Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Moving Closer 48

"Nandito ka lang pala," anang tumabi sa akin na si Harvey sa kinauupuan kong bench nitong garden ng Mansion. "Pasensya na pala sa mga inasal ko nung nakaraan. Kinausap kasi ako nila Indigo---"

"Alam ko," putol ko sa kung ano man ang sasabihin niya. Walang emosyon ko siyang tinapunan ng tingin. "Alam kong pinagtitripan mo lang ako para pagselosin si Moises pero mali kayo, wala siyang gusto sa akin. Ako ang may gusto sa kaniya."

Bakas sa mukha nito ang pagkamangha sa sinabi ko, saka ito ngumiti nang pagkalaki-laki at kapagkuwan ay tumayo nang makita niya si John Moises Sixto na seryosong seryoso ang pagmumukha patungo sa kinaroroonan namin. Kulang na lang ay patayin nito sa tingin si Harvey. "Makaalis na nga, baka sumakit na naman ang mata ni Moises. Haha!"

Nagtatakbo si Harvey papasok ng Mansion huwag lang maabutan ng papalapit na si Moises.

"Na-late lang ako sandali ng gising, nakikipag-usap ka na sa Harvey na 'yon," panimulang sermon ni Moises. Pumuwesto ito ng upo sa tabi ko.

"Ano naman ang masama kung mag-usap kami? Bakit mo ako pinapalayo sa tao, nakikipagkaibigan lang naman siya."

Napabuga ito sa kawalan at saka nito hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Wala lang ba ibig sabihin sa'yo ang--" ngumuso ito. "-- na iyon, ha."

Agad kong inalis ang mga kamay nito sa pisngi ko. "T-t-tumigil ka nga diyan. H-huwag mo na ipaalala pa 'yong nangyari kagabi. Magnanakaw ng kiss. Tsk."

"Argh! Pambihira ka naman, Trisha! Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin ako gets. First kiss ko din iyon, 'no! Tapos ganiyan lang ang sasabihin mo. Sinabi ko pa naman sa mga step-brother ko na girlfriend na kita. Tapos ganiyan madidinig ko sa'yo at kung sino sino pa pinagkakausap mo!" Napabuga ulit sa kawalan sa sobrang inis. "Hindi talaga ako makapaniwala sa pagka-nonchalant mo!"

"A-ano?! S-sinabi m-mo k-kila I-indigo na m-magkarelasyon t-tayo?!" nandudumilat kong tanong.

"Oo! Para panagutan ang paghalik ko sa'yo. At matagal na matagal na matagal na matagal na matagal ko ng gustong gawin iyon kasi gusto kita, Trisha. Hindi ako tanga para magsakripisyo sa wala. Aish!" Inis itong tumayo at lumipad palayo sa akin.

Naiwan naman akong nakanganga at namimilog ang mga mata habang pinagmamasdan ko si Moises na lumilipad palayo.

"G-gusto niya din ako? T-talaga ba?" aniko sa aking sarili. Tinampal-tampal ko ang pisngi ko sa pag-aakalang nanaginip lang ako pero hindi. Totoo talaga ito.

At mas nakumpirma kong totoo nga ito nang may tumamang bola ng pingpong sa balikat ko. Hinanap ko agad ang may-ari no'n. Nakita ko ang isang batang babae na nakasilip sa pagitan ng gate. Kahit hindi ito magsalita ay alam kong nagmamakaawa siya na ibigay ko pabalik sa kaniya ang bola.

Tumayo agad ako sa kinauupuan ko at pinulot iyon. Humakbang ako patungo sa gate pero bago ko iyon maingat na buksan ay tumingin-tingin muna ako sa paligid at baka may makakita sa akin na lalabas ako sandali para ibigay itong bola.

Dahan-dahan kong inawang ang gate. Inabot ko sa bata ang bola ng pingpong at agad naman nitong hinawakan ang kamay ko. "Salamat po, Ate. Hihi!"

Tango lang ang itinugon ko dito at pasimple kong binawi ang kamay kong hawak nito pero hindi nito iyon binitawan bagkus ay hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa kamay ko. At bigla na lang napalibutan ng itim na usok ang batang babae at unti-unti itong naging si Epiales

"Epiales!" nandudumilat kong sambit.

Hinila ako nito palabas ng gate pero may kung sinong humawak sa isa kong kamay para hindi ako tuluyang makalabas. Nilingon ko ito, si Julian.

"Trisha!" dinig kong sigaw nina Ate Tia, Deejay at Elise. Nagtatakbo ang mga ito patungo sa amin at nakitulong sa paghila sa akin pabalik sa loob ng sagradong Mansion.

"Epiales, bitawan mo ang kapatid ko!" matapang na bulalas ni Julian.

"Deejay, tawagin mo sila Daddy! Kung sino man ang makita mo sa magkakapatid. Bilis!" dinig kong utos dito ni Ate Tia.

"Tulong-tulungan niyo kami!" dinig kong sigaw ni Deejay.

Pinilit kong ikinalma ang sarili ko kahit na takot na takot na ako. 'Tsaka ko mahigpit din na hinawakan ang kamay ni Epiales at tinignan ko ito ng masama. Maya-maya pa ay umusok ang mga kamay namin. Ngumisi si Epiales at ubod lakas ako nitong hinila palabas ng sagradong Mansion dahilan para mabitawan ako nila Julian.

"Trisha!" Dinig ko pang sigaw nila Julian bago sila mawalang lahat sa paningin ko at sa isang iglap ay napunta ako sa loob ng isang kuwarto. Kasama ang nakayakap sa akin na si Epiales.

Nagpumiglas ako at pilit na kumawala sa mga bisig nito."Bitawan mo ako! Ibalik mo ako kila Daddy!"

"Hinding-hindi na iyon mangyayari pa, Trisha. Tanggapin mo na lang ang nakatadhanang mangyari sa'yo," nakangising sambit ni Epiales.

Akma pa nitong hahawakan ang pisngi ko pero inagapan ko agad ito ng kamay ko at walang emosyon ko siyang tinignan. "Hindi ikaw ang diyos ko para maniwala sa tadhanang sinasabi mo. Ang diyos ko, mabuti at mapagpatawad. Hindi katulad mong mas masahol pa sa demonyo."

"Manang-mana ka talaga kay Miles." Itinulak ako nito paupo sa biglang sulpot na pulang upuan. At sa isang iglap ay nakatali na ang katawan ko sa upuan pati ang mga kamay at paa ko. Nakabusal rin ang bibig ko. "Tignan natin kung makita ka pa ni Gener. Ngayon nila gawin ang plano nilang pagkulong sa akin dito sa teritoryo ko."

Humalakhak ito nang humalakhak hanggang sa unti-unti itong naglaho sa aking harapan.

Tinignan ko ang buong kuwartong kinaroroonan ko. Mula sa mga nakasabit na mga palamuti, sa ayos ng mga muwebles at sa nag-iisang portrait ng masayang pamilya namin nila  na nakapuwesto sa harapan ko. Walang nagbago dito. Nawala lang ang mga nakasabit kong mga Dreamcatcher.

Ibig sabihin ba nito, narito ako ngayon sa  dati kong kuwarto. Narito ako sa dati naming bahay. Kung ganoon, paano ito naging teritoryo ni Epiales?

"Trisha..." dinig kong bulong ni Ate Trinity.

Kahit papaano ay nagkaroon ako nang pag-asa nang marinig ko ang boses niya.

"Ate Trinity, nadidinig mo ba ako?" tanong ko sa pamamagitan ng aking isip.

"Oo, nadidinig ko ang sinasabi ng isip mo. Huwag ka matakot. Tutulungan kitang makaalis dito."

"Paano?"

"Nakikita mo ba ang nakapatong na bolang kristal na iyon?" Agad ko naman iyon nakita na nakapatong sa kalapit kong table. Tumango-tango ako. "Diyaan nakakulong ang kaluluwa ko. Ihagis mo iyon sa labas ng bintana para makalaya na ako at makabalik sa katawang lupa ko. Pagkagising ko, sasabihin ko sa kanila kung saan eksakto kang lugar naroroon."

"P-pero paano ko magagawa iyon kung nakatali ako ng ganito."

"Naniniwala ako sa'yo, Trisha. Kaya mong gawin iyon. Kumilos ka na ngayon din habang naghahanda si Epiales sa kasal niyo mamayang gabi."

Nandumilat ako sa sinabing iyon ni Ate Trinity. Hindi. Hindi puwede mangyari iyon.

"Tulungan mo ako, John Moises Sixto..."

----
Moving Closer 48
(November 09,2024)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro