Moving Closer 31
"Kumusta na pakiramdam mo? Ayos ka na ba talaga? Sigurado ka ba talagang gusto mo na ipatanggal iyang dextrose mo? Baka hindi---"
"Okay na ako," putol ko sa sinasabi ni Julian. "Ayos na ang pakiramdam ko."
"Sigurado ka?"
Nakangiti akong tumango sa kaniya. Nagpakawala naman ito ng malalim na buntong hininga at saka umupo sa gilid ko't hinawakan ang mga kamay ko.
"Sorry kung hindi ako nagsabi kaagad. Ayoko lang maulit ang nangyari nung nilapitan kita dati para pilit na alalahanin ako. Hindi ko na kayang makita kang mag-suffer ulit tulad noon dahil sa pagpupumilit ko. Kaya sana, huwag ka magtatanim ng sama ng loob sa amin ni Ate Tia, sa hindi namin pagsasabi sa iyo tungkol sa kung ano ba talaga ang papel namin sa buhay mo."
"Naiintindihan ko," nakangiting sambit ko rito. "Kalimutan niyo na iyon. Nagdaan na iyon. Ang mahalaga yung ngayon at sa mga susunod na bukas."
"Big girl na talaga ang Jojoy namin." Gulo nito sa buhok ko.
"Huwag mo na ako tawaging Jojoy." Hawi ko sa kamay nitong nasa buhok ko. "Trisha na lang."
"Sabagay, ayoko rin naman tawagin mo akong Kuya Juju at mas lalo nang 'Kuya' ang lakas kasi makatanda no'n kahit na magkasing edad lang naman tayo at ilang minuto lang naman ang tanda ko sa'yo."
"Kaya nga Julian na lang ang tawag ko sa'yo tutal iyon na ang nakasanayan kong itawag sa'yo."
Ngiti na lang ang naitugon nito sa akin dahil sa biglang pagtunog ng cellphone nito. "Tumatawag si Deejay. Nasa parking na siya nitong hospital. Sandali lang ako, Trisha. Lalabasin ko lang si Deejay. Tulungan ko lang siyang iakyat ang mga pinadala ni Tita Beatrice."
"Sige."
Muli nitong ginulo ang buhok ko at saka nagmamadaling lumabas ng ward na kinaroroonan ko. Si Jodie na prenteng-prenteng na natutulog sa sofa bed nitong ward ang natira kong bantay. Pero sa pagkakataong ito, ako na pasyente ang magbabantay sa kaniya dahil natutulog siya.
Maya-maya pa ay may nagbukas ng pinto at iniluwa no'n sina Ate Tia at Elise.
"Trisha!" Halos takbuhin na ni Elise papunta sa akin, umupo agad ito sa tabi ko at niyakap ako. "Kumusta ka na? Ayos ka na ba? Masakit pa ba ulo mo?"
"Ayos lang ako, Elise. Salamat sa concern."
Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at nginitian ako nang pagkalapad-lapad.
"Naku, Elise, huwag mo muna kulitin si Trisha tungkol kay Julian. Tandaan mo ang sinabi ng doctor sa atin," paalala ni Ate Tia, pumuwesto ito ng upo sa paanan ko.
"Hindi ko naman siya kukulitin, Ate Tia. Pinagmamasdan ko lang ang mukha niya. Kaya pala medyo may resemblance sila ni Julian dahil magkambal sila. Naniwala pa naman ako sa sabi sabi na kapag medyo hawig o kamukha ang dalawang tao sila raw ang magkakatuluyan. Sila raw ang nakatadhana. Buong akala ko pa naman ganoon sila ni Julian. Iyon pala, kambal sila."
"Elise..." Gusto ko sanang banggitin na nakalaya na si Phoebe sa Dreamland at nakapunta na siya sa dapat niyang puntahan pero walang lumabas na kahit na anong salita sa bibig ko.
"Huwag mo ko ibubuking kay Julian, ha. Sige na, magpahinga ka na," nakangiting bilin ni Elise.
Napatingin kaming tatlo sa ilaw na nagpatay sindi. Naramdaman kong mula sa paanan ko ay gumapang patungo sa tabi ko si Ate Tia. Si Elise naman ay siniksik ako.
"Ayan na naman siya. May multo talaga dito sa ward mo, Trisha," bulong ni Ate Tia.
"Talaga po? May multo dito?" tanong ko habang pinagmamasdan ko ang bawat sulok nitong ward kahit na patay sindi ang ilaw. Hindi naman naging hadlang ang pagloloko ng ilaw dahil mayroon akong nakitang pigura ng isang lalaki na nakatayo sa tabing bintana. Bigla iyong nawala doon at napunta iyon sa paanan ko kasabay no'n ang tuluyang pagpatay ng ilaw. Na siyang ikinatili ng mga katabi ko at mas siniksik pa nila ako.
Grabe naman sila. Hindi naman nakakatakot, eh.
"Elise, tawagan mo sila Julian. Hindi maganda ang kutob ko rito," bulong ni Ate Tia. Pinigilan ko ang paggamit ni Elise sa cellphone niya.
"Sino ka?" kalmadong tanong ko sa lalaking nakatayo sa paanan ko.
"Wala akong masamang intensyon. Naparito ako para dalawin ka, Trisha. Long time no see, Elise and Ate Tia. Kumusta na kayong mga kaibigan kong Lucid Dreamers? Nasaan na sina Deejay at Julian?"
"L-lucila?!" sabay na bulalas nina Elise and Ate Tia.
"Ay, hindi, ginamit lang pala niya ang katawan ni Lucila Macaraig," pagtatama ni Elise.
"Anak ni Epiales to be exact," ani Ate Tia.
"So, lalaki ka pala," dagdag pa ni Elise, sigurado akong nakataas na naman ang isa niyang kilay.
Biglang umusog ang upuan patungo sa gilid ni Elise at mukang may umupo roon. "Hay naku! Kayo talagang mga Lucid Dreamers! Hindi porke't anak kami ni Epiales, masama na kami," anang boses na pamilyar. Hindi ako nagkakamali, siya iyong invisible na na-encounter ko sa guestroom ng Mansion nila Indigo. Ang step-brother ni John Moises Sixto.
At itong nasa paanan ko, step-brother din siya ni John Moises Sixto na may kakayahang gumamit ng katawan ng iba tao. Mapa-patay man o buhay tulad na lang ng ginawa niya sa katawan ni Lucila Macaraig.
"Anong kailangan niyo?" seryosong tanong ni Ate Tia.
"Dalaw nga lang! Shy type kasi itong si Kuya kaya pinatay niya ang ilaw. At saka, magbabantay na din sa inyo dahil nandito na naman si Epiales. Walang lubay, eh. Kinuha kasi nila Kuya ang anak ni Trinity sa kaniya kaya naghahanap na naman ng babaeng aanakan niya para ipangtapat sa aming mga good boy niyang anak."
"A-ano?! Nagkaanak si Trinity kay Epiales?!" sabay na bulalas nina Ate Tia at Elise.
"Oo," ako ang sumagot. "Sinabi sa akin ni Ate Trinity. Huwag kayong matakot sa kanila hindi sila kalaban, kakampi natin sila," aniko.
"Kakampi? Eh, anak nga sila ni Epiales, may nanalaytay na dugo sa kanila ng demonyong iyon. Nakalimutan mo na ba ang ginawa ng gumamit sa katawan ni Lucila? Sinaktan niya si Ate Tia," sambit ni Elise.
"I'm so sorry," anang lalaking nasa paanan ko. "Wala akong intensyon na masama. Na-triggered ako ni Tia kaya ko siya nagawang saktan. Nasagad niyo ang pasensya ko. Kinain ako ng emosyon ko. Ginamit ko ang katawan ni Lucila Macaraig para bantayan kayo laban kay Epiales, hindi para ialay kayo sa kaniya. At dahil sa kagustuhan ko na mapakawalan si Trinity kay Epiales. Ginamit ko ang kakayahan kong ma-summon si Epiales at ipagamit sa kaniya ang katawan ng batang babae na iyon. At gumana naman ang plano naming magkakapatid dahil napakawalan si Trinity sa mismong araw din na iyon."
Ah, ganoon pala. Ibig sabihin, planado ang lahat na iyon. Dinestruct nitong gumamit ng katawan ni Lucila Macaraig si Epiales para mapatakas ni Moises sa teritoryo niya si Trinity. Ang galing naman pala ng teamwork nilang magkakapatid.
"Pero, dahil sa ginawa niyong iyon natunton kami ni Epiales. Muntik na nga niyang patayin si Trisha," inis na sambit ni Elise.
"Sa tingin mo ba ginusto namin iyon?! Siyempre, wala sa plano naming magkakapatid ang masaktan ni isa sa inyo, at lalo na ang matunton kayo ni Epiales. Tsk!"
"Wala raw pero sinaktan niyo nga si Ate Tia. Dahil sa inyo hindi siya makapagsuot ng dress, short at sleeveless. Tsk!"
"Nag-sorry na nga kuya ko 'di ba. Diyos nga nagpapatawad ikaw pa kaya na tao lang."
"Mapapakinis ba ng sorry niyo ang balat ni Ate Tia."
"Kapag napakinis ko balat niya, ano gagawin ko sa'yo."
"Tigil!" saway ng lalaking nasa paanan ko sa kapatid niyang invisible at kay Elise. "Hindi kami naparito para makipag-away. Ngayon, kung ayaw niyong makipagtulungan sa amin ng mga kapatid ko. Bahala kayo sa buhay niyo. Tara na."
"Sandali," pigil ni Ate Tia sa mga ito. "Patunayan niyo muna na kakampi talaga namin kayo. Ang hirap kasi maniwala sa inyo."
"Trisha, sa susunod na lang. Magpagaling ka," anito at bigla na lang ito nawala sa paanan ko, lumiwanag na rin ang buong kuwarto.
Wala na siya.
Umusog paatras ang upuan na nasa gilid ni Elise. Sa tingin ko ay tumayo na ito mula sa pagkakaupo. "Tsk! Kayo ngang mga Lucid Dreamers, ayusin niyo nga mga desisyon niyo sa buhay. Lalo na, ikaw." Biglang hila nito sa buhok ni Elise.
"Aray ko naman! Bakit mo ko sinasabunutan!"
"Iba ang sabunot sa paghila ng buhok. Search mo pa sa Goggle!"
"Malakas lang loob mo kasi hindi ka namin nakikita. Kapag ikaw talaga nakita ko, tsitsinelasin ko ang dila mong pasmado."
"Mamamo blue," pahabol pang asar nito kay Elise.
Natakpan ko na lang ang bibig ko para itago ang pag ngiti ko. Walang dudang kapatid nga siya ni Moises.
----
Moving Closer 31
(July 21,2024)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro