Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Moving Closer 47

"G-goodnight," sabay naming sambit ni Moises sa isa't isa at saka ito mabilis na umalis sa tapat ng tinutuluyan naming kuwarto nila Ate Tia. Pumasok din naman agad ako sa loob.

"Aha! Saan kayo galing ni Sixto, ha? May relasyon kayong dalawa, 'no. Umamin ka sa akin," bungad sa akin ni Jodie. Mabuti na lang tulog na tulog na sina Ate Tia at Elise.

"W-w-wala."

Humakbang agad ako patungo  sa CR para ikalma ang sarili ko. Pero tuwing naaalala ko ang tagpong iyon, nagwawala ang puso ko. Hindi ko naman kasi in-expect na bigla na lang niya gagawin iyon. At ako naman itong marupok kesyo may gusto ako sa kaniya pumayag naman ako.

"Tsk! Nakakainis ka rin talaga, Trisha. Dinagdagan mo na naman ang nakakahiyang ginawa mo," sermon ko sa aking sarili.

"Trisha..." Biglang pasok ni Jodie sa CR. Hindi ko pala ito na-lock. "Hindi na kita aasarin. Kaya kita hinihintay may ipapakita kasi akong trending ngayon sa buong bansa."

Ipinakita nito sa akin isang video na nakuhanan ng live ng isang netizen. Ang pag-ulan ng sticky notes na mayroong nakasulat na 'P*t*ng*naaaaaaa with heart emoji at ang iba ay puro heart lang na Emoji ang nakasulat.

Diyos ko po! Malaking problema ito.

Lumabas agad ako ng CR at dumiretso palabas ng room namin. Naabutan ko sa labas nito si Indigo na kamot nang kamot sa ulo habang pinagmamasdan ang buong hallway na punong-puno ng sticky notes habang nakatutok sa tenga niya ang kaniyang cellphone.

"Kuya Red, nandito na sa loob ng Mansion si Moises."

"Huwag niyo na lang muna siya palalabasin. Dating gawi," dinig kong sabi ni Doc Red mula sa kabilang linya.

"Ibig sabihin, hindi ito ang unang beses na nagkalat ng ganito si Moises," bulong ko.

"Oo, Trisha," sagot ni Indigo. Nadinig pa niya iyon. Hindi na niya kausap si Doc Red. Nakapamewang itong nakatingin sa nagkalat sa buong hallway. "Dati, dito lang siya sa mansion nagkakalat. Pero ngayon, sa buong bansa na. Mabuti, hindi siya nahagip ng mga camera sa dami nang kumuha ng video sa nangyari."

"Kuya Indigo!" Humahangos sina Raven, Harbor at Aire palapit sa kinaroroonan namin. "Ano na gagawin natin kay Moises? Hindi matigil ang paglabas ng sticky notes sa kaniya. Mapupuno na niya ang kuwarto niya ng sticky notes!"

"Ikaw ang may kasalanan nito, Ate Trisha!" Turo sa akin ni Aire.

"Ako? Bakit ako?" kunot-noong tanong ko. Kahit na totoo naman ang sinabi niya. "P-paano naman mapapatigil iyang si Moises."

"Kailangan namin siyang kausapin at ilabas kung ano man ang nasa sa loob niya na hindi maisaboses sa sobrang taas ng emosyon niya."

"Ano! Ibig sabihin kailangan niya ikuwento sa inyo kung ano man ang nangyari?!" Sabay-sabay silang tumango. "H-hindi, hindi puwede."

"At bakit hindi puwede?" nakangising tanong ni Indigo.

"Basta, hindi puwede," aniko.

"Base sa mga nakasulat sa sticky notes. Kinikilig si Moises," nakangising ani Harbor habang isa isang binabasa ang pinulot niyang sticky notes. "Goodnight. Sweet dreams. See you on Dreamland. Hope to see you again in ---"

Hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi ni Harbor. Pumasok na agad ako sa loob ng kuwarto namin at in-locked ito. Pumuwesto na agad ako ng higa sa tabi ni Jodie at nagtalukbong ng kumot sa sobrang hiya.

"Trisha, may alam ka ba sa naudlot na gawing plano nila Indigo. Nadinig ko kasi kanina na pinigilan daw sila ng Daddy mo kaya hindi nila nagawa iyon pero itutuloy daw nila iyon next week. Dito daw nila sa reality lulusubin ang kuta ni Epiales."

Nag-alis agad ako ng talukbong at hinarap ko si Jodie. "May kuta dito sa reality si Epiales?"

"Oo, ang bahay niyo raw kung saan nakatira ang Mommy Lucresia mo. May lagusan daw doon patungong teritoryo ni Epiales. Ang nadinig ko pa, Mommy mo daw ang nakapagbukas no'n kaya malayang nakakapunta dito sa reality ang Epiales na 'yon. Ang kailangan daw nilang gawin, kausapin ka para ikaw ang magsara ng lagusan dahil ikaw ang pakay ng Epiales na iyon at ikaw rin ang bunsong babaeng anak ni Tita Miles."

"Ano pa ang nadinig mo?"

"Kailangan niyo rin ni Moises na magkaroon ng matibay na relasyon dito sa reality para maprotektahan ka niya."

"Ha? Paano?"

"Kung gusto mo siya kailangan magustuhan ka rin niya at magkaroon kayo ng label na girlfriend o boyfriend. Or mas mainam para fully secured ka, magpakasal kayo."

"A-ano?!"

"Oo, iyan nga din ang pinag-uusapan kanina nina Tita Miles, Tito Gener, Julian, Ate Tia at Deejay. Kakausapin nga nila si Moises tungkol diyan kasi---"

Humarap ako kay Jodie. "Kasi?"

"Iyon ang hindi ko gaanong nadinig dahil sinita ako ni Baby Aire sa pagiging Marites ko," humahagikgik na sambit nito.

"Mabuti, hindi ka na takot kay Aire. Mabuti, hindi mo na siya tinatakbuhan at sinasabihang tiyanak."

"Hindi na. Medyo nasasanay na ako sa kanila. 'Tsaka ang cute naman kasi ni Aire, lalo na ni Indigo."

"Para kailan lang takot na takot ka at sinasabi mong may lahi silang impakto tapos biglang--"

"Ano ka ba, Trisha. Mas nangibabaw ang pagka-crush ko sa kaniya. Sa paningin ko, siya ang pinakaguwapong impakto sa kanilang magkakapatid."

Natawa ako. "Hindi sila impakto. Prinsipe sila ng Dreamland."

"Basta, kahit impakto pa siya at anak ng maligno. Hinding-hindi magbabago ang pagka-crush ko sa kaniya. Habangbuhay ko siyang gugustuhin and of course susundan sa kahit na saan. Kaya ikaw, Trisha, kapag dumating ang oras na kausapin ka ni Moises tungkol sa girlfriend-boyfriend thingy. Grab the opportunity na agad."

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko at dahan-dahan akong bumalik sa pagkakatalukbong ng kumot.

"Kung darating man ang oras talaga na iyon. Hindi ko tatanggapin ang opportunity na iyon dahil mas gugustuhin ko na umamin siyang gusto niya rin ako kasi gusto niya talaga ako maging girlfriend. Hindi iyong napilitan lang siya dahil sa pakiusap ng iba. Pero---" Naalala ko muli ang tagpong hinalikan niya ako kanina sa harapan ng bilog na buwan.

"Pero ano, Trisha?"

"P-pero sa ngayon, matulog na tayo. Goodnight."

"Sus! Gusto mo lang ulit makita at makasama si Moises, eh. Kung ako ikaw Trisha, hindi ako papayag ng sa Dreamland lang kami close ng taong gusto ko. Lumabas ka na sa comfort zone mo. Make a move, Trisha. Wala namang masama mag-first move, eh. Ikaw din, baka magsisi ka."

----
Moving Closer 47
November 08,2024

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro