Moving Closer 41
Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Moises. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin at ganoon din naman ako sa kaniya para hindi niya mahalata na ako ang hinahanap niya. Kahit na hindi pa masyadong nakaka-recover sa ipinakita sa akin ni Trinity mula sa nakaraan. Sobrang nakakabigla na ako at si Moises ay konektado--na magkakilala na kami noon pa man.
Umihip ang mahinang hangin sa pasilyong kinaroroonan namin na siyang dahilan ng pagsayaw-sayaw ng mga nakasabit na Dreamcatcher. At buhat sa nasa ulunan naming Dreamcatcher ay may nahulog na balahibo na agad naman sinalo ni Moises ng kaniyang palad. Hinipan niya iyon patungo sa akin at inikot-ikutan ako no'n.
Ayoko na sa sitwasyong ito. Please, gusto ko na umalis. Sana magising na ako o mapunta sa ibang panaginip na hindi ako masusundan ni Moises. Hindi pa talaga ako handang harapin ang nalaman ko buhat sa nakaraan.
"Awitttt sa'yo, Trisha!" biglang sambit ni Moises. Medyo nakahinga ako ng maluwag nang humakbang ito paalis sa harapan ko. "Si Trinity nagdala sa'yo dito, 'no?"
"Oo," tumatangong sagot ko.
Mukang hindi naman niya nadinig ang sinagot ko at nagmamadali siyang umalis, siguradong paakyat siya sa may pinakatuktok nitong tore.
Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Pumikit ako at inisip agad na magpunta sa ibang parte ng Dreamland-- na agad din namang nangyari nang ako'y dumilat.
Nanghihina ang aking mga tuhod na napaupo sa kinatatayuan ko.
"Uy!" bulalas ng kung sino dahilan para mapatayo ulit ako at tinignan ito. Agad akong dumistansya nang makita ko ang isang lalaking nakahiga. Nakakahiya man pero naupuan ko ang malinaw niyang mukha. Isa na namang Lucid Dreamers! Iritable itong bumangon at tinignan ako nang masama pero agad napalitan ang ekspresyon nito nang pagkagulat. "I-ikaw?! School beauty, Trisha Myliejoy Zamora?! Lucid Dreamer ka?"
"K-kilala mo ako?" Turo ko sa sarili ko.
Tuluyan na itong tumayo. "Oo, kilala kita. Kasasabi ko lang ng pangalan mo 'di ba? Huwag mo sabihing hindi mo ako kilala?"
Umiling ako. "Pasensya na, hindi kita kilala."
Tinalikuran ko na agad siya at lumipad na ako patungo sa kung saan.
----
*St. Peregrine College* (School cafeteria)
"Mukang ang lalim ng iniisip mo, ha. Mukang may kinalaman sa kaniya." Pasimpleng turo ni Jodie ng nguso niya sa nasa katabi naming lamesa. Ang Lucid Dreamer na naengkwentro ko kagabi. Nakangisi itong kumaway sa akin nang tinignan ko siya sandali. "Kanina ka pa kaya niya tinitignan. Amoy interesado sa'yo ang isa sa hearthrob ng Engineering department, ha."
"Talaga? Hearthrob iyang lagay na iyan?"
"Aba, oo! Hindi ba obvious sa looks?!" nandudumilat na sambit ni Jodie.
"Hinaan mo boses mo. Huwag ka magpahalata na siya pinag-uusapan natin. Nakakahiya," bulong ko. "At huwag mo na siya tignan. Please."
Humahikgik ito. "Bakit parang iniiwasan mo si Harvey? Siya ba ang dahilan kung bakit ka nagpunta last time sa may engineering department?"
"Hindi, ha. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na kaya ako pumunta doon para kay Professor Arnaiz. At isa pa, hindi ko siya kilala. Sa'yo ko nga lang nalaman na Harvey pangalan niya at isa siya sa mga hearthrob kuno ng engineering department."
"Harvey!" sigaw ni Indigo. Nilingon naman agad namin iyon pero agad ko din ibinalik ang atensyon ko sa kinakain ko nang makita kong kasama nito si John Moises Sixto. At pilit na ipinakalma ang nagwawala kong puso.
"Ang prinsipe Indigo ko," kilig na kilig na sambit ni Jodie. Inayos nito ang sarili niya at umupo nang akala mong tunay na mahinhin na babae.
"Jodie, mauna na ako sa'yo, ha." Niligpit ko na ang mga gamit ko at tumayo, saka sinukbit ang bag ko.
"Okay, sige. Mamaya na lang ulit."
"Himala at naligaw ka rito sa cafeteria," bungad ni Indigo kay Harvey. Umupo silang dalawa ni John Moises Sixto sa bakanteng upuan.
"Hindi ako naligaw. Pumunta talaga ako dito. Ngayon ko lang kasi na-realize na maganda pala ang tanawin dito."
Napatingin ako kay Harvey. Nakatingin pa rin siya sa akin at akala mong wala nang bukas kung makangiti. Inilipat ko agad ang tingin ko kay Indigo na nakangising nakatingin kay John Moises Sixto kaya inilipat ko ang aking paningin kay John Moises Sixto na seryosong nakatingin kay Harvey, at saka siya tumingin sa akin.
Sa sobrang kaba ay tumalikod agad ako at diretsong humakbang palabas ng cafeteria.
---
"Hi!" anang sumabay sa akin sa paglalakad na si Harvey dahilan para pagtinginan kami nang mga fan girl's niya. Wala naman akong pakialam sa kanila kaya hindi ko na lang pinagtuunan masyado ng pansin ang mga pamatay ,mapanuri at puno ng inggit nilang mga tingin. "May sundo ka? Kung wala, puwede naman kitang isabay."
"No, thanks," aniko.
"Kahit na parehas lang naman tayo ng uuwian. Hindi ba't kila Sixto din kayo tumutuloy ngayon ng mga kaibigan mong Lucid Dreamers? Doon na din ako pinag-stay ni Indigo kaya same lang tayo ng pupuntahan."
"May sundo ako."
"Okay, sabay na lang tayo palabas nitong building niyo. Tapos, kita-kits ulit tayo mamaya sa Dreamland."
Hindi na lang ako umimik dahil sinundan ko nang tingin ang dumaan sa harapan namin na si John Moises Sixto. Bakit naman siya nandito sa building namin?
Kapagkuwan ay huminto ito sa paglakad at pumihit pabalik patungo sa direksyon namin ni Harvey.
Huminto si Harvey sa paglakad dahil hinarang siya ni John Moises Sixto. Nagdire-diretso naman ako sa paghakbang palayo sa kanila.
"Trisha! Trisha!" tawag sa akin nang nagtatakbong si Jodie. Nang makalapit ito sa akin ay umikyabit agad ito sa kanang braso ko. "May sasabihin ako sa'yo. Tara bilis." Hinila ako nito pasakay sa dalang sasakyan ni Mang Andoy.
"Ano naman ang sasabihin mo?" kunot-noong tanong ko.
Humahikgik ito. "Totoo ba talagang yung yummy Moises na kinuwento mo from your lucid dream ay si Sixto? Iisa lang ba talaga sila?"
Tumango ako. Nagtitili naman sa kilig si Jodie. Nahiya naman tuloy ako kay Mang Andoy na kung may karapatan lang makapagreklamo ay malamang binulyawan at pinababa na si Jodie sa sobrang ingay niya.
"Gosh! Kaya pala ganoon na lang ang reaction niya nung sinabi ni Harvey na interesado siya sa'yo." Nanatili lang akong blangko ang ekspresyon na nakatingin sa kaniya. "Ang sabi ni Sixto, hindi puwede, huwag ka guluhin."
"Talaga? Sinabi niya iyon?"
"Oo, dinig na dinig ko. Tanungin mo pa si Indigo. Tapos, nung umalis si Sixto. Nag-apiran sina Harvey at Indigo. At nadinig ko ang plano nilang dalawa para kay Sixto. Hindi ko na lang iyon sasabihin sa'yo dahil ayoko masira ang plano nila. Sa pagkakataong ito, sa side muna ko ni Indigo kakampi dahil tulad nila may gusto rin akong malaman tungkol kay Sixto."
Tumango na lang ako at inilipat ko ang aking tingin sa labas ng bintana. Nagsimula nanaman mag-panic ang aking puso nang magkasalubong ang mga mata namin ni Sixto--- na kasalukuyang nakatayo sa labas ng bintana nitong sasakyan.
Mabilis pa sa alas-kuwatrong dinikit nito sa aking noo ang isang sticky note at bigla na lang itong naglaho ng parang bula.
Agad kong kinuha ang sticky note sa noo ko at binasa ito ng tahimik. "Stay away from Harvey."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro