Moving Closer 24
*St. Peregrine College (School cafeteria)
"Seryoso ka ba talagang ito ang susuotin mo sa birthday party ni Prince Indigo mamaya?" hindi makapaniwalang tanong ko habang pinagmamasdan ko ang hawak kong pulang see-through pajama long robe set na kabibili lang nito ngayon sa SM.
"Oo." Inagaw nito sa akin iyon at inilagay ulit sa kandong niyang paper bag. "Ang ganda 'di ba. Sigurado akong hindi maaalis ni Prince Indigo ang tingin niya sa akin."
"Nababaliw ka na talaga. Alalahanin mong hindi lang kayo ni Prince Indigo ang nandoon, hindi niyo iyon honeymoon. Birthday party iyon. Sigurado akong pauuwiin ka ng kuya mo 'pag nakita niyang ganyan ang suot mo."
"Eh, kasama ko nga si Kuya Yhawa bumili ng isusuot ko. Ang sabi pa nga niya, bagay ito sa akin. Ang kunsintidor niya 'no. Kaya love na love ko Kuya ko na iyon, eh."
Napangiwi na lang ako sa sinabi niya. Mukang kahit anong sabihin ko, hindi niya papakinggan at buo na ang desisyon niyang iyon talaga ang susuotin niya.
Kailangan ko talagang mauna sa bahay nila Indigo para makausap siya bago pa man makapagsimula ang party niya.
Pasimple ko tinignan ang oras sa cellphone ko. 3:56 p.m na. Tamang-tama, mag-uumpisa na ulit ang huling klase ni Jodie. Makakauwi na ko para makagayak at makapunta ng maaga kila Indigo.
"Hala, 4 minutes na lang pala. Mag-uumpisa na class ko," nakasimangot na sambit nito. "Ikaw, Trisha, uuwi ka na ba talaga? Hindi mo talaga ko hihintayin?"
"Hindi. Mauuna na muna ko sa iyo ngayon. 'Di ba nga may pupuntahan ako."
"Oo nga pala." Isinukbit na nito ang shoulder bag niya at tumayo. "Sayang, hindi kita masusundan este masasamahan."
"Mabuti."
"Sige na, bukas na lang. Kung wala lang kaming quiz, a-absent talaga ko para ihatid ka sa kung saan man ang punta mo."
"Pasok na," taboy ko rito.
Nginusuan ako nito. "Hindi mo talaga ako ihahatid man lang sa room ko?"
"Hindi pero ihahatid na lang kita ng tanaw palabas nitong cafeteria."
Wala na itong nagawa kundi ngusuan ako at tamad na tamad na lumakad palabas ng cafeteria.
Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko, isinukbit ko ang shoulder bag ko at dinampot ang katutunog ko lang na cellphone.
*Zephaniah Elise Zerrudo calling...*
Tumatawag na naman si Elise. Hindi ko na mabilang kung ilang tawag na niya sa akin ito magmula pa kagabi after ng zoom meeting naming mga Lucid Dreamers pero ni isa ay hindi ko nasagot dahil sa maaga ako nakatulog kagabi at hindi ko rin sya matiyempuhan.
Kung kailan naman kasing sasagutin saka biglang mamatay. Hindi ko naman siya ma-message at busy ako sa pinapagawang açtivities, pati na rin sa pakikinig sa discussions sa dalawa naming subjects dahil mahilig magbigay ng surprise quiz ang mga professor namin na iyon.
In-slide ko agad ang green button nito at sinandal sa tissue holder ang cellphone ko. Bumalik muna ako sa pagkakaupo para kausapin ito sa video call.
"Finally, Trisha!" Umikot pa ang mata nito bago ako ngitian. "Sinagot mo din. Sobrang busy mo naman 'ata."
"Oo, pasensya na ngayon ko lang nasagot ang tawag mo."
"Siguro naman ngayon hindi ka na busy?"
"Hindi na pero may pupuntahan ako."
"Pare-parehas kayo ng alibi nina Julian at Deejay. Umamin ka nga sa akin, Trisha, iisa lang ba ang pupuntahan niyong tatlo?"
Umiling ako. "Hindi. Birthday ngayon ng kaibigan ko. Doon ako pupunta."
"See, ganiyan din ang sabi sa akin nina Deejay at Julian baka iisa lang ang kaibigan niyo, ha."
Malabo ang sinasabi niya dahil hindi naman kaibigan ni Indigo sina Deejay at Julian. Hindi sila magkakakilala.
"So, maiba tayo---" Tumingin muna sa likuran niya, wala naman siyang kasama sa kinaroroonan niyang school library. "Totoo ba talaga na guardian mo si Ate Trinity? Ano ang sabi niya? May nabanggit ba siyang paraan na dapat gawin para magising na siya?"
"Wala. Wala siyang nababanggit na ganiyan. Pero 'pag nagpakita ulit siya sa akin itatanong ko iyan."
"Pwede bang iyakap mo rin ako sa kaniya 'pag nagkita kayo? O kung pwepwede, sabihan mo siya na magpakita sa akin sa Dreamland."
"Sige, susubukan ko."
"Thanks," nakangiting anito. "So, kumusta naman kayo ni Julian? Sinagot mo na ba siya? Kayo na ba?"
"Ha?" Halos mahulog ang panga ko sa tanong nito. "A-anong k-klaseng tanong naman iyan. H-hindi. Walang ganoon. K-kaibigan ko lang si Julian. Magkaibigan lang kami."
"Talaga ba? Matagal ko ng kilala si Julian, kaibigan to be specific, pero iba ang concerned at approached niya sa'yo kesa sa amin."
"Magkaibigan lang kami, Elise." paglilinaw ko dito.
"Para sa'yo. How about kay Julian?" taas kilay na tanong pa nito pero nakangiti siya.
Hindi na lang ako kumibo dahil wala naman akong dapat ipaliwanag pa. At hindi ko gusto ang hinala niya tungkol sa pagkakaibigan namin ni Julian.
"Alam mo bang selos na selos na ko sa'yo at puro na lang ikaw ang bukambibig niya. Ikaw ang laging nakikita niya."
"Elise..." banggit ko na lang sa pangalan nito sa sobrang pagkabigla sa sinasabi nito, na sa tingin ko ay confession.
"Yes, I like him Trisha. I like Julian pero hindi naman kita pinapalayo sa kaniya. Ang gusto ko lang, malaman mo ang feelings ko para sa kaniya kasi kaibigan na rin kita."
"A-alam ba iyan nina Ate Tia at Deejay?"
"Yes, alam nila. Kaya nga sinabi ko sa iyo ito para ma-inform ka sa feelings ko-- kung may feelings ka man for Julian back off, Trisha. Haha! Just joking." Tumawa man siya pero parang seryoso naman siya sa sinabi niya na iyon.
"Si Julian? Alam ba niya?"
"Hindi niya alam at wala akong balak na ipaalam. Ayokong mailang siya sa akin. Ayoko masira ang friendship na meron kami ngayon."
"Nakaka komplikado pala talaga ang pag-ibig. Buti na lang wala ako niyan at wala akong balak magkaroon niyan."
"Huy, seryoso ka ba? Iyang ganda mo na iyan? Wala ka talagang boyfriend?" nandudumilat na tanong ni Elise.
Umiling-iling ako. "Wala. Kung makapagsalita ka naman akala mong hindi ka rin maganda. Mas maganda ka sa akin, Elise."
"Kaya ang hirap mong awayin, eh, ang bait mo at ang humble pa. Pero seryoso talaga? Wala ka man lang bang crush?"
"Wala, eh."
"Hala ka, Trisha! Konti na lang talaga maniniwala na ako sa sinasabi ni Ate Tia na pusong bato ka. Hindi ka man lang ba nakakaramdam ng paghanga sa lalaki? Wala man lang bang pogi sa paningin mo? Hindi ka man lang ba na-attract kahit isang beses."
Biglang pumasok sa isip ko ang imahe ni Moises, yung maingay na guwapong Lucid Dreamers na akala mong Greek god sa sobrang perfect ng pagkakahulma mula ulo hanggang paa. Ipinilig ko ang ulo ko sa isiping iyon lalo na nang maaalala ko na naman ang censored na tore ni Moises.
"Ni hindi ka man lang ba naging interesado sa isang lalaki? Yung tipong sinearch mo pa sa social media kahit na imposibleng makita mo siya doon?"
"Ganoon ba iyon?" Natawa ng pagak si Elise at tumahimik din ito agad dahil nasa library nga ito ng eskwelahan niya. "Crush na ba ang tawag doon pag pinagtatanong at inaalam ang pangalan, saka kung ano pa ang ibang tungkol sa kaniya? 'Tsaka akala mong may spotlight na nakatutok sa kaniya at para bang slow-mo habang lumalapit siya sa'yo."
"Oo, ganiyan nga, humahanga ka sa kaniya," humahagikgik na sambit nito.
Ganoon pala iyon. Ibig sabihin, may crush ako kay Moises? May crush ako sa isang abnoy? Talaga ba?
----
Moving Closer 24
(June 30, 2024)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro