Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Moving Closer 44

*Dreamland*

Ang himatay-himatayan acting ko nauwi sa diretsong pagtulog.

Natampal ko na lang ulit ang noo ko sa sobrang inis sa aking sarili. Ano ba naman kasi ang sumapi sa akin at bigla na lang ako nagtatakbo para pagtaguan si Moises. Nakakainis naman kasi ang mga pinagsasabi ni Harbor tungkol sa feelings ko at sa tore. Tsk! Nakakahiya talaga iyon. Hindi ko alam kung anong mukha pa ang ihaharap ko kay Moises.

"Puwede bang maging invisible muna ako kahit isang beses lang dito sa Dreamland," bulong ko sa aking sarili. Mula sa kinauupuan kong bench ay nagtungo sa nagtitinda ng pop corn. Inisip kong magkaroon ako ng 100 pesos sa aking bulsa. Nagkaroon naman iyon at inabot ko agad sa tindera. "Pabili nga po, cheese flavor."

Hindi ako pinansin ng tinderang walang mukha. Abala ito sa ginagawa niyang paglilinis ng table niya.

"Ale, pabili nga po ng--- ayy!" Naibulalas ko na lang nang tumagos sa akin ang babaeng malinaw ang mukha na kulay pink ang buhok. Si Michie. Sinubukan ko itong hawakan pero tumagos lang ang kamay ko sa kaniya. "Woah! Naging Invisible nga ako! Woah! Ang galing!"

"Michie..." Nilingon ko ang tumawag dito. Si Moises na may hawak na dalawang cotton candy. Hindi naman niya ako nakikita kaya hindi ko na siya pagtataguan o tatakbuhan. "Bakit dito ako dinala? Nandito ba siya?"

Namilog ang mga mata ko at animong napako ang mga paa ko sa lupa. Nakalimutan kong magkakonekta pala ang mga Dreamcatcher bracelet namin. Kung nasaan man ako at kahit naka invisible mode pa ako. Hinding-hindi ko siya mapagtataguan.

"Malamang, nandito lang siya sa carnival. Nandiyan lang 'yon. Baka namamasyal. Bigyan mo na lang muna ng me time si Trisha. Patahimikin mo muna ang tao kahit isang araw lang."

"Gusto ko lang naman malaman kung okay lang siya. Bigla na lang kasi siya nawalan ng malay kanina. Malay ko ba kung may humahabol pala sa kaniyang kampon ni Epal. Buti nga sa akin siya nagtago."

"At kung sa iba siya  nagtago sasakit na naman ang mata mo?" tumatawang ani Michie. Kinuha na nito ang binili niyang pop corn at sumunod sa kaniya si Moises patungo sa isang bench. Umupo sila doon.

"Miss, anong flavor?" tanong ng tinderang walang mukha. Lumingon-lingon ako sa paligid pero ako lang ang tao dito. "Ikaw nga. Anong flavor sa'yo?"

"A-ale, nakikita mo ako?"

"Malamang. Tatanungin ba kita kung hindi kita nakikita?"

"Hala! Bakit nawalan agad ng bisa ang pagiging invisible mode ko," bulong ko sa aking sarili.

"Ehemmm." Nag-aalangan kong nilingon ang tumikhim. Si Moises. Wala na. Nakita na niya ako. Tsk! Bakit naman kasi ang bilis mawala ng bisa ng pagiging invisible ko. "Pinagtataguan mo ba ko?"

"Ha?! Hindi, ha!" Hinarap ko ulit ang tinderang walang mukha. "Dalawang pop corn po. Cheese flavor po." Inabot ko agad dito ang  one hundred pesos na bayad ko.

"Talaga lang, ha. Nung nakita mo akong patawid nagtatakbo ka papuntang parking lot."

"H-hindi! Mali ka. Hindi nga kita nakita kanina. M-may kaklase akong nakita kanina. Kinukulit kasi niya akong sumama sa kanila pero may lakad ako. Sila pinagtataguan ko, hindi ikaw." Nakagat ko na lang ang labi ko. Sorry sa kasinungalingan ko.

"Okay, sabi mo, eh," tumatawang anito. "Eh, paano mo naman ipapaliwanag ang pagiging invisible mo kanina." Sinilip nito ang mukha ko para tignan ang reaksyon ko. Nanatili akong kalmado kahit na nangangatog na ang mga tuhod ko sa sobrang kaba.

"B-bakit? Masama bang maging invisible dito sa Dreamland? Naglalaro ako mag-isa ko. Ini-explore ko pa ang mga kaya kong gawin." Kinuha ko na ang inaabot ng tindera na pop corn. " Bumalik ka na nga doon kay Michie. Tsk. Diyan na kayo."

"Nagseselos ka ba?"

Walang emosyon kong tinignan si Moises. Nakakainis at mukang tuwang-tuwa pa siya sa pang-aasar sa akin. "Hindi. Bakit naman ako magseselos. Bagay nga kayo ni Michie parehas kayong maingay."

"Nagseselos talaga."

"Hindi ako nagseselos. Tsk!" Inis kong tinampal sa tyan nito ang hawak kong isang pop corn at saka ako lumipad palayo sa kaniya. Kahit papaano ay nawala na ang kaba ko at medyo nakahinga na ako nang maluwag nang tuluyan na akong makalayo  sa kaniya.

----

"Nagising na ba siya?" dinig kong tanong ni Julian nang magising ang diwa ko mula sa paglu-lucid dream. Naramdaman ko rin ang pagsusuklay ng buhok ko mula sa aking ulunan.

Mas pinili ko na lang na pumikit kesa dumilat dahil baka nandito si Moises. Sobra pa akong nahihiya sa nangyari kanina.

"Hindi pa. Nahimbing lang ang tulog niya. Hayaan muna natin siya magpahinga,"  sagot ni Mommy-- siya pala ang nagsusuklay ng buhok ko.

"Sigurado ba talaga kayong walang kahit na sino ang humahabol sa kaniya."

"Wala po, Dad," sagot ni Ate Tia.

"Wala rin akong nakitang humahabol sa kaniya na hindi nakikita. Ang malinaw lang na nakita namin sa CCTV ay ang pagtatago niya kay Moises." Nagtawanan sila sa sinabing iyon ni Deejay. "Pero ang pinagtaguan naman niya ay mismong si Moises. Haha! Nagsuot lang ng blue jeans jacket si Moises hindi na niya nakilala. Haha! Epic talaga no'n."

"Napaka-bully mo talaga, Deejay," saway ni Ate Tia.

"Basta, sa susunod, babantayan niyong mabuti si Trisha," bilin ni Daddy.

"Opo, Dad/ Yes, Tito," sabay-sabay na sagot nina Ate Tia, Julian at Deejay.

"Hindi lang si Trisha. Bantayan niyo din ang isa't isa," bilin naman ni Mommy. "Hindi natin alam ang takbo ng utak ni Epiales kaya kung maaari, manatili na lang kayo dito sa bahay kapag wala kayong pasok. At kung maaari sumunod kayo sa mga sinasabi sa inyo nila Indigo."

Sa lahat ng nadinig ko. Dito ako sa sinabi ni Mommy medyo tinamaan. Kung hindi ko sinundan si Indigo malamang hindi ako hahantong sa kakahiyan pero--- mabuti na rin pala na sinundan at kinulit ko siya kundi hindi ko malalaman ang lihim nila Daddy.

"Julian, maiwan ka na lang dito sa kapatid mo. Kami na lang ang bahala ng mga mommy mo kumumbinsi sa magkakapatid na huwag na nila ituloy ang plano nila ngayong gabi," ani Daddy.

Mga yabag at pagsarado ng pintong kinaroroonan kong kuwarto ang tangi ko na lang nadinig. Nagsilabasan na sila at ang naiwan na lang dito ay si Julian.

"Trisha," yugyog sa akin ni Julian.

Dumilat ako na kunwari ay nagulat sa ginawa niyang panggigising. Bumangon ako at kinusot-kusot ang mata ko bago ko siya harapin. Inaabot nito ang cellphone kong tumutunog.

Tumatawag si Mommy Lucresia-- ang kampon ni Epiales.

----
Moving Closer 44
(November 05,2024)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro