Moving Closer 22
Nakatulala lang ako sa kaniya at hindi man lang magawang gumalaw sa sobrang pagkabigla ko sa sinabi niya. Kilala niya ako sa realidad. Paano? Saan? Kailan? Gayong never ako nagkuwento sa kaniya tungkol sa kung saan ako pumapasok na eskuwelahan at lalo na sa pangalan ko na ilang beses na niyang tinanong sa akin ngunit ni isang beses ay hindi ko sinagot.
Natatawa nitong hiniwalay sa tapat ng mukha ko ang mukha niya. Umayos ito ng upo sa tabi ko't dumekwatro. "Nagtataka ka siguro kung bakit kita kilala 'no? Of course, I'm an alpha kid. Don't worry, hindi ko ipagkakalat kahit kanino ang alam ko. Kahit na 'yong tungkol sa paghahanap mo sa akin sa reality at napagkamalan mo pa akong siya." Tukoy nito kay Indigo.
Hindi na lang ako kumibo sa sobrang pagkapahiya pero hindi ko pinahalata iyon. Pinanood ko na lang si Indigo sa pagtakbo habang patuloy naman sa paghabol ang mga babaeng naka-bra at panty na lang. Grabe naman ang mga ito.
"Mas guwapo naman ako kesa sa kaniya 'no," anito.
Nakangiwi akong tumingin sa kaniya. "Napakahangin talaga ng Moises na ito," aniko sa aking sarili.
"Kaya-- hindi ako payag na pagkamalan mong ako siya. Isang sulyap ko pa nga lang, eh, makahulog panty na. Ewan ko nga ba sa panty mo at hindi mahulog-hulog sa akin. Naka-belt siguro panty mo." Tatawa-tawa itong tumingin sa akin.
Pairap kong binawi ang tingin ko rito. "Baka ikaw, ikaw nakaisip, eh," bulong ko pero mukang nadinig niya iyon at mas natawa siya ng malakas.
Abnoy talaga.
Unti-unting naglaho ang tawa nito at napalitan iyon ng boses ni Jodie. Ginigising na niya ako.
"Alam mo---" Hindi ko na narinig pa ang iba pang sinabi ni Moises dahil tuluyan nang nagising ang diwa ko.
Napadilat ako. Pagmumukha ni Jodie ang bumungad sa akin.
"Trisha, uuwi muna ako sa amin. May emergency lang."
"Bakit?" tanong ko habang umuunat at nagkukusot ng mata. Bumangon ako para tignan ang ginagawa nitong paggayak. "Anong emergency?"
"Of course, sino pa ba ang cause of emergency and trouble? Si Kuya Yhawa, may inupakan na naman. Pupunta na muna pala ako sa presinto bago ko siya iuwi sa bahay namin. Sigurado akong damay na naman ako sa sermon nina Mommy at Daddy dahil sa kaniya. Tsk."
"Samahan na kita," aniko rito.
"Hindi na, Trisha. Kaya ko na mag-isa iyon. Ayoko madamay ka pa sa ginawang gulo ng kuya ko. Baka hindi na ko payagan mag-stay dito sa bahay niyo 'pag nalaman pa nila Tito na in-involved kita sa gulo."
"Wala naman silang pakialam sa akin. Paanong--"
"Anong wala ka diyan. Kinausap nga ako ng Daddy mo noong pagkauwi ko nung galing tayo sa boarding house ng kaibigan mo-- yung may sinapian. Pinagsabihan niya kaya ako no'n na huwag na sana mauulit iyon. Na huwag kita isasama sa lakad ko pag alanganing oras kahit na--- ikaw naman yung nagpasama sa akin nung araw na iyon 'di ba. Pero okay lang naman at binigyan niya ako ng extra allowance after ng sermon. Kaya bye na, see you na lang later sa school!"
"Okay, balitaan mo na lang ako," bilin ko pa rito bago ito tuluyang lumabas ng kuwarto ko.
Talaga ba? Totoo ba talaga iyong sinabi ni Jodie? Or imbento niya lang iyon?
----
"Hay naku, buti na lang talaga napakiusapan ko yung sinuntok niya na iurong na ang demanda. Mabuti na lang talaga nakuha sa kindat ko. At mabuti na lang talaga nagmana ako sa'yo ng kagandahan, Trisha." salaysay ni Jodie mula sa kabilang linya.
"Mabuti naman kung ganoon," tipid na sagot ko rito habang abala ako sa paghahalungkat sa bag ko. "Mukang naiwanan ko pa ang ID ko. Patay, paano ako makakapasok nito."
"Naiwanan mo ID mo?"
"Oo, hindi ko makita sa bag ko, eh."
"Hanapin mo muna mabuti tapos 'pag wala talaga i-message mo ako para mahanap ko sa kuwarto mo. Maaga pa naman, aabot tayo, hindi tayo male-late. Don't you worry."
"Sige."
Pinatay na nito ang tawag kaya isinilid ko na sa bag ko ang cellphone ko at nagpatuloy sa paghahalungkat ng bag ko. Pero natigilan ako sa pagbubuklat nang may naghagis mismo sa loob ng bag ng ID ko.
Nahagip agad ng peripheral vision ko ang pagdaan nito na agad ko rin naman sinundan ng tingin. Bawat madaanan nitong mga babae ay nakanganga, nagtitili at nagkikisay sa kilig, na akala mo bang ngayon lang nakakita ng guwapo sa tanang buhay nila. Mayroon namang tinapatan agad ito ng camera ng cellphone nila at ang mas nakaagaw pansin doon ay yung mga nalaglagan ng panty.
Hindi ko na siya nakita pa dahil mas kumapal ang tao. Kahit malayo na nga ito ay nakatapat pa rin ang mga camera nito doon at mayroon pang humahabol sa pagkuha dito.
"Finally, nakita ko rin ng malapitan si Sixto!" tili ng isang babaeng walang pakialam kahit pinagtatawanan na siya at kinukuhanan ng ibang nakikiusyoso dahil sa nahulog nitong panty.
Ibinalik ko na ulit ang tingin ko sa ID kong hinagis nito sa loob ng bag ko. Kinuha ko ang nakadikit ditong sticky note na may nakasulat na...
"Hindi ako tumatanggap ng thank you nang walang--
Clue: one word- walang bayad pero may sukli."
"One word, walang bayad pero may sukli? Dasal? Magte-thank you ako nang nagdadasal sa kaniya? Siraulo ba siya?"
----
"Uy, Trisha!" Ukyabit ni Jodie sa kanang braso ko nang maabutan niya akong palabas ng gate ng building namin. "Nakita ko ang beauty mo sa kumakalat na trending video sa buong St. Peregrine College. So, ano? Nakita mo ba yung guwapong si Sixto? Ano itsura niya, paki-describe naman."
"Hindi ko siya nakita. Busy kasi ako sa paghahanap ng ID ko, eh," aniko na lang dito. Gusto ko sana sabihin sa kaniyang si Sixto mismo ang nagsoli sa akin ng ID ko kaya napadaan ito sa harapan ng Tourism building pero huwag na lang at baka i-broadcast pa niya na ako ang rason kung bakit iyon nagpunta dito. At magkaroon pa ng issue na hindi naman totoo.
"Sayang naman hindi mo nakita si Sixto." Kumalas na ito sa pagkakaukyabit sa akin para pulutin kung ano man ang nahulog. "Curious kasi ako sa kung bakit mas madami siyang fan girl kesa sa aking Prince Indigo. Pero thankful ako doon, ha, kasi nabawasan ng kahit konti ang karibal ko. Iisang beses ko lang kasi nakita iyang si Sixto, nakatakip pa ng panyo habang nakatingin sa akin. Nakakainsulto nga at mukang nababahuan siya sa akin ng mga oras na iyon pero valid naman kung bakit siya gumanon. Mausok kasi doon sa ihawan na dinaanan niya, na dinaanan ko rin tapos nabudol nga ako. Remember yung uwi kong barbecue."
Tumango lang ako dito. "Mang Celso!" tawag ko sa family driver na magtatangka pang ipasok sa loob ng tourism building ang minamaneho nitong sasakyan.
Huminto agad ito sa tapat namin ni Jodie.
"Hello, Mang Celso. Ang pogi mo sa polo mo ngayon," puri ni Jodie dito na nanguna na sa pagsakay.
Sumunod na lang ako dito at isinarado ang pintuan ng sasakyan.
"Aba, salamat naman, Ma'am Jodie," humahagikgik na sambit ni Mang Celso.
"Oo nga pala, Trisha. Nahulog mo.." Pakita nito sa sticky note-- iyon yung dinikit ni Sixto sa ID ko. Kinuha ko naman agad ito sa kaniya.
Nilamukot ko ito at ipinamulsa. "Wala ito, may nagbigay lang."
"Kung sino man ang nagbigay niyan sa'yo. Ang sabi niya, mag-thank you ka raw with a smile." At saka ito hinawakan ang magkabilang guhit ng labi niya habang nakaharap sa akin. "Smile, Trisha. Smile."
"Para kang ewan d'yan, Jodie." Hinawi ko ang pagmumukha nito palayo sa akin. Tinalikuran ko siya, humarap ako sa labas ng bintana para itago rito ang pagngiti ko.
----
Moving Closer 22
(June 17, 2024)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro