Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Moving Closer 30

"Grabe ang yakap niya halatang mas miss na miss niya ako," ani Moises. Kumalas agad ako sa pagkakayap sa kaniya at humakbang paatras ng mga tatlong hakbang para dumistansya. "Hindi mo naman sinabing---"

"Sa ating dalawa ikaw ang naunang yumakap," sapaw ko sa kung ano man ang sasabihin pa nito. "Sinuklian ko lang ang yakap mo para naman hindi ka mapahiya!" dagdag ko pa, at saka ko ito tinalikuran.

Nahihiya na nga ako sa ginawa ko tapos aasarin pa niya ako.

"Tignan mo ito. Matapos akong yakapin tatalikuran na lang ako."

Iritable ko itong hinarap ulit. "Ikaw nga sabi ang unang nanyakap!"

Tumatawa itong humakbang palapit sa akin at bigla na lang nito inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Kalmado kong sinalubong ang tingin niya kahit na para akong aatakihin sa puso sa sobrang bilis ng tibok nito. "At least ako aminado ako na na-miss talaga kita. Eh, ikaw? Obvious naman na na-miss mo rin ako pero hindi mo maamin-amin. Hindi ka lang Queen of nonchalant. Queen of indenial ka din." Ngumisi ito sa akin.

"Ewan ko sa'yo." Pairap ko siyang tinalikuran.

"Uy, sandali lang, huwag ka muna gumising! Huwag mo muna ko iwanan." Harang nito sa harapan ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Nginusuan naman ako nito. "Kakatulog ko lang kasi. Itinaboy kasi namin si Epal sa hospital na kinaroroonan ng katawan mo."

Unti-unting naglaho ang sama ng tingin ko sa kaniya. "Bakit niyo ba kinakalaban ang ama niyo? Hindi ba kayo natatakot sa kaniya?"

"Hindi. Eh, wala namang binatbat yun sa amin. Takot nga sa amin 'yong epal na iyon. Mas triple pa kasi ang katumbas namin kapag nagsama-sama kaming magkakapatid."

"Ang yabang, ha."

"Hindi ako nagyayabang. Totoo ang sinasabi ko. Kaya nga gusto ka no'n asawahin dahil gusto niya magkalahi sa iyo." Napangiwi na lang ako sa pandidiri dahil sa sinabi niya. "Totoo nga ang sinasabi ko, masyado siyang triggered sa amin kaya gumagawa siya ng anak sa iba pang babae para ipang tapat laban sa aming against sa kasamaan niya. Kaya lang pasensya siya nagkaanak siya ng katulad kong mas ipinaglihi sa advanced mag-isip. Kaya nga galit na galit iyon ngayon kasi kinuha namin yung nag-iisa niyang anak na nasa poder niya-- yung anak ni Trinity sa kaniya."

"Ano!" nandudumilat kong bulalas. "M-m-may anak si Ate Trinity kay Epiales?!"

"Oo, Trisha. Totoo ang sinasabi ni Moises," si Ate Trinity ang sumagot. Bigla na lang ito sumulpot sa gilid ni Moises. "At alam ko na rin ang totoo, naaalala ko na ang lahat lahat ng nangyari nung gabing iyon dahil kay Moises."

"Siyempre, ako pa ba, Trinity! Kahit na hindi ako binayaran ng kapatid mong si Phoebe sa utang niya sa akin.  Sabagay, may maganda rin palang naitulong ang pag gate crash ko sa meet and greet niyo ng gabing iyon para singilin si Phoebe sa utang niya."

Natawa si Ate Trinity. "Hanggang ngayon ba naman utang pa din ni Phoebe ang bukambibig mo. Hayaan mo 'pag nakabalik ako sa realidad, ako na ang magbabayad ng utang ng kapatid ko sa'yo. Pero---tatanawin ko talaga ng utang na loob ang ginawa mo para sa aming magkapatid hanggang sa huli. Salamat, Moises, sa pagpapalaya mo sa akin sa teritoryo ng Ama mo, gayundin kay Phoebe. Maraming salamat at nakatawid na rin sa dapat niyang puntahan si Phoebe."

Woah! Ibig sabihin, nakalaya na sa Dreamland si Phoebe? Sigurado akong matutuwa si Elise 'pag nalaman niya ang tungkol dito.

"Ito namang si Trinity, akala mong others. Jino-joke lang naman kita. 'Tsaka huwag ka mag-alala sasabihin ko sa kapatid ko na miss mo na siya."

"Moises!" saway ni Ate Trinity dito at saka ito tumalikod at humakbang paalis hanggang sa unti-unti siyang naglaho dahil siguro sa sobrang hiya.

"Tsk. Paano niya naman mababayaran ang utang na feelings niya sa akin. Tsk. Ni hindi man lang nga niya ako nagawang saluhin nung na-fall ako sa kaniya," dinig kong bulong ni Moises.

"M-may gusto ka kay Trinity?" naisaboses kong tanong. Tsk! Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko. Bakit ko ba kasi tinanong iyon?!

"Oo, dati, pero nung nalaman kong gusto niya Kuya ko... itinigil ko na. Same feelings kasi sila."

Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa mga lumilipad na ibon sa kalangitan. Mga ilang minuto ding nanahimik  si Moises hanggang sa bigla na lang ito tumawa at nagsalita.

"Akala ko talaga, may something sa inyo ni Julian. Hahaha! Akala ko talaga gusto ka niya kaya siya ganoon ka-protective sa'yo. Iyon pala-- kapatid mo siya. Hindi lang pala basta kapatid, kakambal! Na-scam ako. Haha!"

Nakangiwi kong ibinaling ang tingin kay Moises. "Isa ka pang madumi ang utak."

"Totoo naman talaga. Magkausap pa nga kayo nung nabunggo ko---"

Hindi ko na naintindihan pa ang ibang pinagsasabi ni Moises nang bigla na lang ako makarinig ng boses mula sa reality ko. Hanggang sa unti-unting luminaw ang sinabi nito at naramdaman ko na rin ang paghawak nito sa kamay ko.

Gusto kong idilat ang mga mata ko pero hindi ko magawa, sobrang bigat ng pakiramdam ko lalo na ang talukap ng mga mata ko.

"Trisha..." Si Jodie. Sigurado akong siya ito. "I miss you. Gumising ka na. Promise, hindi ako magagalit sa'yo kahit na nagsikreto ka sa akin. Naiintindihan ko naman kung bakit mo itinago ang tungkol kay Indigo-- na kaibigan mo pala siya.  Ayaw mo lang kulitin kita ng 24/7 tungkol sa kaniya. Promise, magtitino na ako basta gumising ka lang. Miss na miss na kita." Tuluyan na itong humagulgol.

Pinisil ko ang kamay nito. Natigil ito sa pag-iyak. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, sa una ay blurred ang paningin ko pero habang tumatagal ay unti-unti na itong lumilinaw.

Malinaw ko nang nakita ang mukha ng pinsan kong si Jodie na hindi maipinta ang pagmumukha sa pagpipigil ng iyak. Basang-basa ang mukha niya sa sariling luha. Nagkalat ang mascara, eyeliner at lipstick niya. Halata din sa mga mata nito na kulang siya sa tulog. Bahagya akong natawa dahil sa itsura nito.

"Trisha!" Umatungal ulit ito ng iyak sabay yakap sa akin.

"J-jodie..." Pilit kong inangat ang kamay kong may nakakabit na dextrose para yakapin ito pabalik.

"Trisha! Akala ko talaga kukunin ka na ni Lord! Hindi pa ko handa na kunin ka niya sa akin! Hindi ka pa nga nagkaka-crush, eh! Hindi pa ko handang maging santo ka ng lahat ng mga nonchalant dito sa lupa!" humahagulgol na litanya nito.

Unti-unti akong napangiti sa sinabi nito lalo na nang makita ko ang iniluwa ng bumukas na pinto. Si Julian-- ang twin brother ko.

----
Moving Closer 30
(July 20,2024)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro