Moving Closer 32
"May anak si Ate Trinity. May anak siya kay Epiales. May pamangkin akong may dugong demonyo," anang pari't parito sa harapan namin na si Elise. Huminto ito sa paanan ko at pabagsak ditong umupo. "Nakakaloka. Paano nangyari iyon? Ni hindi man lang nga natin nakitang lumobo ang tiyan ni Ate Trinity."
"Paano natin malalaman kung totoo ang sinasabi nila tungkol sa pamangkin mo? Eh, sabi niyo nga, hindi naman nagpakita sa inyo ang mga anak ni Epiales," ani Julian.
"Nung na-encounter natin si Epiales, amoy bulok na naagnas na hindi malaman, eh. Nung magpunta ba sila dito kanina, ano ang amoy?" tanong ni Deejay.
"Uy!" Biglang sambit ni Ate Tia. Nilapitan nito ang nakapamewang at panay singhot sa kawalan na si Deejay. Umakbay siya dito. "Oo nga pala, nag-unlock na ang ilong niya!"
"What do you mean by nag-unlock? Natanggalan ng sipon or whatsoever?" natatawa pero nakangiwing tanong ni Elise.
Natawa kami ni Julian.
"Hindi. Nag-activate na ang sense of smell niya. Naaamoy na niya kung masama o mabuti ang isang tao--or nang hindi nakikita." paliwanag ni Ate Tia.
"Wow!" manghang bulalas namin.
Nag-level up na din pala ang gift ni Deejay. Hindi na lang siya basta nakakakita at nakakaramdam ng mga hindi nakikitang nilalang. Naaamoy na rin niya kung mabait o masama ba ito. Parang si Ate Tia din, hindi lang siya basta nakakakita ng past and future sa panaginip, nakakapaglakbay na rin siya mismo sa nakaraan gamit ang lucid dreaming.
"Kailan mo na-discover iyan, Deejay?" tanong ko.
"Nung sumapi sa boardmate ni Lucila si Epiales. Tapos, na-confirm ko lang siya nung mga nagdaang araw. Depende talaga sa bagsik ng amoy."
"Haha! Gaano ba kabagsik ang amoy ni Epiales?" tanong ni Julian.
"Nakakasama ng pakiramdam. Basta iba ang amoy niya. Unexplainable. Pero yung mga galing na nilalang dito, nakakaakit ang amoy nila basta-- ang bango. Ibig sabihin, goods sila. Ang bango nga sa gawing pinto, eh."
Malamang nandito pa rin sa loob ang invisible man na iyon. Hindi pa siya lumalabas. Ang sabi nga nila babantayan nila kami dahil nandito sa hospital si Epiales.
"Sorry pero hindi pa rin ako convincing sa mga pinagsasabi nila," ani Ate Tia. Kumalas ito sa pagkaka-akbay kay Deejay at pumuwesto ng upo sa tabi ni Elise dahilan pa maitulak nito si Elise patabi kay Julian.
Pasimple akong kinindatan ni Ate Tia. Kinagat ko na lang ang ibabang labi ko para hindi ako matawa sa ginawa niyang iyon.
"Same with Ate Tia," sang-ayon dito ni Julian na may kasamang taas ng kamay, pero agad din nitong ibinaba iyon at bumalik sa pagkakahalukipkip.
"Basta ako, naniniwala ako na mabubuting nilalang ang pumunta dito," ani Deejay. Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi nito.
Natahimik kaming lahat nang biglang gumalaw mag-isa ang upuan at pumuwesto iyon sa tapat nina Tia, Elise at Julian. Napatakbo naman si Deejay patungo sa gilid ko.
"Sinabi ko lang naniniwala akong mabuti kang tao. Bakit ka naman nanggugulat diyan?! ani Deejay.
"Nakikita mo siya, Deejay?" pabulong kong tanong.
"Hindi," may kasamang iling na sagot nito. "Pero nararamdaman ko siya't naaamoy."
"Malapit na siya dito. Nararamdaman ko na parehas na ang inapakan naming lupa," sambit ng invisible man, mahihimigan sa boses nito na seryoso siya at hindi nagbibiro.
"Nandito na siya!" anang isang lalaki na bigla na lang lumusot sa pader. Kulay pula ang buhok, naka- white coat na may nakasabit na stethoscope sa leeg at nakasuot ito ng surgical mask. Pumuwesto ito ng tayo sa tabi ng kinauupuan ng invisible man.
"Kuya, wala ka bang pasyente? Kaya ko na ito. Huwag niyo na ko back-up-an," anang invisible man.
"May pasyente ako dito." Lumapit ito kay Ate Tia pero agad hinarang ni Julian ang kamay niya dahilan para ito ang mahawakan ng doctor. "Blood pressure: 110/80. Breathing: 16 breaths per minute. Pulse: 70 beats per minute. Body Temperature: 36.5°C. Red blood cell: 4.58 trillion cells. White blood cell: 4.7 billion cells. Hemoglobin: 15.2 or 152 grams. Hematocrit: 40.2%. Platelet count: 267 billion. Lipid level: 80 mg/dl. Mukang normal naman lahat. Pero sa mental--"
Agad na inagaw ni Julian ang kamay niya sa doctor. "T-t-tama na."
Wala naman kaming nasabi sa sobrang mangha sa abilidad nito. Sobrang galing niya. Bagay talaga sa kaniya ang profession niya, ang pagiging doctor.
"Huwag ipagsawalang-bahala ang mental health. Iyan ang mahirap gamutin lalo na't kung hindi mo tutulungan ang iyong sarili. Puwede ko na ba siyang hawakan para gamutin ko ang mga latay niya?" paalam nito kay Julian.
"Sige na, Doc! Gamutin mo na si Ate Tia," ani Deejay.
Tango naman ang sinagot dito ni Julian. Hinagod ko ang likod nito dahilan para sa akin ito mapatingin. Nakangiti ko siyang tinanguan bilang pagsasabi na bigyan sila ng pagkakataon na patunayan ang kanilang mga sarili sa amin-- na kakampi namin sila.
"Okay." Nagpakawala nang malalim na buntong hininga si Julian. "pasensya na. Nag-iingat lang talaga kami."
"Naiintindihan ko," sagot ng doctor dito. "Maski rin kami ng mga kapatid ko ay walang tiwala sa kahit na sino kaya kahit kanino ay hindi kami nagpapakilala. Tulad niyo din kaming mga mortal, gusto lang din namin ng simple, masaya at tahimik na buhay dito sa mundong ginagalawan niyo kaya mas pinili naming mamalagi dito kesa sa Dreamland."
Idinikit lang ng Doctor ang hintuturo niya sa isang marka ng latay sa likod ng palad ni Ate Tia. At mula doon ay unti-unting nagliwanag ang mga latay niya sa katawan, maski na ang tapat ng puso nito ay nagliwanag hanggang sa hindi na namin siya makita dahil sa sobrang nakakasilaw na liwanag
Pagkahupa no'n ay tinaas ni Ate Tia ang magkabilang sleeves ng suot niyang jacket. Mas lalo kaming namangha nang makita namin ni isang marka ng latay ay wala na. Puwede na ulit siya magsuot ng kahit na anong gusto niya.
"Kita niyo na, hindi kami kalaban. Kakampi niyo kami! Tsk!" anang invisible man.
"Gumaang din ang pakiramdam ko parang nabawasan ang mga dala ko dito." Suntok ni Ate Tia sa tapat ng puso niya. "Salamat, Doc." Tumayo siya para yakapin ito.
Tinapik-tapik nito ang likod ni Ate Tia. "At least 'di ba nabawasan ang baggage mo. Tuluyan din iyang mawawala 'pag naharap mo na ang dapat harapin at kukumpleto sa nawawalang piraso ng puso mo."
"Aish! Mga nagdrama pa," asik ng lalaking kalulusot lang sa pader dahilan para kumalas sa pagkakayakap si Ate Tia sa Doctor. Hila-hila ng bagong dating ang trolley na may laman na grocery at may nakasakay ditong babae na walang malay, nakatali ang mga kamay at paa no'n.
"G*go!" Batok dito ng invisible man.
Nasapo ng lalaking bagong dating ang batok niya habang masamang nakatingin sa invisible man na para bang nakikita niya ito. Tulad ng doctor ay nakasuot din ito ng face mask pero ang face mask niya may butas ang bibig kaya kitang-kita ang natural niyang mapulang labi.
Pero para siyang ewan sa trip niyang iyon.
"Bakit pati promo girl tinangay mo. Hindi iyan binibili at mas lalong hindi kinakain ang mga mortal. Sino ba kasi nag-utos sa'yong mag-grocery ka?!"
"G*go ka rin! Hindi ako tanga. Alam kong hindi kinakain ang mga mortal. Nairita lang ako sa kakulitan niya kakaalok ng paninda niyang wala namang lasa!" singhal nito, buhat sa bulsa ng suot nitong short ay nilabas nito ang hotdog na nasa stick. "Oh, tikman mo walang lasa."
"No thanks, Tsk! Huwag ka nang mangangailam mag-grocery, ha. Puro hotdog lang naman bibilhin mo. Mapupurga na kami sa kaka-hotdog mo!"
"Oh, bakit? Madami namang luto sa hotdog, ha!"
"Ano? Pritong hotdog? Ginisang hotdog? Inihaw na hotdog? Adobong hotdog? Menudong puro hotdog? Paksiw na hotdog? Kalderetang hotdog? Tinolang hotdog? Sinampalukang hotdog? Nilagang hotdog? Afritadang hotdog? Dinakdakang hotdog? Pinaupong hotdog? Ano pa?"
Natawa naman kami sa litanya ng invisible man. Si Moises talaga naaalala ko sa kaniya pero masiyahin at maloko naman ang isang iyon. Ito kasing kapatid niyang invisible lahat ng bagay pinoproblema parang may pagka-anger issues pa at pagka-maldito.
"Wala akong nabiling hotdog. At dahil iyon sa mga walang utang na loob na Lucid Dreamers na ito. Matapos mong tulungan, mambibintang pang kampon tayo ni Epiales." Tinapunan kami nito ng masamang tingin.
"Hindi naman sila masisisi dahil sa dugong nanalaytay sa atin," anang Doctor, kasalukuyan nitong inaalis sa pagkakatali ang kamay at paa ng promo girl. Pinangko niya iyon at hiniga ng maayos sa bakanteng couch.
Pare-parehas kaming napatingin sa gawing pinto nang bigla iyon pakalabog na nagbukas. Kasunod no'n ay ang unti-unting pagbagsak ng nasirang pinto sa sahig. At inapakan pa iyon ng pumasok na lalaking naka-school uniform. Kung hindi ako nagkakamali siya si---
Nandumilat ako. "Indigo..."
-----
Moving Closer 32
(July 22,2024)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro