Moving Closer 21
Nang nakapagpahinga na ako ng husto at wala ng mga taong umaakyat. Tumayo na ko sa kinauupuan kong bench at pumasok sa elevator.
Pinindot ko na ang close button pero may nag-open ulit nito at nagmamadaling pumasok na tatlong lalaki. Hindi ako komportable na kasama sila sa loob kaya naman humakbang ulit ako palabas pero biglang may humawak sa pulsuhan ko.
Malamig ko itong sinulyapan, at isang ngiti na mahahalintulad sa aso ang iginawad nito sa akin. Kung marupok na mga fan girls ang nasa sitwasyon ko malamang kinilig na ang mga iyon sa inasta nitong si Indigo. Tsk!
Tinaasan ko ito ng kilay at inilipat sandali sa mga kasama nito ang tingin ko. Nakita ko roon ang nagligtas sa akin kanina na Sixto at ang tumawag dito na Sixto. At saka ginawaran ko si Indigo ng baka-makahalata-silang-magkakilala-tayo-look.
"Eh, ano naman?" nakangisi nitong sagot, sabay hila ulit sa akin papasok ng elevator.
"Napaka-mo talaga--" pabulong na singhal ko dito.
Tuluyan ng nagsara ang elevator.
"Sixto, yung chics--"
"Shut up, Mercury," dinig kong pabulong na saway dito ni Sixto. Pasimple ko itong sinulyapan. Nakayuko ito at abala sa pagce-cellphone. May pagka-Moises vibes talaga siya pagdating sa physical appearance kahit na mata pa lang ang nasisilayan ko sa kaniya pero imposibleng sya iyon dahil muka siyang bad boy na silent type of guy. Si Moises kasi abnoy.
"So, totoo nga na nandito ang school beauty kong kaibigan. Ako ba pinunta mo dito? Or may hinahanap kang mas guwapo sa akin from your lucid dreams? Hahaha! Ay! Joke lang. Kahit nadulas. Hehe. Ano nga ang pinunta mo dito?"
"Confidential. Hindi puwedeng sabihin kahit na sa kaibigan."
"Confidential Fund ba iyan?" pamimilosopo nito.
"Sira! Tsk!"
Bumukas na ang elevator. Nanguna na ako sa paglabas at dire-diretsong humakbang. Sinabayan ako ni Indigo sa paglalakad at alam kong kasunod namin ang mga kaibigan niyang sina Sixto at Mercury? Basta ganoon ang dinig kong pangalan nila.
"Magla-lunch kami sa labas sama ka?"
"Hindi na, may pupuntahan pa ako."
"Saan naman?"
Huminto ako sa paglakad at hinarap siya. "Chat or video call na lang tayo mag-usap puwede? Bye."
Kahit masakit na ang mga paa ko mas binilisan ko pa ang paglalakad. Mabuti na lang talaga hindi na sya sumunod.
"Okay, see you on Dreamland!" sigaw pa ni Indigo.
Nahinto ako sa paglalakad at nandudumilat na nilingon ito. Tatawa-tawa itong nakatalikod na kasama ng kaibigan niyang si Mercury. Pero si Sixto ay nanatili pa ring nakatayo sa kinatatayuan niya habang nakatingin sa gawi ko, at pagkatapos ay sumunod na rin ito kila Indigo.
P-paano niya nalaman ang tungkol sa Dreamland? Hindi kaya si Indigo si-- Moises?
----
Prince Indigo Buendia sagutin mo ang tawag ko. Please enlighten me now, hindi ako makatulog dahil sa sinabi mo kanina. Tsk!
Inis kong pinatay ang tawag ko rito nang hindi nito iyon sinagot. Tumungo naman ako sa Facebook para i-search ang pangalan nitong si Indigo pero naka-deactivate pa rin ang Facebook account niya.
"Nakakainis! Tsk!" Iritable akong bumangon
"Trisha, matulog ka na, huwag ka na maingay at malikot," iritableng sambit ni Jodie.
"Pasensya na, hindi kasi ako makatulog, eh," hingi ko ng despensa. Wala na akong narinig na anumang reklamo mula kay Jodie dahil nakatulog na ulit siya.
Bumaba na lang ako sa kama ko at maingat na humakbang palabas ng kuwarto ko. Hindi pa man din ako nakakahakbang pababa ng hagdan nang marinig ko ang boses ni Daddy.
"Umalis ka na bago pa magdilim ang paningin ko at makalimutan kong anak kita."
Napabuntong-hininga na lang ako sa narinig ko na iyon. Bigla akong nainggit sa kung sino mang anak niya sa labas ang kausap niya. Atleast siya kinakausap ni Daddy kahit na masama ang lumalabas na mga salita sa bibig niya pero ako ni minsan, hindi niya kinausap at tinignan man lang.
"Wala-ka-talagang-kuwenta," madiin na sabi ng kausap ni Daddy. Kasunod no'n ay nakarinig ako ng mabigat na mga yabag at padabog na pagsarado ng pinto.
Dahan-dahan akong humakbang pababa ng hagdan at sinilip ang kinaroroonan ni Daddy. Nakaupo siya sa sofa at tahimik na umiiyak. Kapagkuwan ay tumayo ito sa kinauupuan niya at saka naglakad patungo sa tapat ng isang canvass portrait painting.
Nakapinta doon ang isang unfamiliar na babae, kalong at yakap nito sa kaniyang kaliwang bahagi ang batang babae at ang nasa kanan naman ito ay ang isang batang lalaki.
Marahan na hinawakan at hinaplos ni Daddy ang babae sa painting. "Ang lalaki na ng mga anak mo. Manang-mana sila sa katigasan ng ulo mo. Kung nandito ka lang sana---hindi-- sana bumalik ka na, nang makabawi ako sa lahat ng pagkakamali ko. Gusto kong mabuo ulit ang pamilya natin na sinira ko. Please, bumalik ka na. Sobra na akong nagsisisi sa lahat ng ginawa ko sa'yo, sa inyo ng mga anak natin."
Automatikong nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko nang marinig ko ang mga salitang iyon mula sa kaniya. Napakasuwerte naman ng mga anak niya sa babaeng nasa painting.
Tahimik akong humakbang pabalik sa kuwarto ko. Nahiga ulit ako sa tabi ni Jodie at dito ipinagpatuloy ang pag-iyak ko hanggang sa makatulugan ko na.
Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakaupo sa damuhan at ang mga nakapaligid sa akin ay mga batang blurred ang mukha na masayang-masaya na naglalaro kasama ang mga magulang nila. Sa madaling salita, napapalibutan ako ng masaya at kumpletong pamilya.
Mula sa pagkakasalampak sa damuhan ay tumayo ako at lumipad palayo sa mga ito hanggang sa mapadpad ako sa napakagandang hardin na puro zinnia flowers ang nakatanim.
"Tara rito!" Nilingon ko ang nagsalita. Pamilyar na pigura ng isang lalaki na kumakaway sa kasama nitong nakatalikod na babae.
"I-indigo!" nandudumilat na bulalas ko. "Hindi niya ko puwede makita dito!" Nilibot ko ng tingin ang buong paligid para maghanap ng pagtataguan. Nakakita naman ako sa hindi kalayuan na puno ng akasya na may tree house sa itaas. Lumipad ako papunta rito at dito pumuwesto ng upo.
Napahawak ako sa dibdib ko. "Muntik na akong makita doon. Buti na lang nakatalikod pa rin sila ng kasama niyang babae sa panaginip."
"Ang boring," ani Moises na biglang sumulpot sa tabi ko. Nakapalumbaba ito habang nakatingin sa blurred na pagmumukha ni Indigo. "Ang boring ng panaginip ng lalaking ito. Wala man lang ka-thrill thrill."
"H-ha?" Tinignan ko si Indigo at ang katabi kong si Moises. "Eh..." Tinignan ko ulit si Indigo at si Moises na kasalukuyang nakatingin na sa akin. "Akala ko-- bakit?" Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila.
Unti-unting napangiti si Moises. "Bakit? Ano akala mo na ako siya?"
"Ha?" nandudumilat kong bulalas.
"Ah! Okay!" Natatawa itong umayos ng upo. "Hinahanap mo pala ako sa reality. Hindi ka naman agad nagsabi sa akin. E'di sana--" Hinampas ko ito sa kaliwang braso. "Aray! Oh, bakit ka nanakit diyan? Haha!"
"Assumero! Tsk! Bakit naman kita hahanapin sa reality? Ano ka gold?" Irap ko rito.
"Aray ko, ha, ang sakit no'n? Bakit ano tingin mo sa akin? Tanso?" natatawa nitong tanong.
Hindi na ako kumibo at tinignan ko na lang si Indigo na kasalukuyang hinahabol ng napakadaming mga babae.
"Alam mo mas maganda ka sa reality," ani Moises.
Kunot-noo kong ibinaling ang tingin ko sa kaniya. Mas nilapit pa nito ang mukha sa akin hanggang sa two inch na lang pagitan ng mukha namin. Hindi naman ako natinag sa position namin pero ang puso ko parang hinahabol ng madaming maingay na Moises sa sobrang bilis ng tibok nito.
"Sabagay, tatawagin ka ba nilang School Beauty of St. Peregrine College kung hindi maganda ang isang Trisha Myliejoy Zamora."
Animong huminto ang pagtibok ng puso ko at ang pag-ikot ng mundo ko dahil sa sinabi nito.
-----
Moving Closer 21
(June 13, 2024)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro