang kaluluwa niya sa katawan niya at inilagay ko muna siya dito sa bolang kristal ko."

"In short, hindi si Lucresia ang kaharap niyo ngayon. Si Kuya Atlas iyan, ang ating step-brother na body trespasser," ani Raven. Lumapit ito kay Atlas at nagpalit anyo bilang isang parrot. Dumapo ito sa balikat ni Lucresia. At bigla na lang sila naglaho.

"Sino ang may idea ng katarantaduhang iyon?" kalmado kong tanong kahit na gusto ko na sila pagbabanatan.

"Ako," taas kamay ni Aire. "Ginamit ko ang cellphone ni Lucresia. Tinext ko si Epiales, ang sabi ko sa kaniya, mag-isa si Ate Trisha sa labas. Uto-uto naman siya, ginawa naman niya ang lahat ng sinabi ko."

"Huwag ka mag-alala, Moises. Kaya si Trisha ang napili naming pain dahil sa bukod siya ang pakay ni Epiales. Sa lahat ng Lucid Dreamers, si Trisha lang ang pinakamalapit sa puso ni Atlas  kaya hindi na iyon kailangan pang kumbinsihin at suyuin. Kusa niya iyon ililigtas."

"B-bakit si Atlas?! Puwede namang ako, ha. Ako ang boyfriend ni Trisha. Bakit iba ang kinasabwat niyo?! Tapos hindi niyo man lang sinabi sa akin ang tungkol sa plano niyo na ito. Pinagkaisahan niyo akong lahat. Mga taksil kayo."

"Oh, sandali, huwag ka muna aalis. Haha!" Harang sa akin ni Indigo. "Kaya ka namin hindi sinabihan dahil alam naming kokontra ka sa plano namin."

"Talagang kokontra ako. Mga siraulo kayo."

"Mas siraulo ka, Kuya Moises! Nasisiraan ka na ng bait dahil kay Ate Trisha!" singhal sa akin ni Aire.

"Ikaw! Gusto mo bang bombahin kita nang lumobo ka ulit na pasaway ka." Yinakap ako ni Indigo para hindi ko malapitan ang pasaway na si Aire. Binelatan pa ako nito bago ito humahagikgik na lumipad patungo kila Julian.

"Siraulo ka daw pala, Moises," tumatawang ani Harbor.  Sumunod na rin ito kay Aire.

"Talagang ako'y-- bitawan mo ko, Indigo! Humanda talaga kayo sa aking lahat! "

----

KANINA ko pa tinitigan ang bolang kristal na nakapatong sa lamesa. Nagbabakasakali akong mapaangat at mamanipula ko iyon palapit sa akin pero wala namang nangyayari. Assuming lang ako sa part na mayroon akong kapangyarihan na magpagalaw ng bagay. Akala ko kasi isa iyon sa undiscovered ability ko.

Napabuntong-hininga na lang ako at yumuko para tignan ang umiilaw-ilaw na nakatali sa akin. Kung lubid lang sana ito. Kaya ko itong gawan ng paraan.

"Sorry, Ate Trinity," aniko sa aking sarili.

"Yihaaa!" dinig kong sambit ng kung sino at mula sa nakabukas na bintana ay may pumasok na ibon. Dumapo ito sa kanang balikat ko. "Trisha, ako ito si Raven. Huwag ka mag-alala. Ililigtas ka namin ni Atlas. Sa ngayon, magtiis ka muna na nang nakatali. Babalik si Epiales dito para tignan ka."

Tumango ako. "Salamat," anang isip ko. Nakahinga na ako nang maluwag at nagkaroon na din ako ng pag-asa. "Raven, nadidinig mo ba ako?"

"Oo, nadidinig kita kahit hindi ka magsalita. Bakit?"

"Nakikita mo ba ang bolang kristal na iyon?" Sinikap kong inangat ang mga paa ko sa direksyon kung saan nakapatong ang bolang kristal. "Kuhanin mo iyon at ihagis mo sa labas ng bintana. Nakakulong doon ang kaluluwa ni Trinity."

"Talaga?" Umalis sa pagkakadapo si Raven sa aking balikat at lumipat sa harapan ko. "Totoo ba iyang sinasabi mo?"

"Oo, nakausap ko si Trinity kanina."

Hindi na ito nag-aksaya pa ng panahon. Lumapit agad ito sa kinaroroonan ng bolang kristal. Mula sa pagiging parrot ay bumalik ito sa orihinal niyang wangis. Hinawakan agad niya ang bolang kristal at dali dali siyang nagtungo sa tabing bintana.

Ihahagis niya sana iyon palabas ng bintana pero may biglang nagbukas ng pinto.

----
Moving Closer 49
(November 11,2024)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro