Moving Closer 29
Hindi maampat ang pagdaloy ng luha ko sa aking mga nalaman tungkol sa aking nakaraan. Mabuti na lang ay nandito si Ate Tia para i-comfort at samahan ako sa mga susunod na tagpo ng nakaraan ko.
Narito kami ngayon sa labas ng ICU ng hospital kung saan nandoon ang Mommy ko. Maraming nakakabit sa kaniyang aparato. Comatose siya.
Sunod kaming napunta sa loob ng isang ward kung saan nakaratay ang batang babae-- ang young version ko na may benda sa ulo at may nakakabit ditong oxygen. Nakaupo sa tabi nito ang batang lalaki-- ang Kuya Julian ko na binabasahan ito ng kuwento habang walang tigil sa pagdaloy ang luha nito sa kaniyang pisngi pero pinupunasan din niya iyon kaagad para ipakita sa kapatid niyang malakas at matatag siya. Kahit na hindi naman siya nito nakikita dahil hindi pa rin ito nagigising.
"Hindi ako umiiyak, Jojoy, ha. Napuwing lang ako," tumatawang anang batang si Julian kahit patuloy sa pagpatak ang luha niya.
Dahil sa eksenang iyon ay mas naiyak ako, hinagod-hagod ni Ate Tia ang likod ko.
Maya-maya pa ay napunta kami sa loob ng lumang mansion. Nakita namin ang batang Julian na nakakuyom ang mga kamao habang nakatingin sa Daddy niya na kausap ang isang babae na may kasamang babae na sa tingin ko ay nasa trese anyos na.
"Alam ko ang pinagdadaanan mo ngayon, Gener. Pero sana naman, isipin mo ang mga anak mo. Naiintindihan ka naman nitong anak mong si Tia--" Napatingin ako kay Ate Tia. Nakangiti itong tumango bilang pagsasabi na siya yung trese anyos na babaeng iyon. "Kahit na hindi mo ituon sa kaniya ang atensyon mo. Pero huwag mo naman hayaang alagaan ng Lucresia na iyon si Trisha. Alalahanin mong siya ang may kasalanan kung bakit nagkaganoon ang mag-ina mo. Kung bakit nagkakaganyan ka ngayon. Napapabayaan mo na rin si Julian. Kung hindi mo siya kayang alagaan, ako na lang ang mag-aalaga sa kaniya. Hindi yung iiwanan mo siyang mag-isa dito sa mansion niyo na wala man lang nag-aasikaso. Diyos ko, Gener. Walong taong gulang pa lang iyang anak mo."
Humakbang palapit sa mag-ina ang batang si Julian. "Sasama na lang po ako sa inyo, Tita Beatrice. Isama niyo na lang po kami ni Jojoy sa inyo."
Sa isang iglap ay napunta kami sa labas ng isang mansion. Nakita agad namin ang batang si Julian na umiiyak habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak ng mga lalaking tauhan ni Lucresia. Gustong-gusto nito lapitan ang nakasakay sa stretcher at wala pa ring malay na batang ako pero pinipigilan siya ng mga tauhan nito.
"Huwag niyo nga hawakan ng ganyan ang bata!" singhal ni Tita Beatrice sa mga kasamang tauhan ni Lucresia. Maski na rin ito at si Ate Tia ay hawak ng mga ito.
"Ngayon." Taas noong humarap si Lucresia kina Tita Tia at Julian. "Sabihin mo sa daddy nyo, kung magmamatigas pa rin siya at hindi siya papayag sa gusto kong mangyari. Hinding-hindi niyo na makikita ang kapatid niyo."
Pagkasabi no'n ni Lucresia ay nag-iba na naman ang paligid. Natagpuan na lang namin ang aming sarili sa loob ng pamilyar na Mansion. Ang mansion na tinutuluyan namin ngayon.
Nakita namin dito ang dalagang ako-- sa tingin ko ay high school na ako nito-- tahimik lang ako na nakatingin kay Lucresia na tuwang-tuwa na ipinapakita ang mga pinamili niyang damit at kung ano-ano pa para sa akin.
"Hindi mo ba nagustuhan ang mga pinamili ko sa'yo?" malungkot na tanong ni Lucresia.
"Nagustuhan ko po. Thank you po." Humalik ang dating ako sa pisngi ni Lucresia at tuwang-tuwa naman ako nitong niyakap
"Hon, tignan mo ang mga pinamili ko para sa dalaginding natin," ani Lucresia nang makita niyang pababa ng hagdan si Daddy. Nilagpasan lang sila nito, ni hindi man lang sila tinapunan ng tingin. "Mukang pagod ang Daddy, ha."
"Dito. Dito na siya nagsimulang magloko. Ang makipagrelasyon ng patago sa Daddy ni Indigo," aniko kay Ate Tia. "Kaya pala. Kaya pala walang pakialam si Daddy sa kaniya. Pero bakit pati sa akin."
"He cares for you a lot, Trisha. Nagi-guilty lang siya. Sinubukan niyang bawiin sa amin si Julian pero ayaw sumama ni Julian sa kaniya. At si Julian..."
Napunta naman kami sa sala ng Mansion namin kung saan mag-isang nakaupo si Daddy. Nagbukas ang pinto ng mansion namin at iniluwa no'n ang galit na si Julian.
Nilapitan nito si Daddy at hinawakan sa kwelyo ng suot nito para itayo. "Nasaan si Mommy? Saan mo siya dinala? Bakit wala na siya doon sa hospital?!"
"Inilipat ko siya ng hospital."
"Bakit? Pati ba naman si Mommy ipagdadamot mo sa akin?"
"Hindi. Hindi mo naiintindihan, Julian."
"Ano tingin mo sa akin? Tanga? Para hindi kita maintindihan?" Patulak na binitawan ni Julian ang kwelyo ni Daddy dahilan para mapaupo ulit ito. Hinilamos ni Julian ang mukha niya sa sobrang galit na nararamdaman. "Sa susunod na saktan mo pa ulit ang damdamin ng kapatid ko. Kukunin ko na talaga siya sa inyo ng kabet mo!"
"Umalis ka na bago pa magdilim ang paningin ko at makalimutan kong anak kita."
"Wala-ka-talagang-kuwenta," madiin na sambit ni Julian. Mabigat ang mga paa nitong humakbang palabas at padabog na sinarado ang pinto.
"Ibig sabihin, si Julian ang kausap niya ng gabing iyon!" aniko sa aking sarili.
"Trisha..." Hawak sa dalawang kamay ko ni Ate Tia. "My younger sister. My bunso. Alam mo bang matagal na kitang gustong tawaging bunso pero ang Kuya Julian mo, grabe kung makapag bakod sa kung ano man ang sasabihin ko sa'yo. Haha!"
Natawa ko. "Kaya po pala nung meet and greet natin nakatingin po siya sa atin nung magkausap po tayo."
"Kaya nga din tawang-tawa ako kay Elise. Pinagseselosan ka kasi niya. Hindi ko lang masabing kaya nasa iyo ang atensyon ni Julian dahil kapatid ka niya." Kinurot nito ang pisngi ko. "Kaya... gumising ka na, Trisha. Nag-aalala na ng sobra sa'yo ang Kuya Julian mo. Nag-aalala na kaming lahat sa'yo. Nagising nga si Tita Miles, ikaw naman ang pumalit. Ilang araw ka na kayang walang malay."
"Po? Eh, parang wala pa nga pong isang oras."
"Ikalimang araw mo nang wala kang malay nung bumisita ulit ako sa hospital. Natulog lang ako sa tabi mo at sinubukan na gawin ulit pumasok sa panaginip ng taong hinawakan ko para dalhin siya sa nakaraan. Para lang masiguro ko na okay ka."
"Salamat po, Ate Tia. Salamat," nakangiting aniko habang unti-unti kaming nagliliwanag.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa pinaka-gitna ng rooftop ng Moises University. Napatingin ako sa suot ko-- naka-hospital gown ako. So, nasa hospital pala ang katawang lupa ko. Buhay pa naman siguro ako.
Natigilan ako sa pag-iisip nang kung ano-ano nang makarinig ako ng strumming ng gitara at saka biglang pasigaw na kumanta ng ..
"I miss you like crazy! Even more than words can say! I miss you like crazy! Every minute of everyday! Girl I'm so down..."
"Napakaingay naman talaga!" inis inisan na sambit ko. Natigilan ito sa pagkanta't paggitara saka lumingon sa akin.
"Trisha!" nandudumilat na sigaw nito. Binitawan nito ang gitara niya at kumaripas ng takbo palapit sa akin, saka ako sinunggaban ng yakap. Nandumilat at napanganga na lang ako sa inakto nito. "Buti na lang talaga dumating ka. Hindi ako makababa! Ang boring pa, wala akong maasar!"
Napangiti ako sa sinabi nito at yinakap na lang din ito pabalik. Sige na nga, aamin na ako, crush ko na talaga itong abnoy at napakaingay na John Moises Sixto na ito. Tsk!
----
Moving Closer 29
(July 07,2024)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro