Moving Closer 27
"M-m-m-moises... ikaw si Moises."
"Aish!" Inis na inis itong lumayo sa akin nang nakatakip ang mga mukha at saka nagpapadyak sa isang sulok nitong rooftop habang may mga naglalabasan sa kaniyang sticky notes na ang ilan pa nga ay dumapo sa aking mukha.
Kinuha ko agad ang mga ito at binasa isa-isa.
"Tang*na! Buking na!"
"Ang tanga mo, Moises, bakit nagpakilala ka kaagad!"
"Putaragis! Bistado na ko!
"Paano na gagawin ko? Nahihiya akooo."
"Paktay ka na John Moises Sixto Del Mundo!"
Pinigil ko ang sarili ko na huwag matawa pero ang hirap magpigil lalo na at para nang confetti ang sticky notes na lumalabas sa kaniya na puro lang naman mura ang nakasulat.
"Ah, John Moises Sixto pala ang pangalan mo."
Natigilan ito sa pagmamaktol sa isang gilid. Unti-unti nang nawala ang mga sticky notes na lumabas sa kaniya. Hinuli ko na lang sa kawalan ang kahuli-hulihang sticky notes na lumabas sa kaniya na may nakasulat na.. "Oo."
Napangiti ako. "So, Moises ang gamit mo sa Dreamland. At Sixto naman dito sa reality."
"Tsk. Wala na, sira na ang plano kong magpa-misteryoso." Inis na inis itong lumapit ulit sa akin. Pagkalapit nito ay hinawakan nito ang braso ko at napunta ulit kami sa tapat ng guest room na tinutuluyan niya. Binitawan nito ang braso ko, itinuro nito ang dalawa niyang mata at itinuro ang dalawa kong mata nang paulit-ulit. "I'll watch you, sa oras na ipagkalat mo ang sikreto ko...."
Hinuli ko ang dalawang daliri nitong nakaturo sa akin. "Wala akong pakialam sa pa-mysterious effect at sikreto mo. Ang mahalaga sa akin ay patas na tayo. Kilala na rin kita dito sa reality, John Moises Sixto."
Nginisihan ko siya bago ko bitawan ang dalawa niyang daliri. Humakbang na ako patungo sa guest room na tinutuluyan ko at pumasok na rito.
Umupo na lang ako sa kama ko at tinignan ang kamay na pinanghawak ko sa dalawang daliri nito. "Kaya pala pamilyar ang presensya niya. Kaya pala pamilyar ang nararamdaman ko sa tuwing nandiyan siya, iisa lang pala sila."
-----
*Dreamland*
"'Tsk! Sinasadya mo ba talaga matulog ng nakahubad?!" iritableng tanong ko habang nangunguna ako sa paglalakad sa kinaroroonan naming park na may mga maliliit na dinosaurs.
"Eh, sa hindi ako komportable matulog nang may damit," depensa nito na siyang ikinailing ko na lang.
"Kahit na, alalahanin mo namang may kasama kang babae sa panaginip."
Natawa ito. "At least kahit sa panaginip man lang makita mo itong katawan ko na pinagpapantasyahan ng mga kababaihan sa reality."
"Kilabutan ka nga sa pinagsasabi mo, John Moises Sixto!"
"Nalaman mo lang buo kong pangalan, eh, inabuso na ang pagbanggit. Baka sa susunod niyan, hingin mo na ang apelyido ko."
"Sira! Aanhin ko naman ang apelydio mo, may sarili akong apelyido." Nahinto ako sa paglakad dahil sa isang maliit na pulang dinosaur na bigla na lang nanalon. Nasalo ko naman ito at hinilig nito sa aking dibdib ang ulo niya't taimtim na natulog. "Ang cute naman." Hinaplos-haplos ko ang katawan ng buhat kong dinosaur. Kanino kayang panaginip ito?
"Buti naman at inamin mo rin na naku-cute-an ka sa akin," banat pa ni Moises.
"Assumero," asik ko dito na siyang ikinatawa nito ng wagas.
"Uy, may mga tao!" dinig naming sabi ng isang maliit na boses ng isang babae. Agad naman naming nakita ang isang babae na sa tingin ko ay menor-de-edad pa lamang na bumaba sa sinasakyan nitong pink dinosaur na kasing laki lang ng maliit na kabayo at nilagyan pa niya iyon ng tali sa leeg.
"Yay, ginawang aso ang dinosaur," dinig kong bulong ni Moises.
Pero ang pinaka-napansin ko sa kaniya ay malinaw ang mukha niya. Isa siyang Lucid Dreamer katulad namin.
"Welcome to my place!" nakangiting anito sa amin. "Sa wakas may naligaw na rin na katulad kong Lucid Dreamer sa teritoryo ko. Kumusta kayo? Ako pala si Shea Aubree Valentin but just call me Shea. 25 years old from..."
"Ha?! 25 years old ka na?!" sabay naming sambit ni Moises. Nagkatinginan pa kaming dalawa ni Moises. Agad ko ring binawi ang tingin ko rito at ibinalik sa babaeng nagpakilalang Shea.
"Oo," nakangusong sagot nito sa amin. "Bakit? Ngayon lang ba kayo nakakita ng 25 years old na mukang mas bata pa sa inyo? Grabe kayo sa akin, ha, kasalanan ko ba kung ipinanganak akong mukang bata. Kasalanan ko ba kung maliit ako at hindi mukang 25 years old. Kasalanan ko ba kung hindi ako mukang dalaga." Nanggigilid na ang mga luha nito hanggang sa sumalampak na ito sa damuhan at nag-iiyak.
"Hala siya, hindi ganoon ang ibig naming sabihin," depensa ko.
Nagsilapitan dito ang mga alaga niyang maliliit na dinosaur, maski na ang buhat ko na dinosaur ay nilapitan siya para aluin at patahanin ang amo nilang umiiyak.
"Matandang isip bata," bulong ni Moises.
"Manahimik ka nga baka madinig ka," saway ko rito.
"Pati ba naman dito sa panaginip, binu-bully ako! Napaka-bad talaga ng mga tao!" humahagulgol na sambit nito.
"Hindi, hindi ka namin binu-bully. Nagulat lang talaga kami na 25 years old ka na. Hindi kasi halata, eh. Muka kang bata tignan. Compliment iyan hindi pang-iinsulto."
Natigil ito sa pag-iyak. "Talaga?" Nagpahid pa ito ng luha at unti-unting ngumiti sa akin. "Pinupuri mo ako? Hindi mo ako binu-bully?"
"Oo," tumatangong aniko.
"Patingin ng birth certificate, oh," hirit pa ni Moises, na siyang ikinasimangot ulit ni Shea at mukang iiyak na ulit.
"Moises! Manahimik ka nga muna," saway ko rito.
"Wow!" manghang-manghang sambit ni Shea. Nakalapit na pala ito sa amin at halos malaglag ang panga ko sa ginawa nitong paghawak sa censored na tore ni Moises. "Huli ka! May bago na akong dinosaur pet!"
"P*tang*na mo!" nandudumilat na singhal dito ni Moises sabay hawi sa kamay nitong nakahawak sa censored niyang tore. Nagtago ito sa likuran ko. "G-g*go ka ba? Anong dinosaur pet! Abnormal ka ba, ha! Manyak!"
Sinamaan nito ng tingin si Moises. Ganoon din ang mga nasa likod nitong maliliit na dinosaur.
Pasimple akong hinila ni Moises palayo sa mga ito. Naalerto din naman ako kahit papaano dahil mukang galit na galit ang mga alaga nitong mini dinosaur na anumang oras ay mukang mananakmal.
"Hulihin niyo ang bago niyong kapatid na dinosaurs!" utos ni Shea sa mga alaga niyang mini dinosaurs.
"Ahhh!" sigaw ni Moises saka ito nagtatakbo at hinabol naman ito ng mga mini dinosaurs. Nilagpasan lang nila ko. "Trisha! Help! Trisha!"
"Bahala ka sa buhay mo. Sige, kagatin niyo dila niyan nang manahimik na. Tsk."
"Hello!" Kaway ni Shea sa harap ng mukha ko. At saka nito hinawakan ang magkabila kong pisngi at tinignan ang mga mata ko. Namangha naman ako sa ganda ng kulay bughaw niyang mga mata na mukang nagniningning. "It's nice to meet you, Trisha. Sorry, hindi ko sinasadya. Hindi ko naman alam na hinahangaan mo siya." Humahagikgik itong humiwalay sa akin at saka pumito dahilan para magsihintuan ang mga alaga nitong mini dinosaur sa paghabol kay Moises.
"Ha?" naguguluhang sambit ko kay Shea.
"Ang sabi ko, crush mo siya." Turo nito sa dahan-dahan na papalapit sa gawi naming si Moises habang tinitignan ang mga alaga nitong mini dinosaurs. "Iyon ang nabasa ko sa mga mata mo. Humahanga ka sa kaniya pero ayaw mong aminin sa sarili mo na nagkaka-crush ka sa isang abnoy na nagngangalang Moises."
Napanganga na lang ako sa sinabi nito. Humahagikgik at parang kinikilig naman nitong tinakpan ang mga bibig niya habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Moises na kasalukuyan nang nakalapit sa akin.
----
Moving Closer 27
(July 06, 2024)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro