Moving Closer 38
"Ihanda mo na rin ang sarili mo at kahit dito sa reality babangungutin ka sa piling ko."
Ipinilig ko na lang ang ulo ko at pilit na nag-focus sa pagkain ko pero kahit anong gawin ko paulit-ulit pa ring nagsi-sink in sa aking isipan ang sinabing iyon ni Moises kahapon. Literal na para akong binabangungot ng gising.
"Mukang ang lalim ng iniisip mo, ha," puna ni Jodie. "Kasasabi lang ni Doc Red kanina sa'yo, iwasan mo daw muna mag-overthink at ma-stress ang utak mo. Baka matulog ka na naman ng kay tagal-tagal. Ayoko na matulog ka ng ganoon. Sige ka, iiyak ulit ako."
"Parang awa mo na, Jodie, huwag ka nang iiyak," tumatawang ani Deejay. Binigyan kami nito ng tig-isang mangkok ng tinolang manok. "Nagiging kamukha mo si Sisa 'pag umiiyak. Haha!"
Nagtawanan sina Julian, Ate Tia at Elise sa sinabing iyon ni Deejay.
"Grabe ka na talaga sa akin, Deejay," nakasimangot na sambit ni Jodie. Nag-peace sign lang sa kaniya ang kauupo lang na si Deejay.
"Ang saya pala ng ganito 'no. Magkakasama tayo sa iisang bubong," ani Elise.
Napansin kong ngumiti si Ate Tia at tinapunan nang nakakalokong tingin si Elise at tinignan din nito si Julian na busy sa paghihimay ng liempo saka iyon inilagay sa plato ko. Mukang hindi naman iyon nakita ni Elise dahil hindi siya nag-react ng 'Sana all'.
"Oo nga," sang-ayon ni Deejay sa sinabi ni Elise. "Mas makikilala pa natin ang isa't isa, at iyong mga Prinsipe ng Dreamland. Teka, nasaan pala sila? Mula kaninang umagahan pa sila hindi nagpapakita, ha. Si Doc Red lang ang nakita kong lumabas para i-check si Tita Miles."
"Magsikain na lang kayo, ang dami niyo pang daldal," anang maliit na boses.
Hinanap naming lahat yung nagsalita pero agad naman namin itong nakita nang tumayo ito sa pinakadulo ng long table. Ang pamangkin ni Elise. Ang cute niya sa suot niyang uniform ng chef at kapansin-pansin ang gawa sa metal niyang sapatos which is iyon ang pampabigat niya para hindi siya lumutang.
Inilipat ko ang aking tingin sa nasa tabi kong si Jodie. Kahit papaano ay kalmado na siya. Hindi tulad kahapon nung pagdating namin dito sa Mansion ng mga anak ni Epiales na halos himatayin siya sa sobrang takot sa mga may-ari ng bahay, lalo na rito kay Aire na tinawag pa niyang tiyanak.
"Siya ang nagluto ng mga kinain natin mula umagahan hanggang ngayong hapunan," ani Deejay.
"Wow! Ang sarap mo naman magluto, Baby Aire. Proud sa'yo si Tita," ani Elise.
Nakanguso itong umupo sa kinatatayuan niya. "Gusto ko rin marinig sabihin iyan ni Mommy kaya lang... natutulog pa siya ng mahimbing sa kuwarto niya. Hindi siya mapagaling ni Kuya Red."
"Huwag ka na malungkot, Baby Aire. Gagawin namin lahat ang aming makakaya para matulungan ang Mommy mo na makalabas ng Dreamland. Para magising na siya at makasama mo na siya," nakangiting ani Tia.
"Sana nga para mapakilala ko ang girlfriend ko."
Nasamid si Deejay sa sinabi nito at mga nandudumilat na tumingin sila Julian kay Aire.
"A-ano?! M-may girlfriend ka na?!" hindi makapaniwalang tanong ni Elise.
"Yes, Tita! Ipapakilala ko siya sa'yo soon. Sa ngayon--" Mula sa pagkakaupo ay tumayo ito at lumundag pababa ng lamesa. "Kailangan ko muna puntahan si Kuya Moises para magpaturo ng damoves para mas tumibay ang relasyon namin ng girlfriend ko."
Akala mo itong si The Flash na tumakbo paalis ng kusina. Naiwan namang tulala at nakanganga ang mga kasama ko sa hapag-kainan sa sobrang gulat sa sinabi ni Aire. Lalo na si Elise na napasandal na lang sa kinauupuan niya.
Hindi ko na lang sila inintindi. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko at sobrang sarap ng luto ni Aire.
----
"Saan ka pupunta?" tanong agad ni Elise, hindi ko pa man tuluyang nabubuksan ang pintuan ng kuwarto naming mga babae. Ang katabi nitong si Ate Tia ay bumangon para alamin din ang isasagot ko.
"Pupuntahan ko lang sila Mommy sandali," aniko.
Tumango lang silang dalawa at bago ko lumabas ng kuwarto namin ay tinapunan ko muna ng tingin si Jodie sa higaan namin na himbing na himbing na sa pagtulog.
"Saan ka pupunta?" bungad sa akin ni Atlas.
"Kila Mommy."
"Kagagaling ko lang doon. Natutulog na sila ng Daddy mo. Natutulog na rin ang Kuya Julian mo at si Deejay. Kayo na lang ang mga gising kaya ako nandito."
"Ganoon ba. Eh, ikaw? Bakit hindi ka pa natutulog? At mukang bihis na bihis ka. May pupuntahan ka ba?"
"Kagagaling ko lang sa trabaho. Dito muna ako dumiretso para kamustahin ka---"
"Ehemmm..."
Tinignan namin ang tumikhim. Si John Moises Sixto. Dumaan lang ito habang tikhim pa din nang tikhim.
"Masakit ba lalamunan niya?" bulong ko.
"Hindi," sagot ni Atlas. "Nagpapansin lang iyon sa'yo."
Automatikong humakbang si Moises pabalik sa kinaroroonan namin ni Atlas.
"Ehemmm... hindi ako papansin. Ehemmm..." Humakbang na ulit ito palayo sa amin.
Napangiti na lang ako sa kaniya. Nakakainis siya, simple gesture niya lang napapangiti niya ako.
"Trisha..." Tinignan ko si Atlas. "May paghanga ka ba kay Moises?"
Unti-unti akong sumeryoso at umiling para iiwas sa kaniya ang tingin ko. "Hindi. Bakit mo naman natanong iyan?"
"Sa akin mo pa talaga itatanggi, Trisha? Ako na kaibigan mo?"
"Nagtatampo ka ba?"
"Hindi. Nababahala lang ako at baka isa ka rin sa ma-fall diyan kay Moises. Hindi iyan marunong sumalo dahil duling siya."
Natawa ako sandali. "Malay mo naman. Sa akin-- hindi siya maduling. Masalo niya ako. Sige na, magpahinga ka na. Salamat ulit. Goodnight, Atlas." Pinihit ko agad ang seradura ng pinto ng kuwarto namin at binuksan ito.
"Sandali," pigil sa akin ni Atlas. Hindi na ako nag-abala pang tignan siya dahil nahihiya ako. "Asahan mo na hindi ko ipagsasabi kahit kanino ang ipinagtapat mo sa akin."
"Salamat." Tuluyan na akong pumasok ng kuwarto namin. Kalmado akong humakbang patungo sa puwesto ko at humiga rito. Nagtakip agad ako ng kumot at dito nagpakawala nang napakalalim na buntong-hininga. "Nakakahiya ka, Trisha. Bakit mo sinabi iyon kay Atlas. Paano kung sabihin niya iyon kay Moises? Haist! Ano na ang gagawin ko?"
"Ang dapat mong gawin matulog ka na." Tinanggal ko ang nakatalukbong sa aking kumot, tumambad ang nakangiti at nakapikit na si Jodie. "Goodnight,Trisha " Ipinagpatuloy na ulit nito ang pagtulog.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro