Moving Closer 45
"Where are you my beloved daughter? Bakit wala ka dito sa bahay? Sabihin mo sa akin kung nasaan ka susunduin kita. Madami akong pasalubong para sa'yo," masayang sambit ni Mommy Lucresia mula sa kabilang linya.
Hindi ko alam ang isasagot ko kaya tumingin ako kay Julian. Sumenyas ito sa akin nang 'wait lang' at maingat itong lumabas ng kuwartong kinaroroonan ko.
"Kasama mo ba ang daddy mo? Nasaan kayo? O namasyal kayo ni Jodie?" tanong pa nito.
Medyo nakahinga na ako nang maluwag ng dumating na si Julian, kasama nito si Daddy. Kinuha agad ni Daddy sa akin ang cellphone ko at siya ang nakipag-usap dito.
"Hindi ko kasama si Trisha," malamig na sagot dito ni Daddy.
"Sino ang kasama mo? Ang asawa mo? Balita ko gising na siya. Sayang, hindi ko siya naabutan sa hospital na pinaglipatan mo sa kaniya. Kung naabutan ko siya, tutuluyan ko na siyang patayin."
Napakapit ako sa braso ni Julian dahilan para mapaupo ito sa gilid ko.
"Ikaw, ang uunahin kong patayin," matigas na sambit ni Daddy.
Tumawa ng akala mong demonyo si Mommy Lucresia at saka ito parang baliw na umiyak. "Nasaan ang anak ko. Ilabas mo si Trisha."
"Nasisiraan ka na talaga ng bait, Lucresia. Kung gusto mo pa mabuhay sa mundong ito. Huwag na huwag mong lalapitan ang anak ko."
Pinatay na ni Daddy ang tawag at ipinamulsa ang cellphone ko. Humakbang ito palabas ng kuwartong kinaroroonan namin.
"Aray," biglang daing ni Julian sabay takip sa dalawa niyang tenga. Halos mapahiga at magsisigaw na ito sa sobrang sakit na nararamdaman niya.
"J-julian, bakit? Anong nangyayari sa'yo?" kalmado kong tanong, kahit sobra na ang kabog ng puso ko sa sobrang kaba at pag-aalala sa nangyayari sa kaniya.
Hinawakan ko ang ulo ni Julian and out of nowhere ay may nadinig akong mga boses na nagmumula sa kung saan. Humihingi sila ng tulong, may mga pumapalahaw ng iyak, sumisigaw at tumatawa na lang sa sobrang hirap at sakit na nararamdaman.
Maya-maya pa ay unti-unti iyon humina hanggang sa nawala at boses naman ng isang babae ang nadinig ko. Tinatawag niya si Julian.
"Phoebe?" sambit ko.
"Sino ka? Bakit mo ako kilala? Bakit ka nakapasok dito?" galit na tanong ni Phoebe.
Nabitaw ako nang wala sa oras sa ulo ni Julian. Maski din si Julian ay nagulat sa nangyari.
"P-paano mo nagawa iyon, Trisha?"
Imbis na sagutin ko ang tanong niya ay tinignan ko ang mga palad ko na unti-unting nagkakaroon ng panibagong linya na hindi ko maintidihan. Ipinagdikit ko ang mga palad ko hanggang sa mabuo ang Dreamcatcher symbol.
Namimilog ang mga mata kong tumingin kay Julian. Maski rin ito ay ganoon ang naging reaksyon habang tinitignan niya ang kaniyang mga palad.
Ito na ba iyon? Ito na ba ang ability namin ni Julian.
-----
"Indigo, lingunin mo ako. Please." Muntik ko nang mailuwa ang kasusubo ko lang na siomai dahil sa napakaharot na utak ni Jodie. Tahimik nga siya pero napakaingay naman ng maharot niyang utak.
Napailing na lang ako at nag-focus sa pag-ubos ng kinakain kong siomai.
"Trisha." Biglang hawak sa magkabilang balikat ko ng kung sino mula sa aking likuran. And out of nowhere ay nakita kong kausap nito si Mommy Lucresia at nagtatakbo ito papunta dito sa cafeteria. Agad kong hinawi ang mga kamay nito sa balikat ko. "Trisha, may naghahanap sa'yo sa labas. Mommy mo raw."
"Sige, salamat," aniko rito sabay lingon sa kaklase kong ito. Mukang nainis siya sa ginawa kong paghawi ko ng mga kamay niya. "Pasensya na." Hindi ko pa makontrol ang ability ko na hindi ko malaman kung ano ba talaga. Napakagulo. Walang pinagkaiba sa panghihimasok ko sa panaginip ng iba kapag nasa Dreamland ako.
"Ay, bakit ka humihingi ng pasensya?" gulat pang tanong ng kaklase ko. Nawala na ang inis na awra nito at napalitan ng confusion at takot na baka nahalata kong nainis siya sa ginawa niyang paghawak sa balikat ko.
"Hoy, ikaw, chansing ka, ha," sita dito ni Jodie dahilan para mapatingin sa gawi namin si Indigo. Automatikong dumapo ang aking paningin sa katabi nitong si John Moises Sixto na masama ang tingin sa kaklase ko. Agad ko iniwas dito ang tingin ko nang inilipat niya sa akin ang tingin niya.
Napayuko na lang ako dahil sa naalala ko na naman ang nagawa kong kahihiyan.
"H-hindi, ha," tanggi ng kaklase kong lalaki at nagmamadali itong umalis ng cafeteria.
"Hindi daw. Tsk," irap ni Jodie. "Puwede namang magsabi nang hindi nanghahawak. Tsk. Style niya bulok."
"Tama na. Huwag mo na siya awayin. Okay na. Puwede bang mag-behave ka na lang please.." bulong ko dito.
Sinilip nito ang mukha kong halos matakpan na ng buhok ko at magkapalit na kami ng itsura ng pagkain ko.
"Trisha, bakit bigla kang naging sadako diyan. May pinagtataguan ka 'no."
"Wala, tinitignan ko lang kung anong karne ang ginamit dito sa siomai," palusot ko.
"Hala siya. Pork siomai nga in-order mo, 'di ba. E'di pork iyan. Grabe ang level ng trust issues, ha."
Hindi ko na inintindi pa ang ibang pinagsasabi ni Jodie dahil sa biglang pagtunog ng cellphone kong nakapatong sa gilid ng pagkain ko. Nag-flash doon ang pangalan ni 'Mommy Lucresia'.
Sasagutin ko sana iyon pero may dumampot ng cellphone ko at ipinamulsa iyon. Nag-angat agad ako ng tingin para alamin kung sino ito.
"D-dad--"
"Pack all your things. Uuwi na tayo," putol nito sa kung ano man ang sasabihin ko.
"Po? May class pa po ako."
"Kinausap ko na ang lahat ng professors mo. From now on online class ka muna."
Wala naman akong nagawa kundi tignan na lang si Jodie na mukang nagulat din sa biglang paglitaw ni Daddy. Tinignan ko rin si Indigo, wala na sila sa kinapupuwestuhan nila pero nahagip sila nang mga mata ko na nagmamadaling lumabas ng cafeteria.
Saan naman kaya sila pupunta?
----
"
"Ang aga mo naman 'ata umuwi," anang kararating lang na si Elise.
Ibinaba muna nito ang mga gamit niya at umupo sa tabi ko. Muli na naman akong napabuntong hininga sa setup ko ngayon.
"Online class lang muna ako," malungkot kong sagot. "Bawal din akong lumabas muna nitong Mansion dahil kay Mommy Lucresia. Pero okay lang, alam ko namang pinoprotektahan lang ako nila Daddy."
"Nakakalungkot naman pala ang sitwasyon mo." Hinagod nito nang paulit-ulit ang likod ko.
Hanggang sa mabaling ang paningin namin sa nagbukas ng pinto. Iniluwa no'n ang nagmamadaling sina Ate Tia, Julian at Deejay. Isinarado din agad ng huling pumasok ang pinto pagkapasok nila at lumapit sa amin ni Elise.
"Hindi ko gusto ang pagkulong nila Daddy sa'yo dito, Trisha," inis na sambit ni Julian.
"Ako rin," sang-ayon dito ni Deejay. "Hindi sa nanggagaya ako. Ako, bilang poging pinsan mo, Trisha, hindi ko talaga gusto ang gustong mangyari nila Tito Gener."
"Sa pagkakataong ito, sasalungat ako sa utos nila Daddy. Para hindi na matuloy ang plano ng mga prinsipe. Unahan na natin sila," seryosong ani Ate Tia.
"Anong ibig mong sabihin, Ate Tia?" tanong ni Elise.
"Ayokong gawin ito pero--- wala nang pinagkaiba si Lucresia kay Epiales. Para mapakawalan natin tuluyan si Trinity sa Dreamland. Kailangan natin mauto si Lucresia at madala natin siya sa teritoryo ni Epiales. Siya ang gagawin nating kapalit ni Trinity at saka natin isasarado ang lagusan para hindi na makalabas si Epiales ng teritoryo niya."
Napanganga na lang kaming lahat sa sinabing iyon ni Ate Tia.
"W-what the f*ck, Ate Tia!" bulalas ni Deejay.
----
Moving Closer 45
(November 06,2024)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro