Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Moving Closer 26

"Seryoso ka ba talagang dito ka lang sa guest room?" tanong ulit ni Indigo. Inilipat nito sa sofa ang mga gamit ko at umupo sa tabi ko.

"Oo, basta 'pag nandiyan na si Jodie at nakakaasiwa ang suot niya. Bigyan mo siya ng coat," bilin ko ulit.

Napakamot ito sa ulo niya. "Baka ma-misunderstood niya kung ako ang gagawa kaya pinakisuyo ko na lang sa mga tropa ko. Nandoon nga sila sa gate para abangan ang pinsan mo."

"Sino namang tropa?"

"Basta, hindi si Sixto," natatawang anito. "Kung naiinip ka or may pakikisuyo ka lumipat ka lang sa kabilang guest room. Katukin mo lang, pagbubuksan ka no'n. Utusan mo nang utusan para tuluyan ng bumaba sa amin. May pinagtataguan din kasi iyan na mutual friends namin. Hindi daw siya pwede makita kaya nagtago sa guest room. Parang ikaw. Haha!"

"Gusto ko lang ng peace of mind kaya ko pinagtataguan si Jodie. Hindi niya alam na close friend kita. Iniiwasan ko lang din na magtampo siya sa akin. Ang panget namang pag-awayan namin ng pinsan ko ang katulad mo."

Natawa ito. "Kasalanan ko ba kung magka-crush sa akin iyang pinsan mo."

"Ang hangin, ha."

"'Tsaka marupok naman iyang pinsan mo, sigurado akong mamaya, iba na crush niyan hindi na ako. Haha!" Tumayo na ito at nag-inat. "So, pakisuyo na lang din, pakidala yung isang tray ng pagkain kay Sixto, ha." Kinindatan muna ako nito, saka pasipol-sipol na lumabas ng guest room na kinaroroonan ko.

"Tsk! Hindi na lang siya nagdala don. Eh, kaibigan naman niya yun. Mas close sila no'n."

Sabagay, chance ko na rin ito para makapag-thank you sa kaniya sa pagsoli ng ID ko. Kundi dahil sa kaniya malamang hindi ako makakakuha ng quiz sa lahat ng subject nung araw na iyon.

Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong-hininga bago ko lapitan ang isang tray ng pagkain na umuusok-usok pa.

Binuksan ko muna ang pinto at sinilip ang labas para i-check ang labas. Wala namang tao kaya dali-dali kong kinuha ang isang tray ng pagkain at lumabas ng guest room na kinaroroonan ko.

Sakto namang pagtayo ko sa tapat ng pinto ng guest room na kinaroroonan ni Sixto ay siyang bukas nito. Nagkasalubong ang mga mata namin. Naka-face mask ulit siya. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kaba at para bang may kung anong naglalaro sa sikmura ko.

Walang imik na inabot ko na lang dito ang tray na hawak ko na agad din naman niyang kinuha sa akin. At walang sali-salita na humakbang ako papasok sa guest room na tinutuluyan ko.

Pagkasara ko ng pinto, napasandal na lang ako sa likod ng pinto at napahawak sa aking puso na grabe ang pagtibok at sa tyan ko na hindi ko malaman kung anong meron para ba akong madudumi na hindi ko maintindihan.

Agad akong napaalis sa likod ng pinto nang may kumatok dito ng isang beses hanggang sa masundan pa iyon ng dalawang katok.

Nanginginig kong hinawakan ang pinto at dahan dahan na binuksan ito. Sinilip ko ang nasa labas. Sinalubong ang noo ko ng isang sticky notes at ang nakapamulsang si Sixto.

Kinuha ko agad ang dinikit nitong sticky note sa noo ko na may nakasulat na, "Thank you." with smiley emoji.

Inilipat ko ang tingin ko kay Sixto. Pinagbukas-bukas ko ang pinto at walang ano-anong idinikit ko sa pisngi nito ang sticky note na hawak ko.

"Wala ka bang dila?"

Yumuko ito ng bahagya para tapatan ang mukha ko. Nakipag-eye to eye siya sa akin. Naalala ko na naman si Moises noong inilapit niya ang mukha niya sa akin noong nasa taas kami ng tree house. Napahawak na lang ako nang mahigpit sa pinto, pakiramdam ko bibigay ang mga tuhod ko sa sobrang kaba.

Pagkatapos ay lumayo ito sa akin at may idinikit na naman ito sa noo ko na sticky note. Umalis na ito sa harapan ko.

Kinuha ko ang sticky note sa noo ko at binasa, "Baka hindi mo magustuhan ang mga lumabas sa bibig ko. I hate small talks." with smirk emoji.

"Paano niya nagawa yun?" Kunot-noo kong tanong sa sarili ko. "Paano niya nagawang magsulat nang wala man lang ballpen habang nakatingin sa akin. Ni wala nga siyang sticky note pad na hawak."

Nilamukot ko agad ang sticky note na hawak ko at hinabol ko si Sixto na papasok na ng guest room.

"Sandali." Lumabas ulit ito ng guest room. "Sino ka ba? Paano mo nagawa 'yon? H-huwag ka na magpanggap alam kong may special ability ka."

Akma akong lalapit sa kaniya pero may bigla na lang na may humawak sa pulsuhan ko-- na agad ko rin naman nilingon. Nandumilat ako nang makita kong si Sixto ito. Naging dalawa si Sixto.

Paglingon ko sa totoong Sixto ay nag-iba ang paligid. Wala na kami sa loob ng mansion nila Indigo. Nasa rooftop kami ng isang establisimyento. Wala na rin sa likuran ko ang kamuka niya.

"Huwag ka matakot, hindi kita ihuhulog dito kahit na--" Hinintay ko pa ang ibang sasabihin nito. Nagpakawala lang ito ng malalim na buntong-hininga at saka nakapamulsang humakbang palapit sa akin. "Ihuhulog talaga kita 'pag ipinagkalat mo sa mga kaibigan mong Lucid Dreamers ang tungkol sa existence ko. Na isa akong anak ni Epiales."

Nandumilat ako sa sinabing iyon ni Sixto. "I-ikaw. Ikaw ang gumamit ng katawan ni Lucila Macaraig."

"Huwag ka magkalat ng fake news. Hindi ako cheap. Hindi ako gumagamit ng katawan ng iba para lang magkaroon ng kaibigan. Hindi ko iyon linya. Ang linya ko ay magparami." Pagkasabi niya no'n ay nagsulputan ang mga kamuka niya. Hindi lang isa, naging dalawa, tatlo apat, lima hanggang sa hindi ko na siya mabilang. "Humayo at magparami."

Pumalakpak ako sa sobrang mangha. "Ang galing."

Parang mga bulang isa-isang nawala ang mga kamukha niya.

"Seryoso ka ba talaga? Hindi ka man lang matatakot sa akin? Delikado akong tao-- anak ako ni Epiales. Hindi ka man lang ba natatakot sa pwede kong gawin sa'yo? Ngayong, alam mo na ang sikreto ko."

"Bakit naman ako matatakot sa'yo? Sino ka ba para katakutan? Isa pa.." Kumibit balikat ako. "Ano akala mo sa akin maingay? Madaldal tulad ng abnoy na Moises na iyon. Tsk."

"What! W-what did you say? Abnoy? Ako abnoy?" Turo nito sa sarili niya. Lumapit-lapit pa ito sa akin at iritable nitong tinanggal ang facemask niya na siyang ikinadilat ko ng sobra. "Itong guwapong ito abnoy?!"

"M-m-m-moises..."

----
Moving Closer 26
(July 06,2024)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro