Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Moving Closer 23

"Sigurado ka ba talagang hindi mo ako sasamahan sa loob ng mall? Hindi mo ko tutulungan maghanap ng ireregalo sa aking Prinsipe Indigo? Hindi ka man lang din ba magsa-suggest ng dapat kong iregalo sa kaniya? Kung hindi, anong klase kang pinsan." seryosong litanya ni Jodie na siyang ikinangiwi ko.  Tumawa ito ng wagas. "Charot! Haha! Ako na lang ang bibili. Paki bantayan ang bag ko, ha. Mayroon akong kayamanan diyan, mga limang daang pirasong twenty coins."

Nilapag nito sa tabi ko ang bag niya. Bumaba na ito ng sasakyan at dire-diretsong naglakad papasok ng mall.

"Ma'am, gamit lang po ako ng CR sandali."

"Sige po."

Pinagmasdan ko na lang din ang pag-alis ni Mang Celso hanggang sa makapasok siya sa loob ng mall. Pagkatapos ay ipinagpatuloy ko na ang pagbabasa ng messages ni Indigo sa akin.

"Bakit mo naman ako tinatadtad ng calls and text? May atraso ba akong nagawa kaya ka hindi makatulog? Haha! Punta ka bukas, ha!"

Pagkabasa ko ng message na iyon ni Indigo. Nag-pop-up ang profile picture ni Julian. Tumatawag siya. Sinagot ko naman agad ang video call nito.

Malikot ang camera at maingay pero nakita ko si Lucila na walang malay na nakasakay sa stretcher at mabilis na mabilis iyong itinutulak ng mga nurse papasok ng E.R. Naiwan naman sila Julian sa labas no'n, pumirmi na ang camera ng cellphone nito.

"Anong nangyari kay Lucila? Bakit kayo nasa hospital?" nag-aalalang tanong ko.

"Hindi ko alam, Trisha. Nakatanggap na lang kami ng tawag mula sa kasamahan niya sa boarding house. Hindi raw sya magising. Wala na raw pulso at hindi na humihinga si Lucila."

Para bang tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang mga sinabing iyon ni Julian.

"Dinala pa rin namin siya dito sa hospital kahit alam naman naming patay na siya," dagdag pa ni Julian, bakas sa boses nito ang lungkot.

Biglang nawalan ng signal at namatay pa ang cellphone ko kahit na full charge naman ako. Nandito siya. Luminga-linga ako sa bawat sulok ng sinasakyan ko pero wala naman ako nakitang Lucila.

Bumaba ako ng sasakyan, nagbabakasakaling makita ko si Lucila. Gusto ko siya yakapin kahit na nasa loob pa siya ng katawan ng ibang tao tulad ng ginawa niya nung nakaraan kay Jodie.

Chineck ko ang palibot ng sasakyan namin at baka nagtatago lang siya pero wala akong nakitang tao.

"May prob--" Halos mapalundag ako sa sobrang gulat ko sa boses ng lalaking bumulong mismo sa tapat ng tenga ko na siyang ikinakilabot ko. Agad ko itong nilingon. "...lema ba, Miss?"

Hindi ko nakita ang itsura nito at bigla na lang umilaw ang headlight ng katapat naming kotse na naka-park.

"Ano ba naman iyan! Mambubulag ba ito?" reklamo ko.

Humakbang ako paalis sa tapat ng kotse. Sasakay na ulit ako sa sasakyan namin nang may humawak sa kamay ko. Nandudumilat ko itong nilingon, at unti-unti ko itong kinunutan ng noo habang pinag-aaralan ang mukha nito.

Blonde two-block haircut. Makapal pero may ukit na letter N ang isang kilay. Mapupungay na mga mata na akala mo bang antok na antok. Matangos na ilong. Pangahan at hugis pusong maputlang labi. Matangkad na nakayapak at may suot pang hospital gown.

"Kumusta ka?"

"Excuse me?"

"Atlas ang pangalan ko."

Hinalikan nito ang kamay kong hawak niya habang nakatingin sa akin. Sapilitan kong inagaw rito ang kamay ko. Tinalikuran ko agad ito at sumakay ng sasakyan.

Nanatili namang nakatayo lang doon sa kinatatayuan niya ang nagpakilalang si Atlas habang walang emosyong nakatingin sa akin na akala mo bang nakikita pa rin niya ako. Ang creepy niya.

-----

"Listen, Lucid Dreamers," ani Ate Tia via zoom, napapagitnaan siya nina Julian at Deejay. Si Elise naman ay katulad kong mag-isa lang. "Kailangan natin mas mag-ingat ngayon at wala na si Lucila sa katawan ng taong ginamit niya."

"You mean yung anak ni Epiales na kumontrol sa katawan ni Lucila Macaraig. Sabi nga 'di ba ni Professor Arnaiz, matagal ng patay ang anak niyang si Lucila na bestfriend ni Ate Trinity kaya he/she's not Lucila. He/she is a totally stranger," ani Elise.

"K-kayo yun? Kayo yung tinutukoy ni Mitchie na humahanap din kay Professor Arnaiz?" nandudumilat kong tanong.

"Oo, nagpunta kami ng school mo," si Ate Tia ang sumagot.

"Naka-leave daw si Professor Arnaiz kaya pinuntahan na lang namin siya  sa mismong bahay nila. Tapos tinuro naman kami ng kasambahay nila na nasa cemetery nga daw at dinalaw ang anak niya sa Nueva Ecija.  Nung araw din na iyon pinuntahan namin siya, at doon namin nadiskubreng matagal ng patay si Lucila Macaraig-- na ginagamit lang ang katawan niya ng anak ni Epiales." salaysay ni Julian.

"Talagang walang imposible sa demonyo. Nagawa pang gamitin ang katawan na nasa hukay na. Doble burol tuloy ang nangyari sa katawan ni Lucila. Tsk! Tsk! Tsk!" Umiiling na sambit ni Deejay.

"Salamat, Trisha, kundi dahil sa'yo malamang ako na ang pinaglalamayan niyo ngayon at hindi natin madidiskubre ang tungkol sa anak ni Epiales. Napakalaki ng utang na loob ko sa'yo. Salamat sa pagpasok mo sa panaginip ko at na-destruct mo ang anak ni Epiales," nakangiting ani Tia. Kung magkakasama nga lang kami malamang ay sinakal na niya ako sa yakap sa sobrang pagpapasalamat.

"Oo nga. At kung hindi dahil sayo malamang ginagamit pa rin niya ang katawan ni Lucila at nagpapanggap pa rin siya si Lucila. And worst, agawin niya ang katawan ko habang nag-a-astral projection ako." seryosong dagdag pa ni Elise.

Ang hindi ko lang talaga maintindihan bakit nung gabi na iyon, nung ginamit niya ang katawan ni Jodie para kausapin ako. Bakit niya pinapahanap sa akin ang Mommy ni Lucila? No choice na ba siya dahil nalaman na ni Ate Tia ang tunay na siya? Or si Lucila Macaraig mismo ang nakausap ko ng gabing iyon? Bigla tuloy akong naguluhan.

"Nalaman din namin kay Professor Arnaiz na huli niyang nakausap ang anak niyang si Lucila noong a-attend ito ng 'Meet and Greet' nilang mga Lucid Dreamers. At pag-uwi daw ni Lucila ng gabing iyon, nung pagkagaling niya sa 'Meet and Greet'. Hindi raw iyon mapakali, balisang balisa raw si Lucila. Kinabukasan, natagpuan na lang ang walang buhay na si Lucila." kuwento ni Ate Tia.

"Ganoon din ang Ate Phoebe ko at ang tanging nag-iisang nakaligtas sa 'Meet and Greet' na iyon ay si Ate Trinity," dagdag ni Elise.

"Biruin niyo yun, out of thousand Lucid Dreamers na um-attend sa 'Meet and Greet' na iyon. Isa lang ang natira-- si Trinity. Iisa lang ang ikinamatay nilang lahat kundi atake sa puso, nakalimutan huminga, binangungot, aksidente at nag-suicide. Base iyan sa na-search namin ni Deejay nung taong iyon," ani Julian.

"Kaya nga kung mapapansin niyo, iilan na lang tayong Lucid Dreamers 'di ba. At mukang balak pa nga tayong idispatya isa-isa. Buti na lang talaga, mga salakam tayo," mayabang na sambit ni Deejay.

"Kaya nga kailangan nating protektahan ang katawan ni Trinity sa anak ni Epiales. Siya na lang ang pag-asa natin kung ano ba talaga ang nangyari nung gabing 'Meet and Greet' na iyon at kung bakit si Lucila ang tinuturong salarin nila sa nangyari," saad ni Ate Tia.

"Sa tingin ko po, hindi," salungat ko rito dahilan para sa akin silang lahat magtinginan. "Ang totoo niyan--- guardian ko si Trinity.." Namilog ang mga mata nito lalo na si Elise. "Ako ang pinili niyang bantayan laban sa bestfriend niyang si Lucila. Base sa kwento niya, pinagselosan at kinaiinggitan silang dalawa ni Lucila dahil ang atensyon ng hinahangaan nito ay sa kanila nakatuon. Sa madaling salita, isa rin sa dumalo sa 'Meet and Greet' na iyon si Epiales-- ang lalaking kinahumalingan ni Lucila."

"Kung ganoon, biktima lang din talaga si Lucila Macaraig dito. Siya ang sinangkalan ni Epiales," konklusyon ni Julian.

"Trisha." Sinarado ko agad ang laptop ko at hinarap ang kapapasok lang ng kuwarto ko na si Jodie. "Trisha! Trisha! Trisha!" Sumampa ito sa kama ko at gumulong-gulong hanggang sa makarating ito sa dulo at umupo siya rito paharap sa akin. "Trisha!"

"Alam kong kinikilig ka, Jodie. Pero puwede bang sabihin mo na lang kung ano man ang sasabihin mo?"

"Trisha!" Impit na tili nito.

"Ano nga?"

"Tadah!" Ipinakita nito sa akin ang isang pamilyar na invitation. "Nakasabay kong bumili si Prince Indigo sa 'Peace Tea Yhawa' same pa nga kami ng in-order. Favorite din pala niya yung best seller na ukinamo milktea. Tapos binigyan niya ako ng invitation. In-invite niya ako sa birthday party niya bukas basta daw pilitin kong um-attend si Kuya Yhawa."

Tumango-tango na lang ako sa sinabi niya. Nakalimutan kong kaibigan nga pala ni Indigo si Yhawa. At mukang napasubo na rin si Indigo kaya inimbita na rin niya itong si Jodie. Goodluck na lang talaga sa kaniya bukas.

At goodluck din sa akin sa pagtatago kay Jodie, huwag lang niya mabuko na kaibigan ko ang crush niyang si Indigo.

-----
Moving Closer 23
(June 23, 2024)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro