Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Moving Closer 42

"Stay away from Harvey." Muli kong basa sa nakasulat sa sticky notes.  "Bakit? Ano ang meron kay Harvey at pinapalayo niya ako doon?"

"Kung tanungin mo kaya siya ng personal. Wala namang masama doon 'di ba?

"Tama ka," tumatangong sang-ayon ko sa nagsalita mula sa aking likuran na akin din naman agad nilinga. Namilog ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino ito. "M-m-m-moises."

"Ako nga. Bakit gulat na gulat ka?" seryoso nitong tanong. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya na siyang ikinangisi nito. Pumuwesto ito ng upo sa tabi ko. "Kung siraulo ako. Mas siraulo iyang si Harvey. Kaya kung pwe-pwede iwasan mo siya."

"Bakit? Ano ang dahilan?" kalmado kong tanong kahit na parang gusto na lumabas ng puso ko sa sobrang kaba. Lalo na nang dumampi ang balat nito sa balat ko.

"Gusto ka niya."

"O-oh, tapos?"

"Masakit sa mata. Sumakit mata ko mula kagabi nung iwan mo ko sa tore hanggang sa kaninang uwian."

Kunot-noo kong tinignan si Moises. Seryoso lang itong nakatingin sa kawalan, kapansin pansin ang nagngangalit nitong mga panga kahit na hindi siya nakatingin sa akin.

"B-baka may sore eyes ka?"Nalipat ang matalim nitong tingin sa akin. "M-mukang wala naman pala at hindi naman namumula mata mo. Magpatingin ka sa eye center para malaman kung bakit sumasakit ang mata mo. Hindi yung sinisisi mo sa ibang tao. Ano naman kinalaman sa mata mo ni Harvey."

"Oo nga!" sang-ayon ng boses mula sa likuran namin. Kahit hindi namin siya lingunin alam kong si Harvey iyon. Pumuwesto ito ng upo sa katapat naming bench. "Ano kinalaman ko diyan? Bakit mo ko sinisisi, Sixto?"

Mula kay Moises ay may lumabas na sticky note at dumapo iyon sa bibig ni Harvey. Nabasa ko agad iyon dahil naka-capital letter, bold at napakalaki ng sulat no'n na 'Shut up!'. Mukang galit siya.

Hinawakan ni Moises ang balikat ko at sa isang iglap ay nakatayo na kami sa harapan ng pinto ng tinutuluyan naming kuwarto nila Jodie.

"Okay lang makipag-usap ka sa iba, huwag lang sa may gusto sa'yo. Sumasakit talaga ang mata ko. Promise. Goodnight. Tsk!"

Humakbang na ito palayo sa akin. At sa hindi ko maintindihang  dahilan ay napangiti na lang ako sa sinabi niyang iyon.

-----

"Sana all, walang pasok," ani Jodie. Kumalas na ito sa pagkakaukyabit sa kanang braso ko. Humarap ito sa akin at nakasimangot akong tinignan. "Sumama ka sa pagsundo sa akin kay Mang Andoy, ha. Punta tayong mall."

"Hindi puwede," sabat ni Elise na kalalabas lang ng Mansion. Kasabay nito si Deejay. "Nang hindi kami kasama."

"At tulad ng sabi nila, kailangan may kasama tayong isa sa mga prinsipe sa tuwing lalabas tayo," dagdag pa ni Deejay.

Unti-unting umaliwalas ang mukha ni Jodie. Sinundan nito sina Elise at Deejay sa pagsakay ng van ni Ate Tia.

Sigurado akong kakasabwatin niya sila Elise para magpatulong na si Indigo na lang ang kulitin nilang sumama sa amin mamaya sa mall.

"Hindi ka sasama sa akin sa paghatid sa kanila?" tanong ni Ate Tia.

"Hindi po. Dito na lang po ako sa bahay."

"Tinatamad ka din ba ngayon  tulad ni Julian?" Umiling ako pero agad din akong tumango. Tama siya. Natawa si Ate Tia. "Walang dudang kambal nga kayo. Hahaha! Puntahan mo na lang siya doon sa garden. Kausapin mo at kagabi pa niya kinakausap at sinasaktan sarili niya tungkol sa katangahan daw niya. Haha!" Dumiretso na ito patungo sa sasakyan niya.

"Sige po. Ingat po kayo."

Kinawayan ko muna sila Jodie, saka ako pumihit patalikod at humakbang patungo sa garden nitong Mansion. Agad ko namang natanaw si Julian na mag-isang nakaupo sa bench at pinapalo nito ng paulit-ulit ang ulo niya.

Pero ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay si Aire na nakalutang sa ere. Sinundan ko ang tali nito sa bewang hanggang sa kung sino ang may hawak nito. Napalunok ako ng sunod-sunod nang makita kong si Moises iyon.

Automatikong humakbang ang mga paa ko patungo sa likod ng isang puno para magtago. Huminga muna ako ng malalim bago ko ito sinilip. Unti-unti akong napakunot ng noo nang makita ko si Raven na naka-squat sa isang gilid at ganoon din ang ayos ni Aire kahit na palutang-lutang siya sa ere.

"Tino-torture ba sila ni Moises?" tanong ko sa aking sarili.

"Hindi," sagot ng boses mula sa itaas ng puno na tinataguan ko. Dahan-dahan ko itong tiningala, si Harbor na kumakain ng hotdog. "Pinaparusahan sila ni Moises sa ginawa nilang kalokohan sa'yo."

"S-sa akin? A-anong ginawa nila sa akin?"

Inubos muna nito ang kinakain niyang hotdog at saka lumundag pababa ng puno. "Sasagutin ko ang tanong mo na 'yan pero sa isang kondisyon."

"Anong kondisyon?"

Ipinamulsa nito ang kaniyang mga kamay sa suot niyang pantalon at saka ako nginisihan ng nakakaloko.

----

Akala ko naman napakahirap ng kondisyon na ipapagawa niya. Magpapaluto lang pala ng hotdog.

Napailing na lang ako habang inilalagay ko sa platong malinis ang mga hotdog na prinito ko. Pagkatapos ay pumihit ako patungo sa dining area kung saan naghihintay si Harbor.

Inilapag ko sa harapan ni Harbor ang isang platong hotdog. Kinuha nito ang tinidor. Tumusok ito ng isang pirasong hotdog at iniabot sa akin. Walang emosyon kong tinignan si Harbor.

"No thanks." Baka bitin pa sa'yo iyan at paglutuin mo na naman ako.

"Hindi pa tapos ang kondisyon ko."

"Akala ko ba sa isang kondisyon? Bakit papangalawa ka pa?" tanong ko.

Ngumisi ito. "Kalahati pa lang ang pagluluto mo ng hotdog. Ito ang kalahati ng kondisyon ko--" Mas inilapit nito sa akin ang inaabot nito sa aking hotdog. "Ipakain mo ito kay Harvey. Ikaw mismo ang magsubo sa kaniya."

Muli kong naalala ang sinabi ni Moises. "Stay away from Harvey." At umalingawngaw na naman iyon nang paulit-ulit sa isipan ko.

"'Di bale na lang. Hindi na ako interesado malaman ang dahilan kung bakit niya pinaparusahan sina Raven at Aire. At isa pa, ikaw na rin ang nagsabi, may  ginawa silang kalokohan sa akin kaya sila pinaparusahan. Kung gagawin ko iyang pinapagawa mo. Malamang, ikaw naman ang susunod niyang parusahan."

"Hindi ko naisip iyon, ha. Matalino ka," nakangising sambit nito sabay kagat sa inaabot nitong hotdog sa akin. "At dahil concern ka sa akin, sige, sasabihin ko sa'yo ang nadinig ko kanina kung bakit sila pinaparusahan ni Moises. Iyon ay kung interesado ka pang malaman." Nakangisi nitong ipinagpatuloy ang pagkain ng hawak niyang hotdog.

Umupo ako sa katapat nitong bakanteng upuan bilang pagsasabi na handa akong makinig sa kung ano man ang sasabihin niya at interesado akong malaman iyon.

"Sa tingin mo, ano ang ginawa nila sa'yo?"

"Wala. Wala naman silang ginagawang masama sa akin."

"Wala kang ideya? Sigurado ka? Tulad ng paghalik sa likod ng kamay mo?" Tila ba nalunok ko ang dila ko nang marinig ko iyon at nang maaalala ko muli ang tagpong iyon. "Na akala mo si Moises ang may gawa?Nagkakamali ka, nagpanggap si Raven na si Moises para pagtripan kayong dalawa."

"Ah, okay," tumatangong aniko. Mabuti na rin pala at hindi ko kinompronta nang araw na iyon si Moises kundi mapapahiya pa ako.

"Bakit ganiyan lang ang reaksyon mo? Hindi ka ba maiinis o manghihinayang man lang dahil hindi talaga si Moises ang may gawa no'n?"

"Hindi." Tumayo na ako. "Manahimik ka na lang at kumain ka na lang diyan ng hotdog. Salamat sa info." Tinalikuran ko na siya.

"Jojoy." Natigilan ako. Unti-unti kong nilingon si Harbor. "Alam niyang ikaw si Jojoy simula pa lang nung una kayong magkita sa teritoryo niya. Hinihintay niya lang maalala mo ang tungkol sa kaniya pero dahil lumitaw na ang tore. Sigurado akong bumalik na ang feelings mo sa kaniya kaya huwag mo na itago pa iyan dahil alam naming magkakapatid ang consequence kung paano lilitaw muli ang tore."

"H-h-ha?"

"Itatanggi mo pa ba? Pruweba na ang tore ni Moises. Kitang-kita namin iy--"

"Tumigil ka na. Alam ko na. Ayoko na madinig pa ang tungkol diyan. Hindi mo ba nakikitang  hiyang-hiya na ako."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro