Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Moving Closer 46

"Indigo!" tawag ko dito. Huminto naman ito sa paghakbang paakyat ng hagdan maski na din ang kasabay nitong sina Harbor at Raven. Walang emosyon akong lumapit sa kanila. "Bakit ngayon lang kayo? Saan kayo galing?"

"Hatinggabi na, ha. Hindi ka pa natutulog," pag-iiba ng usapan ni Indigo.

Hindi talaga ako matulog dahil sa kalokohan nilang planong magkakapatid. Ang lakas ng toyo ng nakaisip ng plano na iyon.

"Sino ang nakaisip sa inyong magkakapatid na ialay si Mommy Lucresia kay Epiales?" seryosong tanong ko.

Nagturu-turuan silang tatlo hanggang sa itinuro nila ang nasa likuran ko. "Siya na lang ang kausapin mo. Bye!" tumatawang ani Indigo at saka sila naglaho na parang bula.

"Indigo, bumalik ka dito. Ikaw ang gusto kong sumagot ng tanong ko," inis kong sambit.

"Bakit ba mukang ang init ng ulo mo? Hanggang ngayon ba, nagseselos ka pa rin?" anang nasa likuran ko na si Moises.

"Hindi ako nagseselos. At bakit naman ako magseselos?"

"Dahil gusto mo ako." Halos malaglag ang panga ko sa sinabing iyon ni Moises.

"A-a-assumero," aniko rito sabay hakbang ko paakyat ng hagdan pero bigla na lang ito sumulpot sa harapan ko dahilan para mapahinto ako sa paghakbang at buti na lang ay napakapit ako sa mga braso niya. Ipinulupot din nito ang malayang braso niya sa bewang ko para hindi ako tuluyang pulutin sa ibaba.

Animong nag-slow-mo ang lahat nang magkatinginan at magkalapit ang mukha namin ni Moises.

"Hanggang kailan mo ba ako iiwasan dito sa reality?" seryosong tanong nito habang nakatitig sa mga mata ko.

"H-hindi kita iniiwasan. Hindi lang talaga tayo nagkakausap or nagkakasama dito sa reality." Sa totoo niyan, gusto ko mapalapit pa sa'yo, hindi lang sa Dreamland, dito rin sa reality. Pero sobra akong nahihiya at natataranta 'pag nasa paligid na kita.

Unti-unti itong ngumiti. "E'di umamin ka rin na gusto mo talaga ako," dinig kong sabi ng utak ni Moises.

Umiwas ako ng tingin kay Moises. "Puwede bang bitawan mo na ako. Baka kung sino pa makakita sa atin dito, isipin pa nila na may relasyon tayo."

Natawa si Moises at sa isang iglap ay nagbago ang paligid. Nasa rooftop na kami ng isang establisimyento nang ganito pa rin ang ayos.

"Ayan, wala nang makakakita sa atin dito."

"N-nasisiraan ka na ba talaga?!" nandudumilat kong bulalas dito. Tinampal-tampal ko ang braso nitong nakapulupot sa bewang ko. "Bitaw. Bitaw. Bitaw."

"Ayoko nga." Natigil ako sa pagtampal ko sa braso nito. Sinamaan ko ito ng tingin na siyang ikinatawa nito nang wagas. "Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo inaamin sa akin na gusto-mo-ako."

"Kung ganoon." Hinawakan ko ang ulo nito. "Aray!" Mabilis pa sa alas-kuwatrong binitawan ako nito at nandudumilat ako nitong tinignan habang hawak niya ang ulo niya.

"Ano yun? Bakit sobrang init ng kamay mo?"

"Hindi lang ganiyan ang matitikman mo 'pag inulit mo pa iyon." Natingin ako sa mga palad ko. Bakit nga ganoon ang epekto kay Moises dahil ba sa anak siya ni Epiales? Or nag-malfunction ang ability ko?

"Sandali, ibig ba sabihin niyan. Nagising na ang mga abilidad mo?" Natawa si Moises at pumalakpak nang pumalakpak. "Kung ganoon nga, bakit ka pa itatago ng magulang mo kay Lucresia? Kung tutuusin kayang-kaya mo siya labanan. Maning-mani lang sa'yo 'yon. Iyon nga lang mukang hindi mo pa masyadong kontrolado. Willing naman akong i-train ka for free. Basta, ipagtapat mo lang sa akin na gusto mo ako."

"Maisingit mo lang talaga, 'no," natatawa kong sambit.

"Ayan, ganiyan, ngingiti ka. Hindi yung lagi kang nakasimangot. Hindi mo lang ako masilayan, eh, sisimangot ka na diyan."

"Tumigil ka na nga. Nakakainis ka na,ha."

"Huwag ka mag-alala. Your wish is my command, ako na mismo ang lalapit sa'yo para mawala ang pagkataranta at hiya mo sa tuwing nasa paligid mo ako."

"S-sino naman ang may sabi na gusto ko mapalapit sa'yo? Tsk. Diyan ka na nga." Tinalikuran ko na siya.

"Nadinig ko ang sabi ng utak mo kanina." Halos manigas ako sa kinatatayuan ko. "Ang sabi mo pa noon. Ang guwapo ko. Mala-greek god ang kagwapuhan ko tuwing nakahubad. Na ang cute ko. Na--"

"Tumigil ka na, Moises!" inis na inis kong bulalas. "Ayoko na pag-usapan ang tungkol diyan."

"Oh, bakit nahihiya ka na malaman mo ang mga nadidinig kong pinagsasabi ng utak, puso at bibig mo? Tapos, itatanggi mo pa ngayon na gusto mo ako."

"Haist, bahala ka nga diyan!" Inis na inis akong nagtatakbo palapit sa barrier at walang gatol gatol na lumundag ako dito.

"Trisha!" dinig kong sigaw ni Moises.

Nandumilat ako nang ma-realize kong nasa reality pala ako, wala ako sa Dreamland. "Ahhh! Ayoko pa mamatayyy!" sigaw ko na umalingawngaw sa buong paligid.

Diyos ko! Sana sa paglagapak ko, huwag sumabog ang utak ko. Diyos ko po! Sana paghampas ko sa lupa, mag-bounce lang ako pabalik sa itaas. Ayoko mabalita sa lahat ng social media. At ayoko masisi nila Daddy si Moises sa nangyari sa akin.

"Ahhh!" impit na sigaw ko nang malapit na akong lumagapak sa lupa. Pumikit na lang ako at tinanggap ang kung ano mang sasapitin ko.

"Ay, na-fall," ani Moises at naramdaman ko na lang na sinapo ako nito. Unti-unti kong idinalat ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang nag-aalalang pagmumukha ni Moises. Niyakap ko agad ito sa sobrang takot. Damang-dama ko ang napakabilis na pintig ng puso nito. "Ano ba kasi ang naisipan mo at tumalon ka, wala tayo sa Dreamland, nasa reality tayo, Trisha. Tsk! Huwag mo na uulitin iyon."

Hindi na ako kumibo pa dahil tama naman ang sinabi niya. Ngayon ko, mas nakita ang disadvantage ng paglu-lucid dream para sa mga ordinaryong tao dito sa reality.

"Mukang enjoy na enjoy ka sa pagyakap sa akin, ha. Kawawa naman si Trisha, sobrang natakot."

Automatikong humiwalay ako dito pero agad din akong yumakap kaagad nang makita kong nakalutang pa kami sa ere pabalik sa rooftop ng establisimyento. Pero hindi, lumagpas pa kami sa rooftop.

"S-saan mo ako dadalhin? Ihuhulog mo ba ako mula sa pinakamataas."

"Puwede din. Tapos sasaluhin ulit kita."

"Abnoy ka talaga," singhal ko dito.

"Haha! Ipapakita ko lang sa'yo nang malapitan ang buwan. Full moon pa naman ngayon."

"Huwag na. Kuntento na ako matanaw ang buwan nang nakatapak sa lupa."

"Ako, hindi na ako kuntento sa patanaw-tanaw lang. Gusto ko na siyang lapitan-- abutin."

Tinignan ko si Moises, na hindi ko na sana ginawa dahil sinalubong niya ang mga mata ko. Sobrang nakakalunod ang mga tingin niya. Napakagwapo ng mata. Hinayaan ko na lang ang unti-unting paglapit ng mukha nito sa mukha ko hanggang sa tuluyan nang lumapat ang malalambot nitong labi sa labi ko.

----
Moving Closer 46
(November 07,2024)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro